Kabanata 16: ESTRATEHIYA PARA MAKATAKAS
"Kung dekada na 'yun. Apat (4) na taong gulang lang ako nun," sabi ni Andre. "Ang tatay ko, apatnapu't pito (47) taong gulang na at ang nanay ko naman, tatlumpu't anim (36) taong gulang," dagdag niya.
"So, kailangan natin i-enter ang 043647. Tara na! Gawin na natin!" sabi ni Hannah nang may kumpiyansa.
Pumunta si Hannah sa device kung saan niya ie-enter ang pin code pero napansin ng mga lalaki na papalapit na ang mga zombie, hindi nila napigilan si Hannah kasi mabilis siyang tumakbo nung nakuha na niya ang tamang password.
Habang ini-enter niya ang pin code, hindi niya napansin ang mga zombie na papalapit sa kanya. Nung nakuha na niya ang tamang password, hindi niya na mapigilan ang emosyon niya kaya tumalon siya habang nakataas ang dalawang kamay dahil sa saya at ayan na ang mga zombie. Pero bago pa siya makorner ng mga 'yun, humiga na siya.
Tumigil si Hannah at nagkunwaring patay na naman, pinigilan niya ang paghinga niya at nagdesisyong huwag gumalaw. Ngayon, hindi lang isa kundi maraming zombie ang nakaramdam sa kanya at lumapit sa kanya. Hindi niya alam kung gaano katagal niya mapipigilan ang paghinga niya pero kahit anong mangyari, hindi siya dapat mahuli ng mga zombie nang buhay.
Yung laway ng pinakamalapit na zombie sa mukha niya ay tuluy-tuloy na tumutulo at dahil doon, nawawala na ang focus niya. Baka sumigaw siya in a few seconds kung magpapatuloy 'to.
"Yuuuuuuucccccccckkkk!" reaksyon ng mga lalaking nagtatago nung nakita nila ang eksena. Nagulat ang mga lalaki at hindi na marecognize ang reaksyon nila.
"Lolo, Andre, may dapat tayong gawin. Gusto kong iligtas si Hannah ngayon, alam ko kung gaano kahirap pigilan ang paghinga mo nang ilang minuto. Pupunta ako doon at kayo naman ay papasok sa experiment room dahil na-enter na ni Hannah ang tamang password," paliwanag ni Adam.
"Hintayin natin ng 3 minuto pa, sigurado ako na iiwan siya ng mga zombie at papasok sila sa kwartong katapat ng experiment room," sabi ni Andre.
"Sigurado ka ba anak? Baka magbago ang galaw nila dahil sa nangyari," sabi ng matanda.
Pagkatapos ng tatlong (3) minuto, iniwan ng mga zombie ang katawan ni Hannah at naglakad papunta sa experiment room. Sinubukan ni Hannah na bumangon nang tahimik. Nung malapit na ang mga zombie sa pinto ng experiment room. Nadulas si Hannah sa basa na sahig dahil sa laway ng zombie. Hindi niya napigilan ang bibig niya kaya sumigaw siya, "Ooooouuuuuucccccchhhh!"
Lumingon ang mga zombie, pero mas mabilis gumalaw ang mga lalaki kaysa sa mga zombie, kaya hinila nila ang mga paa ni Hannah at hinila nila siya palapit sa lugar kung saan sila nagtatago. Hindi nakakita ang mga zombie sa gabi kaya hindi nila napansin ang ginawa nila. Nagbago ang galaw nila. Pumasok sila sa kwartong katapat ng experiment room.
"Sorry Hannah, kailangan naming gawin 'yun. Okay ka lang ba?" tanong ni Andre.
"Ang kapal ng mukha niyong gawin sa akin 'yun. Ouuucch! Masakit ang likod ko," sagot ni Hannah. "Pero salamat dahil niligtas niyo ako guys!" sabi niya nang may matamis na ngiti.
"Sa tingin ko, ito na ang perfect na oras para pumasok sa experiment room. Pumasok na ang mga zombie sa katapat na kwarto. Tingnan niyo!" tinuro ng matanda ang mga zombie.
"Tama ka ata!" sabi ni Adam. Tumakbo siya nang mabilis at ni-lock niya ang katapat na kwarto para walang chance ang mga zombie na makalabas sa kwarto. Bumalik siya at sinabing, "Guys! Na-lock na ang mga zombie, punta na tayo sa experiment room. Hannah, pwede bang buhatin kita? Alam kong hindi ka makalakad," dagdag niya.
"Uy, tigilan mo nga yan! Wag mong gawin 'yun kung ayaw mong magalit ako sa'yo. Kaya ko naman maglakad mag-isa. Sabi mo protektahan ko lagi sarili ko, diba?" sabi ni Hannah.
"Sabi ko protektahan mo sarili mo pag wala ako, diba? Nasaan ba ako? Nasa tabi mo ako kaya wala kang magagawa kundi hayaan mo akong buhatin ka, okay? Kaya tigilan mo na ang pagsabi na kaya mong maglakad mag-isa," sabi ni Adam at sumimangot.
Sinabi ko na kaya kong maglakad mag-isa. Manood ka at tingnan mo kung makalakad ako nang wala ang tulong mo, pagmamayabang niya.
Sinubukan niyang tumayo mag-isa pero mahina pa rin ang mga paa niya para maglakad at humakbang. Pero sinubukan pa rin niya pero natumba siya sa sahig. Sinubukan niya 'yun, tatlong (3) beses pero hindi siya nagtagumpay. Dahil doon, iniligtas siya ni Adam, binuhat niya ang babae kahit gusto man niya o hindi.