Yugto 6
***
ARKISHA
.
Natapos kong linisin yung mga plato tapos naligo na ako bago nagpalit ng ibang damit, may shawl na nakabalot sa leeg ko.
Pumunta ako sa balkonahe sa labas lang ng bintana ng kwarto ko at umupo sa maliit na semento habang nakatingin sa labas. Nakatitig sa mga bituin.
Lumilipad yung isip ko sa sinabi ng tiyahin ko kaninang tanghali. Paano niya ako inaasahang magpapakasal? Bente singko pa lang ako at katatapos ko lang mag-kolehiyo. Alam kong hindi naman labag sa kultura namin yung maagang pagpapakasal pero feeling ko marami pa akong gustong ma-achieve at paano ako makakasigurado na mai-inlove ako sa ibang lalaki?
Alam kong bata pa kami ni Shak pero higit pa dun yung nararamdaman ko at talaga namang nakaramdam ako ng kakaiba para sa kanya.
Nalulunod pa rin ako sa aking iniisip kaya hindi ko napansin yung presensya ni Veera sa kwarto ko hanggang sa nagsalita siya.
"'Wag mong sabihing nagde-daydream ka pa eh gabi na?" tanong niya at muntik na akong mapatalon sa gulat, hinawakan ko yung part ng dibdib ko kung saan nakalagay yung puso ko.
"Ginulat mo ako, Veera. Grabe ka, mas malala ka pa kay Pihu at Kuhu," sigaw ko habang nagbubuga ng malalim na hininga na hindi ko alam na pinipigilan ko pala.
"Paano ka nakapasok dito?" tanong ko habang tumatayo ako mula sa semento at nagtutungo sa loob ng kwarto. Binuksan ko yung ilaw tapos pumunta ako sa dresser para tanggalin yung mga natitirang pulseras ko.
"Alam ni Tita na nandito ako," sagot niya habang tumatalon sa kama ko na parang binuhusan ng basura.
Tumawa ako bago sumagot, "Veera, ano bang problema?"
Matagal na kaming magkaibigan ni Veera. Para na kaming kambal na lumaki. Kahit mas matanda ng isang taon si Veera sa akin, halos parehas lang kami ng edad. Galing si Veera sa mayamang pamilya at may impluwensya rin sila sa lipunan. Madalas kong iniisip kung bakit kami pa rin magkaibigan kasi feeling ko kaya niyang makahanap ng mas higit pa sa akin.
"Archi, hindi ka maniniwala kung sino yung nakita ko pagbalik ko galing kolehiyo," sabi niya na may mga mata na nangangarap at alam kong nagagandahan siya sa taong ito.
"Anong ginagawa mo sa kolehiyo?" tanong ko pero hindi niya pinansin yung tanong.
"Hindi yun ang punto. Dapat tinatanong mo kung sino yung nakita ko, hindi kung saan ako galing. Try to keep up Archi," reklamo niya na parang naiinis.
"At sino naman yung nakita mo ngayon? Anak ng gobernador?"
"Mas maganda pa dun. Nakita ko lang siya ng saglit habang nagmamaneho siya ng kotse niya at nakakasigurado ako na siya na yung para sa akin," sabi niya.
Inikot ko yung mata ko. "Ganyan ka naman sa lahat ng nakikilala mo. Nung huli yung Anak ni Tiwari tapos nakalimutan mo na yung gulong ginawa mo nung nakaraang panahon tungkol kay Mohit? Sumulat ka pa ng karatula para ilayo yung ibang babae sa kanya."
"Tsk," nag-click siya ng dila. "Alam kong hindi ka maniniwala pero naramdaman ko yung puso ko na tumibok dito," hinila niya yung kamay ko at nilagay sa dibdib niya. "Feeling ko in love ako," dagdag niya habang umiikot sa kwarto.
"Sana ganun lang kadali," sabi ko.
"Maniwala ka sa akin Archi, mai-inlove ka ng todo-todo sa lalaking 'to kung nakita mo lang siya,"
"At least isa sa atin ang nagkaroon ng magandang hapon," sabi ko na may buntong hininga.
"Kwento mo. Anong nangyari?"
"Pabalik ako galing palengke, nabasa ako ng putik ng isang kotse. At yung bastos na may-ari ay sinisigawan yung driver na humihingi ng tawad sa pagkakamali niya," daldal ko habang ikinukuwento ko lahat ng nangyari.
"Ang bastos naman," gulat niya.
"At yung walang modo na lalaki tinanong pa ako kung ganun daw ba talaga ang pagpapalaki sa mga babae sa India, dahil lang itinuro ko yung pagkakamali niya."
"Buti na lang hindi nangyari yun nung nandoon pa sina Pihu at Kuhu. Hindi na siya mabubuhay para ikwento," sabi niya at sabay kaming natawa.
"So, nasaan na siya ngayon?"
"Sino?"
"Yung kuno na loverboy?" tanong ko.
"Imposibleng kausap ka. Alam kong makikita ko ulit siya kaya 'wag kang mag-alala. Anyway, anong gagawin mo bukas?" tanong niya.
"Sasayaw ako sa templo. May festival bukas," sagot ko na may sobrang saya.
"Pupunta ako para sa interview bukas. Ang tatay ko may kilalang negosyanteng kaibigan at pumayag siya na papasukin ako sa kumpanya niya bilang secretary ng anak niya pero kailangan ko pa rin pumasa sa interview,"
"Congratulations Veera," sabi ko at niyakap siya ng sobrang higpit.
"Salamat."
"Pag nakuha mo na yung trabaho, ako ang unang magbibigay sa'yo ng kendi," sagot ko habang bahagyang kinurot yung pisngi niya.
"Talaga," Aminado siya at mabilis isinuot ang tsinelas niya. "Goodnight Archi," hinalikan niya ang pisngi ko bago tumakbo palabas ng kwarto ko, pababa ng hagdan patungo sa sarili niyang bahay.
Pinatay ko yung ilaw pagkaalis niya at nagtago sa ilalim ng kumot ko habang nakatulog na ako.
.
***
SAMARIA
.
Nagising ako mula sa kama ko at naligo. Kahit na alam ko na hindi ako bagay sa ganitong buhay pero dito ako nakakulong. Anong gagawin ko? Ngayon na ang ikalawang araw ng tinatawag na hamon at pagod na ako.
Hindi na ako makapaghintay na makabalik mula sa ritwal na ito para magawa ko na yung sinasabi ni Payal at humanap ng magandang guru.
Nagsuot ako ng pantalon at t-shirt at inayos ang buhok ko, tinapos ko ang aking itsura gamit ang isang pares ng ankle boots. Nasiyahan sa paraan ng aking itsura, kinuha ko ang aking kamera at nagtungo sa ibaba.
"Magandang umaga Sam. Halika't mag-almusal," sabi sa akin ni Payal pagkakita niya sa akin na bumababa sa hagdan.
"Salamat Payal," sabi ko na may ngiti. Kakain na sana ako sa tabi ni ADI nang maunahan ako ni Charu.
"Eto na Adi." Inilagay niya ang isang mangkok ng porridge sa harap niya habang nakaupo sa tabi niya. Kumukulo na ang dugo ko.
"Sinabi sa akin ni Tiya na gusto mo ng porridge kaya gumawa ako para sa'yo. Gumawa rin ako ng mangkok ng kheer. Subukan mo," pag-uudyok niya.
Magsasabi na sana ako pero pinigilan ako ni Payal.
"Hindi na kailangan pang gawin yun," sabi niya. "Hindi mo na kailangang magsimula ng away para patunayan ang isang punto. Maniwala ka sa akin."
Huminga ako at umupo sa ibang upuan.
Maya-maya, lahat ay bumaba para sa almusal at tahimik kaming kumain kahit na kakaiba ang itsura ng pagkain at iba ang lasa sa nakasanayan ko pero nagawa ko pa rin naman.
Pagkatapos kumain, hinila ni Adi ang kanyang upuan paatras at tumayo mula sa hapag-kainan.
"Magbibihis na ako para sa panalangin," sinabi niya sa nanay niya at bago pa siya makasagot, hinalikan niya ako sa pisngi na nagpagalit lalo sa kanya pero nagpula naman ako, na hindi ikinatuwa ni Charu, at nagtungo sa itaas.
Nagkaroon ako ng eye contact sa kanya pero iniwas niya ang kanyang mga mata at hindi ako pinansin.
"Payal, nakahanda na ba lahat ng mga paghahanda para sa ritwal?"
"Opo ina," sagot ni Payal at maya-maya pa, tapos na ang lahat sa pagkain.
Nagdala sila ng tray na naintindihan ko na isang handog na plato at pinuno ito ng iba't ibang mga bagay tapos sumali sa amin si Adi sa sala.
"Handa ka na ba?" tanong niya sa akin at tumango ako.
"Sasama ba siya sa atin?" tanong ng nanay niya.
"May problema ba?" singit niya.
"Wala naman."
"Sige tara na," sabi niya sa kanya at nagmartsa kaming lahat sa labas. Sumakay si Nanay kasama si Uncle Kushaan at Charu habang sumakay ako kasama si Payal at ADI.
"Huwag mong hayaan na maapektuhan ka niya."
"Sabi ng taong kumain ng pagkain ng kaaway. Naririnig kita, ginoo," sagot ko, may pagkasarkastiko sa aking boses.
"At dahil si Payal ang gumawa nun?" sagot niya at napanganga ako.
"Pero..."
"Kaya nga sinabi ko na huwag kang makipag-away sa kanya. Sinusubukan lang niya na makuha ang atensyon ni Adi. Lumapit sa akin si Nanay sa kusina at sinabi sa akin na huwag magsabi ng kahit ano."
"Salamat Payal," sabi ko na may ngiti at hinawakan niya ang pisngi ko na may pagmamahal.
"Mahal ka ni Adi. Sigurado ka diyan," payo niya sa akin.
"At eto," nilagay niya ang isang shawl sa aking kamay.
"Sa panahon ng ritwal, kinakailangan mong takpan ang iyong ulo. Para lang hindi gumawa ng eksena si Nanay sa templo."
"Maganda," sabi ko na seryoso. "Maraming salamat Payal."
Sa wakas ay sinimulan na ni ADI ang makina at lumabas kami ng bahay habang nagtungo kami sa templo.
.
.
Pag-ibig Na May Benepisyo.