Kabanata 16
MULA SA PUSO NI ABRIL.
Nag-desisyon na ako na kailangan kong makuha ang pera ko kay Luis tapos kukuha ako ng sarili kong tirahan at aalis sa lugar na hindi ako mahahanap ni Luis.
Mula roon, magsisimula ulit ako ng buhay ko, mag-aayos ng enrollment ko at papasok na ako sa school.
Kahit anong pera, tip man galing sa customer o kahit anong regalong pera na matatanggap ko mula ngayon, mapupunta sa bago kong account.
Pagkatapos ng isang linggo, yung kasamahan ko na ginamit ko ng phone niya noong nakaraang linggo para tawagan si Filip, sinabi niya sa akin na nagkamali siya ng padala ng tawag sa numerong kay Filip at sinagot niya, kaya pinatay niya agad.
Tumawag ulit siya at nagtanong kung sino siya, tapos pinatay ulit niya ang tawag at nagdesisyon na puntahan muna ako at sabihin sa akin.
Sinabi ko sa kanya na hindi na importante si Filip. Dapat hindi na niya sagutin kahit kailan tumawag siya.
Noong linggo ding iyon, naglakas loob ako na pumunta kay Luis para hingin ang pera ko dahil gusto ko nang mag-aral.
Sinabi ko sa kanya na naglabasan na ang forms para sa school kaya kailangan ko nang kunin agad bago maubos.
Sinabi niya sa akin na kailangan ko pang magtrabaho ng ilang buwan para sapat na ang pera para sa pag-aaral ko.
Sabi niya na hindi sapat ang pera ko sa account niya para sa lahat ng binanggit ko at hindi naman daw niya ako ayaw bigyan pero masasayang ko lang daw pag binigay niya sa akin at nasa akin ang pera.
Pinakiusapan niya ako na magtrabaho pa ako nang mabuti para mas makapag-ipon ako ng pera para sa pag-aaral ko.
Halos isuka ko siya sa mukha niya sa mga sinabi niya pero pinigilan ko ang sarili ko.
Sinabi ko sa kanya na gusto kong bumili ng bagong phone dahil sira na yung luma na binasag niya at hindi na maayos.
Diretsahang tumanggi si Luis. Sabi niya maghanap na lang ako ng ibang paraan at bumili ng maliit na phone dahil ni isang kusing wala siyang ilalabas sa bank account ko.
Sabi niya may plano daw siya at pag naglabas ng pera, maaapektuhan ang plano.
Tahimik akong nag-isip kung nagpaplano ba siya para sa sarili niya gamit ang pinaghirapan kong pera o nagpaplano ba siya para sa akin tungkol sa pag-aaral ko.
Ayoko nang pagtuunan ng pansin ang negatibo sa lahat ng ito, gusto kong manghawak sa kahit konting pag-asa na makuha ang pera ko.
Bakit hindi niya ako bigyan kahit konti para makabili ng phone, e siya naman ang nagbasag noon hanggang sa kumalat ang bubog ng screen.
Kinuha ko na ang sim card ko at tinapon ang phone, ang kailangan ko lang naman ay konti mula sa pera ko para makabili ng panibagong phone.
Pwede rin siyang bumili, ang concern ko lang ay magkaroon ng phone. Pero diretsahang tumanggi si Luis.
Malinaw na nagpaplano siya gamit ang pera ko, patuloy kong hinihiling na hindi totoo dahil halos dalawang taon akong naghirap at nagpawis, hindi pwedeng mawalan ng saysay.
Nagtatanong pa si Luis kung naghahanap daw ba ako ng mas magandang trabaho na malaki ang sweldo at sinabi kong oo.
Gusto ko siyang sampalin nang malakas sa lahat ng pinaparanas niya sa akin emosyonal at pisikal din, dahil sa ayaw niyang ibigay sa akin ang pera ko pero nagpapanggap na gusto niyang ibigay.
Kung magkakaroon ako ng isang pagkakataon na gawin iyon, gagamitin ko talaga at sisiguraduhin kong mararamdaman ni Luis ang sakit hanggang sa buto niya.
Hindi ko hahayaang kunin niya ang pera ko. Lalabanan ko ito kahit na ito na ang huling bagay na gagawin ko.
Pagkatapos ng isang linggo, noong Sabado pumunta ako sa palengke para bumili ng mga gamit para sa bahay dahil hindi na ginagawa ni Luis iyon at ang weekend lang ang libre kong oras para mamili ng grocery gamit ang pera na binibigay ni Luis.
Pagkatapos kong bilhin ang mga gamit, ang susunod kong plano ay umuwi at magluto.
Pagbalik galing sa palengke, pagdating sa gate, nakita ko ang isang kotse na nakaparada malapit sa bahay namin, kamukhang-kamukha ng kotse ni Filip.
Huminto ako para matingnan nang maigi ang kotse.
Hindi pwede, hindi si Filip iyon.
Ayaw kong maniwala.
Gusto kong umikot at magtago sa kung saan pero dahil hindi ako sigurado at ang kotse ay pwedeng kanino man at hindi naman kailangang kay Filip, nagdesisyon akong magpatuloy.
Nagdesisyon akong pumasok, naglakad ako nang dahan-dahan papunta sa bahay.
Inilagay ko ang tainga ko sa pinto at nakaramdam ng biglang takot.
Naririnig ko ang ingay at tawanan.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok.
Nandoon siya, nakaupo kasama si Luis, may hawak na inumin habang nag-uusap at nagtatawanan na parang magkaibigan.
Nagningning ang mga mata ni Filip nang pumasok ako.
"Uy Abril, oh my God...ang ganda na makita ka ulit," sabi ni Filip nang excited.
Nakatayo lang ako roon, nakatitig at sinusubukang intindihin kung ano ang nangyayari.
"...nakatitig ka sa akin na parang nakakita ka ng multo. Well, sorry talaga. Nawala ko ang phone ko noong ikalawang linggo ng paglalakbay ko. Nagawa kong makuha ang sim card ko pagkatapos. Nag-aalala talaga ako na hindi kita matawagan, ang pagkakamali ko ay hindi ko nailista ang numero mo sa ulo ko, pinagsisisihan ko iyon. Marami pa akong gagawin at kailangan kong manatili roon para tapusin bago bumalik. Sinubukan kong puntahan ka mula nang nakabalik ako pero hindi ko magawa, wala akong choice kundi pumunta dito. Nakilala ko ang pinsan mong si Luis, simple at mabait siya at nagtataka ako kung bakit natatakot ka na yayain ako. Nagka-kwentuhan kami ni Luis at masaya ako at malaya rin Abril. Totoo...na-miss talaga kita at maraming bagay para sa iyo...nasa kotse..."
Tumingin ako kay Luis, nakaupo siya na may hawak na inumin, nakapatong ang paa at may nakakalokong ngiti.
Nagpatuloy si Filip
"...sayang nga, wala akong nabili para kay Luis dahil kakilala ko pa lang at nakilala ko pa lang siya pero sana hindi siya magagalit sa regalong pera..."
Bago pa man matapos ni Filip ang kanyang sasabihin, sumagot si Luis
"Regalong pera? Hindi mo kailangan, Filip pero kung mapilit ka, tatanggapin ko na lang. Para ka na kasing kaibigan ng pamilya..."
Hindi maganda ang lahat ng ito. Kailangan kong gumawa ng aksyon pero ang tanong, ano nga ba ang dapat kong gawin ngayon?