Hayop na umaga 'to. Gusto ko sila, hanggang sa tawagan ako ng girlfriend ko para sunduin siya. Ang pangalan niya Aple. 'Yan talaga pangalan niya. Hindi ko nga alam kung bakit kami pa rin eh ayaw ko naman sa kanya. Ang rason lang kung bakit kami nagdi-date ay dahil siya yung head cheerleader at alam mo naman sa mga hayup na eskwelahan na 'to, kailangang makipag-date ng kapitan ng football team sa head cheerleader.
"Papunta na ako." Sabi ko at pinatay yung tawag.
May kotse naman siya, bakit pa niya ako kailangan?
Nilagay ko yung phone ko sa bulsa at bumuntong hininga.
"Magmadali ka na baka magalit."
Ngumiti si Nanay at kinurot yung pisngi ko. Tinabig ko yung kamay niya at nginitian siya, kinuha yung bag ko at nagpaalam sa kanya.
"Umuwi ka ng maaga para ma-welcome mo yung mga bagong kapitbahay." Sigaw niya.
Binuksan ko yung garahe at binuksan yung kotse ko, binato yung bag ko sa likod at pumasok sa loob, papunta sa bahay ni Aple.
"Bakit ang tagal mo Malik?!" Sigaw niya pagkapasok niya.
Magsitahimik ka, hayup.
"Busy ako." Nagbuntong hininga ako.
"Ginagawa mo, may iba ka bang girlfriend? Kung meron, tapos na tayo."
Nag-isip ako saglit bago ako sumagot.
"Meron, so tapos na tayo." Ngumisi ako.
"Aww, tingnan mo kung gaano ka-cute kapag nagpapatawa ka." Ginulo niya yung buhok ko.
Kinagat ko yung labi ko para pigilan yung galit ko at pinaandar yung kotse.
Stupid bitch.
Sabay kaming pumasok sa eskwelahan, yung kamay ko nasa bewang niya. Sinubukan kong mag-isip ng kahit ano, para lang hindi ko marinig yung nakakainis niyang boses. Walang gumana hanggang sa nakita ko yung barkada ko.
"Aalis na ako." Sabi ko kay Aple, mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi bago pa niya ako mahalikan at umalis ako.
"Ingat!"
Sabi ng best friend kong si Deyl at binato yung football sa akin. Pinanood ko yung pag-ikot nito sa ere habang papalapit sa akin at nasalo ko ito gamit ang isang kamay.
Binato ko pabalik at nasalo niya rin.
Si Deyl ang best friend ko simula freshman year, may maganda kaming relasyon bilang magkaibigan. Ang nakakainis lang sa kanya ay kapag sinusubukan niyang sabihin sa akin na bakla ako. Kung bakit naman niya naiisip 'yun. Halos magkamukha kami, parehas kami ng kulay brown na buhok, kulot, asul na mata, yung sa kanya maputla at yung sa akin maliwanag. Parehas na tangkad, parehas ng tattoo, kayumanggi ang balat pero mas malaki ako sa kanya at mabilis siyang magsalita. Ayaw mong ikwento niya sa'yo ang isang storya.
"Ano na? Mukha kang galit."
siya lang yung nakakaalam na hindi ako masaya kay Aple, sinabi niya sa akin na iwanan ko na siya pero ako na matigas ang ulo at gusto kong mapanatili ang reputasyon ko, iniiwasan ko yung payo niya.
"Aple." Bulong ko.
Tinapik niya ako sa likod at sabay kaming pumasok sa eskwelahan, iniwan yung iba sa grupo.
"Sinasabi ko sa'yo, iwanan mo na siya, hindi ka masaya sa relasyon niyo."
"Alam ko pero-"
"Pwede ka nang nakahanap ng cute na lalaki, pwede ka-"
"Teka, ano?"
Inikot ni Deyl yung mata niya.
"Hindi ako bakla." Nag-huff ako.
"Patuloy mo lang sinasabi sa sarili mo 'yan."
Binuksan niya yung locker ko at kinuha yung libro ko.
Inikot ko yung mata ko, kinuha yung libro.
"Hindi ko kailangang gawin kasi alam kong hindi ako bakla, ikaw ba?" Sagot ko.
Binigyan niya ako ng tawa bago siya sumagot.
"Hindi ako bakla pero alam kong ikaw, tara na dude."
Inikot ko yung mata ko, hindi na siya sinagot. Naglakad kami papuntang klase, magkasama.
Umupo kami sa harap ng klase. Pumasok si Aple, inikot ni Deyl yung mata niya. Lumapit siya at pinatong yung mga braso niya sa harap ni Deyl.
"Umalis ka diyan." Nag-huff siya.
"Ikaw ang umalis, hayup."
Nagulat siya at umiwas ako ng tingin.
"Pagsasalitain mo ba siya ng ganyan sa akin?!"
"Bibig niya." Nag-shrug ako.
Nag-huff siya at umupo sa upuan sa tabi ko, bakit hindi niya ginawa 'yun nung pumasok siya? Patuloy akong nakipag-usap kay Deyl hanggang sa pumasok yung Guro.
"Mga estudyante, may bago tayong estudyante ngayon at gusto kong maging mabait kayo sa kanya, lalo na ang mga lalaki."
Pumunta yung Guro sa pinto at bumalik na may kasamang lalaki sa likuran niya, nakayuko yung ulo niya kaya hindi ko makita yung mukha niya.
"Klase, ito si Kesey London."
Hindi pa rin nag-angat yung lalaki ng tingin hanggang sa hinawakan siya ng Guro sa likod. Nung nag-angat siya ng tingin, ngumiti siya, nag-isip ako saglit para tignan yung mga katangian niya.
Maigsing buhok na brown, kulay brown na mata, kayumanggi yung balat, mapupulang labi, bilog at makinis yung mukha. Ang ganda niya.
"Bakit mo tinitingnan yung bata?" Tanong ni Aple.
"Wala lang." Sabi ko.
Patuloy kong tinitigan si Kesey hanggang sa tinuro ng Guro na umupo na siya. Umupo siya sa harap sa sulok sa kabilang dulo ng kwarto mula sa amin. Habang nagsasalita yung Guro, pinanood niya yung labi niya sa buong oras. Mas mabagal pa nga siyang magsalita pero hindi ko 'yun inisip na kahit ano. Pinanood ko yung bata sa halos kalahati ng klase, nakatitig lang sa kanya habang nakatitig siya sa Guro.
"Hindi maalis yung mata mo sa kanya, ano?" Ngumisi si Deyl.
Inikot ko yung mata ko at bumalik sa Guro.
Nung nag-ring yung bell, tumayo na lahat. Hindi tumayo si Kesey hanggang sa nakita niyang gumagalaw na yung lahat. Kailangan kong umamin, kakaiba siya. Pinanood niya yung labi ng Guro, hindi siya nagsasalita at hindi niya alam kung kailan nagdi-dismiss ang klase.
"Bakit hindi natin siya kausapin?" Sabi ni Deyl nung nasa hall kami.
"Wag na, bye." Sabi ni Aple na parang walang makaka-miss sa kanya.
"Kesey!" Sigaw ni Deyl.
Sinuntok ko yung dibdib niya. Salamat na lang hindi tumingin si Kesey pero nagpatuloy siya sa paglalakad.
"Okay lang ba siya?" Tanong ni Deyl bago ako hinila kasunod nung bata.
Nung narating na namin siya, hinawakan ni Deyl yung balikat niya at nagulat siya at lumingon.
"Hi." Bulong niya, hindi ko halos marinig.
"Uh hi, ang pangalan ko ay Deyl at ito ay-." Pinutol si Deyl.
"Masyadong mabilis." Sabi ni Kesey habang pinapanood yung labi ni Deyl.
"Ang pangalan ko ay Malik." Sabi ko ng mabagal.
Ngumiti si Kesey at tumango, ang tamis ng ngiti niya. Sinasabi ko lang, hindi naman ako bakla.
"Anong klase mo?" Tanong ko, mabagal pa rin akong magsalita.
Binigay niya sa akin yung schedule niya at nakita kong may history siya.
"Bakit hindi ka namin samahan doon?" Sabi ko ng mabilis.
Tumingin siya sa akin na naguguluhan pero tumango na parang hindi siya sigurado sa sinabi ko.
Tumingin ako kay Deyl pero nag-shrug siya at umalis kami kasama si Kesey, siguro mabagal lang siya sa mga bagay-bagay.