"Please, 'wag mong gawin 'to..." 'Yung babae sa kama, nag-curls at nagmamakaawa ng awa.
"Iiwan kita at manonood lang sa'yo at sa lalaking 'yan na nagpapakasaya? Hindi pwede!" Hinatak ng lalaki 'yung pajama niya.
"Hindi ko ginawa!" Lumaban si Sophia.
"Hindi mo ginawa?! Pa'no 'yung mga litratong 'to?" Itinulak ni Adrian si Sophia sa kama.
Hinawakan ni Sophia ng mahigpit 'yung kumot gamit 'yung mga kamay niya, tinitiis 'yung sakit at naghihingalo.
"Hindi mo 'to pwedeng gawin sa 'kin! Buntis ako!"
"Yeah! Sa ibang lalaki 'yung baby!" Hindi tumigil si Adrian, pero gumalaw siya nang mas mabilis.
"Sa'yo..." Naramdaman ni Sophia 'yung matinding sakit. Hindi niya inasahan na hindi siya paniniwalaan ni Adrian!
Noong una, pinakasalan niya ito nang walang pag-aalinlangan. Kaya niyang tiisin lahat ng mga pagmamalabis na ginawa niya sa kanya at lahat ng mga pagdududa niya tungkol sa kanya. Sa isyu lang ng mga anak, hinding-hindi siya makikipagkompromiso. Hindi niya kayang hayaan na ganituhin siya at 'yung anak niya ng lalaking 'to.
"'Wag kang magbubuntis lang ng bastardo tapos sasabihin mong anak ko!" Hinawakan ni Adrian 'yung buhok ni Sophia at pinilit na iangat 'yung ulo niya. Biglang tumulo 'yung luha niya dahil sa sakit.
"Naaapi ka?" Gumalaw nang palakad-lakad si Adrian. Pinigilan ni Sophia 'yung nararamdaman niya at hinayaan na tumulo 'yung luha niya nang walang sinasabi.
"Nakikipagrelasyon ka sa ibang lalaki sa likod ko! 'Di bale na. Hindi mo na makikita 'yung lalaking 'yun." Malamig ang mga mata ni Adrian, at parang sa ganitong paraan lang niya mababawasan 'yung galit niya.
"Sobra ka na!" Galit na galit si Sophia sa kayabangan ni Adrian.
'Yung mga litrato, peke na peke. Bakit ba ayaw siyang paniwalaan?
Kinagat ni Sophia 'yung labi niya at humagulgol.
"Gusto ko ng diborsyo!" Nagmamakaawa si Sophia na walang emosyon.
Huminto si Adrian. "'Wag kang mag-iisip na maglaro ng anumang panlilinlang. Akala mo ba sapat na 'yung pag-alis?"
Malamig at nakakasira ng puso ang mga salita ni Adrian. Si Sophia, na may luha sa mga mata niya, ay pinrotektahan 'yung sanggol sa tiyan niya.
"Kung ganun, ano'ng gusto mo? 'Di ba gusto mo laging mag-divorce? Ngayon na pumayag ako, dapat masaya ka, 'di ba?"
Malamang na diborsyo lang 'yung paraan para palayain siya. Nagsumikap siya na panatilihin 'yung kasal na 'to, pero lalo lang siyang naghirap.
"Gusto mo lang itago 'yung bastardo na 'yan, pero hindi kita palalayain!" Sinipa ni Adrian si Sophia sa tiyan.
Biglang tumunog 'yung telepono. Umupo si Sophia sa sahig na tinatakpan 'yung tiyan niya, nakikinig sa pagtunog ng telepono na may pagkasuklam.
"Ano? Kulang sa dugo...? Pupunta ako agad," tumingin si Adrian kay Sophia.
Bigla, may masamang pakiramdam si Sophia.
"Sumama ka sa ospital!" Hinatak ni Adrian si Sophia. Gusto Lalaki niya o hindi, sinuot niya 'yung damit niya at pumunta sa pintuan.
Hinawakan ni Sophia nang mahigpit 'yung handrail ng hagdanan at sumigaw, "Hindi ako sasama! Hindi ako sasama!"
Umiyak si Sophia, pero wala rin.
"Hindi ikaw ang masusunod!" Hinawakan ni Adrian 'yung mga kamay ni Sophia at hinila siya palabas.
"Ayoko pumunta sa ospital!"
"'Yun 'yung kapatid mo! Nagkaroon siya ng sakit na 'to para iligtas ka. Tapos ngayon, ayaw mong magbigay ng kaunting dugo?"
"Hindi naman totoo 'yan! Hindi niya ako niligtas! Naloko kayong lahat!"