Kabanata 13 Ang Restawran
[POV ni Iris]
'Yung Neon's Foods, 'yun 'yung restawran na pinili niya? Sinuri ng mga mata ko 'yung labas ng building for a few moments, tapos tumingala ako para obserbahan 'yung berdeng bubong. Punung-puno pa rin ng mga puno na may bulaklak. Wala sa sarili, ngumiti ako nang mahina. Lumagpas si President Gray sa akin para pumasok sa loob at inilipat ko 'yung atensyon ko sa likod niya na papalayo. Napansin ko na nagbago 'yung may-ari ng restawran mula noong huli akong pumunta rito. Lumabas 'yung lalaking nasa kalagitnaang edad para salubungin kami sa pintuan at yumuko siya nang malalim nang pumasok kami.
Walang tao sa buong restawran at habang naglalakad kami papunta sa mesa namin, patuloy akong tumitingin kung may iba pang costumers.
"Walang pumupunta rito?" tanong ko nang may tunay na kuryosidad.
"Normally, punung-puno 'tong lugar. Pero, binook ko 'yung buong restawran para sa lunch natin."
"Holy shit! Ganito pala 'yung buhay ng ibang tao..." bulong ko.
Namilog 'yung mga mata ko, lumubog ako sa upuan ko nang may kalabog. Sumimangot si President Gray sa hindi tamang asal ko. Pero, pagod na pagod na 'yung isip ko para pakialaman 'yun. Hindi rin nakatulong 'yung pagbabalik ko sa lugar na 'to para gumanda 'yung mood ko.
[POV ni Xavier]
"'Yung babaeng 'to..." naisip ko nang may pagkamayumi.
Gamit siya at nakakainis sa parehong oras! Hindi ako makapaniwala sa ugali niya! Mas umarte si Miss Young na parang siyam na taong gulang na bata kaysa sa isang ganap na babae. Wala ba siyang natutunan na kahit anong etiketa?
Tinignan ko siya nang may malamig na babala, at anong ginawa niya? Itinirik ng munting babaeng 'to 'yung mga mata niya sa akin na parang wala siyang pakialam!
Iniiwas ko 'yung mga mata ko sa kanya, nakita ko 'yung hostes na nakangiti sa akin. Kilalang-kilala ako sa restawran na 'to. Tatlumpung taong gulang na ako, established na 'yun, at 'yun 'yung paborito kong lugar na kainan. Ginawa ko 'yung senyales para lumapit siya at naglakad siya papalapit na may menu sa mga kamay niya. Inabot sa akin ng matandang babae 'yung menu tapos binigyan niya ng nakakuryosong sulyap si Miss Young, na nakaupo nang walang pakialam sa harap ko. Umuugali siya na parang hindi ako umiiral. Nilagay ko 'yung menu sa harap niya at sumandal sa upuan ko. Noong una nagulat siya tapos tumingin siya sa akin na nagtatanong. Ngumisi ako.
"Ikaw pumili."
Para siyang naiinis, pero dahan-dahan niyang pinag-aralan 'yung mga pagpipilian sa menu.
"Okay lang ba sa 'yo 'yung seafood?"
Nagkibit-balikat ako. Wala talaga akong gusto sa iba't ibang uri ng pagkain. Basta masarap, kakainin ko 'yun. Tiningnan niya ako for another few seconds para lang masigurado na hindi ako magbabago ng isip at tapos binigay niya sa hostes 'yung order namin. Dinala ko siya rito kasi talagang humanga ako sa kanya sa mga skill niya ngayon. Na isip ko na bigyan siya ng parang papuri para sa maganda niyang trabaho, pero alam ko na hindi niya ako gusto. Mas mahalaga, bakit ba ako mag-aalala kung gusto niya ako o hindi?
"Gusto mo ba ng maiinom, miss?" tanong ng hostes.
Nag-aatubili, sinulyapan niya ako. Sa tingin ko, inakala niya na sasabihin ko na huwag siyang uminom pero sa patuloy kong pananahimik tumingin siya pabalik sa hostes. Nabuo 'yung mga labi niyang may pintura sa isang matamis na ngiti na magiging dahilan para lunukin nang mahirap ng sinumang lalaki sa pagnanasa.
"Sa tingin ko, bagay ang red wine sa seafood. Pwede ba tayong magkaroon ng isa sa pinakamagandang red mo, please?"
Tumango habang nag-aalok kami ng ngiti, umalis nang tahimik 'yung hostes para sa kusina. Agad na hindi komportable si Miss Young nang nag-iisa na lang kami. Pinanood ko habang kinukuha niya 'yung cellphone niya sa bag niya at naglalaro-laro rito. Kahit na para siyang busy, masasabi ko pa rin na sobrang kinakabahan siya sa paligid ko. Noong una, inisip ko na kaya kong harapin 'yung pag-iwas niya sa akin kasi kahit papaano magkakaroon ako ng kapayapaan at katahimikan. Pero, kung anong dahilan, 'yung paraan na palagi siyang lumalayo sa anumang interaksyon sa akin mula noong nakarating kami rito ay nagsisimula nang makairita sa mga nerbiyos ko. Itinuwid ko 'yung tali ko at umubo nang tuyo sa pagtatangka na makuha 'yung atensyon niya. Nabigo 'yun. Hindi man lang siya tumingin sa akin! Pagbuntong-hininga nang galit, hinayaan kong gumala 'yung tingin ko sa bintana at, habang tinitingnan ko 'yung magandang tanawin, agad akong nagsimula nang huminahon.
'Yung daan sa labas ng bintana ay may linya na may mga higanteng puno ng maple sa magkabilang gilid. Pinalamutian ng makulay na dahon 'yung lupa at umiikot-ikot sa hangin kapag natamaan ng marahang simoy. Talagang naniniwala ako na 'yung tanawin na 'to ay makakalma 'yung nairitang puso ng kahit sino.
Bigla, narinig ko 'yung dalawang maliliit na boses na umaalingawngaw sa ulo ko at muling ipinakita ng mga mata ko 'yung isang matandang pinahahalagahang alaala. 'Yung sakit sa puso ko ay mabilis akong pinutol sa pagkatulala ko at inilipat ko 'yung mga mata ko sa maliit na babae sa harap ko.
"Miss Young, tumingin ka sa labas. Mamimiss mo 'yung pag-obserba sa magandang tanawin lahat dahil sa hangal mong cellphone."
Itinirik niya 'yung mga mata niya sa akin at tapos nag-aantok niyang inilipat 'yung mga mata niya para tumingin sa labas ng bintana. Nakakagulat, nanatili siya na hindi kumukurap na nakatingin sa daan sa labas. Habang maingat kong sinusuri 'yung ekspresyon niya, nakita ko 'yung mga sulok ng mga mata niya na tumutulo. Anong nangyayari? Iiyak ba siya?
Nakaramdam nang pagkalito at pagkabalisa, nagtanong ako nang marahan, "Miss Young? A-ayos ka lang ba?"
[POV ni Iris]
Naglalaro ako sa cellphone ko, sinusubukang bilisan 'yung oras. Sobrang hindi komportable na ginugugol ko 'yung lunch break ko kasama 'yung walang katwirang lalaking 'to! Inaasahan ko na magrerelaks sa break ko, pero sinira niya 'yun. Basta inutusan niya ako na samahan siya rito at hindi man lang siya nag-abala na magtanong sa akin nang maayos!
"Tanga... Ako rin may sarili akong plano, alam mo ba?" naisip ko.
Nagdedesisyon na hindi siya pansinin, sinubukan kong ilagay 'yung buong atensyon ko sa cellphone ko. Tapos, mula sa wala, bigla siyang nagsimulang magsalita sa akin at sinabi na tingnan ko 'yung tanawin mula sa bintana namin. Pagbuntong-hininga sa pagkabigo, itinirik ko 'yung mga mata ko at sinunod ko 'yung mungkahi niya. Pero, sa tanawin sa harap ko, nagsimulang masira 'yung walang pakialam kong ugali. Nakikita 'yung mga ardilya na naglalaro sa tuyong dahon, nagsimulang tumulo 'yung mga mata ko habang 'yung alaala na pinahahalagahan ko nang malalim sa loob ng puso ko ay naglalaro sa harap ko.
"Miss Young? A-ayos ka ba?"
Sa isang iglap, dinala ako sa labas ng tulad-estado ko na parang trance sa sandaling narinig ko 'yung hindi kapani-paniwalang marahang boses ng presidente. Ilang segundo na lang ako mula sa pagkawala ng lahat ng composure at mabilis kong binaba 'yung mga mata ko para itago 'yung hindi ko mapigil na mga luha. Huminga ako nang malalim, itinago ko 'yung lahat; 'yung alaala, 'yung sakit sa puso, at 'yung pagkadismaya, nang malalim sa mga sulok ng dibdib ko at tumingin para mag-alok sa kanya ng pekeng ngiti.
"Oh oo, Mr. President. Talagang magandang tanawin 'to sa Rainbow Street."
Sumimangot 'yung mga kilay niya na parang naguguluhan.
"Pero 'yung rekord mo ay nagpakita na hindi ka pa nakapunta sa Silverstone City."
Shit! Natigilan 'yung ngiti ko, pero kaunti lang at mahigpit kong hinawakan 'yung laylayan ng palda ko para pakalmahin 'yung mga nerbiyos ko.
"Hindi. Hindi pa ako nakapunta rito, pero nag-research ako nang kaunti sa siyudad bago lumipat rito," sabi ko nang pare-pareho hangga't maaari.
Pinilipit 'yung takip ng bote niya ng tubig, nagtanong siya, "Kung ganun anong dahilan mo kaya pumunta ka sa Silverstone City Miss Young? Pwede ka sanang pumunta kahit saan... bakit 'tong lugar na 'to?"
Pinaalala ko sa sarili ko na mas mabuti na bigyan siya ng putol at tuyong mga sagot. Sa ganong paraan hindi na ito makakapagtaas ng karagdagang tanong sa background ko at hindi ko kailangang mag-alala na makapag-track ng grupo ng mga gawa-gawang kwento.
"Walang espesyal na dahilan talaga. Inisip ko lang na makaranas ng bagong bagay at parang magandang opsyon 'yung USK State. Dagdag pa, nakatira rito 'yung pinakamatalik kong kaibigan at nakakuha ako ng magandang trabaho."
Tumingin ako para makatagpo 'yung kulay-dagat na mga mata niya. Obserba niya ako. Patuloy akong nakakaramdam na nagdududa siya tungkol sa pagkakakilanlan ko. Kahit na ganoon, hindi ako matutulungan ng pagwawala. Magsasabi na sana ako ng isang bagay na lalong magpapatibay sa kwento ko, pero 'yung aroma ng mainit na pagkain ay umikot sa hangin at 'yung tiyan ko, na may sariling isip, walang kahihiyang nag-ingay. Salamat sa Diyos hindi ito malakas para marinig niya o mamamatay ako sa kahihiyan. Lumapit 'yung hostes sa mesa namin na hawak 'yung isang higanteng paleta ng hipon, na kinilig ko, at sumusunod sa kanya 'yung tatlong batang server na may dalang ibang pagkain. Nakikita 'yung gutom kong ekspresyon, ngumiti 'yung ginang at inilagay 'yung mga pagkain nang simetriko sa mesa.
"Eto na po, Sir at Madame. Lahat po ng pagkain ay ginawa ng aming head chef," sabi niya, nakakumpas 'yung mga kamay niya nang masaya.
Sa tingin ko, medyo dumating 'yung tono niya na sobra nang dramatic, pero siguro ako lang 'yun.
Tapos, tumitingin sa presidente at sa akin, sabi niya, "Magugustuhan niyo 'to!
Hindi, hindi lang ako... Nagulat ako nang makita na walang pakialam 'yung presidente sa mga salita niya. Siguro, kilalang-kilala ng ginang na 'to si President Gray? Kung hindi, tatawagin na lang niya 'yung mga bodyguard niya para ihatid siya palabas ng malapit para sa kung ano 'yung sinabi niya lang. Sandali... tinawag niya ba akong Madame!? Hindi ba ganoon mo tinatawag 'yung asawa ng Presidente?
"Huwag po sanang magkamali. Ako lang po 'yung bagong kalihim, Iris Young," sabi ko, agad na itinama siya.
Inilipat ko 'yung atensyon ko sa makatas na hipon na inilagay sa harap namin, inabot ko para kumuha ng isa. Pero, noong ilalagay ko na 'yung isang hipon sa plato ko, sabi niya, "Oh huwag mag-alala mahal! Nakikita ko 'yung mga spark sa inyong dalawa. Magkakaroon na talaga ng First Lady ang bansa natin."
Sa deklarasyon niya, nasamid ako sa sarili kong laway. Pagkatapos uminom ng tubig, tumingin ako sa kanya nang may pagkabigla.
"Crap lady! Gusto mo bang pareho tayong mawalan ng trabaho?" naisip ko.
Pinipilit 'yung isang sulyap sa aking amo, napansin ko 'yung nagulat na ekspresyon sa mukha niya rin. Gumaling siya nang mas mabilis kaysa sa akin, at nilagay ulit 'yung malamig niyang tingin.
"Ate Madonna, pwede na ba tayong kumain ng lunch natin ngayon?"
Ngumingiti at may tono na tumutulo sa sarkasmo, sabi niya, "Oh Xavier... uh... ibig kong sabihin" –kinagat niya 'yung dila niya– "M-Mr. President, nag-aantala lang ako sa hinaharap. Huwag mong kalimutan na ang ginang na 'to ay medyo bihasa sa larangan ng pag-ibig! Kung kailangan mo ng tulong pwede kang lumapit sa akin! Pagkatapos ng lahat, nakipag-date ako sa mahigit limampung lalaki!"
Nag-radiate 'yung tiwala mula sa mukha niya habang nakakatanggap siya ng malamig na tingin mula kay President Gray. Ako, sa kabilang banda, nagulat sa kanya. Limampung lalaki?! Sino sa impyerno ang may oras para lumabas sa ganoon karaming date? Umiling sa amin, nagbuntong-hininga siya.
"Sige na at kainin mo na 'yung pagkain mo. May iba pa akong bagay na aayusan. Masiyahan kayo sa pagkain niyo."
Pinanood ko habang umalis siya kasama 'yung mga server at huminga ako nang may ginhawa. Nang nakita kong naglagay si President Gray ng piraso ng Salmon sa plato niya, napansin ko na para siyang walang pakialam sa ugali ng babae.
"Huwag mo siyang pansinin. Mahilig siyang magbiro."
Tumango 'yung ulo ko, inabot ko para kumuha ng isang makatas na hipon. Tinanggal ko 'yung balat nito at isinawsaw sa ketchup. Sa sandaling 'yun, nagkaroon ako ng matapang na ideya. Pwede ko namang kainin gamit 'yung mga kamay ko! Karaniwan, gagamitin ko na lang 'yung mga kamay ko kahit papaano. Mas nakakasiya 'yun kaysa sa paggamit ng mga gamit. Tumitingin sa paligid para masigurado na walang ibang tao sa paningin; Itinaas ko 'yung pulang hipon at siniksik sa bibig ko. Nakapagpalabas ako ng hindi hiniling na daing habang 'yung langit niyang lasa ay nagpagalaw sa panlasa ko. Hindi pinapansin 'yung katas at ketchup na umaagos mula sa sulok ng bibig ko, patuloy akong masayang kumakain. Pagkatapos tapusin 'yung hipon ko, binuksan ko 'yung mga mata ko at agad na nag-freeze.
Pinapanood ako ni Mr. President na may nakakainteres na ekspresyon na nagpapahiwatig ng galit at kuryosidad.
Inilagay 'yung kutsilyo niya, nagtanong siya, "Miss Young, ano mismo ang ginagawa mo?"
Nilunok ko 'yung huling hiwa ng hipon at ngumiti na parang bata na nahuli na may kamay sa garapon ng cookies.
"Huwag po sanang isipin na hindi ako bihasa, Mr. President." Tumingin ako sa paligid ng restawran nang isang beses pa. "Talaga, mas gusto kong kainin 'yung hipon gamit 'yung mga kamay ko. Para sa akin, mas masarap. Dahil binook niyo 'yung buong restawran, naisip ko na okay lang na kainin sila kung paano ako nasanay dahil walang ibang tao rito."
"Talaga bang pinasasarap nila 'yun?" tanong niya na may tunay na interes.
W-well, kahit sa akin, ginagawa nila."
Binaba niya 'yung mga mata niya sa minamahal kong hipon.
"Pwede ko rin bang subukan?"
Nagulat for a moment, sumagot ako, "Sigurado. Tulungan kita na balatan ang isa."
Kumuha ng isa pang makatas na hipon, binalatan ko 'yun at tapos inilagay sa plato niya. Pinapanood nang may malaking interes, tumingin pababa 'yung presidente sa kanyang binalatang hipon at naupo na nag-iisip ng isang bagay for a moment. Sa huli, kinuha niya 'yung manggas niya at kinuha 'yung hipon gamit 'yung mga daliri niya. Para bang slow motion, nakita ko 'yung hipon malapit sa mga labi niya. Sa sandaling kumagat siya, nagsimula akong maging tensyonado. Paano kung ayaw niya 'yun? Pero, ngumiti siya sa akin.
"Mas masarap gamit ang mga kamay ko."
Tapos nakita ko siyang bukas-palad na dinilaan 'yung katas mula sa sulok ng bibig niya.
"Oh...fuck," bulong ko.
Note from the Author: Para mapanood 'yung promotional teaser, mga larawan ng karakter at iba pang bagay tungkol sa librong 'to, sundan 'yung aking instagram account Anamika_author o 'yung aking official facebook page: Books Of Anamika Ana