"Ethan Shields!" sigaw ni Mel habang naglalakad papalapit sa 'min kasama si Linc sa tabi niya, nakangisi siya.
Tumawa si Zach sa mga braso ko habang 'yung ale na kausap ko kanina ay lumayo sa 'kin.
Lumingon ako sa kapatid ko at nilunok 'yung bukol sa lalamunan ko, sinusubukang mag-isip ng matinong sasabihin ngayon.
Masayang tinawag ni Zach ang mga magulang niya habang ibinaba ko siya at pinanood na tumakbo papunta sa kanila.
"Uy, mga pre. Anong ginagawa niyo rito sa lugar na 'to?" bati ko sa kanila nang nakangiti ng malapad.
"Ganon pa rin, kapatid," tumawa si Lincoln.
"Ano?"
"Ginagamit 'yung pamangkin mo para makakuha ng date. Hindi ko talaga maisip kung ano na lang 'pag nadagdag pa 'tong dalawa," sabi ni Mel habang hinahaplos 'yung tiyan niya.
"Hala, mga pre, kilala niyo naman ako. Naistorbo niyo lang 'yung magandang si Cindy sa pagsabi sa 'kin kung aling croissant 'yung masarap dito," sabi ko na nakasimangot habang hinahanap 'yung blonde bombshell.
"Alam mo naman si Mel at 'yung mga pinaglilihihan niya," sabi ni Linc na nakatingin sa asawa niya habang kumakagat siya sa isang plum at umungol sa sobrang sarap na nakalimutan na akong harapin.
"Tara na ba?" sabi ni Linc at hinawakan ang kamay niya.
"Teka, kukunin ko 'yung mga tsokolate ko," sabi niya na nagmamakaawa.
"Konting-konti lang," sabi ni Linc na nagbuntong-hininga habang tinawanan ko siya.
"Paalala sa sarili, huwag maging katulad mo, kapatid," tumawa ako nang mahina.
Binawi ko 'yung mga salitang 'yon nang makita ko siya. Madilim na buhok na umaagos sa balikat niya habang tumatakbo si Zach sa kanya at niyakap siya nang nakangiti. 'Yung ngiti niya ay nagliwanag sa mundo ko agad, at lumuhod siya at binigyan ng yakap si Zach at hinalikan sa pisngi. 'Yung madilim niyang mga mata ay kumikinang sa tawa habang tumatawa siya sa sinabi ni Zach. 'Yung maputi niyang kayumanggi ay tunay na tukso at huwag na kayong magsimula sa kurba niya. Siya ay... perpekto.
Lumapit siya sa 'min na nakangiti sa mukha.
"Talia, kumusta ka?" sabi ni Mel at sinusubukang yakapin siya habang nagtatawanan silang dalawa dahil 'yung tiyan niya ay nakaharang.
"Ayos lang ako, Mel. Matagal na rin akong hindi nakita sa eskwelahan."
"Pasensya na, under house arrest ako," sabi niya at sinamaan ng tingin si Linc.
"Okay lang 'yon. Kailangan ko nang umalis. Tatawagan na lang kita para mag-catch up tayo," sabi niya na nakangiti kay Linc na hindi ako pinansin pero binigyan ako ng tingin na nagsasabi na lumayo ako.
Sunod na naramdaman ko ay sakit sa braso ko nang sinuntok ako ni Mel.
"Ano!" sabi ko habang kinukuskos ang braso ko.
"Anong ginawa mo sa kaibigan ko?"
"Wala, wala talaga," sabi ko na itinaas ang mga braso ko na sumusuko.
'Yung tingin na binigay sa 'kin ni Mel ay nagpadaldal sa 'kin agad habang 'yung mga labi niya ay ngumingiti.
"Bayad na," sabi niya at lumingon kay Linc habang naglabas siya ng wallet at nagbigay ng isang daang dolyar.
"Nakikita kong naguguluhan ka, mahal kong kapatid," sabi ni Mel habang binuhat ni Linc si Zach sa mga braso niya. "Alam kong wala nang ibang dahilan kung bakit lagi kang gustong pumunta sa eskwelahan ni Zach maliban na lang kung may interes diyan, sa kasong ito si Talia Queen. Sa reaksyon niya, sumobra ka sa pagsubok na paibigin siya. Hindi ako pinaniwalaan ni Linc noong sinabi kong tungkol kay Talia kaya 'yung pustahan. At ngayon, kumita ako," sabi niya na nakangisi.
Nakasimangot ako habang sina Linc at Mel ay humahalakhak na nagiging sanhi ng pagtingin ng mga tao. Binuksan ng isang miyembro ng security team nila ang pinto para sa 'min habang lumabas kami ng tindahan.
"Natahimik ka, kapatid. Hindi ka ganito katahimik," sabi ni Linc.
"Tama na, kapatid," ngumungot ako.
Tiningnan ako ni Mel na may nag-aalalang ekspresyon habang huminto siya na pinatigil ang lahat.
"Pwede bang bigyan niyo kami ng isang minuto," sabi niya sa asawa niya na tumango sa pag-unawa.
"Gusto mo talaga siya, 'no?"
"A..a.."
"Sabihin mo sa 'kin 'yung ginawa mo."
"Alam mo naman, 'yung kadalasan..."
-----
Pinupulot ko si Zach sa classroom niya sa nakaraang linggo at ngayon na 'yung araw na yayayain ko siya.
"Magandang araw, tamis," sabi ko sa kanya habang nag-irap siya sa 'kin na nakangiti habang nagpaalam si Zach. "Ikaw, ako, sine ay magiging epic na gabi," sabi ko na nakangisi.
"Hindi, salamat, Mr. Shields," sabi niya at lumayo sa 'kin.
"Okay, pwede nating laktawan 'yung sine at pumunta na lang sa bahay ko para sa isang intimate dinner," sabi ko na binigyan siya ng killer smile ko.
Umirap siya at lumayo sa 'kin. Mula noon, iniiwasan niya ako na parang salot tuwing pupuntahan ko si Zach.
-----
"Aray," sabi ko na kinukuskos ang braso ko ulit. "Bakit ka ba masyadong marahas, 'yung hormones ba 'yan?"
"Isa kang tanga. Sa tingin mo ba gusto ka niya katulad ng ibang babae na gustong makipagtalik sa 'yo?"
Umiling ako.
"Ngayon, ito 'yung gusto kong gawin mo. Bibili ka ng pink na rosas para sa kanya. Pink, naririnig mo ba ako?"
"Opo, ma'am."
"Ngayon, alas kuwatro siya natatapos sa trabaho at sasakay ng bus pauwi. Alukin mo siyang isakay bilang paghingi ng tawad. Wala nang iba. Malinaw ba?"
"Opo, ma'am," sabi ko na nakangiti.
"At Ethan, please, nakikiusap ako sa 'yo, huwag kang gumamit ng mga kalokohang pickup lines o cheesy comments."
"Opo, ma'...
"Tawagin mo akong ma'am ulit," nagbanta siya.
"Opo, Mel. Salamat," sabi ko at niyakap siya at hinalikan sa pisngi.
"Kung sumablay ka, huwag kang lalapit sa 'kin para humingi ng payo, binigyan na kita ng gasolina, kailangan mo na lang pasindihan 'yung apoy at siguraduhing patuloy itong nasusunog."
"Salamat, salamat, salamat," sabi ko at lumingon para umalis at pumunta sa kotse ko na nakangiti na parang tanga.