Huling Salita ng Pumatay
Huminga ako nang malalim habang nakatingin sa kawalan, hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung susundin ko ang gusto ko o kung tutuparin ko ang pangako ko.
Hindi ko talaga ma-gets kung dapat akong maging makasarili o kung dapat kong bayaran lahat ng kasalanan ko.
Ayoko mabuhay sa mundo na may mabigat na kasalanan. Bago ko pa man siya makilala, gusto ko nang mawala.
Bago pa man siya dumating sa buhay ko, lagi na akong naghahanap ng paraan para tapusin ang buhay ko nang hindi nakakaramdam ng sakit.
Pero nung dumating siya, nagbago ang mundo ko. Naalala ko yung sinabi niya noon. "Kung may problema ka, magdasal ka, hindi solusyon ang pagpapakamatay sa lahat ng problema mo." Yun yung lagi kong iniisip tuwing susubukan kong magpakamatay.
Isang araw sinubukan ko yung sinabi niya, nagdasal ako kahit hindi ko alam kung paano. Hindi ko nga alam kung paano mag-sign of the cross kaya diretso na akong sinabi sa kanya yung gusto kong sabihin. Humingi ako ng tawad sa mga nagawa kong mali, at humingi ako ng gabay kung itatama ko ba ang mga pagkakamali ko.
Noong araw ng libing ng tatay niya, nagdala ako ng libro. Ang label sa labas ay Kung Paano Pumatay sa Sarili Nang Hindi Nakakaramdam ng Sakit, pero sa loob ay bibliya. Nagsimula akong magbasa ng bibliya dahil nakita ko si Erelah na nagbabasa ng bibliya isang gabi bago kami pumunta sa bahay ng tatay niya.
Hindi ko alam kung bakit nakumbinsi akong magbasa rin ng bibliya, gusto ko yung ginagawa ni Erelah gagawin ko rin. Walang masama kung babasahin ko rin yung binabasa ni Erelah.
Hinto lang ako sa pagbabasa nang lumabas si Achaz, pagkalabas niya hindi ko na makita yung librong dala ko. Ganun din yung nangyari sunod-sunod kaya wala akong oras para hanapin yung libro sa baryo.
Araw-araw bago ako matulog, nagdarasal muna ako, nagdarasal ako na sana hindi lumabas si Chai o si Achaz. Pero parang hindi narinig yung dasal ko kasi lumabas pa rin si Chai noon at hindi lang si Chai kundi pati na rin yung ibang Alters na meron si Chai.
Makasarili ba ako? Lagi akong nagdarasal sa kanya na huwag lumabas yung host at ako na lang ang host sa katawang ito kahit Alter lang ako.
Sa tingin ko nagsimula yung hiling ko nung nakilala ko si Erelah, hindi ko alam kung bakit pero gusto ko siyang makita palagi. Nakikita ko siyang masaya at ligtas. Tuwing lumalabas si Chai nag-aalala ako para sa kanya. Dahil baka may gawin sa kanya yung baliw na host na yun.
Hanggang sa lumabas si Chai habang sila ni Achaz ay nagde-date. Ito si Achaz, alam kong kasabwat niya si Chai. Hindi naman hihilingin ni Achaz na lumabas si Erelah kung hindi inutusan ni Chai. Kung si Chai ang utak, si Achaz ang katawan.
Nung una nakaharap ni Erelah si Chai, nag-alala talaga ako para sa kanya, pinilit kong lumabas para lang mailigtas siya dahil nakita ko kung paano sasaktan siya ni Chai.
Mabuti na lang yung hawak ko ang tumarak sa braso ko at hindi kay Erelah. Masaya na ako na nailigtas ko si Erelah kahit alam kong takot siya sa akin.
Hanggang sa natapos lahat sa korte at pinakilala ako ni Erelah kay Atty. Mielda, ang abogado mula sa pamilya ni Draco, kapatid ni Chai, at kalaban ng amo ni Gazer.
Kumbaga maliit lang ang mundo, sino mag-aakalang nakilala ni Erelah yung taong nakapatay sa tatay niya at yung nawawalang kapatid ni Chai?
Nakakatawa kasi nung nalaman ni Draco na hindi si Chai yung lagi niyang kausap, sinubukan niyang gamutin si Chai para mawala yung mga alters niya. Pero nung nalaman niya na baliw yung kapatid niya, parang nagbago yung ihip ng hangin at tumanggi siyang pagalingin ang kapatid niya.
Ako yung tipo ng tao na hindi marunong magpasalamat, kahit tanungin pa si Gazer at Havacco, hindi pa nila ako nakikitang nagpapasalamat o kahit sa kanila, hindi pa ako nakapagpasalamat. Pero kay Erelah. Sobrang nagpapasalamat ako na niligtas niya ako nung gusto kong tumalon sa tulay sa umaagos na tubig. Hindi ko alam nung araw na yun naiinis ako sa kanya dahil pinigilan niya akong tumalon sa tulay pero lately sobra ko na siyang pinasasalamatan. Dahil kung hindi niya ako niligtas noon, siguro hindi ko malalaman yung pakiramdam ng saya at yung pakiramdam ng pag-ibig.
May mga taong nakikilala ko na tama yung pananaw nila sa pag-ibig. Hindi ito biruan at hindi ito isang joke. Kapag tinamaan ka, tinamaan ka, at si Erelah? Tinamaan ako sa kanya.
Bakit gusto kong mamatay? kung marami pa akong dapat matutunan sa buhay, nagsisisi ako na kinulong ko ang sarili ko sa madilim kong mundo, nagsisisi ako na hinayaan kong manatili yung atensyon ko kay Achaz at Chai. Nagsisisi ako sa lahat ng kasalanan ko. Mapapatawad pa kaya ako? Siguro kahit yung pari kung magtatapat ako sa kanya, hindi ako palalayain sa bigat ng kasalanang nagawa ko.
Siguro tama yung mga taong pinatay ko dati, 'Darating din ang karma' at ito na siguro yung malaking karma ko, ang iwan si Erelah at hindi matupad yung mga pangako ko.
Kung may hihilingin ako, sana mapatawad niya ako.
Kung may gusto akong sabihin? Hindi ko alam pero kung mababasa ni Erelah yung mga liham na iiwan ko sa mga salitang iyon at bawat salitang nakapaloob dito ay puno ng pag-ibig na isinulat ko at iiwan ko lang yung isang mensahe para sa babaeng naging anghel sa buhay ko. Kahit mawala ako sa mundong ginagalawan naming dalawa, palagi ko siyang babantayan saan man siya magpunta. At kung mabibigyan ako ng pagkakataong mabuhay ulit sa susunod na buhay, hahanapin ko siya, at ipinapangako ko na hindi siya haharap sa isang Cold Damon o isang Alter Damon, kundi isang Damon na handang ibuhos ang pagmamahal niya para sa isang Erelah na katulad niya.
At kung totoo yung sinasabi nila na 'May buhay ka sa ibang mundo' sana yung Damon sa mundong iyon ay hindi isang Alter o malamig o isang serial killer. Sana yung ibang kwento ni Damon ay masaya sa ibang mundo kasama yung sarili nilang Erelah.
At kung may huling mensahe ako kay Erelah, ito ay..... Sa mga araw, oras, minuto, at segundo na magkasama kami kahit sa maikling panahon. Walang isang segundo na hindi ko naramdaman sa kanya na mahal ko siya. Mahal na mahal kita Erelah. Sorry
"Mahal kita Erelah."
"Isagawa na ang pagbitay." Habang tinatakpan ko yung mukha ko, nagsimulang tumulo yung luha ko hanggang sa umiyak ako dahil narinig kong sinabi ni Erelah na 'Mahal din kita Damon' Dati gusto kong mawala sa mundong ito. Ngayon natatakot akong mawala, natatakot akong iwan si Erelah.
Pero ito yung nakatadhana sa buhay ko, siguro ito yung nakatadhana na mangyayari sa buhay ko. Patawarin mo ako Erelah.
Naramdaman ko yung boltahe ng kuryente na dumaloy sa katawan ko at yung sakit nito sa pakiramdam ko hanggang sa unti-unting nanghina yung buong katawan ko at unti-unting pumikit yung mga mata ko.
"Sorry Erelah"