Kabanata 20 Pagiging nandiyan para sa akin
“Sa tingin mo kaya mo pang maglakad?” tanong ni Damon habang tinutulungan akong tumayo.
“Oo, okay lang ako, salamat.” Sabi ko at tumango siya bago lumayo sa akin na parang ayaw niya akong makita. Hindi ko talaga siya maintindihan at malamang hindi ko na rin susubukang intindihin.
Nagsimula na akong maglakad, nakasunod sa kanila, hirap na hirap, nakaramdam ako ng kamay na umalalay sa beywang ko pero hindi naman yung spark na karaniwan kong nararamdaman kaya alam kong hindi si Damon yun at nakakadismaya yun. Tumingala ako at nakita ko si Sam, nginitian niya ako ng tipid na ngiti na sinuklian ko rin naman. Lumingon ako para makita si Damon na nakatingin sa amin, sinusubukan kong basahin yung ekspresyon niya kung nagseselos ba siya o naiilang na may ibang lalaki na humahawak sa kaisa niya pero walang ipinakitang emosyon yung ekspresyon niya. Yung mga normal na werewolves, gagalit na siguro ngayon o magre-react sa kahit anong paraan, kaya siguro hindi siya normal o wala siyang nararamdaman para sa akin.
Nakapunta kami sa portal na ginawa ni Sam at madali kaming nakalagpas.
“So ano na mangyayari?” tanong ni Vulcan.
“Mag-uumpisa na talaga ang paglalakbay natin papunta sa mundo ng mga mangkukulam.” Sagot ni Sam.
“Gaano katagal bago tayo makarating?” tanong ni Damon at tatlong araw ang naging sagot niya.
Palalim kami nang palalim sa madilim na gubat at nakakatakot talaga, yung katotohanan na tahimik yung lugar mas lalong nakakatakot, tapos walang nagsasalita.
“So, ano yung mga katangian na gusto mo sa kaisa mo kung sakaling mahanap mo siya?” Natanong ko na lang para makapag-umpisa ng usapan.
“Hindi ko alam. Gusto ko siya kung ano siya. Umaasa lang ako na mahahanap ko siya. Naghintay ako ng tatlong daang taon, sana mahanap ko na siya. Gusto kong laging nandiyan para sa kanya, protektahan siya at mahalin siya.” Sabi niya na may maliit na ngiti.
Aaaw, sigurado akong hindi na-excite ang kaisa ko na makilala ako at ngayon na nakilala na niya ako, wala naman siyang planong gawin.
“Ang ganda naman, sana mahanap mo siya, sigurado akong mamahalin ka niya.”
“Sana nga.” Sabi niya na nakangiti at ganun din ako.
Napalitan yung ngiti ko ng isang malakas na sigaw at lumingon si Vulcan para tumingin kung may ginawa sa akin, tapos lumingon ulit sa akin.
“Anong problema?” tanong niya at sa sandaling yun, yung iba nasa paligid ko na.
“Anong problema?” tanong ni Vulcan na naguguluhan at sumigaw ulit ako.
Bago ko pa man namalayan, gumugulong na ako sa sahig at hindi ko na mapigilan, pakiramdam ko paulit-ulit akong sinasaksak habang sumisigaw sa bawat sakit na nararamdaman ko.
“Anong nangyayari?” tanong ni Vulcan na naguguluhan at nagpa-panic.
“Pwede ba tumahimik ka na lang.” Sigaw ni Damon.
“Nagtanong lang naman ako, hindi mo naman kailangang maging bastos.”
“Kailangan talaga pag ikaw ang kasama.” Sagot ni Damon at ngayon, si Sam naman ang gumamit sa sinabi ni Damon kanina.
Matawa sana ako na sinagot ni Sam si Damon pero hindi naman ngayon ang oras para doon. Nagpatuloy yung sakit at patuloy ako sa pagsigaw, ilang luha ang tumulo sa mata ko dahil sa sakit at patuloy ako sa pagsigaw, hindi ko na kaya. Parang hindi kutsilyo, parang may naglagay ng nagbabagang uling sa katawan ko at patuloy lang ako sa pagsigaw at paggugulong sa sahig.
“Anong gagawin natin ngayon?” tanong ni Jonathan
“Hindi ka ba pwedeng gumawa ng paraan para kahit bawasan man lang yung sakit? Nasasaktan siya.” Sigaw ni Damon na nakatingin sa akin na parang nakakaramdam ng awa sa akin, yung tanong niya para kay Sam.
“Hindi ko kaya.” Sagot ni Sam na nakatingin sa akin ng may awa.
Akala ko tapos na, bumalik ulit yung sakit na buong-buo at sumigaw ako nang malakas pero hindi pa pala yun ang katapusan, nakabangga ako ng puno at patuloy ako sa pagsigaw. Kung sa tingin ko masakit na yung likod ko, tortyur na to. Patuloy niya akong tinatapon sa isang puno, patuloy akong sumisigaw habang sinusubukan nila akong pigilan pero wala rin silang nagawa. Nung parang nahuli na nila ako, itinapon na naman ako.
Hindi ko gustong umiyak pero hindi ko napigilan. Nasasaktan ako sa lahat ng parte ng katawan ko.
Sa wakas, tumigil na siya sa pagtatapon sa akin at pinigil na nila ako baka sakaling magsimula ulit siya. Naging masaya ako kahit sandali lang, walang nangyari at bumuntong-hininga ako sa ginhawa.
Mas lalong humigpit yung hawak nila sa akin habang lumalaban sila sa akin, sinusubukang makawala sa hawak nila hanggang sa hindi na nila kinaya at nakita kong lumulutang ako sa ere. Nakakabaliw to, bakit ba niya to ginagawa?
Lumipad si Vulcan sa ibabaw ko at patuloy na sinusubukang hilahin ako pababa pero walang nangyayari. Patuloy niya akong tinutulak pababa, masakit pero hindi gumagana at sumigaw ako sa inis habang nakaramdam ako ng sakit na mas matalas sa iba. Sa tingin ko, naganyak si Vulcan na itulak pa ako ng mas malakas, o kaya nagdesisyon na siyang iwan na lang ako. Akala ko babagsak ako sa sahig pero nasalo ako ni Damon na binigyan ako ng mukhang nagso-sorry.
Nagsimula siyang sabihin sa akin na nagsosorry siya sa mga nangyayari at hinahaplos yung buhok ko. Nagugustuhan ko yung haplos niya pero hindi pa rin sapat. Akala ko tapos na pero yung kaligayahan ko, panandalian lang. Hindi ako makahinga, parang may pumipiga sa baga ko at iniaalis yung kaunting oxygen na meron ako. Hiningal ako at nakita ko yung mukha ni Damon na punong-puno ng panic, at least hindi niya tinatago. Feeling ko, sinasakal niya ako o nilulunod ako gamit ang unan.
“Uy, kalma ka lang, okay?” literal na nagmamakaawa siya at pinabulong niya sa akin kahit hindi ko naman alam na gusto niyang marinig ko. “Ayaw kitang mawala, hindi ngayon, hindi kailanman, lalo na’t kakilala pa lang kita.”
“Anong gagawin natin ngayon, mas malala pa to.” Sabi ni Jonathan, halatang-halata yung panic sa hitsura at tono niya.
“Huminga ka, okay, in, out.” Sabi ni Damon na sinasabi sa akin na huminga at bumuga ng hangin habang ginagawa rin niya yung parehas pero hindi ko man lang magawa. “Bahala na nga.” Sabi niya habang tinatakpan yung bibig ko ng sa kanya.
Nagsimula siyang huminga sa bibig ko, yung hininga niya, pinapaypay yung akin kaya naalala ko yung halikan namin, ngumiti siguro ako ng konti pero hindi ako pinayagan ng kalagayan ko. Patuloy niya yung ginagawa hanggang nahirapan pa rin akong huminga pero hindi siya sumuko at hindi siya sumuko hanggang sa makahinga ako ng maayos at bumuntong-hininga siya sa ginhawa.
Sa tingin ko, eto na talaga yung katapusan kasi pagkatapos ng tatlumpung minuto na nakahiga ako sa mga bisig ni Damon at hinahaplos niya yung buhok ko na sinasabi sa akin na okay na ako ngayon, napagdesisyunan ko na eto na yung katapusan para sa araw na to pero paano naman bukas? Anong mangyayari kung magpapatuloy siya, hindi ko na kaya, masakit na yung buong katawan ko at lalo pang lumalala habang tumatagal. Desidido akong pumunta sa mundo ng mga mangkukulam kahit anong mangyari.
Nagugustuhan ko talaga na nasa bisig ni Damon, kumportable at ligtas lang yung pakiramdam. Gusto kong makasama siya na ganito yung hawak niya sa akin kasi sa tingin ko hindi na mangyayari to. Ginagawa niya lang to dahil sa nangyari at ayokong masanay na kasama siya at nandiyan siya para sa akin katulad ngayon. Hindi ko naman gustong masyadong isipin yung mga bagay-bagay kaya ipinikit ko yung mga mata ko sinusubukang pagaanin yung sakit, hindi nakatulong na may pisikal na sakit na ako. Napakislot ako nung gumalaw yung kamay ni Damon sa tiyan ko. Ginagawa niya lang yun para mahawakan niya ako nang maayos pero nagdulot pa rin yun ng reaksyon sa akin at bukod pa dun, yung lugar na hinawakan niya, masakit.
“Sorry kung nasaktan kita.” Sabi niya at tumango lang ako nang konti. Hindi ko akalaing mapapansin niyang nasasaktan ako pero itinaas niya yung damit ko para ipakita yung mga pasa at paso sa buong katawan ko. Tama ako, sinusunog niya siguro yung katawan ko gamit ang uling.
“Sorry talaga, hindi ko talaga alam…” Sabi niya nang mahina pero nararamdaman ko yung mata niya na nagdidilim at mukhang mamamatay-tao. Nagbabalak ba siyang pumunta kay Loranda? Itinaas niya pa yung damit ko at nakita niya yung pasa mula sa halimaw. Kahit paunti-unti na itong nawawala, ramdam pa rin.
“Ginawa niya rin to sayo?” tanong niya at parang ngayon lang niya narealize. “Yung araw na nagkaroon ka ng bangungot, hindi ba?” Sabi niya na lalong dumidilim yung mata, galit siya, galit na nasasaktan ako. Wala akong sinabi at kinuha niya yun bilang kumpirmasyon. “Galit ako sa kanya sa ginagawa niya sayo, alam kong wala akong ideya kung gaano kasakit pero sa tingin ko, may konting ideya ako, walang dapat dumaan sa ganun, lalo na ikaw. Naiinis ako na patuloy niya tong ginagawa sayo at walang magawa tungkol doon. Hindi mo dapat pinagdadaanan to, makakarating tayo sa mundo ng mga mangkukulam at kukuha tayo ng proteksiyon na spell para sayo, okay?” Sabi niya. Yung tono niya, may konting sinseridad at nagsalita siya nang mahina kaya hindi ko halos marinig.
Ngumiti ako nung sinabi niya yun, masaya ako na nandito siya para sa akin ngayon. Alam kong parang hindi niya ako mapapansin bukas pero mag-eenjoy na lang ako ngayon.