Kabanata 12
MULA SA PUSO NI ABRIL
Ginamit ko 'yung ikalimang stick at ganun pa rin, walang nagbago.
"Negative... negative... lahat negative. Hindi ako buntis, salamat Jesus... Hindi ako buntis..."
sigaw ko nang masaya. Parang himala. Inalis ko na sa isip ko 'yung takot at handa na harapin kahit ano 'yung kalalabasan.
Ang sarap sa pakiramdam kaya nag-umpisa na akong tumalon sa tuwa.
Sobrang saya ko kaya pagbalik agad ni Luis hindi ko na napigilan 'yung balita.
Sinabi ko sa kanya na hindi ako buntis.
"Alam ko naman. 'Di ba sinabi ko na hindi ka buntis, pero dahil 'di ka nagtitiwala sa akin, patuloy kang nagdududa. Ngayon na nakumpirma mo na 'yung kuryosidad mo, okay na siguro. Anyway, natutuwa rin ako na hindi ka buntis dahil baka patayin mo pa..."
'Di ko alam kung dapat ba akong matuwa sa sinabi niya o magalit pero wala namang kaso 'yun. Masyado akong masaya para magtanim ng sama ng loob sa mapanuksong komento niya.
Simula ngayon, ipinagdarasal ko na 'wag na ulit mangyari 'yung ganun kay Luis.
Kahit anong bagay na magpapakaba sa akin at magpapaworry sa akin na gaya ng ginawa ko noon ay hindi na mauulit.
Nanalangin ako sa Diyos na tulungan at protektahan ako sa ganung sakit.
Pagkatapos noon, bumalik si Luis sa kanyang mapag-alaga at mapagmahal na sarili.
Tatawagan pa niya ako sa trabaho para alamin kung kumusta ako. Kung mauna siyang umuwi galing trabaho kaysa sa akin, maghahanda siya ng pananghalian, ilalabas 'yung sa akin at iintayin ako.
Inilalabas niya ako tuwing weekend, palagi namang masaya at nakakaaliw 'yung lakad namin.
Sa pagtagal, medyo nadala ako.
May mga araw na mahal ko siya at patuloy akong nakangiti at nagdadasal na sana mag-asawa na kami imbes na magkasintahan.
Pero may iba ring araw na hindi ko kayang itago 'yung pagiging bastos niya. Ang iniisip ko na lang ay kung gaano niya ako sinaktan.
Kahit na naghingi siya ng tawad at pinapaalam ko sa kanya na pinatawad ko na siya.
Kahit na nagtangkang bumawi siya sa mga masamang araw na 'yun, 'di ko mapigilan na kamuhian ang lahat ng pag-iisip tungkol doon. Sa mga araw na 'yun, si Luis ay nagiging banta at kaaway sa isip ko.
Mag-iisip ako na baka may masamang motibo siya sa likod ng kanyang kamakailang kabaitan. Imposibleng maging mabait siya bigla na lang nang walang nakatagong masamang plano.
Mahirap na magtiwala sa kanya sa mga panahong iyon. Kamumuhian ko ang pagkatao niya at lahat ng tungkol sa kanya.
Sana hindi kami nagsasama, kung gaano ako kasaya at malaya
Kung hawak ko 'yung pera ko, pwede na sana akong umalis ng bahay minsan, humanap ng maliit na lugar para sa sarili ko o tumira kay Ela na may maliit na lugar na pinagsasabihan nila ng ate niya.
Ngayon, wala akong access sa pera ko. Si Luis ang may hawak at kinukwenta niya rin 'yung pamasahe ko sa isang buwan at ibinibigay 'yung kabuuang pamasahe kada buwan.
'Yung maliliit na tips na nakukuha ko minsan sa trabaho, ginagamit ko para suportahan, bumili ng pagkain kapag nagugutom ako sa trabaho at bumili ng ilang bagay kapag may pangangailangan.
Palagi niya akong tinatanong kung magkano 'yung tips na kadalasan kong nakukuha sa trabaho at sinasabi ko naman sa kanya.
Sasabihin niya sa akin na kung malaki 'yung pera, dapat ibigay ko sa kanya para patuloy niyang maitabi para sa akin.
Iniipon niya lahat ng pera ko nang maingat para sa kinabukasan ko.
Para sa eskwela ko at iba pang gastos na kasama nito.
Sabi ni Luis na sasayangin ko lang, gagastusin ko nang walang pakundangan kung nasa akin 'yung pera. Kaya naman siya na ang nagkusa na siya na ang bahala sa lahat ng financial records ko.
Noong una gusto ko 'yung ideya at talagang bumili ako noon dahil nagtiwala ako sa kanya pero pagkatapos ng huling insidente, nang pilit niya akong ginawa, nagkaroon ako ng pasa sa proseso. Hindi lang pisikal na sugat ang natamo ko kundi emosyonal din na patuloy kong kinakalaban. Pagkatapos ng ginawa niya sa akin, hindi na ako nagtitiwala sa kanya o nakakaramdam ng ligtas sa kanya.
Pero may mga araw na gusto ko lang mahalin at alagaan at tuwing nag-aalok si Luis, tinatanggap ko nang walang masyadong iniisip.
Hahayaan niya akong magpahinga sa kanyang balikat kapag nanonood kami ng sine sa bahay.
Ito 'yung Luis na gusto ko, ito talaga 'yung gusto ko sa lalaki ko. Mukhang kahina-hinala 'yung pagmamahal at pag-aalaga na ipinapakita niya pero wala akong pakialam, gusto ko lang na magpatuloy ito.
Nagkaka-kissan kami at ilang romantikong sandali pero hanggang doon lang 'yun dahil takot pa rin talaga akong makipagtalik.
Natatakot ako sa madilim niyang bahagi. Hindi talaga ako ligtas pero nagpanggap ako at magaling ako sa pag-arte. Pinapaniwala niya na sinasagot ko 'yung pagmamahal niya.
Pagkatapos ng ilang linggo, pauwi ako mula sa trabaho isang araw, habang nasa bus stop naghihintay ng bus, isang kotse ang huminto sa harap ko.
Tinawag niya ang pangalan ko, nang tumingin ako sa kotse si Filip 'yun.
Sobrang saya ko na makita siya, pinapasok niya ako.
Nag-atubili ako ng kaunti bago sumama sa kanya.
Kinuwento niya kung paano niya hinintay 'yung tawag ko, kung paano niya palaging tinitingnan 'yung bus station tuwing dumadaan siya.
Tinanong niya ako kung bakit hindi ako tumawag sa kanya, sinabi ko sa kanya na nawala ko 'yung business card niya.
Naalala ko kung paano pinunit-punit ni Luis 'yung business card, kahit na nagdesisyon akong pulutin ito at ilabas 'yung numero ay imposible.
Sakto 'yung kasinungalingan at hindi nagmukhang galit o kahina-hinala si Filip.
Tinanong niya ako kung nakatira ako sa magulang ko o baka sa kamag-anak.
Nag-stutter ako noong una dahil hindi ako makaisip ng kasinungalingan.
Imposible na sabihin sa kanya na nakatira ako sa supposed na boyfriend, na 'di ko na pinagtitiwalaan. Baka ayaw na akong kausapin pa ni Filip.
Lalayuan niya ako at tapos na.
"Nakatira ako sa tito ko..."
sabi ko kay Filip sa huli. Ngumiti siya at tinanong kung masyadong istrikto 'yung tito ko dahil gusto niyang bumisita minsan pero kung okay lang sa akin at kung papayag 'yung tito ko.
Tinanong niya kung ang tito ko ay may asawa o walang asawa.
Sinabi ko sa kanya na may asawa siya at may dalawang anak. "Mahirap palugdan ang tito ko at ayaw niya na nakikipagkaibigan ako, lalo na sa kabilang kasarian. Kaya baka hindi siya pumayag sa pagbisita mo pero babalikan kita, Kumpirmahin ko muna sa kanya. Pero sa akin, okay lang na bumisita ka pero hindi agad-agad. Kilalanin muna kita..."
Binigay niya sa akin 'yung numero niya at kinuha 'yung sa akin.
Nag-uusap kami nang maayos na para bang kilala ko na siya ng ilang taon.
Inihatid niya ako malapit sa bahay at nangako na tatawag.
Naglakad ako papuntang bahay at naroon si Luis.
Niyakap niya ako na ang lasa ay sobrang pangit.
Minsan ay ayaw ko sa pagpapakita niya ng pagmamahal dahil sa kaibuturan ko alam kong hindi talaga siya nagmamalasakit.
Nag-ayos ako at sinabi niya na naghanda siya ng hapunan.
Habang papunta ako sa kusina, tumunog 'yung telepono ko, tumatawag si Filip.