KABANATA 17
Pananaw ni Mig
Hinto agad ako nang narinig kong bumukas yung pintuan sa harap. Soundproof naman yung attic pero matagal na itong bahay..ibig kong sabihin dekada na kaya nagtataka ako kung hindi humina yung soundproof. Di ko pwedeng i-risk yun kaya kailangan kong tumigil agad sa pag-play ng piano.
Sinilip ko yung relo ko sa pulso...'4:20'.
Woah!
Nandito na ako ng ilang oras hindi ko man lang namalayan.
Tinabunan ko agad yung piano ko at dali-daling lumabas ng attic.
Tumapak ako sa sala para makita si Fleur na nag-aalala kay Elva na nakaupo sa couch na nakahawak yung dalawang palad sa buhok niya.. nagrereklamo.
'Anong nangyari sa kanya?' tanong ko.
'Hindi ko alam pero sa tingin ko memory swing niya..pumasok kami sa bahay at bigla na lang siyang umupo sa couch na nagrereklamo' sabi ni Fleur.
'At saan ka galing, ang dumi mo?' tanong ni Fleur.
'Uh..uhm' sabi ko.
Biglang tumigil sa pagrereklamo si Elva.
'May naaalala ka ba?' tanong ni Fleur.
'Nung pumasok kami, narinig ko yung mahinang boses ng isang kumakanta at nag-pla-piano… parang nanghina ako at kailangan kong umupo agad tapos biglang sumulpot.. nakita ko yung sarili ko na kumakanta at nag-pla-piano' kwento ni Elva.
Bumuntong-hininga si Fleur bago lumingon sa akin, alam na niya na ako yung kumanta.
'Wow, ibig sabihin unti-unti nang bumabalik yung memory mo' sabi ni Fleur.
'Bigla lang sumulpot pagkarinig ko sa piano at sa boses' sabi ni Elva.
'Pwedeng kung mas marami kang marinig na piano at kanta, dadaloy yung mga alaala mo kasi parang may kinalaman sa nakaraan mo' sabi ni Fleur.
'Ang ganda ng boses at masasabi kong lalaki yung kumanta… mahina pero nagustuhan ko. Sino yung kumanta?.. Wala kang kapitbahay' sabi ni Elva at nakagat ko yung bibig ko.
Napatingin sa akin si Fleur at sinenyasan ko siyang huwag magsalita.
'Wala kaming kapitbahay pero sa tingin ko galing sa kabilang bahay' sabi ni Fleur na may matamis na ngiti.
'Wow! Anong ganitong boses. Parang gusto kong pakinggan ulit' sabi ni Elva at ngumiti ako ng kaunti.
'So welcome ladies..kumusta trabaho Elva?' tanong ko.
'Masaya. Gusto ko na yung trabaho, di na ako makapaghintay na bumalik sa mga mga bata bukas' masaya niyang sabi.
Mahal na mahal niya talaga yung mga bata.
'Bro nagugutom yung little sis mo' sabi ni Fleur.
'Alam ko nagbibigay ng almusal at pananghalian yung ospital mo..bakit di ka na lang kumain sa trabaho?' pang-aasar ko.
'Hindi kasing sarap ng sayo yung pagkain sa ospital, hindi rin ako masyadong nakakain' sabi ni Elva.
'Oo nga, tama si Elva' sabi ni Fleur.
'Well…may natira akong kanin at manok para sa inyo, nasa refrigerator pwede niyong i-mic…