Pasok na naman sa eskwelahan. Paano pa ba hindi? Lunes ngayon at nagising si Alison sa tunog ng kanyang Christmas Alarm. Binili 'yon ng tatay niya para sa kanya noong sampung taong gulang siya at ngayon, disisiyete na siya, mag-e-edad ng disiotso sa Bisperas ng Pasko. Di ba ang ganda? Tuwing buwan ng Disyembre, laging itinatabi ni Alison ang alarm na binigay sa kanya ng kanyang ama. Sobrang lakas nito pero ano pa nga bang magagawa niya. Binigay 'yon nang may pagmamahal at saka, hindi siya pwedeng magsinungaling na nakakatulong itong pumasok siya sa eskwelahan sa tamang oras. Magulo ang buhok niya dahil nagulat siya sa alarm, gaya ng dati. Nag-uumikot siyang bumaba mula sa kama at naghikab bago nag-inat.
Lunggay-lunggay na naglakad si Alison papuntang banyo at lumabas makalipas ang ilang minuto na nakasuot ng blue jeans at orange na malaking t-shirt. Naka-sapatos din siya at habang magsusuklay na sana siya, hindi niya mahanap ang alinman sa kanyang mga suklay.
"Urgghh". Sabi ni Alison nang may pagka-frustrate.
"Taylor, g*** ka!" Sabi ni Alison habang sinumpa sa isip ang kanyang nakababatang kapatid. Binuksan niya ang pinto niya at nagmadaling pumunta sa kanyang kwarto pero nakakandado ito at patay ang ilaw. Hindi talaga ito ang oras para magbiro sa kanya. Nagbibiruan ang magkapatid pero Lunes na nga ngayon! Bakit pa niya gagawin 'to sa kanya? Dahil sa frustration, pumunta si Alison sa kusina para makita ang kanyang nanay na may hawak na maliit na suklay.
"Hala, pwede na 'yan." Kinuha ni Alison ang suklay para ayusin ang kanyang buhok pero pagkasuklay niya, napagtanto niyang hindi ito gumagalaw. Ito ang dahilan kung bakit siya gumagamit ng malalaking suklay. Hindi siya matutulungan ng maliit na suklay na ito.
Frustrated si Alison. Ayaw niyang ma-late sa eskwelahan kaya ginamit niya ang kanyang mga kamay para ayusin ang buhok niya at itinali ito sa isang bun bago hinalikan ang kanyang nanay bilang pamamaalam. Nasa nanay na niya ang kanyang bag na pinaglagyan ng agahan niya. Nagmadaling pumunta si Alison sa sakayan ng bus para maghintay. Ayaw talaga niyang ma-late. Kung sana lang may super powers siya, kaya niyang lumipad papuntang eskwelahan.
"Ano 'to? Alison Banks, naghihintay ng sasakay. Kawawa ka naman." Isang kotse ang pumarada sa harap niya habang sinabi ng isang babaeng nakaupo sa loob. Mukha siyang istaylish at ang kanyang blonde na buhok ay lumilipad nang maganda sa kanyang balat. Ito ang pinakamasayang araw para makita si Alison na ganito ang itsura.
"Umalis ka!" Sigaw ni Alison nang may drama at napatingin ang lahat sa kotse at sa taong nasa loob nito. Napabuntonghininga ang babae nang may galit at umalis, kahihiyang naramdaman dahil sa pagtawag sa kanya ng bunganga.
Sa wakas, dumating na ang bus at pumasok si Alison dito at nakarating sa eskwelahan. History class ang una niyang klase kaya dumalo siya sa klase. Hindi siya magsisinungaling. Sobrang boring lang at buong klase, nakatingin siya sa labas ng bintana. Tumunog ang bell at gaya ng dati, dinala ni Alison ang kanyang bag at pumunta sa kantina. Hindi na siya makapaghintay na kumain ng masarap na pagkain ng kanyang nanay hanggang sa dumating ang demonyo.
"Alison Bank!!!" Binanggit niya ang kanyang pangalan nang may kapaitan habang naglalakad palapit sa kanya na parang diyos.
"Hindi na naman." Ano na naman ang gusto niya. Sabi ni Alison sa sarili, hindi kayang balewalain ang gwapong demonyong ito na natutuwa sa pagpapahirap sa kanya. Siguro kailangan niyang simulan ang kanyang mga biro sa kanya.
'Yan lang ang dahilan kung bakit nagkagalit sila. Akala ni Dyaln isa siyang diyos pero hindi gano'n ang tingin ni Alison. Mula noong bata pa sila, ang ginagawa lang nila ay mag-away.