Kabanata 33
"Siguraduhin niyong walang makakaalam nito, o walang silbi." Tumango sila. Bago pa man makaalis si Dakota, pinigilan siya ni Leyton.
"May ilang tao na dapat manatili habang yung iba aalis." Nagbulungan sa mesa at si Strayder naman ang nagsalita.
"Mas okay si Gresall, sir. Malayo sa abot ng pulis yung lugar at walang ibang grupo na manggugulo sa atin." Tinanggap ni Leyton ang suhestiyon ni Strayder at ginamit niya.
"Natatakot ako baka mas malaking problema pa ang pulis kaysa sa iba at hindi natin kayang isugal." Nakita naman ng iba na maganda ang ideya. "Para lang hindi na tayo paghinalaan, yung iba mananatili at magbabantay sa mga naiwan."
"Pero, sir, yung blood moon." May sumagot, yung buong buwan na tawag ng mga tao, pero iba yun sa mga werewolves at mas maganda kung aalis na kami.
"Aalis tayo bago pa man dumating yun at magbabantay tayo, mas delikado kung mananatili tayo dito sa oras na yun." Kailangan nilang sumang-ayon dahil delikado nga.
"Mag-aayos ako ng transportasyon para sa parehong bilang ng tao." Natuwa si Leyton nang marinig yun. Lumingon siya sa ikalawang grupo na pandepensa.
"May gusto ka bang sabihin sa akin?" Tumayo si Strayder.
"Ginagabayan ko sila kung ano ang gagawin at mukhang hindi masyadong okay." Medyo nainis si Leyton. Ayaw niya kapag may ginagawa si Strayder nang wala siyang permiso. Buti na lang, malapit si Strayder sa alpha.
"Sabi ko huwag kang gagawa ng wala akong permiso!! Mahirap bang sundin ang mga utos!!" Bulong ni Leyton kay Strayder para hindi siya mapahiya pero akala din ni Strayder may kapangyarihan siyang tumulong.
"Kailangan kong tumulong dahil may problema ka kay Gemini." Hindi naniwala si Leyton.
"Hindi excuse yun, Strayder kaya sa susunod, ipaalam mo sa akin!! Ito na ang huling beses na sasabihin ko sayo to!!" Huminga ng malalim si Strayder, hindi niya alam na ganoon pala katigas ang ulo ni Leyton. Gusto niya laging gawin ang mga bagay-bagay mag-isa, na hindi nagugustuhan ni Strayder.
"Sir, ako ang kanang kamay mo ibig sabihin tungkulin ko ring tumulong sayo." Hiss ni Leyton.
"Sabi ko ipaalam mo sa akin, mabait ka pero hindi ko kailangan ang tulong mo." Masakit sa kalooban ni Strayder pero natuto na siyang tanggapin. Tinitigan ni Leyton ang grupo.
"Ano ang resulta?"
"Wala na ang grupo sa timog na siyang resulta." Inutusan sila ni Leyton na i-double check pero si Strayder ang nag-ulat sa ikatlong pagkakataon. Pinamumunuan ni Hones ang timog na lugar at mahalaga para kay Leyton na subaybayan siya.
"Ano sa tingin niyo ang dapat nating gawin, sir?" Tanong ng isa pang lalaki mula sa grupo.
"Kailangan kong pag-isipan yun pero siguraduhin niyo na mag-iingat kayo sa gagawin niyo at huwag magpapasok ng sinuman sa mga hangganan natin." Umalis na si Leyton sa meeting nang maabutan siya ni Dakota.
"Sir, hindi ko naman gustong manggulo pero gusto kong palawakin ang aking paghahanap, gusto nung lalaki na nahuli ko noong nakaraan na gumala sa mga kagubatan."
"Hindi natin pwedeng isugal yun, Dakota kaya manatili ka lang sa hangganan mo, o may sisimulan kang hindi mo kayang tapusin." Lumakad palayo ang alpha na ikinatahimik niya. Alam niya na nagbago na ng husto si Leyton at nag-aalala siya.
Nagtrabaho si Francis sa kanyang hypothesis. May lahat siya ng otoridad na kailangan niya para gawin ang kanyang imbestigasyon. Nagtrabaho siya sa kanyang pribadong laboratoryo at naglaan ng oras. Sinuri niya ang sample ng dugo na nakuha niya mula sa ospital pero wala pa rin siyang makita. Pumasok si Eugene.
"Ano yun?" Medyo nainis si Francis.
"Sir, matagal na naming binabantayan pero walang nangyayari. Siguro, dapat na nating itigil na ang pagbabantay." Suhestiyon ng kanyang partner pero hindi susuko si Francis.
"Hinintay ko ang sandaling ito at hindi ko ito pwedeng palampasin." Huminga ng malalim si Eugene.
"Ayoko sanang sabihin sayo to pero galit na galit ang boss, kausap ko siya sa telepono at sinabi niya na dapat mong itigil na." Wala nang pakialam si Francis dito at nagpatuloy sa gitna ng kanilang pag-uusap, tumunog ang telepono ni Eugene, tiningnan niya ang numero pagkatapos ay tumingin kay Francis.
"Siya yun." Mas nainis si Francis at sinenyasan niya itong sagutin ang tawag.
"Yes, sir, may maitutulong po ba ako?"
"Gusto kong itigil mo na ang lahat!! Sayang ang oras at resources!!" Narinig ang galit na boses ng kanyang boss.
"Sir, matatapos ko naman to, bigyan mo lang ako ng oras." Nagmamakaawa ang kawawang lalaki pero hindi tatanggapin ng kanyang boss ang mga kalokohan.
"Hindi ito isang pelikula kung saan may mga prinsesa o werewolves, totoong buhay ito at kung hindi mo ito ititigil mawawalan ka ng trabaho!!" Alam ni Francis na may dapat gawin para matapos ang kanyang imbestigasyon. Natapos ang tawag at nagpigil ng hininga ang kanyang partner.
"Anong gagawin mo ngayon?" Tumingin si Francis sa kanyang partner.
"Naniniwala ka ba sa akin?" Nag-isip ng matagal si Eugene at tinanggap na lampas sa paniniwala ang kanyang iniisip.
"Alam kong puno ka ng imahinasyon pero alam kong hindi ka gagawa ng ganito kung walang dahilan kaya oo, naniniwala ako sayo." Ngumiti si Francis.
"Kung ganun, yun lang ang kailangan ko kaya huwag mo pa silang ititigil."
"Anong gagawin mo? Kung malaman to ng boss, magagalit siya sayo." Alam ni Francis yun pero hindi niya hahayaang masayang to.