Kabanata 7 Ang Pagsasanay
"RIANNA, gusto kong maging parte ka ng grupo natin." sabi ni Leo sa kanya pagharap niya at hinarap ang niluluto niya.
Napaatras siya sandali sa sinabi nito. Tama ba ang narinig niya? Gusto ba siyang isama nito sa grupo nila? Agad siyang humarap kay Leo. Nagtagpo ang mga mata nila. Bigla siyang nahiya.
"Seryoso ka ba? Hindi ba sabi mo dapat magaling humawak ng armas o baril ang miyembro niyo?" sabi niya. Naalala niyang sinabi nito sa kanya 'yon nung nagtanong siyang gusto niyang maging parte ng organisasyon nila.
"Nag-resign si Dianne kasi gusto niyang mag-focus sa mga anak niya. Kaya naghahanap ng kapalit si Ahente Jerald para sa kanya. Pinag-aaralan 'yon." sabi nito at ngumiti sa kanya. Kakaiba siya kung paano siya tratuhin nito. Para siyang nasa langit.
"Salamat, Leo. Karangalan kong maging parte ng grupo niyo." Sabi niya at binalik ang atensyon sa pagluluto. Mukhang masarap ang mga pancake na niluto niya.
"Kailangan mo lang dumaan sa masusing pagsasanay. Bilang isang ahente, nasa panganib ang buhay mo. Kaya mag-ingat ka dahil hindi lahat ng oras ay kaya kitang iligtas." sabi niya.
Natigilan siya sa sinabi nito. Kahit paano, ililigtas siya nito dahil siya ang responsibilidad nito at nandito siya sa kapangyarihan nito. Sa isiping iyon, biglang sumakit ang dibdib niya.
**
Gising siya dahil sa alarm clock, madilim pa sa labas ng bahay. Bumangon siya, kailangan niyang maghanda ng almusal nila. Katulong lang naman siya dito.
Umalis si Rianna ng kwarto at nagpunta sa kusina at nagluto muna ng kanin. Tumingin siya sa refrigerator kung may ulam. Nakakita siya ng hotdog at kinuha 'yon. Pagkatapos niyang maluto ang kanin, sinundan niya ng pagprito sa hotdog. Malapit na siyang matapos nang may nagsalita sa likuran niya.
'Bago tayo pumunta sa Head Quarters.
Mamili muna tayo. Mukhang walang laman ang refrigerator." sabi niya. Gising na siya.
Kinuha ni Rianna ang hotdog sa kawali at inilagay sa plato. Lumingon siya para pumunta sa mesa. Nakatayo siya at nagtitimpla ng kape. Inilapag niya ang plato na may hotdog lang sa mesa.
**
"Okay lang ba kung ako ang pipili ng pagkain?" tanong niya habang inilalagay ang kanin sa mga plato. Gustung-gusto niya talaga ang mamili. Nung buhay pa ang Ama niya, inuutusan siya ni Ina na mamili.
"Okay lang. Mas marami kang alam dito. Kung ako ang mamimili ng pagkain natin. Edi de lata o cup noodles at iba pang mabilis lutuin. Minsan tumatawag pa ako ng delivery boy para ihatid sa akin ang pagkain." sabi niya at humigop ng kape. Bakit ang seksi niya uminom ng kape? Hays. Inabot niya sa kanya ang plato na may kanin.
"Kain na tayo. Para makapamili tayo ng maaga." sabi niya.
**
Nasa palengke na sila ngayon. Namimili ng pagkain para sa isang linggo. Habang si Leo ay nasa tabi niya at bitbit ang mga pinamili niya. Biglang may lumapit sa kanila na babae.
"Leo! Ikaw ba yan?" tanong niya. Tiningnan niya ang babae mula sa tindahan ng gulay. Matangkad, mahaba ang buhok, bilog ang mga mata, makapal ang kilay, at makinis ang balat. Sa madaling salita, Maganda.
"Carmela?" tanong ni Leo sa babae.
"Oo. Naaalala mo pa ako ah?" Tiningnan ng babaeng nagngangalang Carmela si Rianna.
"Sino siya?" tanong niya. Tiningnan ni Leo si Rianna at hinila ang kamay niya para mas mapalapit sila.
"Carmela, si Rianna. Rianna, si Carmela." pinakilala niya ang isa't isa.
Hindi pa man siya nakakapagsalita. Tumunog ang cellphone ni Carmela, agad niya itong sinagot.
"Okay, Sir. Pupunta na ako diyan." sabi niya sa kausap.
"Kailangan ko ng umalis Leo. Tinatawag ako sa opisina. Bye Rianna, nice meeting you. See you, one of these days Leo." sabi niya at tuluyan ng umalis. Binalik niya ang atensyon sa pamimili.
Nakapag-shopping na si Rianna at agad silang pumunta sa kotse na nakaparada sa parking lot ng palengke. Inilagay ni Leo lahat ng binili niya sa likod. Pumasok siya sa passenger seat habang si Leo ay pumasok sa driver's seat at pinaharurot ang kotse palabas ng parking lot.
"Sino siya?" Tanong niya kay Leo habang papunta sila pauwi. Idedrop muna nila sa bahay ang mga pinamili nila bago sila pumunta sa Head Quarters.
"Ang tinutukoy mo ay si Carmela? Isa siyang pulis. Kaklase ko siya nung college at naging ex ko." sabi niya. Ah, ex niya. Bakit parang nakaramdam siya ng konting selos sa nalaman niya? Bakit sila naghiwalay? Hindi pa niya natatanong.
Nakarating na sila sa bahay at agad na bumaba si Leo at kinuha ang mga pinamili namin sa likod ng kotse.
"Hintayin mo lang ako dito sa kotse." sabi niya at pumasok sa loob.
Tiningnan niya ito habang naglalakad. Hindi niya maiwasang humanga sa ganda ng katawan nito. Talagang hila sa ehersisyo. Para lang siyang may bitbit na maliit na timba sa magkabilang braso.
Mga ilang minuto ang lumipas at nakita niya itong papalapit sa kotse. Agad itong pumunta sa driver's seat at nagsimulang magmaneho ng kotse.
"Ano ang gagawin natin sa Head Quarters?" tanong niya dito.
"Kailangan nating ipagtapat kung sino ang nasa likod ng transaksyon ng droga bago natin sila isuko sa presinto. Malaking advantage 'yon kapag nalaman natin kung sino ang amo ni Carlo Sañiego." sabi niya habang nakatuon pa rin ang mga mata niya sa daan.
"Carlo Sañiego? 'Yung may jacket at shades?" tanong niya.
"Oo, siya nga," sabi niya.
"Paano kung hindi sila umamin?" tanong niya ulit. Paano kaya 'yon?
"Isusuko natin sa pulis. Wala tayong magagawa kung ayaw niyang umamin. Pero gagawin natin ang lahat para umamin siya, mahirap kumuha ng alas." sagot niya.
"Nandoon ba ang buong grupo?"
"Hindi. Sila lang, Fayth, Brandon, at Alexandra. 'Yung iba pupunta ng HQ para sa praktis mamayang hapon. Kaya maghanda ka kasi ikaw ang unang beses na sasali sa training." sabi niya at tumingin sa kanya. Tinitigan niya ito para ipaalam sa kanya na handa na siya.
Oo, handa siyang harapin ang mga pagsubok. Ang mahalaga ay mailigtas niya ang kanyang Ina at kapatid. Malaking tulong ang grupo nila dahil magiging miyembro siya at syempre, si Leo.