Kabanata 16
“Naiisip ko si Logan.” Sagot ko nang diretso.
“Bakit mo siya naiisip?” Tanong niya, nakakunot ang noo.
“Nagtataka lang ako kung anong ginawa ko para gawin niya yung ginawa niya.” Pag-amin ko.
“Ohh,” tumahimik siya saglit tapos nagtanong, “Ano ba kasi yung ginawa niya?”
Napatingin ako sa baba at sinipa yung maliit na bato sa daan ko. “Nang-chicheat siya sa akin ng tatlong buwan. Naabutan ko siya ng iba na naghahalikan sa school.” Umiling ako.
“Woah, nang-cheat siya? Given the fact na gusto ka niya balikan, akala ko maliit lang yung nagawa niya.” Pangangatwiran niya. Tumango lang ako at dagdag niya, “Sa tingin ko tama yung ginagawa mo.”
“Yeah,” yun lang nasabi ko. Tumingala ako at nakita kong ilang hakbang na lang yung bahay. Natangay ako sa usapan namin kaya di ko namalayan na nakarating na kami. Walang sinabi pa si Tyler at natuwa ako dun, kasi ayoko na talagang pag-usapan si Logan. Nagpatuloy kami sa paglalakad ng walang kibuan.
++++++
Nagpaalam ako kay Tyler at naglakad papunta sa bahay ko, habang siya naman nagpatuloy sa lakad papunta sa kanya.
Habang naglalakad ako papunta sa pinto, hinanap ko na yung susi ko sa bag ko. Pagkarating ko sa pinto, naghahanap pa rin ako sa bag ko.
Nasaan na ba kasi yung susi ko?
Hinalughog ko lahat ng compartment at wala pa rin. Bumuntonghininga ako sa inis at na-realize kong naiwan ko pala kaninang umaga. Anong gagawin ko? Nasa trabaho pa yung Tatay ko at si Sarah, di ko alam kung kelan sila uuwi. Sa sobrang disperado, hinanap ko ulit yung bag ko para siguraduhin. Walang nakita, sinandal ko yung ulo ko sa pinto at pumikit.
“May problema ka ba diyan, Emily?” Narinig kong tanong ni Tyler mula sa kabilang bahay. Minulat ko yung mata ko at tumingin sa kanya, nakasandal siya sa pintuan ng bahay niya. Nakacross arms siya at nakangisi.
“Kung tinatawanan mo ako, Tyler, gusto ko lang sabihin na hindi nakakatawa.” Sabi ko sa kanya. Tumawa lang siya. Ang kapal ng mukha. “Alam mo, natutuwa ako na natatawa ka.”
Tumatawa pa rin siya, tinanggal niya yung pagkacross ng arms niya at sumandal sa pinto. “Dito ka na lang tumambay.” Suhestiyon niya.
Binigyan ko siya ng ‘seryoso ka ba?’ look, pero sa tingin ko di niya nakita yun dahil nakatayo siya dun. “Bakit naman ako gagawa nun?” Tanong ko.
“Kasi, mas okay yun kesa umupo ka sa harap ng bahay mo buong gabi.” Sagot niya.
Tumingin ako sa kanya at alam kong tama siya. Lumabas yung nakakaalam na ngiti sa mukha niya nang nakita niya yung itsura ko. Alam niyang panalo siya at nag-eenjoy siya. Nakakainis!
Bumuntonghininga ako ng malalim, kinuha ko yung bag ko sa may porch kung saan ko nilagay. “Fine.” Sabi ko, habang naglalakad papunta sa bahay niya.
Nung nakarating ako sa bahay niya, nakangiti pa rin siya sa kanyang nakakainis na itsura. “Alam kong di mo ako matatanggihan.” Sabi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. “Tumahimik ka nga at buksan mo na yang pinto?” Utos ko.
Itinaas niya yung kamay niya na parang sumusuko, bago lumingon at binuksan yung pinto. Pagkapasok namin, umakyat siya sa kwarto niya at sumunod ako. Pagpasok namin sa kwarto niya, tumunog yung cellphone ni Tyler, senyales na may message siya at kinuha niya ito sa bulsa niya.
Habang nagtetext si Tyler, nilapag ko yung bag ko sa sahig sa may pinto at naglakad papunta sa bintana niya. Napansin ko na may puno malapit sa bintana niya at may matibay na sanga na nakaturo papunta sa akin. Hindi naman siya ganun kalapit o diretso sa harap ng bintana ko, pero malapit na rin.
Nag-umpisa nang mag-isip yung isip ko at may mga nakakabaliw na ideya na pumasok. Siguro kung aakyat ako sa puno at gagapang sa sanga, pwede akong tumawid papunta sa kwarto ko. Hindi naka-lock yung bintana ko, kaya pwede kong buksan yung bintana at dumaan.
Nang hindi lumingon kay Tyler, nagtanong ako. “Sa tingin mo pwede akong umakyat sa puno na ‘to at makarating sa kwarto ko?”
“Hindi kung ayaw mong mabasag yung leeg mo.” Sagot niya.
“Hindi naman ako mahuhulog,” pag-angal ko, itinuro ko yung distansya at yung puno gamit yung kamay ko. “Madali lang naman. Aakyat lang ako sa sanga na yun at…” Natigil ako nung na-realize kong imposible. Delikado masyado.
Bumuntonghininga ako at lumingon kay Tyler. Nakatingin siya sa akin at pinanood niya ako ng nakakatuwang ekspresyon. Nakalagay yung kamay niya sa likod ng ulo niya at parang komportable siya at walang iniisip na nakahiga dun. Yung buhok niya magulo at nakatayo sa lahat ng direksyon dahil pinaglaruan niya. Aaminin ko, kahit ganyan yung buhok niya, nagagawa pa rin niyang maging hot.
Bumaba yung tingin ko at napansin kong wala siyang damit. Hindi ko maalis yung tingin ko sa walang damit niyang katawan at naiinis ako.
Sinubukan kong iwasan yung tingin ko, napansin ko na may maliit na tattoo siya sa dibdib niya. Hindi ko pa siya nakikitang walang damit at malapitan, kaya di ko alam na may tattoo siya.
Nagulat ako sa boses ni Tyler. “Alam kong hot ako at maganda yung katawan ko, pero tumigil ka na sa pagtitig sa akin.” Biro niya.
Naramdaman ko na nag-blush ako sa sinabi niya. “Umayos ka nga, Tyler.” Sabi ko, nagpapanggap lang. “Tinitignan ko lang yung tattoo mo.” At least malapit sa totoo yun.