Prologo
Bundok, Ang Kabisera ng Namumunong Siyudad ng Phelia.
Dalawampung taon na ang nakalipas
Malaki ang kwarto. Karamihan ay pader maliban sa malaking bintana. Isang buong pader na puro salamin na nakaharap sa isang lambak sa ibaba at isang lawa na kumikinang na asul sa hapon.
Asul na lawa ang tawag nila dito. Isang lawa na nabuo dahil sa lava na nakayanan ang maraming taon ng pag-ulan at pagbaha, kahit na natunaw ang yelo at bumaba mula sa puting bundok sa kalagitnaan ng Crinia. Dumadaan sa Lemala bago bumaba sa Kabisera ng Phelia, ang namumunong siyudad sa mundong ito.
Ang Dakilang Kanal ang tawag nila dito. Ang lagusan. Ang lagusan ng napakalinaw na asul na lawa na gawa sa lava na hinukay ng kamay ng mga tao upang mapagaan ang lawa at, dahil dito, ang lambak mula sa mga nagaganap na pagbaha. Ito ang daanan ng tubig na nag-uugnay sa mga nasa kabisera sa dagat ng Harua, sa Halelia at sa mga iba pang siyudad.
Ang bundok na ito, ang bato kung saan hinugot ang kwarto, ang upuan ng kapangyarihan ng mundo.
Ngayon, may mga bangka na nakikita. Bapor, pero hindi singaw ang nagpapatakbo sa mga ito. Kung ganun, ibig sabihin gagamit ng kahoy at walang awa na pagpuputol sa mga puno na nagpupursige na mapanatili ang balanse sa mundo. Ibig sabihin nito ay pagkasira. Isang dahan-dahang kamatayan sa mundong ito katulad ng dati nilang tinitirhan, pero natuto na sila. Mas edukado na sila ngayon at mas handa na para labanan ang lumalaking kadiliman na minsang sumakop sa kanila, o iyon ang inaasahan niya ngayon.
Ang pagkatuklas sa ikaapat na dimensyon ang naging kaligtasan nila. Nung naliligaw sila sa kadiliman, mga taong nawala at walang pag-asa o ganoon ang iminumungkahi ng Kaalaman na natutunan niya sa paglipas ng mga taon, sa wakas ay nakita nila ang liwanag. Sila ay ang kanilang mga mga ninuno. Ang mga sinauna ng Phelia na nakahanap sa lugar na ito at kasama nito ang mas magandang paraan ng pamumuhay na may ganung kapangyarihan at pag-asa para sa mga dating walang pag-asa.
Ang kawalan ng pag-asa ang bagay na sana ay hindi na maulit.
Ngayon, ibinalik ang kanyang isip sa kwarto, ang galit na si Birit ay tumingin sa ibaba. Sa mismong kwartong ito nangyari iyon. Labing-isang taon na ang nakalipas natanggap niya ang kanyang alaga. Isang napakagandang batang lalaki na may nakakasilaw na asul na mga mata at buhok na kulot na kapareho. Ang kanyang balat, ang kanyang kutis, ang nagpapakilala sa kanya. Gayunpaman, ginawa niya itong isa sa mga taong kanyang pagsisilbihan.
Sa huling isiping iyon, si Birit ay bumuntong-hininga ng malalim at pagod at bumalik sa daan na kanyang pinanggalingan. Pero sa pagkakataong ito, hindi siya bumalik sa kanyang silid. Sa halip, lumiko siya sa kanan at pumasok sa silid-aralan ng batang prinsipe. Bukas ang panel. Kaya naman hindi na kailangan pang i-activate. Gayunpaman, alam niya na hindi pabaya ang kanyang alaga. Laging may panangga. Isang harang na nagtataboy sa lahat maliban sa mga inaprubahan niya.
Nang huminto siya sa harap ng royal na mesa, ang matandang lalaki ay bumuntong-hininga. Isang bagay na madalas nangyari sa kanya kamakailan, mula nang magpasya ang Pagtitipon sa bagay na iyon at iniwan siya na may mabigat na responsibilidad na ihanda ang kanyang alaga para sa seremonya. Para bang hindi pa siya dumadaan sa impyerno, umiling ang matandang lalaki at ang kanyang puting buhok. Ngunit, alam niya na walang paraan para maiwasan ito. Wala silang pagpipilian. Ito ay alinman sa lahat sila ay pupunta sa kung saan nagsimula ang lahat. Sinumpa ng mismong mundo na nagligtas sa kanila.