Kabanata 38 Ang Araw ng Kapanganakan Ko
Araw na kinatatakutan ko higit sa lahat. Kaarawan ko. Nagising ako na may lungkot at pangit na pakiramdam sa tiyan ko. Himala na lang kung magiging maayos ang araw na 'to. Hinapit ako ni Damon palapit sa kanya at hinalikan ako sa noo.
"Happy Birthday, mahal." sabi niya at ngumiti ako.
Kadalasan ayaw ko marinig 'yan kasi hindi naman ako masaya sa araw na 'yon kaya bakit pa ako babatiin ng Happy Birthday?
May kakaiba sa paraan ng pagsabi niya na napangiti ako at lihim na sana maging masaya ang araw.
"Ano gusto mong gawin ngayon? Gagawin ko lahat ng gusto mo." tanong niya na tuwang-tuwa at hinawakan ko ang mukha niya, tinitigan ko ang kanyang mga mata na kulay esmeralda, ang mga matang minahal ko na.
"Gusto ko lang na maging masaya ka at 'wag mong kalimutan na mahal kita." ngumiti ako ng malungkot, 'yon lang ang gusto ko sa kanya ngayon.
"Hindi mo ako iiwan, Lee, hindi ko papayagan kaya 'wag mo subukan." babala niya na seryoso ang tono. "Akin ka habang buhay." inilagay niya ako sa ibabaw niya tapos hinalikan niya ang ulo ko. "Walang sino man ang kukuha sa'yo sa akin at hindi mo rin ako iiwan. Kung gusto mo na maging masaya ako, maging masaya ka lang dahil ikaw ang kaligayahan ko. Manatili ka sa akin, 'wag mo ako iwan at sigurado ako na magiging masaya ako sa natitirang buhay ko."
"Oh... Damon." sabi ko habang inililibing ang ulo ko sa dibdib niya. Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng luha. Bakit niya ginagawang mahirap ang lahat ng ito para sa akin, bakit ko nararamdaman na parang tinatraydor ko siya kapag umalis ako. Ang gusto ko lang ay mabuhay siya. Hindi ko kayang mawalan ng taong malapit sa puso ko.
"Mahal kita, Lee." sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko at ang sinseridad sa boses niya ang nagpakirot sa puso ko. Paano nangyari na nagkaroon ng ganito ang buhay ko.
"Hindi ko siya hahayaan na saktan ka, Lee, kailangan niya pa akong patayin bago niya hawakan kahit isang hibla ng buhok mo." sabi niya na nagpoprotekta at hindi ako nagduda na gagawin niya 'yon.
"Hindi ko siya hahayaang saktan ka, Damon. Kung gusto niya ako, ako ang makukuha niya hindi kahit sino. Ayokong madamay ka dito. Ayokong may mangyari sa'yo, Damon." umiyak ako habang sinasabi 'yon
"At walang mangyayari. Nadawit na ako dito noong narealize ko na ikaw ang kaisa ko. Sasamahan kita, Lee." sabi niya at mas lalo pa akong umiyak.
Noong apat na buwan na ang nakalipas, tumawa ako kung may nagsabi sa akin na kayang sabihin ni Damon ang mga ganitong salita pero heto siya, tinutunaw pa rin ang puso ko pero pinapatigas din ito. Nasa cross roads ako, sa tingin ko ang pinakamagandang gawin ngayon ay iwasan na lang ang topic.
"Mahal din kita, Damon." sabi ko at nanatili lang ako sa mga bisig niya nang matagal, hawak niya ako na parang natatakot siyang palayain ako at ako naman ay sinusulit ang sandali.
Iniwan ko siya para maghanda para sa araw na 'to. Ginawa ko lahat ng kailangan at habang nakatayo ako sa harap ng salamin, nagsisipilyo ng buhok ko, nagkaroon ako ng masamang deja vu pabalik sa panahon kung kailan ang buhok ko ay itim na itim, ngayon ay kaputian ng niyebe. Oh anong kaibahan. Isang luha ang tumulo sa aking mata. Hindi ako iyakin at ang makita ang sarili ko na umiiyak ng ganito ay nakakagulo sa akin. Hindi pa nangyari ang ibang kaarawan na ganito, hindi ko man lang binibigyan ng pansin ang araw pero ito, naaalala ko ang bawat detalye na nangyari dalawang taon na ang nakalipas.
Lumabas ako sa banyo na nakasuot ng malaking asul na damit. Lumabas ako para makita si Damon na may dalang tray ng pagkain at naglaway ako pero hindi lang dahil sa pagkain. May ngiti siya sa kanyang mukha at gwapo siya gaya ng dati. Parang naligo na siya dahil sariwa ang amoy niya. Ang kanyang cologne ay nakalalasing o ang sabon niya?
"Happy Birthday, reyna ko." sabi niya habang hinahapit ako palapit sa kanya at ang kuryente na dumaloy sa akin ay nakakatakot. Gustong-gusto ko siya, ako lang ba ang nakakaramdam ng ganito. Siguradong kinuha na niya ako ngayon kung nararamdaman niya kahit konti lang ng nararamdaman ko.
"Sinabi mo na sa akin dati." ipinulupot ko ang aking mga braso sa leeg niya, ang ulo ko ay nakadikit sa kanya.
"Gusto ko lang sabihin sa'yo para tumatak sa isipan mo na pwede kang maging masaya."
"At paano mo balak gawin akong masaya, alpha?" tanong ko na may kasamaan.
"Marami akong bagay sa isip, Luna." sabi niya habang inaangkin ang aking mga labi.
Pagkatapos ng make out session namin, kumain kami, ginawa niya ang paborito kong pagkain at pinakiramdam niya ako na espesyal na gumagawa siya ng effort para pasayahin ako at sa tingin ko gumagana ito.
Pagkatapos naming mag-almusal, pumasok sina Sam, Jonathan, Chase at Aria. Si Sam na may dalang keyk, si Aria at Jonathan na may dalang lobo na may numero dalawa at sero at si Chase ay may dalang bote ng champagne. Bago pa man ako magtanong kung anong ginagawa nila nagsimula na silang kumanta ng happy birthday at sa sandaling iyon, naramdaman ko... Masaya?
"Happy birthday, Lee." sabay-sabay nilang sinabi na nagpapalitan ng yakap sa akin pagkatapos ay ibinigay nila sa akin ang keyk.
"Humiling ka." masayang sabi ni Aria
Humiling ako at ngumiti, kung matutupad ang mga kahilingan, sana matupad ang akin.
"Ano ang hiling mo?" bumulong si Damon sa aking tainga
"Kung sasabihin ko sa'yo, hindi ito matutupad, hindi ba?" bumulong ako sa kanyang tainga na bahagyang kinamot ito ng aking dila
"Oh, kaya kong matupad 'yon." bumulong siya habang kinakagat ang aking tainga.
"Guys, nandito pa kami." sabi ni Jonathan na winawagayway ang kanyang mga kamay para patunayan ang kanyang punto.
"Fine." sabi ni Damon habang sinipsip ang leeg ko, nakatingin nang diretso sa akin.
"Gets ko naman na gusto niyong kainin ang isa't isa pero mayroon sa amin na gusto talagang kumain ng keyk, alam mo 'yon." sabi ni Chase na nagbibiro kahit na seryoso ang kanyang tunog.
Inabot sa akin ni Aria ang kutsilyo at kumuha ako ng piraso. Di nagtagal, kumain kami ng keyk at umiinom ng champagne habang nag-uusap. Masarap ang pakiramdam. Nanatili sila nang isang oras at umalis sila na kami lang ni Damon ang naiwan. Nag-usap kami hanggang sa nakatulog ako sa kanyang mga bisig. Nang magising ako, gising na gising siya, mukha siyang nalulungkot sa mga iniisip.
"Anong problema?" tanong ko at ngumiti siya.
"Lumabas tayo sa isang date ngayong gabi." sabi niya habang hinahalikan ang aking ilong.
"Siyempre naman." sabi ko na nakangiti at siya rin.
"Magaling, maghanda ka na." sabi niya na umalis sa kwarto.
Pumasok ako sa banyo at nagkaroon ng mabilis na paliligo. Lumabas ako ng banyo na may tuwalya at nang makarating ako sa kwarto may magandang itim na damit sa kama na may sulat.
"Happy Birthday, tesoro mio. Binili ko ito para sa'yo bilang regalo, isuot mo ito ngayong gabi."
Ngumiti ako habang sinusuot ang damit, sakto ito sa akin at ngumiti ako. Ang date na ito ay magiging huling pagkikita ko kay Damon. Nagsusuot ako ng itim na takong, nag-ayos ng make up para magmukhang sobrang ganda at lumabas kung saan ako hinihintay ni Damon.
"Ang ganda-ganda mo, tesoro mio." hinalikan niya ang aking mga pisngi. "Ang damit ay maganda sa'yo, kailan ka nagkaroon ng oras para bilhin ito?"
Ang isang tanong na 'yon ay nagpagulo sa puso ko ng mas malakas pa sa pinakamalakas na kulog.