Kabanata 7
Nakatutok lahat ng mata sa 'min pagkababa namin ng kotse, lahat huminto sa ginagawa nila at napahinto sa pagtatrabaho, nakatitig sila sa 'min. Inayos ko 'yung salamin ko tapos naglakad ako paabante, sinusubukan kong umalis agad, rinig na rinig 'yung pagkalampag ng takong ko dahil tahimik na parang nasa examination hall. Para bang huminto 'yung oras sa mga time travel movies.
Umubo si G. Han at tumingin sa paligid na nag-udyok sa iba na ituloy 'yung trabaho nila, parang nag-umpisa ulit 'yung oras. 'Yung ganitong paligid, pakiramdam ko hindi ako komportable. Inibaba ko 'yung tingin ko, inayos ko 'yung salamin ko at tumakbo ako sa ladies washroom.
Tumingin ako sa salamin tapos bumuntong-hininga, ang awkward talaga.
"Ayos ka lang?" narinig kong sabi na nagpa-lingon sa 'kin sa kanan.
"Nakapukaw talaga ng atensyon 'yun," tumawa si Charlotte.
"Awkward eh," sagot ko nang mahina habang tinitingnan 'yung sarili ko sa salamin.
"Alam mo kung bakit?" tanong niya, nakatayo sa tabi ko, nilabas niya 'yung lipstick niya at sinimulang ilagay habang nakatingin sa repleksyon niya.
"Bakit?" tanong ko habang nakatingin sa repleksyon niya.
Kinuskos niya 'yung labi niya, ngumiti siya habang nakatingin sa salamin, inilagay 'yung lipstick sa lababo tapos tumingin siya sa 'kin, malapad 'yung ngiti sa mukha niya.
"Si Han, hindi nagdadala ng kahit sino, 'di man lang 'yung personal assistant niya, tapos 'yung ngiti niya nung katabi ka niya, siguradong manghihilakbot 'yung iba," sabi niya tapos nilabas niya 'yung compact powder niya.
"Close kayo?" tanong ko na gusto kong malaman kung ano 'yung relasyon nila dahil hindi niya siya tinatrato tulad ng pagtrato niya sa mga staff niya.
"Magkakilala na kami since college, tapos 'yung tatay ko, kaibigan 'yung tito niya," nilagay niya 'yung espongha sa pisngi niya at ibinalik 'yun sa bag niya.
Lumapit siya tapos nilapit niya 'yung mukha niya sa 'kin "May gusto talaga siya sa 'yo," bumulong siya "Special ka," biro niya.
"Kalokohan," pagtitiyak ko tapos lumabas na ako ng washroom.
Baliw, isa lang siyang weirdo na bobo at mayabang.
Pagkapasok ko sa opisina ko, kinuha ko 'yung mga files na kailangan kong ayusin. Alas diyes y medya na ngayon, pagkalipas ng dalawang oras, kakain na kami ng lunch. Nag-message sa 'kin si Dylan, tinatanong niya kung pupunta ako, natutuwa siya na magkikita kami officially as business colleagues.
Yinunat ko 'yung mga braso ko, tapos nag-relax 'yung mga balikat ko sa upuan, tapos na ako diyan. Kinuha ko 'yung tumatawag kong telepono, sinagot ko habang nakapatong 'yung ulo ko sa mesa.
"Hello," sabi ko na inaantok.
"Ms. Anna, hinihintay kita sa parking lot," sabi ng tumatawag.
Tumayo ako, kinusot ko 'yung mga mata ko, tapos tumingin ako sa oras, alas dose na at dapat nandoon na kami by 12:30, kinuha ko 'yung telepono ko, bumaba ako, sine-save ko 'yung numero ni G. Han sa telepono ko habang naghihintay sa elevator.
Contact: Mr. Weirdo
"Sorry sa pagka-delay," paghingi ko ng paumanhin, pagkapasok ko, kinabit ko 'yung seat belt ko at humarap ako sa kaliwa, nakita ko 'yung dalawang kulay kayumangging mata na nakatitig sa 'kin.
"Tapos na?" tanong niya, bahagyang gumalaw 'yung kanang sulok ng labi niya.
Si Charlotte, G. Andrews at 'yung mga kasama ko sa trabaho, sinabi nila sa 'kin na si G. Han, 'yung tipong hindi ngumingiti kahit nakatutok 'yung camera sa kanya, pero iba talaga siya sa narinig ko.
Siguro 'yung tsismis at bulung-bulungan nagbago ng ideya ko sa lalaking 'to.
"Oo," tumango ako.
Dumating kami sa restaurant, naglakad kami papunta sa naka-book na kwarto tapos pumasok kami at nandoon 'yung lalaking nasa mid-forties, 'yung buhok niya may pagka-salt and pepper, naka-tuxedo siya na kulay gray, bukas 'yung coat niya, puting kamiseta kasama 'yung gray na plain tie. Sa kaliwa niya nakatayo 'yung isang tao na nasa early thirties, naka-gel 'yung blonde niyang buhok, nakikita 'yung kilay niya na blonde, naka-blue pants siya, light blue shirt at blue tie na may white spots at sa kaliwa nakatayo si Dylan, nakangiti sa 'kin. Naka-black denim si Dylan, tapos puting kamiseta.
Paglakad papunta sa mesa, ginawa namin 'yung hand shaking, umupo si G. Han sa tapat nung taong may salt and pepper na buhok, tapos umupo ako sa tapat ni Dylan.
Nag-usap sila tungkol sa upcoming project at sinulat ko 'yung mga punto na dapat isulat. Pagkatapos ng lahat ng diskusyon, tumayo lahat at nagkamayan, sinasabi nila na inaasahan nilang magtrabaho sa isa't isa. 'Yung dalawang lalaki umalis, iniwan kami ni Dylan at G. Han.
"Uuwi ka na ba?" tanong ni Dylan, gabi na ngayon at wala na akong ibang gagawin sa opisina.
"Ihahatid kita," malakas na sabi ni G. Han, lumakad siya palapit sa 'kin.
"Hello, ako si Dylan, kaibigan ni Anna," pakilala ni Dylan, gumalaw 'yung kamay niya na parang casual lang, kanina kasi formal sila.
Tumingin ako kay G. Han, napansin ko na nakakuyom 'yung panga niya, 'yung matalas niya nang panga, nakuyom, kahit bata pa, masasabi mo na galit siya.
Anong nangyari sa kanya?
"G. Han," sagot ko sinusubukang iwasan 'yung awkward na katahimikan sa paligid namin. Itinaas ko 'yung kamay ko para makipagkamay kay Dylan dahil nakalahad pa 'yung palad niya. Pero bago pa man magkadikit 'yung balat namin, hinawakan ni G. Han 'yung palad niya at nag-shake hands, tinitingnan ko siya, masasabi kong sinusubukan niya 'yung best niya para hindi higpitan 'yung hawak.
Baliw ba siya, bakit niya tinatrato 'yung kaibigan ko na parang ayaw niya siyang makilala.
"G. Han, boss ni Ms. Anna," pagpapakilala niya, kailangan pa niyang sabihin 'yun, parang, sige na, alam na ni Dylan na boss ko siya at nagawa na nila 'yun kanina bilang business partners pero hindi ba parang nagiging close na 'yung pakilala na 'to.
Bobo 'yung lalaking 'to.
"Narinig ko na 'yung tungkol sa 'yo kay Anna," sabi ni Dylan tapos kinindatan niya ako.
"Mabuti naman at nagkukwento sa 'kin si Ms. Anna, sana hindi masama," sagot niya na matalim, binigyan niya ako ng masamang tingin sa huling ilang salita.
"Okay, akala ko nga ako 'yung maghahatid sa 'yo pauwi pero see you later, kailangan ko nang umalis at pag-usapan 'to sa kanila," sabi niya at umalis na "Tawagan na lang kita mamaya," sabi niya habang dumadaan sa 'kin.
"Sige G. Han, goodbye," kinuha ko 'yung bag at telepono ko, tinulak ko 'yung upuan sa mesa.
"Teka," utos niya bago pa ako makatapak.
"Oo?" tanong ko habang nakaharap sa kanya, 'yung takong ko pa lang.
"Ihahatid kita at...,"
"At," tanong ko habang tinaas 'yung kilay ko sa kanya, magkakrus 'yung mga kamay ko sa dibdib ko.
"Gusto kong gawin mo akong pabor," tanong niya, mahina 'yung boses niya, 'yung mga mata niya sa 'kin nakatitig at mukha siyang cute sa tapat niyang mukha.
Si G. Han, 'yung kilala bilang walang puso, sikat, pinaka-gwapong CEO, nagtatanong sa 'kin na gawin ko siyang pabor, ang cute.
Talaga, ito 'yung dapat trending sa social media, siguro dahil paborito siya ng media.
"Ano?" tanong ko, kinukusot ko 'yung ilong ko, gusto kong malaman kung anong gusto niyang ipagawa sa 'kin.
Yumuko siya para matumbasan 'yung height ko, 'yung mga mata niya diretso sa 'kin nakatitig "Maging girlfriend kita," bumulong siya.
"Ano?" halos sumigaw ako.
Salamat na lang at private room 'to kung hindi, siguradong mapapansin ako ng karamihan.
"Inarrange ako ng nanay ko ng blind date at hindi ako interesado doon kaya gusto kong magpanggap kang girlfriend ko,".
Okay, that sounds reasonable o bakit ako pa 'yung tatanungin niya na maging girlfriend niya, sa dinami-rami ng maiinit na babae na nagkakagusto sa kanya, it doesn't make sense.
"Bakit hindi mo sabihin sa nanay mo na hindi mo gusto," tanong ko habang tinatadyakan siya.
"Kung kaya ko lang, bakit pa kita hihingan ng pabor," paliwanag niya na casual lang, tinitingnan niya ako.
"Pero sorry, hindi ko kaya, humanap ka na lang ng iba," sigaw ko habang tumatalikod para umalis.
Bigla niya akong hinila sa yakap, huminto ako sa paligid, 'yung hawak niya, may ibang nararamdaman ako, ang naririnig ko lang 'yung tibok ng puso niya, parang pamilyar.
"Hindi kita pakakawalan hangga't hindi ka sumagot ng oo," tumawa siya.
Talaga, ang isip-bata nito, paano niya naiisip 'yung ganito?
"Bitawan mo ako," sigaw ko na parang mangkukulam at nagpupumiglas ako sa hawak niya pero hindi ko siya magalaw kahit isang pulgada.
Okay, parang gumana 'yung trick niya dahil sinusubukan ko na siyang iwasan pero hindi ko magawa.
"Sige, sige," sumuko ako pagkatapos kong paghirapan na mailabas 'yung sarili ko sa yakap niya, binitawan niya ako, tapos lumakad siya paabante, hinihiling niya na sumunod ako sa kanya.
"Soo immature," sinabi ko nang malakas na galit ako at inilaglag lang niya 'yun dramatic.
Baliw siya, ibig kong sabihin, baliw talaga.