Kabanata 21
Aliyana
"Ang ganda mo," sabi ko sa kapatid ko. Totoo naman.
Nagniningning ang balat niya sa sobrang saya na hindi ko mararamdaman kailanman. Yung kislap sa mga mata niya, repleksyon ng mga kristal na natatamaan ng araw. Mabuti na 'yon.
Kasi, araw ng kasal niya ngayon. Nakatago sa manggas ko 'yung mga mantsa ng dugo sa pulso ko. Nakaglove 'yung mga kamay ko, binubulag siya pati 'yung mga darating sa ebidensya ng pagkamainitin ko ng ulo, sa kanilang mapanuring pagtingin.
Sabi nila, may iba't ibang itsura ang ngiti, at parang makikita mo ang lahat ng bagay sa napakaraming 'opinionated' na paraan, pwede ding ganun tingnan ang ngiti.
Gusto kong isipin na 'yung ngiti na ginagawa ko ngayon sa mukha ko, sinasabi sa kanilang lahat na maayos ako at 'masayang-masaya' na nandito. Oo, 'yung iniisip ko at 'yung totoong nangyayari, magka-iba ng sobra.
Kasi alam kong peke 'yung ngiti ko, malisyoso, isang pain para sa mga inosente at isang senyales para sa mga masama.
Ako si Aliyana Capello, anak ni Consigliera Sartini Capello, at ngayon, kalaban ako ng mga kapatid na Catelli. Nagtatago ako ng isang traydor, at pwede namang totoo, o pwede rin namang hindi, parehas silang guilty tulad niya. Marami na silang kinuha na kapatid at kahit masakit sabihin, kahit gaano kahalaga si Ren sa amin, mahalaga rin 'yung mga taong 'yon sa pamilya nila.
Ilang buwan na ang lumipas simula nung ipinangako si Guilia kay Leonardo. Pinatagal ni Guilia at Leonardo ang kasal nila hangga't kaya nila. Natutuwa ako kahit paano, kasi nabigyan sila ng chance na magkakilala.
Dalawang araw na ang nakalipas simula nung huli kong kausap si Marco. Galit na galit sa akin si Papa, wala siyang sinabi sa akin buong gabi. Sinigawan pa niya si Ilaria ng wala namang dahilan, at talagang tinamaan ako nun.
Kinaumagahan, inutusan niya akong sumama kay Guilia at tulungan siya sa bagong bahay nila. Karamihan sa mga babae, inaayos 'yung bahay nila bago 'yung kasal, at bumibili ng mga bagong damit para sa mga dinner na iimbitahan sila pagkatapos. Walang pinagkaiba si Guilia.
Ginugol ko 'yung huling 36 na oras kasama siya sa pag-aayos ng apartment ni Leonardo, malapit sa Azure, kung saan sila titira. Sumama 'yung mga pinsan mula sa pamilyang Catelli at Moretti, kaya't wala kaming masyadong oras ni Guilia na magkasama.
May hinala na siya nung umalis si Camilla at siya sa Manor, pero pagbalik nila, naghihintay ako sa may pinto na parang walang nangyari.
Blangko 'yung mukha ko.
Hindi namin napag-usapan 'yon, at iniiwasan ko 'yung mga pagtatangka niya na simulan 'yung usapan. Kaya parang, nung nagkukwentuhan 'yung mga babaeng 'to, nag-uusap tungkol sa mga asawa nila o nagkukunwaring nagkwekwentuhan lang, nakikinig ako at gumaganap na kamanghanghang kapatid.
Maraming masasamang bulung-bulungan at kung minsan, mga mura na lumalabas sa mga pamilya ngayon, at alam 'yon ng mga babaeng 'yon, kahit wala ni isa sa kanila ang talagang naiintindihan kung ano ang nangyayari bukod kay Nicole, asawa ni Capo Marcello, aka, nanay ni Leonardo at soon-to-be future mother-in-law ng kapatid ko.
Sigurado ako sa isang bagay, tama si Marco nung sinabi niyang 'yung kasal ng kapatid ko kay Leonardo ay makakatulong na maibsan 'yung maraming isyu na kumakalat sa pamilya at sa labas nito.
'Yung isipin na iiwanan ko siya, sumasakit 'yung dibdib ko sa wakas ng lahat ng 'to. Galit na galit siya nung kausap niya ako, nasaktan ko siya, nakikita ko sa mga mata niyang obsidyan.
Pero paano niya aasahan na hahayaan ko lang siyang patayin 'yung kaibigan ko? 'Yon ba 'yung ideya niya ng pag-ibig? 'Yung sa akin, walang kondisyon pagdating sa Misfits. Utang ko kay Mero 'yung buhay ko at ganun din kay Ren. Ang kaibahan lang, mas malaki 'yung pag-ibig ko kay Ren.
Tumunog 'yung phone ko, naputol ako sa pag-iisip. Nakita 'yung hindi kilalang numero, sinagot ko 'yon, naglakad papunta sa likod ng bahay habang naririnig ko 'yung tawa ng kapatid ko nung sinabihan siya ng kapatid ko na magmadali at magbihis.
"Hello?"
"Uy, may kaunting problema yata ako, kailangan kong umalis ngayong gabi."
"Anong nangyari?" tanong ko habang tumitingin sa paligid ko, sinisigurado na walang nakikinig sa usapan namin.
"Pumunta ako sa bayan ngayon, gaya ng sabi mo, sa South side ako pumunta, tumigil sa isang burger place, pero lumitaw si Vincent Raseto, pinsan ko. Sinubukan ko siyang takasan, pero nakita niya ako."
"Shit, tapos?" singhal ko habang naririnig ko 'yung pangalan ko na tinatawag sa kabilang dulo ng bahay at sumama 'yung sikmura ko. Hindi maganda 'to. Malapit si Vincent sa mga kapatid, sasabihin niya kay Deno.
"Sabi niya hindi siya nakikialam, nag-order na siya at umalis, pero tingin ko alam niyang nandun ako, Liya, hindi man lang siya nagulat."
"Si Vincent 'yon, na isang Stone din, kakaiba talaga 'yang buong pamilya. Nasaan ka na ngayon?"
"Nasa cabin ako."
"Magkikita tayo agad. Kasal ni Guilia, kaya mapapaalis ka namin kung maingat tayo." Nakita ko si Filippo na papalapit sa akin at pinatay ko 'yung phone, nakangiti sa papalapit na itsura niya.
"Hinihintay ka na namin, malapit na si Guilia." Matigas at masungit 'yung mga salita ng kapatid ko, galit din siya sa akin. Hindi lang ako sigurado kung dahil sa tungkulin ko sa kaibigan ko, o 'yung pagtataksil sa akin ng Papa.
"Pupunta na ako."
"Mahalaga ang kasal na 'to, kaya huwag kang magbibigay ng opinyon mo ngayong gabi. Araw ni Guilia 'to. At sira na nga 'yung lahat."' Nakasimangot siya sa akin, at naiintindihan ko kung bakit, pero naiintindihan ko rin kung bakit tinutulungan ko 'yung kaibigan ko.
"Gets."
'Yung kasal ng kapatid ko ay ang bagay na sana magpapakalma sa maraming tao, at magdadala ng kaunting saya sa boring na buhay ng maraming tao. Gagamitin din itong distrasyon para sa isang pagtakas.
Walang pinagtipid si Papa para sa kasal ng kapatid ko na nagpahiwatig ng marami. Pero 'yung katahimikan ni Papa at pagpili na alisin ako sa karamihan ng selebrasyon dahil sa pagtatalo namin ni Marco kahit na ayaw ni Deno, mahirap lunukin. Sabi niya noon, huwag nang balikan 'yung nakaraan, kaya bakit hindi niya magawa sa akin.
Walang alam si Papa, 'yung desisyon niya 'yung dahilan ng tahimik kong paghihirap. Nasasaktan ako ng sobra sa loob at wala akong mapagsasabihan, dahil 'yung taong nananakit sa akin ay siya lang, akin.
Hindi man lang ako tinignan ni Marco simula nung gabing 'yon at nakita ko siya ng limang beses, binilang ko. Nagipit si Deno. Tinaksil niya 'yung tiwala ko nung nag-alok siya ng tulong pero dumiretso siya sa lugar na gusto niyang kunin ko si Mero. Masakit, na hindi siya mapagkakatiwalaan. Hindi si Deno 'yung kaibigan na akala ko.
Umakyat ako ng hagdan, natutuwa na nagdesisyon si Papa na gamitin 'yung bagong bahay ni Ilaria at hindi 'yung akin. Pearlescent 'yung mga tile sa buong ilalim ng bahay, 'yung itaas kasama 'yung hagdanan ay nilagyan ng grey na karpet na nagkakahalaga ng 40k para maihanda 'yon ngayon ni Papa. Marami na talagang binago si Ilaria sa bahay at kahit hindi 'yon 'yung style ko, kailangan kong sabihin na maganda 'yung itsura ng lugar.
"Guilia, nandito na si Deno, bumaba ka na," Dumagundong 'yung boses ng Papa mula sa ibaba ng bahay at naririnig ko 'yung tunog ng mga bisita habang pumapalakpak at nag-uusap.
Naglalaro 'yung mga bata sa labas at ulit, kung ikaw ay isang tagalabas, iisipin mo na isa lang 'tong normal na pamilya.
Walang normal sa amin.
Pagdating ko sa itaas, binabati 'yung mga babaeng nakatambay sa hagdan, pumunta ako sa kwarto ng kapatid ko. Napakaganda niya sa damit na Tibetan jasmine white at gold na may trim na nagpapakita ng mahahaba niyang binti at payat na katawan. Walang kamali-mali 'yung make up niya at pinagbuti niya 'yung buhok niya na nakakulot, pababa sa likod niya.
Nakatingin 'yung hairstylist sa likod niya, at kilala ko 'yung babae mula sa eco class ko. Pribado ang ganito kalaking seremonya, ibig sabihin, anak siya ng isang Made-Man o isang sundalo. Pumili ako sa huli, dahil hindi siya mukhang Italyano. Pero hindi rin ako.
"Uy Serena. Anong ginagawa mo diyan?"
"Tinitingnan si Guilia, sabi ni Papa hindi na ako makakasama kay Guilia.". Nilagay ko 'yung phone ko sa stand sa tabi ni Serena at hinawakan 'yung ringlets niya.
"Siguro hindi, pero madalas ka niyang bibisitahin, at pwede nating sabihin kay Papa na papayagan ka niyang tumira dito tuwing weekends."
"Seryoso?"
"Oo naman." Hinawakan ko 'yung kapatid kong babae at sumakit 'yung dibdib ko at lumawak na isang araw magpapakasal din siya at pagsisisihan ko na wala akong masyadong ganitong mga sandali.
"Ang ganda mo Liya." Naka-lilac na three quarter dress ako katulad ng kapatid kong si Serena, mas maliit, pero may bulaklak 'yung sa kanya.