Kabanata 5: Aoi; Ang Dalawang-Buntot na Sorra
Kastilyong Whitebrook
Amelia Saumoux
Kinabukasan pagkatapos ng pagpasok kahapon, kinuha ni Lolo ang mga security camera at sinimulan niyang ikabit 'yon nang umalis ako kaninang umaga. Ngayon, ang klase ko at ako ay magfi-field trip sa kastilyong Whitebrook at salamat sa mga diyos na sa araw 'to gagawin at hindi sa gabi. Umupo ako sa tabi ni Sarah habang papunta kami sa kastilyo sakay ng coach at hindi pa rin ako mapalagay sa pakiramdam na may nagmamasid pa rin sa akin.
"Sarah, mayroon bang sinuman dito na mukhang kahina-hinala sa tingin mo?"
Lumingon si Sarah sa paligid at sinabi niya sa akin.
"Wala, bakit?"
"Simula pa noong maliit na paglalakbay na ginawa natin sa kastilyo noong huli, hindi ko mapalagay sa pakiramdam na may sumusunod sa akin."
"Ooh~" nang-aasar na sabi ni Sarah habang sinampal ko ang kanyang balikat. "Aray!"
"Hindi nakakatawa, seryoso ako. Nag-uumpisa na akong ma-freak out, hindi pa nangyari sa akin 'to noon."
"Sige na nga, sorry na. Alam mo ba kung sino 'yon?"
"Wala akong ideya, kaya kailangan kita na dumikit sa akin parang glue sa lahat ng oras. Gets mo?"
"Gets."
Nagsalita si Sarah na may ngiti sa kanyang mukha. Nakarating kami sa kastilyo at pagkarating namin, pinapasok kami ng tour guide sa kastilyo at nagpapasalamat ako dahil mukhang hindi na gaanong nakakatakot kumpara noong huli kaming pumunta rito.
"Ngayon, mag-ingat ang klase, para sa araling ito, titingin tayo sa paligid ng kastilyo at lahat kayo ay maghahanap ng iba't ibang lugar upang mag-sketch ng kastilyo. Pwede kayong pumili kung sa loob o sa labas ng kastilyo kayo mag-dodrowing pero, tandaan? Lumayo kayo sa mga danger zone, bawal kayong pumunta roon at bawal kayong lumapit doon. Ayaw naming magkaroon ng aksidente sa inyo habang nandito tayo, 'di ba, Ryan?"
\Lumundag si Ryan sa gulat nang tinawag siya ng guro at tumawa siya nang kinakabahan habang kami ay tumatawa sa kanya. Nagkasama kami ni Sarah habang naglalakad kami sa kastilyo para maghanap ng lugar na pagsisimulan namin ng aming mga drawing at sa huli ay nakahanap kami ng lugar. Nasa hardin kami ng kastilyo. Umupo kami sa bangko at nagsimula kaming mag-drawing.
Patuloy akong sumusulyap sa hardin at ginuhit ko ang bersyon ko ng hardin ng kastilyo dahil mukhang sira na ito na may damo at patay na mga bulaklak.
"Nakakalungkot, 'di ba?" sabi ko.
"Ano 'yon?" tanong sa akin ni Sarah habang patuloy kaming nag-dodrowing.
"Ang lugar na ito ay dating magandang kastilyo na puno ng buhay at may hari silang namumuno rito. Pero, nang mawala siya, nasira ito at para sa mga taong nakatira rito, hindi nila alam kung ano ang gagawin. Iniwan nila ang lugar na ito at nasira."
"Well, ganoon ang alamat, Amelia. Minsan hindi tayo maaaring manatili sa isang lugar na tinatawag nating tahanan at kapag dumating ang oras, kailangan nating umalis."
Tumingin ako kay Sarah na nagulat at mukhang malungkot siya sa isang kadahilanan. Tumigil ako sa pag-sketch at tinanong ko siya.
"Sarah, mayroon bang hindi mo sinasabi sa akin?"
Alam ni Sarah na kaya kong basahin ang kanyang emosyon na parang libro at pagkatapos ay huminga siya nang malungkot. Inilagay niya sa kanyang sketch pad at tiningnan niya ako nang diretso sa mata.
"Amelia...lilipat ako sa ibang siyudad."
Nanlaki ang aking mga mata sa gulat at tinanong ko siya.
"Ano?! bakit?!"
"Naaalala mo noong sinabi ko sa 'yo na nag-apply ako sa art school sa Canada? well, natanggap ko ang kanilang liham ngayon at nakapasok ako. Pagkatapos kong magtapos sa kolehiyo, lilipat ako sa Ontario."
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Ang isang bahagi sa akin ay nalulungkot na ang aking pinakamatalik at kaibigan noong bata pa ako ay lumilipat palayo sa akin at hindi ko na siya makikita muli pero, ang kabilang bahagi sa akin ay masaya para sa kanya.
"Sarah, honestly, hindi ko alam kung ano ang sasabihin, magandang balita 'yan."
"Alam ko 'yon pero, ayaw kong iwan ka mag-isa. Parang magkapatid na tayo simula pa noong bata tayo."
"Hindi naman ako mag-isa, mayroon ako ang aking mga lolo't lola at gaya ng sinabi sa akin ng lola ko. Darating ang araw na makikita ko ang espesyal na tao na mamahalin ako."
Ngumiti sa akin si Sarah at pagkatapos ay niyakap niya ako.
"Mamimiss kita nang sobra."
"Ako rin."
Umalis kami sa isa't isa at pareho kaming ngumiti nang malungkot. Sa sandaling iyon, narinig ko ang isang tao na sumisipa ng bato sa lupa. Tumayo ako mula sa bangko at sumigaw ako.
"Sino 'yan?!"
Lumingon si Sarah sa paligid at sinabi niya sa akin.
"Wala akong nakikitang tao, baka naririnig mo lang."
"Hindi, may narinig ako."
"Paranoid ka."
kumento ni Sarah hanggang sa narinig namin ang mga halaman na gumagalaw.
"Sino 'yan?!" sigaw ko sa kanila.
Narinig din ni Sarah ang mga halaman na gumagalaw at pagkatapos ay sinabi niya sa akin.
"Relax, malamang isang soro o ibon lang 'yan."
Pinanood ko si Sarah na lumapit sa mga halaman at pagkatapos ay tumili siya nang may tumalon sa kanya at naging dahilan upang siya ay matumba sa sahig.
"Ano 'yon, Sarah?!" sigaw ko sa kanya.
Ang maliit na nilalang na tumalon sa kanya ay isang soro. Mayroon itong puting balahibo na may gintong buwan sa noo nito at sa isang kadahilanan, mayroon itong kambal na buntot.
"'Yon ba...isang soro?" tanong ko na may gulat na tono.
Tumingin sa akin ang maliit na soro at pagkatapos ay tumakbo ang soro sa akin bago tumalon sa aking mga bisig. Nahuli ko ang maliit na soro sa oras at pagkatapos ay umakyat ito sa aking balikat at nagsimulang kuskusin ang ulo nito sa aking pisngi na nagpatawa sa akin.
"Well, isa kang palakaibigan, 'di ba, maliit na bata?"
Tumayo si Sarah at pinunasan niya ang dumi sa kanyang damit at sinabi niya sa akin.
"Hindi siya palakaibigan noong tumalon siya sa akin pero, hindi pa ako nakakita ng baby fox na may dalawang buntot. Saan kaya siya galing?"
tanong sa akin ni Sarah habang marahan niyang hinahaplos ang ulo ng soro.
"Hindi ko alam, pero, medyo cute siya."
"Anong gagawin mo sa kanya? Nakadikit siya sa 'yo."
"Hmm...hindi ko alam. Sa tingin ko kailangan ko siyang iuwi at ipakita kay Lolo, baka masabi niya sa akin ang tungkol sa kambal na buntot na soro na ito. Maaaring isa siya sa mga mitikal na nilalang na dating umiiral bago naging dragon ang Haring Whitebrook."
"Mukhang magandang plano, pero, mas mabuti pang itago mo siya bago pa siya makita ng iba."
Tumango ako at pagkatapos ay kinuha namin ang aming mga gamit. Binuksan ko ang aking bag at sinabi ko sa maliit na soro.
"Halika na, maliit na bata, pasok ka na."
Tumingin sa akin ang kambal na buntot na soro na naguguluhan at pagkatapos ay ngumiti ako sa kanya.
"Huwag kang mag-alala, hanggang sa makauwi lang tayo pagkatapos ng trip. Hindi natin maaaring hayaan na makita ka ng iba at alisin ka sa akin."
Naintindihan ito ng maliit na soro at pagkatapos ay tumalon siya sa aking bag. Sinara ko ang aking bag pero, iniwan ko itong nakabukas ng kaunti upang makahinga ang maliit na soro at maaari niyang isuksok ang kanyang ulo upang makita niya.
"Tara na, umalis na tayo."
sabi ni Sarah bago kami umalis sa mga hardin upang hanapin ang aming guro at ang aming mga kaklase. Pagkatapos ng field trip at natapos na, umuwi ako kasama ang aking bagong kaibigan.
Nakarating ako sa bahay nang hindi natatakot sa aking stalker at pagkatapos ay inilabas ng maliit na soro ang kanyang ulo sa aking bag.
"Gusto mo ang nakikita mo?" tanong ko sa kanya bago siya umakyat sa aking bag at umupo sa aking balikat.
Sa sandaling iyon, bumaba si Lolo sa hagdan at tiningnan niya ang aking bagong kaibigan.
"Hello, Amelia, sino ang bago mong kaibigan?"
"Maniwala ka man o hindi, ang maliit na batang 'to ay isang kambal na buntot na soro at nakita ko siya sa kastilyo. Hindi ko alam kung nasaan ang kanyang nanay o ang kanyang mga kapatid at malinaw na nakadikit siya sa akin."
Humalinghing ang soro habang kinuskos niya ang kanyang ulo sa aking pisngi. Ngumiti ako sa maliit na soro at pagkatapos ay hinaplos din siya ni Lolo.
"Isang kambal na buntot na soro, huh? Naaalala ko na nakakita ako ng larawan nito dati, sandali lang."
Lumayo sa akin si Lolo at pagkatapos ay lumapit siya sa bookcase bago siya kumuha ng libro. Ito ay isang pulang libro at ang pamagat ay nagsasabing 'Encyclopedia of Orion's historic creatures'. Binuksan ito ni Lolo at binaligtad niya ang ilang pahina at pagkatapos ay ngumiti siya ng kaunti.
"Ah-ha! nahanap ko na," ipinakita sa akin ni Lolo ang pahina at binasa ko nang malakas.
Ang kambal na buntot na Fox ay isang espesyal na lahi na nagmula sa Japan. Ang ilan sa kanila ay kilala na may siyam na buntot sa halip na dalawa pero ang kambal na buntot ay isang espesyal na lahi. Ang kambal na buntot na soro ay maliit pero, ginamit sila para gumawa ng magagandang alagang hayop para sa mga maharlikang pamilya at napaka-loyal nila sa kanila. Kilala silang may espesyal na kulay sa kanilang balahibo.
Ang pinakakaraniwang kulay ng balahibo ay kadalasang golden-blonde at mayroon silang itim na full moon sa kanilang noo pero ang mga bihira na kulay ay ang itim na kambal na buntot na soro na may gintong half-moon sa kanilang noo at ang puting kambal na buntot na soro ay puti at mayroon silang asul na crescent moon sa kanilang noo.
"Kaya 'yon ka pala?" tanong ko sa soro at dinilaan niya ang aking mukha.
Tumawa ako nang kaunti at pagkatapos ay hinawakan ko ang soro sa aking mga bisig.
"Hindi ko gets though, kung ang mga taong 'to ay umiral noong panahon ng sinumpang Hari, then how is it this little guy is still around? Ngayon na mag-isip tayo..." Tiningnan ko nang mas malapitan ang kambal na buntot na soro at na-realize ko ang isang bagay.
"Pakiramdam ko nakita ko na 'tong batang 'to dati."
"Sa tingin ko alam ko kung saan," sinabi sa akin ni Lolo habang ipinapakita ang larawan ng Hari at mayroon siyang kaparehong puting kambal na buntot na soro sa kanyang mga bisig.
"Oh, so the Whitebrook King did have a twin-tailed fox, kayo pala ay loyal sa kanila, 'di ba?" nagsalita ako na may ngiti.
Humalinghing ang kambal na buntot na soro sa akin bago siya umakyat sa aking balikat at umupo sa ibabaw ng aking ulo.
"Hahaha!! gusto ka niya. Saan mo nga ba siya nakita?"
"Nakita ko siya sa hardin ng kastilyo, bakit?"
"Well, kung nakita mo ang maliit na bata doon, then there's a chance there could be more of them, how about we head back to the castle tomorrow? it is the weekend after all."
"Sounds great to me, Lolo. Now as for you little guy..." kinuha ko siya mula sa aking ulo at tiningnan ko ang cute na asul na mga mata na 'yon. "I'll need to come up with a name for you until we find your family, how about...Aoi?"
Parang nagustuhan ni Aoi ang pangalang 'yon nang iangat niya ang kanyang mga tainga at iwinagayway ang kanyang kambal na buntot.
"Sa tingin ko gusto niya ang pangalang 'yon, paano mo 'yon naisip?"
"Simple, ang wikang Japanese ang nagbigay sa akin ng inspirasyon at Aoi means blue at dahil ang maliit na batang 'to ay may asul na crescent moon at makinang na asul na mga mata, it makes sense to call him that."
"Magaling na obserbasyon pero, ilayo mo siya sa paningin ni Lola. Alam mo naman kung ano ang mga allergy niya pagdating sa mga alagang hayop."
Tumango ako bilang pagsang-ayon bago bumalik sa itaas kasama si Aoi sa aking mga bisig. Pagkarating ko sa aking silid, nagpalit ako ng aking PJs at nagtalukbong ako sa mga kumot.
"Gabi na Aoi, kita tayo bukas ng umaga."
Pinatay ko ang lampara sa bedside table at nakatulog ako kasama si Aoi na nakatago sa tabi ko.