“Binigay ko na lahat ng hinihingi mo! Binigay ko sa 'yo lahat ng kayamanan ko, 'yung prestihiyo na pinapangarap mo, pagmamahal ko, at buong buhay ko! Binigay ko lahat sa 'yo! Paano mo nagawa sa akin 'to?!” sigaw ni Rhianne Cartel sa lalaking nakatayo sa harap niya na desperado. “A-ako… Isinakripisyo ko pa 'yung relasyon ko sa pamilya ko para lang maging daan para magtagumpay ka! Andrew, wala kang puso!”
Si Andrew, 'yung lalaki na naka-itim na suit na nakatayo sa harap ng babaeng umiiyak, ay nakatingin sa kanya na may malamig na tingin sa mga mata niya. Tinitingnan niya si Rhianne na para bang nakakita siya ng nakakadiring peste na nakadikit sa paningin niya.
Ang babaeng 'to ay dating kagandahan na gusto ng bawat lalaki na makasama. 'Yung mahaba at makintab niyang buhok ay maiksi na lang ngayon at mukhang grupo ng magaspang na balahibo ng baboy ramo. 'Yung maputi niyang balat na parang jade ay puno na ng pangit na mga peklat at pasa. 'Yung kulay caramel niyang mga mata na kayang pukawin ang puso ng bawat lalaki ay naging parang mga bulok na isda sa basurahan.
Si Rhianne ay nakaramdam ng pait, pagtataksil, pagkawala, at sakit. Gusto lang niyang mahalin ng lalaking 'to. Minabuti ni Rhianne na magkaroon ng masaya at mapayapang buhay kasama 'yung lalaki na nagmamahal sa kanya gaya ng pagmamahal niya rito. Inisip niya na nakita na niya sa wakas 'yung lalaki ng kanyang mga pangarap kay Andrew. Pinakita niya sa kanya ang awa at pag-ibig na nakaganyak sa kanyang mga damdamin. Pero sino ang mag-aakala na isa lang palang ilusyon na ginawa para mahulog siya sa malalim na pagkasindak?
Ginagamit lang siya ni Andrew para makuha lahat ng gusto niya. Pera, kasikatan, at prestihiyo. Nakamit ni Andrew lahat ng mga bagay na gusto niya. At lahat ng 'yon ay dahil sa isang hangal na manika na nakuha niya na ang pangalan ay Rhianne Cartel.
“Kadiri ka.” sabi ni Andrew habang sinisipa 'yung babae palayo sa kanya. “Ang presensya mo ay nagpapasakit lang sa akin.”
Umiyak si Rhianne sa sakit, pero hindi niya ito pinansin habang sinusubukan niyang tumayo ulit at titigan si Andrew. Talagang pinagsisisihan niya lahat. Kung hindi siya nahulog sa mga kasinungalingan niya, siguro si Rhianne ay masaya pa rin na nabubuhay hanggang ngayon. Kung hindi lang niya pinilit ang kanyang pamilya na tanggapin si Andrew, siguro buhay pa rin ang kanyang mga magulang at ang kanyang kapatid ay hindi makukulong. Kung hindi lang niya basta sinunod 'tong lalaki na 'to, siguro siya ay nabubuhay na ngayon nang puno ng kapayapaan at kaligayahan katulad ng kanyang pinangarap na magkaroon.
Kung hindi lang niya minahal 'tong halimaw...
Kung kaya lang niyang bumalik sa nakaraan, hindi na siya pipiliin ulit ni Rhianne. Kinamumuhian niya ang buong pagkatao niya. Sinira niya siya. Sinira niya ang kanyang buhay!
Inilagay niya ang kanyang buto't balat na kamay sa loob ng kanyang bulsa para kunin 'yung kutsilyong dala niya ngayon. Dapat mamatay si Andrew! Tumakbo siya papunta kay Andrew ng mabilis na may ideya na patayin 'tong halimaw sa kanyang isipan. Pero ang realidad ay talagang nakakadismaya sa kanya.
Hinawakan ni Andrew 'yung libreng kamay ni Rhianne at iniikot ito sa kanyang likod. Bago pa man makareak si Rhianne, naramdaman niya ang isang bagay na tumusok sa kanyang tiyan. Ibinaba niya ang kanyang mga mata para lang makita si Andrew na hawak ang kanyang kamay na may hawak na kutsilyo. Nagbigay siya ng maraming lakas mula sa kanyang kamay para mas tusukin pa 'yung kutsilyo sa kanyang tiyan bago niya binitawan.
Natumba si Rhianne sa kanyang hakbang bago bumagsak sa sahig ng may kalabog. Ang kanyang mainit na dugo ay patuloy na dumadaloy mula sa kanyang bukas na sugat. Ang kanyang paghinga ay nagiging mahirap sa bawat segundo na lumipas. Lumuhod si Andrew sa kanyang isang tuhod sa harap niya para lang magbigay ng mapanuyang ngiti.
“Sasabihin ko sa 'yo ang isang bagay. May isa pang bagay na napakinabangan ko noong nakilala kita.” sabi ni Andrew.
Hindi siya naghintay ng sagot ni Rhianne at nagpatuloy sa pagsasalita.
“'Yun ay noong ipinakilala mo sa akin si Donna. Siya 'yung gusto ko talaga, hindi 'yung hangal at mangmang na babae na tulad mo.”
‘Pagkatapos ng lahat ng mga bagay na ibinigay ko sa 'yo? Pipiliin mo pa rin ang ibang babae?!’
Ang hangal. Pinili ni Rhianne 'tong halimaw kaysa sa kanyang mga mahal sa buhay. Bakit siya naging bulag sa nakaraan? Bakit?!
Pagkatapos tumayo si Andrew at tinanggal ang alikabok sa kanyang itim na suit. Lumakad siya papunta sa pintuan at isinara ito nang hindi nililingon ang kanyang ulo para tingnan ang kanyang namamatay na pigura.
Si Rhianne ay naiwan sa loob ng silid mag-isa. Alam ni Rhianne na malapit na siya sa pintuan ng kamatayan. Nawala na niya ang lahat. Walang sinuman ang nakatayo ngayon sa kanyang tabi. Ito na siguro ang parusa dahil sa pagiging hangal na babae.
‘Ito na ang katapusan ng buhay ko. Pagkatapos ng aking mahabang pag-iral, tanging poot, pagkasindak, at pait lang ang natamo ko sa buhay na 'to.’ Ito 'yung naisip ni Rhianne bago tuluyang mawala ang kanyang kamalayan. ‘Pinagsisisihan ko. Lahat. Kung sana… ako… ako…’
Bago niya matapos ang kanyang mga iniisip, tuluyang ipinikit ni Rhianne ang kanyang mga mata na may luha.