Kabanata 33 Buntis si Cici para kay Damon
Naramdaman ko 'yung sobrang sakit sa likod ko kaya napasigaw ako. Sana hindi si Loranda ang may gawa nito pero kung hindi siya, sino pa ba? Agad na lumipat ang isip ko kay Damon at alam kong siya 'yung nakakaramdam ng sakit. Parang gumaganda na 'yung pagiging mag-kaisa namin pero hindi ko pa nga dapat nararamdaman 'yung sakit niya kasi hindi pa niya ako minamarkahan o pinapangasawa kaya bakit ko nararamdaman 'to ngayon?
"Anong nangyari?" lahat ng mata ay nakatingin na sa 'kin, halatang nag-aalala.
"Si Damon. Nasasaktan siya." Nahilo ako at nag-collapse.
Gising na ako at nakatingin pa rin sa 'kin lahat ng tao pero 'yung mga mata na gusto kong makita ay wala. "Nasaan si Damon?"
"Nasa ospital ng grupo," sagot ni Chase.
"Okay lang ba siya? Gusto ko siyang makita, please, papuntahin niyo ako sa kanya." Nagmamakaawa ako.
"Hindi pwede. Nasa ospital siya ng grupo."
"So? Kailangan kong malaman na okay lang siya." Nagmamakaawa ako.
"Okay naman siya. Hindi mo siya pwedeng makita ngayon, inatake siya ng rogue at isa kang rogue. Walang awa ang konseho sa kahit sino, pagtapak mo pa lang doon, kahit mate ka man o hindi, ite-trial ka para bitayin."
"Kailan ko siya pwedeng makita, Chase?" tanong ko, naiinip na.
"Malapit na. Kailangan mo lang maghintay," payo ni Chase.
"Kasama ba ako sa trial?" tanong ni Jonathan at natawa ako habang napairap si Sam.
Kung hindi ako kasama, lalo na si Jonathan?
Sana hindi na kailanganin ng trial. Medyo nakahinga ako nang maluwag dahil alam kong okay si Damon. Naramdaman ko 'yung galit niya at alam kong gising na siya kaya nag-sigh ako. Nagtataka ako kung bakit siya galit ngayon. Gusto ko talaga siyang makita at pakalmahin. Dahan-dahang nag-subside 'yung galit niya hanggang sa nawala na.
Kailangan nang umalis ni Chase para puntahan si Damon, naiwan lang kami ni Sam at Jonathan.
"Nararamdaman niyo 'yung emosyon at sakit ng isa't isa nang hindi pa nag-m-mate, ang cute, 'di ba?" ngiting tanong ni Jonathan.
Cute? Si Jonathan lang ang pwedeng magsabi na cute 'yung nararamdaman mo ang sakit ng iba pero, sa isang paraan, oo.
Ang pagkaalam na kaya naming maramdaman 'yung emosyon namin nang hindi pa nag-m-mate ay parang espesyal 'yung koneksyon namin o lalo pa itong lumalakas.
"Hindi ko alam, baka nga," sagot ko.
"Kailan kayo mag-p-plan na mag-m-mate?" tanong ni Sam at nagulat ako.
Gusto ko kung mag-m-mate kami agad, pagod na ako sa tensyon sa pagitan namin at gusto ko nang magkaroon ng marka niya at maging kanya na talaga.
"Hindi pinaplano 'yung mga ganoong bagay, Sam, bigla na lang nangyayari."
"So mangyayari na 'yan malapit na. Nakikita ko kung paano kayo magtinginan at 'yung mga halikan niyo gumaganda na."
Namilog ang bibig ko sa gulat, paano niya nalaman 'yun?
"Jonathan, naniniktik ka ba sa amin?" galit kong tanong.
"Hindi ah. Mabait akong tao, nagkataon lang na nasa tamang lugar ako sa tamang oras."
"Talaga? Hindi na ako makapaghintay na mapunta sa tamang lugar kapag may mate ka na," sabi ko na nakangisi.
"Yeah. Pareho tayong magsi-sneak sa kanila. Gusto kong panoorin si Jonathan na hinalikan 'yung mate niya o nagiging romantic," sabi ni Sam na tumatawa at nakisali ako, nakakatawa ang imahinasyon.
"Naku, please, at least magkakaroon ako ng mate. Hopeless ka talaga pagdating sa pag-ibig," sabi ni Jonathan at sa tingin ko nagalit si Sam, mas parang nasaktan.
"Walang kinalaman sa 'yo ang love life ko," galit na sinabi ni Sam at umalis.
"Ngayon tayong dalawa na lang, sino ang susunod na aalis?" tanong ni Jonathan at natawa ako na sinasabi sa kanya na siya dahil natulog ako dito.
Umalis si Jonathan para kausapin si Sam na iniwan akong mag-isa at naiinip na ako. Gusto kong puntahan si Damon, nagtataka ako kung bakit natatagalan siyang pumunta sa akin. Sakto noong paalis na ako, pumasok siya.
Nagmadali ako sa kanya at niyakap siya, ikot ko ang mga kamay ko sa kanya. Napangiwi siya sa sakit nang hinawakan ko 'yung likod niya, doon siguro siya tinamaan.
"Hindi ko alam na nami-miss mo ako nang sobra," sabi niya na natatawa at niyakap ako.
"Oo," pag-amin ko. "Nasaktan ka."
"Gagaling 'yan, 'wag kang mag-alala sa akin."
Paano niya ako aasahan na hindi mag-alala?
"Sino ang bumaril sa 'yo?" tanong ko at natawa siya. "Gusto mo bang patayin 'yung tao?"
"Kung hindi mo pa pinatay 'yung tao, baka ako na ang gagawa," sabi ko at ngumiti siya habang hinahaplos ang buhok ko.
"May sasabihin ako sa 'yo, Lee," sabi niya at kinabahan ako. Ano kaya ang gusto niyang sabihin sa 'kin?
"Ano 'yon?" tanong ko.
Noong binubuksan na niya ang bibig niya para magsalita, sumulpot si Cici na sumisigaw at niyakap siya.
"Damon, bakit hindi mo sinabi sa 'kin na bumalik ka na. Narinig ko sa iba at agad akong pumunta rito." Kung sinong nagsabi kay Cici na bumalik, dapat patayin, bakit hindi na lang siya nanatili doon?
Hindi ko kailangang sabihin sa 'yo ang kahit ano." Tinanggal ni Damon ang kamay niya sa kanya at lumingon siya sa akin.
"Anong ginagawa ng rogue na 'to dito?" tanong niya, may tono ng pagkadiri sa boses niya at sa mga tingin.
Hindi ako nag-aksaya ng oras sa pagsampal sa kanya, kung sa tingin niya pwede lang siya pumunta rito at kausapin ako ng ganito, nagkakamali siya. "Ikaw lang ang marumi dito."
"Damon, bakit hindi mo pa pinapatay 'tong bagay na 'to? Hindi mo ba nakita na sinampal niya ako?"
"Cici, tingnan mo, ayoko nang may kinalaman sa 'yo. Umalis ka na lang," sabi niya.
"Hindi mo ako kayang paalisin nang ganun lang, Damon."
"Kaya ko. Lumayas ka na, Cici. Wala na akong kinalaman sa 'yo," mas mahigpit niyang sinabi sa pagkakataong ito at ngumiti si Cici.
Bakit siya ngumingiti kahit sinabi niya 'yon?
"Well, may kinalaman ka sa 'kin Damon kasi buntis ako at anak mo 'yung bata," Binaba niya 'yung bomba na may malaking ngiti at hindi ko alam kung ano ang iisipin.
Parang hindi namin siya narinig sa unang pagkakataon, nagsalita na naman siya.
"Dala-dala ko 'yung baby natin, Damon."