Kabanata 37 Ayaw na Markahan Ako
Nagdi-dinner kami ni Damon ngayon sa isang kainan. First date namin 'to kaya sobrang excited ako. Baka nga mamarkahan niya na ako ngayong gabi. Inaasahan ko 'yon. Pareho kaming nagkukwentuhan tungkol sa pagkabata namin, mga bagay na hindi namin alam tungkol sa isa't isa at nalaman niya na malapit na ang birthday ko. May sinabi siya tungkol sa paghahanda ng party para sa'kin pero tinanggihan ko 'yung offer. Ayoko sa birthday ko, kasi araw 'yon na nasira ang buhay ko.
Pagkatapos ng dinner bumalik na kami sa bahay, nakakagulat at maayos naman 'yung dinner. Inaasahan ko na susulpot si Loranda pero natutuwa ako na hindi siya nagpakita. Naghahalikan na kami ni Damon ngayon, tinulak niya ako sa kama at humiga sa ibabaw ko at 'yung lobo ko ay sumisigaw sa saya. Sinimulan niyang halikan ang katawan ko at 'yung sarap ay hindi maipaliwanag. Bakit hindi namin ginawa 'to noon pa?
"Lee, wala kang ideya kung gaano kita kagusto," sabi niya habang sinususo ang leeg ko.
"Sige na, Damon." Sumuko ako sa kanya at lalong lumalim ang paghahalikan namin. Gusto ko 'to, na ma-mate sa kanya, na may marka niya sa leeg ko. Para mapasa-kanya ako ng walang iba.
At akala ko mamarkahan na niya ako, lumayo siya sa'kin. Ano na naman? Kung si Loranda lang ang nagbibiro sa'kin, hindi ko siya mapapatawad.
"Anong problema?" tanong ko habang nakaupo na nag-aalala.
"Hindi ko pa kaya 'to, sorry, gusto ko gawin 'to kapag tama na 'yung oras," mahinahong sabi niya.
"Kailan nga ba magiging tama? Kapag patay na ako?" tanong ko na galit.
Gusto kong mamarkahan niya ako, 'yung buong katawan ko ay kinakailangan siya, 'yung amoy niya ay nagpapalala sa'kin at gusto ko higit sa lahat na makuha 'yung marka niya na alam kong sa kanya ako, gusto kong mamarkahan niya ako at makipag-mate sa'kin. At least deserve ko 'yung karanasan na 'yon.
"Huwag kang magsalita ng ganyan." Lumapit siya sa'kin at hinalikan ang pisngi ko. "Gusto ko lang gawing espesyal 'to para sa'yo. Ayokong gumawa ng kahit anong pagsisisihan mo sa huli."
"Sigurado naman ako na hindi ko pagsisisihan na markahan mo ako Damon. Feeling ko may tinatago ka sa'kin. Wala akong problema sa pagmamarka mo sa'kin ngayon, ikaw meron." Sabi ko na galit. Alam ko na iisipin ng iba na nag-o-overreact ako pero hindi ako. Gaano pa ako maghihintay? Gusto namin ang isa't isa, bakit hindi na lang kami magkaroon ng isa't isa?
"Maniwala ka sa'kin gusto kitang markahan Lee..."
"Pero..." dagdag ko ng malungkot. "Wala na, okay na. Ayoko nang malaman."
"Akala ko magiging iba 'tong gabi, galit ka sa'kin ngayon," sabi niya at hinawakan 'yung mga kamay ko na binawi ko sa kanya.
"Well akala ko magiging iba rin. Gusto kita Damon, hindi ko alam kung nagdududa ka pero sigurado ako na kailangan kita at hindi 'to dahil sa takot kong mamatay." Pag-amin ko at may ngiti sa mukha niya.
"Gusto kita sa lahat ng paraan at gagawin kitang akin agad. Gusto ko lang maging espesyal 'to para sa'yo," sabi niya at tumango lang ako dahil ayokong makipagtalo pa. Sana naging espesyal 'tong araw na 'to kung ginawa niya.
"Maghihilamos na ako." Sabi ko at nagtungo sa banyo pero bago ako umalis hinalikan niya ang ulo ko at ngumiti nang kaunti.
Pumasok ako, nagdesisyon akong huwag mag-isip ng kahit ano at hayaang pakalmahin ako ng tubig. Lumabas ako at wala na si Damon. Pagod ako at medyo galit pa kaya hinayaan ko na lang siya.
Kinabukasan nagising ako na yakap-yakap si Damon. Hindi ko man lang alam kung kailan siya pumasok kagabi. Lalo akong yumakap, nilalanghap ang amoy niya, hindi ko mapigilang isipin kung gaano na kami kalayo kung hindi kami naging matigas ang ulo sa una.
"Magandang umaga, ganda." Bati niya na may malawak na ngiti sa mukha niya na napangiti rin ako.
Naghanda kami para sa araw at bumaba. Nagtipon-tipon ang lahat sa mesa na nag-uusap, napangiti ako. Mukhang nagkakasundo sina Chase at Aria, kung ang paraan ng paghawak at pagtingin niya sa kanya ay kahit ano. Mabait talaga si Aria, maayos kaming nag-usap dahil kami lang ang mga babae sa grupo. Nagbahagi kami ng karanasan at pakikibaka sa isa't isa at marami akong natutunan tungkol sa kanya at kay Damon. Alam kong mahal na mahal nila ang isa't isa at naiinggit ako sa kanila. Napaka-alaga nila sa isa't isa, nagmamalasakit sila sa isa't isa samantalang ang kapatid ko ay nagpaplanong patayin ako sa kung saan.
"Bakit hindi tayo lumabas sa Sabado?" suhestiyon ni Aria.
"Maganda, pwede rin nating ipagdiwang ang birthday ni Lee," singit ni Jonathan.
"Ayoko. Alam niyo naman kung ano ang nararamdaman ko tungkol sa birthday ko," sabi ko na tinatanggihan 'yung ideya.
"Araw 'yon ng kapanganakan mo. Ang araw na pinagpala ako ng diyosa ng buwan. Karapat-dapat ipagdiwang, kung hindi mo ipagdiriwang, ako na lang, dahil nagpapasalamat ako na ipinanganak ka," 'yung paraan ng pagkasabi niya ay halos umiyak ako pero ngumiti na lang ako at niyakap siya, kahit hindi ibig sabihin na ipinagdiriwang ko ang kahit ano.
"Tara na, ikaw ang Luna. Pwede ka naming i-announce bilang isa at makikilala ka ng lahat. Hindi mo pa talaga nakikilala 'yung mga tao sa pack," sabi ni Chase at kahit nakakumbinsi ang plano niya hindi ako susuko.
"Huwag na nating ipilit ang kahit ano sa kanya," dagdag ni Sam
Tumango lang sila at nagpatuloy kaming nag-usap tungkol sa kahit ano. Kailangang umalis ni Damon para sa pagpupulong ng pack. Umalis sina Chase at Aria para sa kanilang silid na naiwan ako kina Sam at Jonathan. 'Yung dalawang taong kailangan kong makausap.
Sinabi ko sa kanila 'yung tungkol sa sulat at nataranta si Jonathan habang nanatiling walang ekspresyon si Sam.
"Anong gagawin natin, hindi na tayo ligtas dito," sabi ni Jonathan.
"Alam ko, kaya iminumungkahi ko na umalis na tayo. Ayokong madamay si Damon at 'yung pack niya dito," sabi ko nang mahinahon, ayokong mamatay ang mga tao dahil sa'kin, hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa bagay na 'yon.
"'Yun ba talaga 'yung gusto mo?" maingat na tanong ni Sam.
"Oo, pinag-isipan ko 'to ng mabuti. Sa ganong paraan hindi masasaktan si Damon at dahil hindi pa kami nag-mate o nagkamarka mas madali para sa kanya na mag-move on kung may mangyari sa'kin. Kung mananatili ako ilalagay niya ang sarili niya sa peligro para sa'kin," mahinang sabi ko, ang pag-iisip tungkol sa pag-iwan sa kanya ay masakit na pero kailangan kong gawin 'to para sa aming dalawa.
"Kailan tayo aalis?" tanong ni Jonathan.
"Sa Sabado," sagot ko.
"Seryoso Lee, sa birthday mo? Sinabi lang niya sa'yo na may ibig sabihin 'yon sa kanya. Hindi mo na lang siya pwedeng iwan," sigaw ni Jonathan.
"Kaya ko. Nakukuha ko 'yung negatibong vibes tungkol sa birthday. Ayokong mas lumala pa 'to sa iba," pagbubunyag ko.
"Hindi 'yon. Pwede 'tong maging pinakamaganda. Pessimista ka lang talaga," sabi ni Sam.
"Well 'yan galing sa isang lalaki na nagturo sa'kin na huwag maging mataas ang pag-asa at laging asahan ang pinakamasama," sagot ko.
"Bakit 'yung birthday mo Lee, bakit hindi mas maaga?" tanong ni Jonathan at ibinaling ko ang atensyon ko sa kanya.
"Gusto kong tapusin 'to sa araw kung saan nagsimula ang lahat."