Kabanata 30: MGA NATUKLASAN
Siya ba ang tatay ng bata? Kung oo, edi kapatid ni Mrs. Jones ang lalaking 'yon pero teka, anong rason niya para patayin ang kapatid niya mismo?
Ang tanging paraan para malaman ay either tanungin ang pamilya ng biktima tungkol sa bata o 'di kaya tanungin mismo ang bata. Pero may isa pang gusto nilang imbestigahan, 'yung nagsumbong sa mga pulis tungkol sa krimen na nangyari sa Bahay ni Jones noong gabing 'yon.
Sinubukan ng team na humingi ng impormasyon sa mga kapitbahay nila pero walang nakakaalam kung anong nangyari. Sabi nila sa team, wala silang narinig na ingay mula sa bahay, ang sabi naman ng iba wala pa sila noon sa bahay kasi pumunta sila sa isang event sa labas ng bayan.
Yes! Ang hirap talaga lumaban sa ganitong klaseng kaso na walang testigo. Ang tanging testigo nila ay ang bata, ang batang posibleng may kinalaman sa pumatay sa tiyahin niya.
Bukod pa doon, hindi sapat ang mga ebidensya nila bukod pa sa hindi nakita ng akusado ang mukha ng killer at hindi man lang niya ito nakilala. Nakita lang niya ay isang anino pero walang makakapagpatunay noon sa korte, hindi ang mga ebidensya at lalong hindi ang statement ni Mr. Jones.
"Sa totoo lang, mapapatunayan lang natin na tama ang pag-aanalisa natin kung mahahanap natin ang bata," sabi ni Vhiann.
"Oo nga! Tama ang bestfriend ko! Sa tingin ko mas okay kung pumunta tayo sa Magulang ni Mrs. Jones. Makakakuha tayo ng impormasyon sa kanila," suhestiyon ni Hannah habang nakatingin sa kanila. "Bukod pa doon, wala naman akong nakikitang mali sa pagtatanong. Alam naman nating lahat na gusto lang nilang makuha ang hustisya na nararapat sa kanilang anak. Kung malalaman nilang inosente si Mr. Jones, matutulungan nila tayong hanapin ang tunay na killer," dagdag niya habang pinapapadyak ang hita niya gamit ang mga daliri niya.
"May punto siya Attorney. So, anong susunod nating gagawin?" tanong ni Adam.
"Kung sa tingin mo makakatulong ang mga magulang ng biktima para masolusyunan natin ang kasong 'to, ano pang hinihintay natin? Pumunta na tayo doon at alamin natin," sang-ayon ng abogada na naniniwala sa sinabi ng kanyang matatalinong mga detective.
Nila-lock nila ang pinto at umalis ng bahay. Kinausap ni Atty. Galiego ang mga kapitbahay na kung may magtatanong kung may mga taong pumasok sa bahay na 'to, "huwag niyong sasabihin na tumigil kami dito ngayon," pakiusap niya. "Para sa kaligtasan ninyo ito. Kung may pumunta dito na hindi niyo kilala, sabihin niyo lang sa akin o kontakin niyo ako, eto ang card ko," alok niya.
Nangako ang mga kapitbahay na hindi magsasabi ng kahit ano tungkol sa ginawa nila sa bahay. "Kukontakin ka namin kapag may nakita kaming pumunta dito," sabi nila habang nakatingin sa mga detective na nagbibigay ng katiyakan na susundin nila ang plano.
"Salamat sa kooperasyon niyo," sabi nila at agad na umalis.
Pagkalipas ng isang oras, nakarating sila sa bahay ng mga magulang ng biktima. Kumatok sila sa pinto...
Isang babae na may mahinang paningin ang nagbukas ng pinto. Tiningnan niya sila at sinusubukang kilalanin ang kanilang mga mukha. Tinawag niya ang kanyang asawa, "Jackson! Jacksoooonnnnn!" pero hindi sumagot ang kanyang asawa pagkatapos lumingon siya at sinabi, "Teka lang, pasok muna kayo. Halika na! Umupo kayo," inalok niya ang kanilang puti at malambot na sofa. "Kukunin ko lang ang salamin ko kasi hindi ko kayo makita."
Kinuha niya ang salamin mula sa box nito at sinuot ito. "Okay! Nakikita ko na kayo. May kailangan ba kayo sa amin?" tanong ng babae pagkatapos, umupo siya sa kanyang rocking chair na katapat ng sofa. Bumaba ang kanyang asawa at sumali sa kanyang asawa na nakikipag-usap sa kanila.
Sinimulan ni Atty. Galiego na tanungin sila tungkol sa kanilang manugang, si Mr. Jones kung paano siya bilang asawa sa kanilang anak na babae? sinundan ng kung paano siya sa kanyang bayaw? at paano siya sa kanila bilang kanyang biyenan?
Nagtinginan ang mga magulang ng biktima. "Anong ibig mong sabihin, paano siya sa kanyang bayaw? Isa lang naman ang anak namin," sagot nila.
"Ang manugang namin ay isang disenteng tao, mayaman siya at hindi niya kami kailanman tinuring na iba sa kanila o tinuring kami ng masama. Mabait siya at halos perpektong manugang. Kumportable kami sa kanya; napakasipag niya at mapagmahal na asawa sa kanyang asawa at sa kanyang magiging anak."
"Buntis si Mrs. Jones?" tanong ni Vhiann na nagtataka.
"Oo, buntis siya. 2 linggo na siyang buntis. Sinabi nila sa amin ang tungkol doon. Kaya hindi pa namin alam kung ano ang dapat naming maramdaman," sabi ni Mr. Jackson Thames.
"Hindi deserve ng anak at ng bata ang nangyari sa kanila. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ginawa sa kanya 'yon ng kanyang asawa," sabi ni Mrs. Thames habang malapit nang tumulo ang kanyang mga luha.
"Isang tanong pa, may mga pinsan bang lalaki ang inyong anak?" tanong ni Atty. Galiego na may kakaibang pakiramdam tungkol sa kanilang natuklasan.
"Oo, meron, pero lahat ng kanyang pinsan ay wala dito, nakatira sila sa ibang bansa na malayo sa amin. Matagal na panahon na ang nakalipas noong umalis sila ng bansa at lumayo sa amin," sagot nila.
"May mga pamangkin siya, 'di ba?" tanong ni Hannah.
"Oo, meron, pero katulad ng sinabi ko kanina. Ang mga anak ng pinsan niya ay lahat nakatira sa ibang bansa. Wala siyang mga pamangkin dito at hindi sila nagbabalak na bumalik dito, gusto nilang manatili sa bansang kinaroroonan nila ngayon," sabi ni Mrs. Thames.
"Salamat sa pagsagot sa aming mga tanong pero, pakiusap, mangako kayong hindi sasabihin ang lahat ng ito sa inyong abogado hanggang sa hindi pa nalulutas ang kaso at hindi pa napaparusahan na nagkasala ang akusado. Para sa sarili niyo ito," pakiusap ni Atty. Galiego.
"Bakit hindi namin sasabihin sa aming abogado? Siyempre, sasabihin namin sa kanya kung ano ang nangyari sa sandaling ito," sabi ni Mr. Thames. "Pero may kutob ako na hindi gagawin 'yon ng aming manugang. Pero dahil sa sinabi sa amin ng mga pulis na nakita ng kanilang dalawang mata ang nangyari, naniniwala kami sa kanila," dagdag niya.
"Kayo na ang bahala kung sasabihin niyo sa abogado niyo na pumunta kami dito sa bahay niyo o hindi," sabi ni Adam. "Pero gusto naming pag-isipan niyo 'yan, hindi lang minsan kundi maraming beses," dagdag niya.
Nagpasalamat sila kay Mr. at Mrs. Thames sa pagsagot sa kanilang mga tanong at tahimik na umalis ng bahay nang hindi man lang sinasabi sa kanila na ang kanilang manugang, si Mr. Jones ay inosenteng tao.