Libing
Erelah POV
"Kung malapit ka sa nuclear blast, mamamatay ka agad na walang sakit kasi mas mabilis kang papatayin ng pagsabog kaysa maramdaman ng utak mo ang sakit." Tumingin ako sa lalaking katabi ko, hawak niya yung libro kung saan niya binabasa yung nakasulat doon. Sumimangot ako nang sinara niya yung libro at nakita ko yung titulo.
"Nasaan ba ang nuclear plant dito?" Tanong niya tapos tumingin siya sa akin, umiwas ako ng tingin tapos nag-sign of the cross.
"Patawarin mo po siya sa iniisip niya." Bulong ko tapos nag-sign ulit ako ng krus, narinig ko yung mahina niyang tawa kaya napatingin ako sa kanya.
"Weird mo." Bumuka yung labi ko dahil sa sinabi niya, galing sa suicidal maniac?
Di ko alam na di niya ako pinansin, tumingin lang ako sa harapan kung saan nakatayo yung mga kamag-anak ni Papa. Unti-unti akong nakaramdam ng sakit at lungkot habang pinapanood ko silang umiyak, pinikit ko ulit yung mata ko habang naalala ko kung paano natumba si Papa nang hilain ako ni Damon palayo sa mga tao nung araw na yun.
"Bakit di ka lumapit sa Papa mo?" Bulong ni Damon sa akin na nasa tabi ko na pala, tumingin ako sa kanya, nakatingin siya sa akin kaya ngumiti ako tapos umiling.
"Bakit?" Tanong niya, huminga ako nang malalim tapos tumingin sa mga kamag-anak ni Papa na nasa harapan at umiiyak.
Para saan pa? Hindi naman nila ako tatanggapin kung lalapit ako at iiyak katulad nila. Sapat na sa akin na malayo ako.
"Hoy, tinatanong kita kung bakit di ka lumalapit sa Papa mo, takot ka ba sa patay?" Tanong ni Damon pero di ko siya pinansin. Nagulat na lang ako nang tumayo siya kaya napatingin ako sa kanya, seryoso siyang tumingin sa akin at bigla na lang hinawakan yung kamay ko tapos hinila ako patayo.
"D-Damon--" Di ko na natapos yung sasabihin ko nang hilain niya ako palapit sa kabaong ni Papa kung saan nakatayo yung asawa at anak niya, nanlaki yung mata ko at bigla akong kinabahan kasi baka magka-eksena pa dito sa burol ni Papa.
Naramdaman ko yung mga titig ng mga bisita habang hinihila ako ni Damon palapit sa kabaong ni Papa, napalunok ako at akmang bibitawan siya nang higpitan niya yung hawak niya sa kamay ko. Kasabay nun, tumigil kami sa paglalakad nang nasa harapan na kami ng kabaong ni Papa. Nadurog yung puso ko nang makita ko yung asawa at anak ng Papa ko na nakatingin sa amin.
"Umiyak ka." Tumingin ako kay Damon nang sabihin niya yun, nakatingin siya sa akin, tumingin ako sa asawa at anak ng Papa ko na nakatingin sa amin.
"Sino ka?" Tanong ng anak niya, tumingin doon si Damon.
"Ikaw din, sino ka?" Tanong dito ni Damon kaya pumikit ako tapos hinawakan ko yung kamay ni Damon para mapatingin siya sa akin, humarap ako sa asawa at anak ng Papa ko tapos ngumiti.
"Condolences." Sabi ko tapos sumilip ako sa kabaong ni Papa, agad tumulo yung luha ko tapos tumingin ulit sa asawa at anak niya. "Sorry sa abala." Nang sabihin ko yun hinila ko si Damon palayo, ramdam ko yung mga titig ng mga tao dito habang naglalakad kami palabas. Tuloy-tuloy lang yung pagtulo ng luha ko na parang may sarili silang buhay.
"Papa--"
"Huwag mo akong tawaging Papa, hindi ba't binayaran ko na ang Mama mo para ilayo ka sa akin? Anong ginagawa mo dito? Kailangan mo ba ng pera? Wala kang mapapala sa akin."
"Tay, nandito ako dahil gusto kong makasama ka--"
"Ayos lang ako, ayaw kitang makasama. Umalis ka na bago ka pa makita ng asawa at anak ko."
Ni minsan, hindi ko naranasan na tawagin niya akong anak, o ituring niya akong anak niya. Inabot ako ng tatlong taon para mahanap siya pero nung araw na nakita ko siya, itinaboy niya lang ako at pinalayas.
Ang gusto ko lang ay makasama niya ako bilang ama ko, kahit sa huling sandali, kahit ilang minuto lang. Pero sa tuwing naaalala ko kung paano niya ako itinaboy ng ilang beses, dumadaloy yung sakit at galit sa akin. Pero ngayon na wala na siya, Lahat ng galit, kalungkutan at sakit na dulot ng pagtataboy niya sa akin ay nawala at napalitan ng lungkot.
Lungkot, dahil hindi ko narinig ang salitang anak mula sa kanya, Lungkot dahil kahit sa huling hininga niya parang naririnig ko yung boses niya na sinasabihan akong itaboy ako.
"Erelah." Tumigil ako sa paglalakad at hinarap si Damon na hawak yung kamay ko, habang tuloy-tuloy pa rin yung pagtulo ng luha ko. Seryoso yung mukha niya habang nakatingin sa akin, di ko mabasa yung emosyon niya kaya yumuko ako.
"H-hindi, hindi ko kayang magpakilala bilang anak niya, kasi sisirain ko yung pamilya niya." Umiiyak kong sabi, feeling ko ako yung batang inaapi ng lahat at nagrereklamo kay Damon. "H-hindi ko kayang tawaging Papa sa harap ng maraming tao, kasi sisirain niya yung pangalan niya. Sisirain ko yung pangalan niya." Umiyak ako nang umiyak sa buong oras.
"G-gusto ko siyang tawaging Papa, gusto ko siyang yakapin pero, pero may pinapangalagaan siyang pangalan kaya, kaya kahit sa huling sandali ng buhay niya di ko siya kayang tawaging Papa, kasi masasaktan yung asawa at anak niya." Sabi ko habang umiiyak at nakayuko.
"S-sa kanya isa lang akong malaking kasalanan na ginawa niya--" Di ko na natapos yung sasabihin ko nang bigla niya akong hinila palapit sa kanya at niyakap, mas lalo akong naguluhan. Para akong bata habang yakap niya ako, umiiyak habang yakap niya ako.
"T-tatlong taon, inabot ako para mahanap siya, pero, pero itinaboy niya lang ako." Lumala yung yakap niya sa akin. Pumikit ako habang umiiyak sa bisig niya na nakapalibot sa akin.
"G-gusto ko lang maranasan yung nararanasan ng iba kapag may ama sila na kasama nila, H-kaya hinanap ko siya kasi akala ko, akala ko tatanggapin niya ako."
"Huwag ka munang umiyak." Sabi niya nang walang emosyon habang yakap niya ako, umiyak lang ako at niyakap siya pabalik.
"Hindi naman ikaw yung dapat umiyak." Bulong niya tapos bumitaw siya sa yakap ko, tumingin siya sa akin at nakita ko yung ngiti sa mukha niya, ngiting totoo at walang halong pagpapanggap. Nagulat ako nang pinunasan niya yung luha ko gamit yung panyo niya.
"Ang dapat mangyari ay nangyari na, wala tayong magagawa kundi tanggapin na lang yung nangyari." Sabi niya habang pinupunasan yung luha ko. "Aalamin natin kung sino ang gumawa nun sa Papa mo at pagbabayaran nila yun." Natigilan ako sa sinabi niya.
"Gusto mo bang malaman kung ano yung sinabi ng Papa mo bago siya mawalan ng hininga?" Tanong niya kung saan bumilis yung tibok ng puso ko, nakatitig lang ako sa kanya tapos tumango ako ng dahan-dahan. Ibinaba niya yung kamay niya tapos tumingin siya sa akin at tumayo nang tuwid.
"Erelah." Sabi niya dahilan para sumikip yung dibdib ko. "Yun yung huling sinabi niya bago siya mawalan ng hininga."