Kabanata 10 : Tatlong Araw Upang Pahangain Ako
|| Kanta sa Kabanata – Church ni The Chase Atlantic ||
[POV NI IRIS]
Tulala, naglakad ako pabalik sa opisina ni presidente pagkatapos kunin 'yung mga file kay G. Scott. Hindi ako maka-get over doon sa kawawang lalaki na umiyak sa harap ko. Sabi sa 'kin ni Mama dati, sa sobrang desperado lang umiiyak ang mga lalaki. Na-imagine ko 'yung magiging reaksyon ng pamilya niya sa balita. Napailing ako, kailangan ko munang isipin kung paano ko sasabihin 'to kay presidente.
"Damn Iris! Anong pinag-iisip mo? Pwede mo na lang sana siyang bigyan ng pera! Akala mo ba ganun kadali humingi ng pabor sa lider ng bansa? Oh, 'di pa nga pala, first day mo pa lang, tanga!"
Habang pinag-mumura ko 'yung sarili ko, itinulak ko 'yung mabigat na pintong kahoy at pumasok.
Nakita ng mga mata kong kulay hasel 'yung lalaking boss ko na nasa lamesa pa rin. Parang malalim ang iniisip niya habang kinatok-tok niya 'yung baba niya gamit 'yung hintuturo niya. Kailangan ko pang i-shake 'yung sarili ko para mailayo 'yung mga mata ko sa kanya. Hindi man lang siya natinag sa pagpasok ko, nakatingin lang siya sa computer monitor. Admire na admire ako sa mga lalaking seryoso sa trabaho. Bata pa lang siya, sigurado akong kailangan niyang maging matalino para maging lider ng bansa habang pinapatakbo niya 'yung mga kompanya niya. Sobrang nawala ako sa pag-iisip, hindi ko man lang napansin na nilipat na niya 'yung tingin niya sa 'kin.
Tinaas niya 'yung kilay niya at tinawag ako, "Miss Young?"
Napayuko ako at naramdaman kong nag-iinit 'yung pisngi ko. Inabot ng ilang segundo bago ako nakapag-compose. Tapos, naglakad ako ng malalaki at huminto sa harap ng lamesa niya at binagsak ko 'yung mga file.
Umubo muna ako at sinabi, "Sabi ni G. Scott, kailangan niyong pirmahan 'tong mga file agad, Mr. President. Kapag wala kayong pirma, ma-po-postpone 'yung project natin with L country hanggang next month. Ngayon na ang last date para i-submit 'yung proposal."
Agad siyang nagsimulang magsulat ng pangalan niya sa mga papel na hindi man lang ako tinignan.
"May problema ba sa 'yo?" tanong niya.
"Ha?" sagot ko.
Na-face palm ako sa isip ko. "Ano 'yun?" naisip ko.
Sa wakas, itinaas niya 'yung mga mata niya at tinignan ako, parang sinusubukang basahin 'yung iniisip ko. Maya-maya lang, hindi na ako komportable sa pagtingin niya.
Gumalaw 'yung labi niya at sinabi, "Namumula 'yung mukha mo. May problema ba?"
"Oh, Diyos! Bakit ang observant niya?!" naisip ko.
Umiwas ako ng tingin at automatic na nilagay ko 'yung kamay ko sa pisngi ko para palamigin 'yung mukha ko.
"H-hindi... Okay lang ako! Baka nga sa init lang 'to. Sobrang init kasi dito ngayon."
Napatawa ako ng nerbyoso at nagsimulang magpaypay gamit 'yung kamay ko para magmukhang totoo 'yung sinasabi ko. Dahan-dahan kong inilipat 'yung mga mata ko sa kanya, nakita kong kunot ang noo niya habang tinitingnan niya 'yung thermostat.
Pumihit siya paharap sa 'kin at ngumiti siya na parang naaaliw.
"24 degrees Celsius ang lamig sa loob ng opisina ko, Miss Young."
"..."
Shit! Nakalimutan ko 'yung A/C na sobrang lakas sa loob ng opisina. Paano ako iinitan? Naramdaman kong uminit ulit 'yung mukha ko sa kahihiyan. Nakatingin pa rin siya sa 'kin.
"Umm… Sir? Kailangan kong pumunta sa CR. Ituloy niyo lang po 'yung pagpirma at babalik agad ako."
Agad akong umalis nang hindi na hinintay 'yung sagot niya habang kinukuha ko 'yung bag ko. Pagdating sa CR, isinara ko 'yung pinto ng malakas at nilock ko. Grabe! Grabe! Nakakahiya 'to, hindi naman ako ganito! Inilagay ko 'yung bag ko sa vanity, binuksan ko 'yung gripo at binasa ko 'yung mukha ko ng malamig na tubig. Tumingin ako sa repleksyon ko at napairap sa mukha ko na nag-iinit pa rin.
"Paano ka maiinitan agad ng ganun, Iris? Damn it!" naisip ko.
Nagsigh ako ng frustrated at kinuha ko 'yung maliit na pocket perfume sa bag ko. Ngumiti ako habang naalala ko 'yung sinabi ni Daisy noong binigay niya 'yun sa 'kin.
"Ito daw 'yung isa sa pinakamagandang pabango sa buong mundo, Iris. Ang tawag dito ay ‘Valerie's Seduction' at nangako sa 'kin 'yung may-ari ng shop na aakit ng atensyon ng mga lalaki kahit isang spray lang. How about that!? Huwag mong kalimutan na sabihin sa 'kin kung gaano ka-effective 'yun," sabi niya habang nagki-kindat.
"Sana gumana 'to, o lagot ka sa 'kin, Daisy," naisip ko.
Nagspray ako sa sarili ko, tumingin ulit ako sa sarili ko. Buti na lang, nakatulong 'yung malamig na tubig mula sa gripo sa pagbaba ng kulay sa pisngi ko. Nagbuntong-hininga ako ng pagod, medyo sumaya ako at lumabas ako ng CR na nakataas ang ulo. Huminto ako sa harap ng lamesa niya at nag-offer ako ng matamis na ngiti, pero hindi niya nakita kasi hindi niya inalis 'yung mga mata niya sa mga papel na binabasa niya.
Hindi siya tumitingin, nag-utos siya, "Kunin mo sa 'kin 'yung selyo, Miss Young. Dapat nasa drawer 'yun."
Tumingin ako pababa, nakita ko 'yung tatlong drawer. Nakita ko 'yung gusto niya sa ikalawang drawer. Kinukuha ko 'yun, napansin ko 'yung ganda ng pagkakagawa ng selyo. Pagharap ko para ibigay sa presidente, natapilok ako. Napasigaw ako sa gulat nang tumama 'yung paa ko sa upuan niya at bumagsak ako sa kanya. Handa na ako sa pagtama sa sahig, naramdaman kong may malakas na braso na yumakap sa 'kin na nagligtas sa 'kin sa pagbagsak. Kinabahan ako.
"Gaga!" sabi niya malapit sa tainga ko.
Nagulat ako sa pagkasungit ng boses niya at napadilat 'yung mga mata ko at tumingin sa kanya. Nakatingin siya sa 'kin na nakakunot 'yung noo.
"Oh shit, patay ako. Sobra. Talaga. Patay ako." naisip ko.
Nakita ko na tumama 'yung kamay ko sa balikat niya at nakahawak sa suit niya nang sobrang higpit kaya nagusot. Sobrang pangit at hindi komportable. Paano ako babangon dito?
"Sorry! Sobrang sorry! H-hindi ko sinasadya!" sabi ko na parang natataranta.
Nagulat ako nang lalong dumilim 'yung ekspresyon niya pagkatapos ng paghingi ko ng tawad. Siguro galit lang siya? Pero, gusto kong magtago sa butas at mamatay nang nakita ko 'yung ilong niya na gumalaw.
"Miss Young, kailan ka nagpabango?" tanong niya sa garalgal na boses.
Lumunok ako at ginamit ko 'yung pagkakataon para maging isang hakbang palapit sa misyon ko. Tinapik ko 'yung balikat niya na parang naglalambing at sinabi, "Umm… Kanina pa po ako nagpabango. Hindi ba ang bango, Mr. President? Pure smell of roses."
Naramdaman ko agad na nanigas 'yung katawan niya.
Pumigil siya ng hininga at sinabi, "Allergic ako sa matatapang na amoy!"
"..."
Damn it! Agad akong nag-roll sa lap niya, umaasa na hindi siya magsisimulang magkaroon ng anaphylactic shock. Pero, mas hinigpitan niya 'yung pagkakahawak niya sa 'kin. Naguluhan sa ginawa niya, tumingin ako sa kanya.
Nakitid 'yung mga mata niya sa 'kin.
"Mag-a-assume ba ako na sinadya ni Miss Young na gamitin 'yung pabango niya para subukan akong akitin? Hmm?" tanong niya.
Nanlaki 'yung mga mata ko sa gulat at sobrang bumaba 'yung kumpiyansa ko. Oh, gusto ko na lang lumayo sa taong 'to na narcissistic. Pero, naririnig ko pa rin 'yung pakiusap nung matandang lalaki sa isip ko. Tumingin ako sa kanya at nakipag-titigan.
"Paano kung oo?" bumulong ako.
"Para sa anong rason?"
'Yung maikli niyang sagot, mas kinabahan ako. Umubo ako para manatili akong kalmado.
"Dapat mo na siyang patawarin. Y-yung lalaki kanina, ibig kong sabihin. Siya, pati na rin ang pamilya niya, maghihirap nang walang pag-asa na makabawi."
"So, ikaw na ngayon ang santo na pumunta para mamagitan?" tanong niya–ngumiti siya.
"Ha! Bahala ka sa buhay mo!" ungol ko.
"Well, hindi 'yan ang ugali na humingi ng pabor, Miss Young. Sabihin mo sa 'kin, isang dahilan kung bakit dapat akong makinig sa 'yo?"
Tumingin siya sa 'kin na parang naaaliw. Nagngingitngit ako.
"Ugh… gago 'to! Bahala na nga, magpa-flatter na lang ako sa kanya." naisip ko. Tapos sinabi ko, "Ikaw ang lider ng bansang 'to at natural lang na maging mapagpatawad sa mga taong responsibilidad mo. 'Di ba?"
"Hindi eh."
"I… Umm… Well then I... Anong gagawin ko?" nauutal ako.
Nag-isip siya sandali at nakita ko siyang ngumiti ng mayabang.
"Bibigyan kita ng tatlong araw para mapabilib mo ako. Kung magagawa mo 'yun, pag-iisipan ko."
Pinigilan ko 'yung galit ko, nagngitngit ako.
"Sige, pakawalan mo na 'ko."
Isang segundo, binitawan niya ako at tumama 'yung pwet ko sa sahig na marmol. Sinamaan ko siya ng tingin tapos ang kapal ng mukha niya na umakto na wala siyang ginawang mali! Ngumiti siya sa 'kin.
"Sabi mo pakawalan kita..."
"Fuck you! Sira ulo ka!" mura ko sa isip ko.