Tayong Dalawa
POV ni Fin
Dinala ko si Klementine sa isang kweba nung nawalan siya ng malay. Hindi pa rin maalis sa isip ko kung paano huminto yung oras kanina. Hindi naman ako yung gumawa nun at mas lalong hindi ko kayang patigilin yung oras, walang nilalang ang kayang patigilin yung oras. Tiningnan ko si Klementine na walang malay pa rin.
Tapos bakit nawalan ng malay si Klementine? At dumudugo din yung ilong niya katulad ng dati. Umiling ako tapos lumingon sa ibang direksyon. Imposible para sa mga tao na patigilin yung oras, sigurado akong may nilalang na nagpapatigil ng oras na yun. Nagawa ko lang magtaka kasi kaming dalawa lang ni Klementine yung hindi tumigil nung oras na yun.
"Fin." Lumingon ako sa nagising na si Klementine.
"Oh, okay ka na ba?" Tanong ko at nilapitan siya.
"Okay lang ako, nasaan tayo?" Tanong niya.
"Sa kweba." Sagot ko. Umupo siya at tumingin sa paligid.
"Nasaan yung mga kapatid mo?" Tanong niya kaya umiwas ako ng tingin. "Umalis na." Sagot ko ng simple.
"Ano? Bakit tayo umalis?" Tanong niya, tumayo ako at tiningnan siya.
"Maghiwalay tayo ng landas para mapabilis yung pagpunta natin sa huling parte at para matapos na rin 'to." Sabi ko tapos nag-ayos ng sarili.
"Ayusin mo sarili mo, aalis na tayo dito." Sabi ko. Tumayo siya at muntik na siyang matumba kaya agad ko siyang inalalayan. Tiningnan niya ako ng malalaking mata at halatang nagulat.
Grabe, yung mga mata niya.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko. Tumango siya tapos dahan-dahang tumayo ng tuwid. Dahan-dahan ko siyang binitawan pero mukhang mahina pa rin siya kasi muntik na naman siyang matumba. Agad ko siyang hinawakan sa bewang dahilan para magulat ulit siya, nilagay ko yung isa niyang kamay sa bewang ko at inakbayan ko siya.
"Kailangan nating makaalis dito, may mga kalaban na paparating." Sabi ko at nagsimula na kaming lumabas ng kweba. Pagkalabas namin ng kweba ay halos mapamura ako sa nakita kong mga Lobo Vampires na naghihintay sa amin kasama ang ilang purong bampira.
"Fin." Nagulat na sabi ni Klementine, hinila ko siya palapit sa katawan ko tapos may apoy na lumabas sa kamay ko. Halatang nagulat yung mga nasa harapan namin sa ginawa ko.
"Simulan na!" Sabay-sabay nilang sabi. Agad akong pumikit at ginamit yung kapangyarihan ko para kontrolin yung hangin, ngayon lumulutang na kami ni Klementine sa ere habang yung mga kalaban namin ay nakatingala sa amin.
"Fin, masyado silang marami para kalabanin mo silang lahat." Sabi niya. Lumingon ako sa kanya at ngumiti.
"Ipromise mo sakin, hindi ka lalabas ng kweba hangga't hindi ako pumupunta sayo." Sabi ko kaya sumimangot siya. Agad kong ginamit yung teleportation ko para pumasok sa loob ng kweba.
"Fin anong gagawin mo?" Tanong niya, hindi ko siya sinagot. Pinahiga ko siya sa isang malaking bato tapos seryoso ko siyang tiningnan sa mata.
"Lumayas ka na, wag kang aalis kung ayaw mong mahalikan ako." Pagbabanta ko tapos nilisan ko siya at nag-teleport palabas ng kweba. Agad kong nilabanan yung lobo vampire hanggang sa manghina sila. Masyado akong malapit kaya bigla akong hinawakan ng isa sa kanila.
"Fin!" Lumingon ako sa bungad ng kweba.
"Shit!" Sabi ko nung nakita ko si Klementine. Agad kong pinatulog yung lobo vampire sa pamamagitan ng pagkamot sa braso ko.
"Bitawan mo ako!" Lumingon ako kay Klementine na hawak ng dalawang lalaking bampira.
"Shit! Bitawan niyo siya!" Sigaw ko at nagtapon ng apoy sa direksyon nila. Agad akong nag-teleport sa likod ng isa sa kanila at pinatulog siya tapos sinipa ko yung isa na humahawak pa rin sa braso ni Klementine at pinatulog din siya.
Lumingon ako sa harapan namin at agad kong sinipa yung tumakbo sa direksyon namin. Agad ko siyang pinatulog tapos binalik ko yung atensyon ko sa bampira sa taas. Agad akong lumipad at pinatulog din siya.
Nung manghihina na ako ay bumagsak ako at napalunok nung nakita kong may mga lobo vampire pang tumatayo.
"Klementine magtago ka!" Sigaw ko pero parang walang naririnig kasi nakatingin lang siya sa tumatayong lobo vampire. Lumingon siya sakin at agad na tumakbo sa direksyon ko tapos niyakap ako.
"Shit! Sabi ko magtago ka diba, hindi ko ba sinabi sayong wag lumabas?!!" Sigaw ko sa kanya, umiiyak lang siya.
Tumingin ako sa paligid sa harapan namin habang nagtatayuan yung lahat ng lobo vampire. Napalunok ako kasi nagtransform sila into wolves at wala na akong lakas para labanan sila.
"Klementine, umalis ka na." Sabi ko sa mahinang tono.
"Ayaw ko, mananatili ako dito." Umiiyak niyang sabi, galit ko siyang tiningnan at tumingin sa mga mata niya.
Umiiyak siya.
"Umalis ka na, hindi mo ba maintindihan?!" Sigaw ko sa kanya at hinawakan ko yung mukha niya. Yumuko lang siya habang umiiyak tapos nagsalita.
"Sana .... Sana tumigil yung oras ... Sana tumigil ang lahat." Natigilan ako sa sinabi niya habang nakatitig. Dahan-dahan kong itinaas yung mata ko para tumingin sa paligid at nakita ko kung paano tumigil yung mga dahon na nalalaglag mula sa puno, tumigil yung hangin at tumigil yung mga kalaban namin. Tumigil silang lahat. Tumigil yung oras.... Siya yung nagpatigil ng oras....
"Ikaw .... Ikaw yung nagpatigil ng oras?" Nagulat kong tanong kaya tumingin siya sakin at nakita ko kung gaano siya nagulat sa sinabi ko. Kinurap niya yung mga mata niya at tumingin sa paligid tapos dahan-dahang tumingin sakin.
"H-hindi ako yun." Sabi niya ng nakakatakot.