“Anong laman ng utak niya?”
“Sungay ba 'yan o headband?”
“Bago lang 'yan dito eh.”
“May sungay ba siya? Ang layo pa ng Halloween ah.”
'Yan 'yung mga naririnig ko habang naglalakad ako. Ang mundo ng mga tao, ang gulo-gulo nila at mapanghusga, may lugar silang lahat sa impyerno kung saan kailangan nilang magsalita nang sabay kung hindi ay itatapon sila sa kumukulong asupre.
Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa langit, ang araw na tumatama sa mukha ko na nagiging dahilan para pumikit ako.
Kung ako lang ang masusunod, kukunin ko na 'yung bagay na 'yun. Masyadong nakakasilaw, masakit sa mata.
“Hoy girl, bago ka lang ba dito?” Tumingin ako sa lalaking nasa harap ko, kung hindi ako nagkakamali isa siyang rapist, mamamatay-tao sa harap ko.
Ang amoy ng kasalanan niya, kung hindi ko mapipigilan baka mapaglaruan ko siya. Tiningnan ko lang ang lalaki tapos nilagpasan ko siya at naglakad ulit.
“Hoy, kinakausap kita!” Huminto ako nang sumigaw siya sa akin.
“Ayst…” Huminga ako nang malalim tapos tiningnan ko 'yung lalaki.
“Gusto mo bang… makipaglaro?” Nagtatakang tanong ko, ngumiti ako nang tumigil siya at nakita ko 'yung paglaki ng alaga niya.
“Saan mo gusto?” Tanong ko at nilapitan siya.
“Maglaro tayo ng langit, lupa, impyerno,” Sabi ko hinawakan ko 'yung balikat niya tapos nilapit ko 'yung mukha ko.
“Huwag ka dito, masyadong maraming tao.” Ngumiti siya tapos hinawakan niya 'yung kamay ko at hinila ako sa isang madilim na iskinita, itinapon niya ako sa pader tapos mabilis niyang hinubad 'yung damit niya.
“Tama nga, nauuhaw pa ako ngayon.” Sabi niya tapos bigla siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa leeg, ngumiti ako.
Paano ko ba mailalagay ang lalaking 'to sa lugar niya? Sigurado akong maraming nadagdag sa trabaho ni Alada.
“Maghubad ka nang mabilis.” Bulong niya habang hinahalikan 'yung leeg ko.
“Sige, sabi mo eh,” Sabi ko tapos itinulak ko siya sa pader at nagmukhang kaakit-akit.
“Urgh, tumitigas ang alaga ko dahil sa titig mo.” Sabi niya, ngumiti ako nang nakakaloko.
“Paano kung ganito ang titig ko?” Tanong ko tapos binago ko 'yung itsura ko, naging dahilan para tumigil siya at magulat.
Ngayon ko lang naramdaman 'yung matinding takot na dumadaloy sa katawan niya.
“Oh, akala ko tumitigas 'yung alaga mo?” Tanong ko tapos ginapang ko 'yung alaga kong ahas sa kanya.
“D-demonyo!–” Tumawa ako nang biglang kinagat ng ahas ko 'yung lalaki, dahan-dahang naging bato ang katawan niya dahil sa kagat ng alaga ko.
“Hays, sayang. Hindi mo man lang pinakilala 'yung alaga mo sa akin.” Sabi ko tapos bumalik ako sa pagiging tao. Lumingon ako tapos nagsimulang maglakad palabas sa iskinita na 'to.
Nang makalabas ako tumingin ako sa mataas na gate ng kaharian ng Winsoul mula rito kung saan ako nakatayo. Nandoon mismo 'yung, target man ko.
Lumapit ako ulit sa gate. Kung hindi ako nagkakamali, ang biktima ko ay isang prinsipe. Kawawa naman.
Huminto ako sa paglalakad dahil sa isa sa mga sundalo na nagbabantay sa gate sa harap ko. Tiningnan niya ako na para bang sinasabing bawal ang lugar na 'to.
“Bago ka lang ba dito?” Tanong niya sa akin. Lumapit ako sa kanya at inamoy siya, bumaluktot ulit 'yung ngiti sa labi ko habang inaamoy ko 'yung mga kasalanan niya.
Nagnanakaw at pumapatay ang taong 'to, amoy ng kasalanan. Tiningnan ko siya at nginitian ko siya. Mukha siyang naguguluhan kung bakit ko siya inamoy.
“Nasaan ang prinsipe mo?” Tanong ko, agad nilang itinutok ang mga armas nila sa akin at tiningnan ako nang masama.
“Sino ka ba?” Matigas na tanong ng ang bantay habang umaamoy ako, ngumiti ako.
“Kapag sinabi ko sa'yo kung sino ako, papapasukin mo ba ako?” Tanong ko, mas nilapit pa nila 'yung armas na hawak nila sa akin.
“Hindi pinapayagan ang mga tagalabas na pumasok sa palasyo.” Sabi niya kaya sinimangutan ko sila at saka ipinikit ang mga braso ko.
“Talaga? Sayang naman.” Sabi ko at nginitian ko sila.
“By the way, kilala mo ba 'to?” Tanong ko tapos lumabas 'yung larawan ng lalaki na binigay sa akin ni ama. Sumimangot sila at tiningnan ako.
“Ano ang kailangan mo sa Kamahalan?” Tanong niya kaya ngumiti ako, tama 'yung hula ko. Isa siyang prinsipe.
“Nagtatanong lang ako, wala akong kailangan,” Sabi ko tapos inagaw ko 'yung larawan sa kanila at ngumiti.
“Alam mo, ang amoy ng mga kasalanan mo, ayaw mong manloko ng mga tao at pumatay ng tao, 'di ba?” Tanong ko kaya natigilan sila at nagtinginan sa isa't isa. Tumawa ako.
“Pavel! Bumalik ka rito!” Tumingin ako sa loob ng palasyo, nanliit 'yung mata ko nang makita ko 'yung lalaking tumatakbo habang may dala-dalang pagkain. Siya 'yun, misyon ko. Ngumiti ako at tinignan 'yun. Paano ako makakapasok doon at malalapitan ko 'yung lalaking 'yun?
“Umalis ka.” Sabi ng isang sundalo kaya ibinaling ko 'yung atensyon ko sa kanya tapos ngumiti
“Sige, sabi mo eh,” Sabi ko tapos tinitigan ko ulit 'yung lalaki. Tama, madali lang pala itong matutunan.