Ang ulo niya, ang sakit-sakit! Gusto na niyang sumigaw nang malakas pero napansin niyang walang lumalabas na boses. Anong nangyayari sa kanya?
Tiningnan niya ang sarili niya at nagulat siya. Ano ba talagang nangyari sa kanya? Hindi ba dapat patay na siya ngayon? Tumingin si M sa sarili niya at hindi niya mapigilang matawa nang malakas nang marealize niyang buhay pa siya. This time, naririnig niya ang paos niyang boses at mas okay na 'yon kesa patay, 'di ba?
Inangat ni M ang sarili niya mula sa magaspang na kama gamit ang lahat ng lakas na meron ang katawan niya ngayon. Kinurot niya ang sarili niya nang maraming beses habang naglalakad siya papuntang banyo kung saan tiningnan niya ang sarili niya sa salamin.
Nasa katawan siya ngayon ng isang batang babae na mukhang mga labing-pito at mukhang kulang sa sustansya.
"Hahahahahahaha, mukhang totoo nga ang Diyos at nabigyan ng panibagong pagkakataon mabuhay ang matandang 'to," tumawa si M nang masaya habang nakatingin sa sarili niya sa salamin.
Pero ang saya niya ay hindi nagtagal dahil tinamaan siya ng alon ng kakaibang mga alaala na nagpasigaw sa kanya sa sobrang sakit na napahiga siya sa sahig at nagsimulang gumalaw-galaw sa sakit.
Ang paghihirap na 'to ay tumagal ng isang oras at nang matapos, napuno siya ng napakaraming emosyon at hindi niya alam kung paano magre-react.
Ang orihinal na may-ari ng katawan na pinasukan niya ay nagngangalang Kristal Everett at labing-siyam na taong gulang siya. Mas miserable pa talaga ang buhay niya kaysa sa kanya noong dati siyang buhay.
Pinabayaan si Kristal ng mga magulang niya noong isang buwan pa lang siyang ipinanganak, inampon siya ng pinsan ng nanay niya na si Portia Everett na hindi nagkaanak.
Pinalaki siya ni Portia nang maayos at binigyan siya ng lahat ng pagmamahal na hiningi ng isang bata. Sobrang inalagaan siya ni Portia at 'yon ang isang bagay na ipinagpapasalamat niya.
Hindi alam ni Kristal ang tungkol sa mga magulang niya o ang katotohanan na ampon siya hanggang sa nagkasakit si Portia hanggang sa wala nang pag-asa. Labin-lima siya noon nang mamatay si Portia at kailangan niyang tumira sa mga biological parents niya na nagkaanak pa ng dalawang bata.
Talagang naapektuhan si Kristal dahil nakita niya kung paano minahal ng mga magulang niya ang nakababata niyang kapatid at pero pagdating sa kanya, binabalewala lang siya.
Dahil gusto ng batang babae na makilala sila, nagsikap siya nang husto para isang araw marinig niya na pinupuri siya ng kanyang biological parents pero hindi 'yon nangyari kahit gaano siya nagsumikap sa paaralan. Hindi pa nga siya humihingi ng maraming allowance o mga mamahaling damit pero hindi man lang sila nag-abala na bilhan siya.
Nasasanay na siya kahit sobrang sakit para sa kanya. Nang labing-pito ang batang babae, nagkaroon ng isang kakila-kilabot na aksidente na nagpahospital sa dalaga ng isang kilalang pamilya. Dahil sa aksidente na 'to, ipinadala si Kristal sa juvenile kung saan naglingkod siya ng dalawang taon.
Hindi ipinaglaban ng pamilya niya ang sentensya o sinubukan na ayusin ang isyu. Sobrang hirap at masakit ang buhay ni Kristal sa juvenile pero patuloy siyang naging malakas umaasa na marating ang araw kung saan makikita niya muli ang pamilya niya.
Ang hindi inaasahan ng dalaga ay ang pagbalik niya at nalaman na itinakwil siya ng pamilya niya. Ayaw nilang makasama ang isang taong may rekord. Hindi sila naniwala sa kanya at noong panahong kailangan niya sila ng sobra, itinapon siya ng nanay niya palabas ng bahay na walang dala kundi isang bag na may ilang damit lang.
Hindi man lang siya binigyan ng pera na gagastusin. Desperada siya kaya nagbenta siya ng ilang alahas na iniwan ni Portia. Kung hindi niya itinago ang mga 'yon noon, nawala na sana niya 'yon noong unang dumating siya sa bahay sa nakababata niyang kapatid na gusto ang lahat ng meron siya.
Ang pera na galing sa pagbebenta ng mga alahas na 'yon ang nagpatagal sa kanya ng tatlong linggo pero pagkatapos noon, nahirapan na naman siya. Hindi man lang siya nakahanap ng part-time job, mukhang na-blacklist siya at malapit na siyang mamatay sa gutom.
Kaya nagpasya si Kristal na subukan ulit at dinalaw niya ang nanay niya para humingi ng pera. Hindi niya alam na siya ay mapapahiya at itatapon na naman? Isipin na ang sarili niyang nanay ay makakatawa habang pinapanood niya na binubugbog siya ng mga guwardiya sa tiyan hanggang sa umubo siya ng dugo nang hindi sila pinapatigil, alam niya sa puntong 'yon na talagang natapos na ang buhay niya.
Hindi niya kayang ibenta ang sarili niya, tinuruan siya nang maayos ng kanyang ampon na ina. Dahil hindi siya tinatanggap ng mundo, pumili si Kristal ng isang wakas at 'yon ay magpakamatay.
Nilunok ni Kristal ang lahat ng iba't ibang uri ng mga pildoras na kaya niyang makuha at 'yon ang nagresulta sa kanyang pagkamatay.
Buti na lang napunta si M sa katawan ng dating Kristal at ngayon siya na 'yon. Nakakatawa 'to at ang gusto niyang gawin ay balatan nang buhay ang ilang tao pero nang tiningnan niya ang katawan niya, hindi niya mapigilang mapabuntong hininga.
Sobrang mahina ng katawan na 'to na kahit ang pag-akyat sa dalawampung hagdan ay isang paghihirap.
"Dahil ako na ang kumuha ng katawan mo, sisiguraduhin kong pagsisisihan ng pamilya mo ang pagtrato sa 'yo nang ganon. Pagyuyukuran ko ang mga lalaki at babae," ipinangako ni M sa dating may-ari. Dahil kinuha na niya ang katawan, mabubuhay siya nang maayos.
Pagkatapos ayusin ang mga alaala ni Kristal, bumalik si M sa maliit na kwarto at umupo sa nag-iisang kama. Siguradong magiging mahirap 'to, panangis ni M.
Si M ay tatawagin nang Kristal Everett mula ngayon dahil kinuha na niya ang katawan ng dating may-ari.
Nagsimulang isipin ni Kristal ang kanyang miserable na buhay, hindi niya mapigilang matawa nang naisip niya kung paano siya binigyan ng ikalawang pagkakataon sa buhay. Siguradong nagdiriwang ang mga hayop na patay na siya pero paano sila magre-react kung malalaman nilang buhay at malakas siya?
Siguro magandang bagay 'to para sa kanya, sa bagong katawan na 'to maaari na siyang mamuhay ng ordinaryong buhay na pinapangarap niya noon noong bata pa siya. Sa katawan na 'to siguro makakakuha siya ng pagkakataon na makita nang malapitan ang kapatid niya at ang pamilya nito.
Hindi niya 'yon magawa noong dati siyang buhay dahil sa buhay na pinamumuhay niya pero ngayon, isa na lang siyang ordinaryong babae na pinabayaan ng mundo pero ang kaibahan niya ngayon at sa dati niyang katawan ay ang katotohanan na hindi na niya kailangang mag-alala sa pag-aalaga ng ibang tao maliban sa sarili niya.
Sa pag-iwan ng mga problemang bagay, kumulo ang tiyan niya at sumimangot siya. Mula sa mga alaala na nakuha niya sa dating may-ari, mayroon lang siyang mga E$1000 na sapat lang para sa isang dagdag na araw sa motel at dalawa pang pagkain.
Sa pag-iisip nito, nakaramdam siya ng pagkabigo pero sino ba siya? Ngumiti siya nang naisip niya ang lahat ng pera na itinago niya bago siya nakulong sa dati niyang buhay. May paraan pa rin siya para mabuhay.
"Hahahahahahaha, ang galing nito," tumawa si Kristal habang gumagulong-gulong sa nag-iisang kama nang masaya.