Manalangin
“Damon, ano na naman ginagawa mo?” Huminto ako sa paghahalo ng lason na binili ko tapos tumingin ako kay Gazer na nakatingin sa kamay ko.
“Naghahalo ng lason,” sagot ko kaya nagulat siya at kunot-noo na lumapit sakin tapos hinablot yung hinahalo ko at itinapon sa gilid, napanganga ako habang pinapanood yung likidong dumadaloy mula sa pouch pababa sa sahig.
“Putangina, ilang oras ko hinahalo tapos tinapon mo lang?” Sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin tapos binato yung pouch sa isang gilid. Wala kang puso Gazer, sayang yung lason!
“Nasaan si Erelah?” Tanong niya kaya luminga ako at napansin na wala yung Babae. Baka pumasok?
“Nasa loob, sa tingin ko,” sabi ko tapos inilabas yung sigarilyo.
“Sa tingin mo? Hindi ka sigurado? Sasakalin kita Damon, paano kung kinuha yun ng kalaban ni Mayor?” Tanong niya kaya tiningnan ko siya.
“Ang kalaban ni Boss ang kalaban ni Mayor, hindi ba? Eh, edi isa sa atin ang kukuha sa kanya rin, para makita rin natin siya sa taguan.” Sabi ko kaya naghinayang siya sa sinabi ko. “Eh wala namang kwenta yung Babae, bakit mo siya binabantayan? Sayang lang oras mo sa kanya,” sabi ko kaya mas lalong naghinayang yung labi niya.
“Baliw ka.” Sabi niya kaya tiningnan ko siya, sinindihan ko yung sigarilyo na hawak ko. “Yun yung assignment ko, hindi ba? Kaya importante talaga siya sakin dahil siya yung magtuturo sa atin ng susunod mong assignment.” Sabi niya kaya nainis ako.
“Wala pang binibigay na assignment si Boss,” sabi ko kaya humarap siya at naglabas ng brown envelope sa likod niya. Inabot niya sakin na agad ko namang tinanggap at binuksan. May litrato ng Babae sa loob, si Erelah, at may nakadikit sa likod na sulat na nagsasabing assignment ni Gazer yun.
‘Sundin at bantayan mo ang Babaeng ito, siya ang makakapagturo sayo kung nasaan ang lugar ni Draco’
Tumingin ako kay Gazer. “Sino si Draco?” Tanong ko. Nagkibit balikat siya tapos inagaw yung sobre sakin at yung litrato ni Erelah.
“Siya yung papatayin mo.” Sabi niya kaya sumimsim ako sa sigarilyo ko at naglabas ng usok nito. Tumingala ako sa langit kung saan laganap ang sikat ng araw.
“Para mapadali yung misyon natin kapag kasama natin si Erelah at kakampi natin.” Sabi niya, lumingon ako sa kanya, nakatingin siya sa loob ng simbahan kung saan sa tingin ko pumasok si Erelah.
“Nakapasok ka na ba sa ganyang lugar sa buhay mo?” Tanong ko habang nakatingin sa simbahan, natahimik siya at tumingin sakin.
“Sa tingin mo tatanggapin tayo doon? Wala nang ibang patutunguhan ang mga katulad natin kundi impyerno.” Sabi niya kaya napangiti ako at tumingin sa malaking krus sa loob ng simbahan.
“Sa tingin ko langit ang pupuntahan ko,” sabi ko tapos tiningnan siya, natawa siya sa sinabi ko.
“Paano mo nasabi yun? Lagi ka nang nagbabalak magpakamatay.” Sabi niya kaya itinapon ko yung upos ng sigarilyo ko sa gilid tapos tumayo ako nang tuwid at ikinrus ko yung braso ko.
“Pinagdarasal ako ni Erelah,” sabi ko kaya tiningnan niya ako na para bang nagtataka sa sinabi ko, dahan-dahang tinuro yung device na suot sa tainga ko kung saan nakakonekta kay Erelah.
Nilagyan ko ng maliit na mic sa isang bagay na hindi niya mapapansin, sa kwintas niya. Pagkatapos nun, nagpaalam ako na bibili ng tubig kahit ang totoo ay bibili ako ng lason, kaya matagal na panahon pa bago kami naghiwalay alam at naririnig ko na kung ano ang kanyang sasabihin at kung sino ang kanyang kausap.
Napatawa si Gazer at nag-iling.
“Ang talino mo talaga.” Sabi niya.
“Tapos na siyang magdasal, lalabas na siya,” sabi ko tapos sumakay sa motor ko.
“Ikaw na ang bahala sa kanya, susundan na lang kita,” sabi ko tapos isinuot yung helmet ko.
“Saan ka pupunta?” Tanong niya habang nakatingin sakin.
“Sa puntod ko,” sabi ko tapos pinaandar ko yung motor ko, nagpaalam ako sa kanya na aalis na ako at bago pa siya magreklamo ay pinaandar ko na ang aking motor papalayo sa kanya. Nagtungo ako sa isang sementeryo kung saan nakalibing sina Ina at Ama.
Ilang minuto pa nang makarating ako doon, agad ko na ipinarada yung motor ko sa gilid at bumili ako ng bulaklak at kandila nang dumaan ako sa isang maliit na tindahan. Muli akong naglakad patungo sa puntod ng aking namayapang magulang tapos nakangiting inilagay yung bulaklak sa lapida nila at sinindihan yung kandila na dala ko.
“Kumusta na kayo.” Panimula ko tapos inalis yung kalat sa gilid ng lapida nila. “Narito na naman ang pasaway at suwail ninyong anak.” Napatawa ako at sinabi tapos umupo sa damuhan at tumingin sa langit. “Pumarito lang ako para sa lakad ko,” sabi ko tapos tumawa sa sinabi ko.
“Naghahanap ako ng paraan para mamatay, tapos gusto ko lang sabihin sa inyo yun, sa tingin ko nabawasan yung kasalanan ko kahit paano,” sabi ko tapos tumingin sa puntod nilang dalawa. Napangiti ako tapos tumingin muli sa langit.
“Teka, ilang taon na ba nang huli ko kayong bisitahin?” Tanong ko sa kanila tapos nag-isip. “Sa tingin ko 10 taon palang ako nang huli akong bumisita dito.” Sabi ko tapos tumingin sa lapida nila.
“Naaalala ko yung huli ninyong nabanggit tungkol dito bago kayo mawalan ng buhay.” Biglang lumamig yung aura ko at nawalan ako ng gana nang maalala ko yung mga panahong iyon, natitigan ko yung lapida nila ng ilang minuto bago tumayo at tapos ngumiti.
“Aalis na ako, dumaan lang ako para sabihin, may isang babaeng ipinagdarasal ako,” sabi ko at yumuko nang maalala ko yung narinig ko kanina.
‘Papa God, alam kong hindi ito ang tamang oras para humiling dahil sa nangyayari sa pamilya ko. Pero, makapal na ang mukha ko. Nakakilala ako ng isang lalaki at ang pangalan niya ay Damon, unang pagkikita namin ay magtatangka siyang magpakamatay, alam kong bawal at masama iyon kaya sana, gabayan niyo siya at patawarin ang kanyang mga kasalanan at alisin lahat ng problema niya, para hindi na niya maisipang magpakamatay. '
Napatawa ako nang maalala ko yung bagay na yun. Hindi alam ng Babae na yun kung gaano ako kasalanan at kung bakit ko gustong magpakamatay. Pero yung Babae na yun, siya yung unang tumupad sa sinabi ko.
“Sabi ko ipagdasal mo lang ako.”
“O-okay lang, a-anong pangalan mo?”
“Damon.”
Siya yung unang Babae na isinama yung madumi kong pangalan sa panalangin niya.