Kabanata 11: ANG LIHIM NG LAB
Pinakinggan nilang tatlo ang sinasabi ng matandang lalaki, nagtago sila sa puno para makapagpatuloy sa pakikinig. Si Adam ay aksidenteng nakasabi ng, "Aray!" nang kagatin siya ng mga langgam mula sa puno. Narinig ng matandang lalaki ang ingay na nanggagaling sa puno malapit sa kanya.
"May tao ba diyan? Kung matapang ka, lumabas ka at huwag kang magtago diyan," sigaw niya pagkatapos ay nagtanong, "Inuusisa mo ba ako?"
Lumabas ang kanyang anak at nagtanong, "Tay, diyan ba nakalagay ang lab mo?"
"Oo anak! Pero ngayon, hindi na akin. Ang lab ko ay naging kanlungan nila mula noong araw na umiral sila at hindi ako makapasok dahil puno ng zombie hanggang ngayon. Kung papasok ako diyan, magiging isa ako sa kanila at malapit nang mamatay dahil sa ibang tao, siguradong papatayin nila ako kung aatakihin ko sila," sigaw niya.
Lumabas sina Hannah at Adam at sumagot, "Huwag kang mag-alala lolo, hindi kami masama katulad ng iniisip mo sa amin."
"Ang gusto lang namin ay mahanap ang lunas. At iyon ang kailangan nating lahat para matigil ang nakakabaliw na bagay na ito, para matigil ang mga zombie na sumasakop sa iyong bayan. Gusto mong mawala sila, 'di ba? Gusto ka naming tulungan na mahanap ang mga sagot sa aming mga tanong," alok ni Adam.
"Mas madali ang mga bagay-bagay kapag maraming tao ang nagtutulungan. Pero mangyayari lang iyon kung papayagan mo kaming tulungan ka. Wala kaming magagawa kung ayaw mo kaming manatili sa paghahanap ng lunas," sambit ni Hannah na sinusubukang kumbinsihin ang matandang lalaki.
"Tay! Pakiusap, hayaan mo silang tulungan tayo na hanapin ang lunas," pakiusap niya. "Pero paano tayo makakapasok sa loob ng lab?" tanong ni Andre sa kanyang tatay sa isang nakakagiliw na tono ng kanyang boses.
"Maaari tayong pumasok sa loob ng lab kung ang isa sa atin ay may malakas na antibodies para labanan ang virus na sanhi ng kagat ng zombie," paliwanag ng matandang lalaki. "Pero..." pinutol niya ang kanyang mga salita. "Kung walang sinuman ang may ganitong mga antibodies, hindi ko alam kung paano tayo makakapunta doon," pagpapatuloy niya.
Nagtinginan sina Hannah at Adam.
"Pasensya na sa inyo sandali. Kailangan lang nating pag-usapan ang isang mahalagang bagay," magalang na pagpapaumanhin ni Adam at Hannah.
Lumayo sila sa dalawa at pinag-usapan kung ano ang nangyari kay Adam noong huling beses na nakagat siya ng zombie noong nasa abandonadong tren sila.
"Sa tingin ko dapat sabihin natin sa kanila kung ano ang nangyari sa iyo noong nakagat ka ng zombie," suhestiyon ni Hannah. "Ano sa tingin mo?" Tanong niya para sa opinyon ni Adam.
"Sa tingin ko magandang ideya iyon! Madali nating makukumbinsi ang matandang lalaki kung sasabihin natin sa kanya ang katotohanan sa likod ng mahiwagang kapangyarihan ng paggaling ng aking katawan," sagot ni Adam. "Tuwang-tuwa ako na tulungan ang bawat taong gustong bumalik sa kanilang normal na buhay," dagdag niya.
"Kung ang matandang lalaki ay isang tunay na siyentipiko, kaya niyang sabihin sa atin ang mga dahilan sa likod ng iyong gumagaling na sugat mula sa kagat ng zombie," sinabi ni Hannah kay Adam.
Sinabi nila sa kanila kung ano ang nangyari nang si Adam ay aksidenteng nakagat ng zombie noong nasa abandonadong tren sila.
"Alam kong kakaiba ito pero nakita kong nawala ang sugat ni Adam habang tumatagal ang panahon. At pagkalipas ng isang oras ay nawala ang sugat," sabi ni Hannah.
"Perfect!" Tinapik ng matandang lalaki ang balikat ni Adam. "Siya ang hinahanap ko." Ngumiti siya ng bahagya.
"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Adam sa kanya.
"Kung iyon ang nangyari sa iyo, mayroon kang mga antibodies na maaaring lumaban sa virus na dumadaloy sa ugat ng lahat," masayang sagot ng matandang lalaki. "Salamat sa Diyos, binigyan mo ako ng taong hinahanap ko," pinuri niya ang Panginoon.
"Pero nagtataka pa rin ako kung bakit mo kami sinubukang patayin?" tanong ni Hannah sa matandang lalaki.
"Ano? Sinubukan ko kayong patayin? Well, sa tingin ko hindi tayo nagkakaintindihan. Akala ko pareho kayong masamang tao katulad ng mga pamilyang nakilala natin bago naging zombie ang asawa ko. Sinubukan nilang patayin ang asawa ko gamit ang baril," paliwanag ng matandang lalaki. "Pero nang nasaksihan ko kung gaano kalakas ang pagkakaibigan ninyo. Inatake ko kayo noong gabing iyon para makuha ang inyong mga sample ng dugo pero ipinagtanggol ninyo ang isa't isa at sinubukang saktan ako. Ang ginawa ko ay para sa sarili ko lamang," ipinagtanggol niya ang kanyang sarili mula sa mga akusasyon.
"Gumamit ako ng palakol para saktan ka at makuha ang iyong mga dugo mula sa iyong mga sugat. Mayroon akong sling bag kung napansin mo. Mayroon akong mga test tube dito para sa mga sample ng dugo. Hindi ako mamamatay tao!" Ipinakita niya sa kanila kung ano ang nasa loob ng kanyang bag para patunayan na sinasabi niya ang totoo. "Siyentipiko lang ako at hindi ako mamamatay tao," pagtalakay niya.
"Akala ko ikaw ay..." tumigil silang tatlo. Nagulat silang lahat na hinusgahan nila ang matandang lalaki. Nakita nila ang mga test tube ng iba't ibang sample ng dugo.
"Tay? Sorry po! Patawarin mo po ako sa pagiging tanga kong anak. Hinusgahan ko po kayo," humingi ng tawad ang kanyang anak.
Sambit ng matandang lalaki, "Kita mo, kung gaano desperado ang mga siyentipiko para lamang makuha ang lunas sa bawat sakit? Hindi namin ginagawa ito para sa aming sarili. Gusto talaga naming makuha ang lunas para sa kapakanan ng lahat. Iyan ang aming trabaho."
"Hahahahahaha!" Nagtawanan silang lahat at nagpatawaran.
"Ngayong nandito na tayo malapit sa lab, ano pa ang hinihintay natin? Pasok na tayo," sabi ng matandang lalaki.
"Ang ilang bahagi ng aking lab ay sinasakop ng mga zombie pero sigurado ako na walang makakapasok sa isa sa aking paboritong bahagi doon," sabi ng matandang lalaki.
Pero may malaking problema ako, nakalimutan ko ang password," kinamot niya ang kanyang ulo.
"Ohhhh nooo!" Nag-react silang tatlo. "Paano tayo makakapasok ngayon?" Tanong nila sa matandang lalaki na may tandang pananong sa kanilang isipan.
"Kung hindi ako nagkakamali, naglagay ako ng ilang clues malapit sa pinto kung sakaling nakalimutan ko ang aking password. Malaki ang lab. Sigurado akong malayang naglalakad ang mga zombie sa bawat daanan ng lab malapit sa nasabing lugar. Alam kong may mangyayari sa hinaharap kaya sinigurado ko ang aking mga kagamitan at aparato sa loob ng silid na iyon. Pero lahat ay hindi inaasahan, akala ko ang mangyayari ay isang digmaan o kung ano pa man pero hindi ganitong uri ng epidemya. Nang nalaman ng mga tao mula sa ibang bansa ang mga nakakatakot na sitwasyong ito na ating nararanasan, nagpasya silang isara ang kanilang mga lugar mula sa pagtanggap ng mga taong galing sa ating bayan. Naiintindihan ko sila dahil alam kong pinoprotektahan lamang nila ang kanilang mga bayan mula sa mga zombie," seryosong pagtalakay ng matandang lalaki.
Inisip nilang makakapasok sila nang ligtas pero...