Takot na takot ako palagi.
Hindi ko na kaya 'to. Takot na rin ako sa sarili kong anino.
May narinig akong ingay sa baba at alam kong nakauwi na si Allan. Baka hinahanap niya 'yung mga kabinet para sa kanyang alak. Mas bayolente siya kapag lasing siya.
Narinig ko na naman kumulo ang tiyan ko. Gutom na gutom na ako, pero hindi ako pwedeng bumaba, kasi makikita niya ako at makakahanap siya ng dahilan para saktan ako.
Hindi ko talaga alam kung bakit siya pinakasalan ni Nanay. Anong nakita niya sa kanya? Hindi ko alam kung bakit ko pa tinatanong 'yun, kasi alam ko na ang sagot. Mayaman siya at kailangan ni Nanay ng pera.
Namatay si Tatay noong sampu ako at nagsimula kaming magkaproblema sa pera. Kailangang gumawa ng paraan si Nanay para mabuhay kami, kaya isang taon pagkatapos, pinakasalan niya si Allan. Hindi niya siya mahal at alam kong hindi rin siya mahal nito.
Iniisp ko si Nanay, hinawakan ko 'yung locket na suot ko sa leeg. Binigay niya sa akin 'yun noong dose anyos ako. Noong malusog pa siya. Pagkalipas ng dalawang taon, nagkasakit siya ng kanser sa baga. Wala man lang pakialam si Allan. Hindi man lang siya nag-effort na alagaan siya at bayaran ang kanyang mga gamot. Namatay siya isang taon pagkatapos noong kinse anyos ako.
Binuksan ko ang locket at tiningnan ko ang litrato sa loob. Litrato naming dalawa ni Nanay. Pareho kaming nakangiti sa camera. Masaya talaga ako noong araw na 'yun. Bumuntong hininga ako. Miss na miss kita, Nanay. Alam kong hindi mo hahayaan na mangyari 'to.
Sinara ko ang locket at naghilata sa kama. Nagpapasalamat ako na bukas na ang unang araw ng senior year, kaya hindi na ako kailangang lagi sa bahay kasama siya.
Malinaw pa sa akin ang unang beses na sinaktan niya ako. Anim na buwan pagkatapos mamatay ni Nanay.
** Flashback **
Kakatapos ko lang mag-homework at bumaba ako para gumawa ng sandwich.
Pagsapit ko sa kusina, si Allan, ang aking padrasto, nakasandal sa counter, hawak ang isang bote ng whiskey sa kanyang kanang kamay. Hindi ako nagsalita dahil ganito siya madalas. Hindi na rin niya ako kinakausap.
Pumunta ako sa ref para kunin ang keso, kamatis at mayonesa.
"Kayla," narinig kong tawag ni Allan. Sinara ko ang ref at humarap ako sa kanya. Hinintay ko siyang magsalita. "Hindi mo ba ako narinig na tumatawag sa'yo?" Tanong niya.
"Hindi. Nasa kwarto ako nag-homework," sagot ko.
"Kapag tinawag kita sa susunod, gusto kong sumagot ka," sabi niya, lumalapit sa akin. Napangiwi ako sa baho ng alak sa kanyang hininga.
"Sige, pero hindi talaga kita narinig," sabi ko, naguguluhan sa kanyang ugali. Nangyari ito ng napakabilis at nagulat ako, pero ang sumunod na alam ko ay hawak ko ang aking pisngi. Sinaktan niya ako at masakit na sobrang sakit.
"Naririnig mo ba ako?!" Uungal niya.
Nagulat ako sa kanya. Grabe, lasing na lasing na talaga siya. Hindi ko aakalain na sasaktan niya ako. Hindi pa niya nagawa noon. "Opo," mahinang sabi ko.
"Mabuti. Ngayon, naubusan na ako ng whiskey. Gusto kong pumunta ka sa tindahan at kunan mo ako," sabi niya, ibinagsak ang walang laman na bote sa counter.
** End Of Flashback **
Dalawang taon na ang nakalipas mula noong nangyari 'yun. Dalawang taon na mula nang hindi na naging pareho ang buhay ko. Dalawang taon na mula nang naging normal ang buhay ko. Akala ko sinaktan niya ako dahil lasing siya at 'yun na ang huli.
Hindi ako maaaring mas nagkamali pa.
Patuloy niya akong sinasaktan para sa bawat isang bagay at pagkatapos lumala pa. Naging halimaw siya. Hindi ko na talaga kaya. Hindi na ako makapaghintay hanggang labing-walo na ako para makaalis na ako dito.
Ang pananakit niya sa akin noong araw na 'yun ang una, pero hindi ang huli. Simula pa lang 'yun.
Bumangon ako ng maaga kinabukasan at mabilis na naghanda para sa eskwelahan. Gaya ng dati, naglagay ako ng maraming foundation at concealer para itago ang mga pasa. Kinuha ko ang aking bag at ang susi ng bahay at bumaba ako.
Ang aking padrasto ay nakahiga sa sofa, isang walang laman na bote ng beer na nakabitin sa kanyang kamay. Mahimbing siyang natutulog at malakas na humihilik. Dahan-dahan akong dumaan sa sala at tumungo sa pintuan. Gutom na gutom na ako, pero ayaw kong isugal na gisingin siya kung magluluto ako ng almusal. Binuksan ko nang mabilis ang pinto at tumakbo pababa sa mga hagdan ng beranda at sinimulan ko ang aking paglalakbay papuntang eskwelahan.
Mula nang maaga akong naghanda, nakarating ako sa eskwelahan na may maraming oras pa. Lumakad ako sa parking lot kung saan maraming estudyante ang nagtitipon at pumasok sa gusali ng eskwelahan. Pagkatapos ay tumungo ako sa pasilyo papunta sa aking locker.
"Kayla!" Narinig kong sinisigaw ang pangalan ko. Alam ko kaagad kung sino 'yun. Lumingon ako na may malapad na ngiti sa aking mukha.
"Jazzy!" Binati ko ang isa sa aking matatalik na kaibigan; Jasmine Thomas. Sa wakas ay naabot niya ako at niyakap niya ako.
"Girl, na-miss kita sobra!" Sigaw niya, mahigpit akong niyakap.
"Na-miss din kita," sagot ko, pagkatapos ay lumayo. "Kamusta ang Thailand?" tanong ko.
"Masaya. Hindi ako makapaniwala na tapos na ang tag-init," sabi niya.
"Oo nga, ako rin," bumuntong hininga ako.
"Hoy, nakita mo na ba sina Kevin o Lucas?" tanong niya.
"Hindi," sagot ko. Si Kevin Harris at Lucas Martin ang iba ko pang matatalik na kaibigan. Palagi kaming apat mula noong middle school.
"Hoy, hoy, hoy. Tingnan mo kung sino ang nandito," narinig ko ang pamilyar na boses sa likod ko. Lumingon kami ni Jasmine para makita si Kevin na naglalakad papalapit sa amin.
"Kapag binanggit mo ang demonyo ay lilitaw," tukso ni Jasmine, nakangiti nang malapad.