Kabanata-6: Mga Mamamatay-Tao!
POV ni Sya:
Parang bilib na bilib si Hanna do'n sa lalaking nagngangalang Braison. Kasama namin siya sa lunch kanina tapos dala-dala pa niya 'yung lalaking ayoko talagang makita that time.
Hoy! Pero bakit sisisihin mo 'yung iba eh ikaw 'yung may malas na tadhana! Hindi ko maintindihan kung ano'ng problema niya? Parang gustong-gusto niyang hindi ako pansinin pero hindi niya mapigilang ma-attract sa hindi patas niyang mga mata.
Pagkatapos ng klase tinawagan si Hanna ng tatay niya at sinabi na pupunta raw ito para bisitahin siya. Miss na miss na ng babae ang tatay niya kaya umalis na siya nang maaga. Paulit-ulit niyang sinasabi kung gaano siya nadismaya na hindi niya ako nakasama pero sabi ko go lang siya. Hindi ko siya mapipigilan sa tatay niya. Hindi lalo na't minsan naiinggit ako sa biyaya niya. Siguro kasi miss ko rin 'yung nanay at tatay ko.
Anyways, eto ako, mag-isa, ulit. Naglakad ako papunta sa cafe na malapit sa college namin para tingnan kung pwede mag-part-time. Alam mo naman, sobrang mahal mag-aral sa kolehiyo tapos kung 'yung mga walang kwentang tagapagbantay mo hindi ka man lang bigyan ng sapat na pera para sa mga basic needs mo, aba kailangan mo talaga magtrabaho.
Puno ng customers 'yung cafe na nagpa-spark ng bagong pag-asa sa loob ko. May sign na 'Help Wanted' na nakasilip sa akin mula sa sulok ng malaking bintana. Parang tinatawag ako. Pinapakiusapan ako na pumasok at tulungan na matanggal sa bintana.
Sikat ata 'tong lugar na 'to. Lahat ng estudyante pumupunta rito pagkatapos ng klase! Kung magkakatrabaho ako rito, pwede akong kumita ng pera para makaalis sa bwisit kong tiyahin at sa gago niyang anak.
Huminga ako nang malalim para pakalmahin 'yung kaba ko at naglakas-loob na kausapin 'yung manager. Naglakad ako papunta sa counter na may isang lalaking naka-suit na nakikipag-usap sa mga customer. Mukhang disente 'yung manager, may magandang katawan at nasa early forties na siguro siya. Nang mapansin niya 'yung presensya ko, nginitian niya ako na nakapagpakalma lalo sa kaba ko.
"Ano'ng maitutulong ko, deary?" Magalang niyang tanong, kumukunot 'yung mga mata niya sa gilid tuwing ngumingiti siya.
Okay, Sya! Huminga nang malalim at maging confident. Mukhang mabait naman siya.
"Uh, magandang araw po, sir. Nakita ko po 'yung help wanted sign sa labas, nagtatanong po sana ako kung pwede po ba ako mag-apply? Magtatrabaho po ako nang mabuti, promise! Marunong po ako magluto, maglinis, kahit ano pa po!" Sabi ko, nagniningning 'yung pag-asa sa mga mata ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko pero maayos pa rin lumabas 'yung boses ko. Ngumiti sa akin 'yung manager at lalo pang nag-alab 'yung apoy ng pag-asa.
Sana oo, sana oo.
"Marami akong natanggap na offer simula nang ilagay ko 'yung 'help wanted' sign," kumindat siya. Tingin ko bumagsak 'yung mukha ko kasi agad siyang nagdagdag, "Pero dahil mukhang mas may experience ka bilang isang trabahador, bibigyan kita ng chance. Magkita tayo bukas, pagkatapos ng klase, deary," sabi niya, kumikinang 'yung mga mata niya sa pagmamahal. May kirot na naramdaman sa puso ko. Matagal nang walang tumingin sa akin nang gan'on. Pero binale-wala ko 'yon para mag-focus at nakaramdam ako ng ginhawa nang ilabas ko 'yung hininga na hindi ko namalayang pinipigilan ko. Tumingin ako sa kanya nang nagniningning 'yung mga mata at binigyan ko siya ng ngiting nagpapasalamat.
"Salamat po, sir! Hindi niyo po alam kung gaano ako kasaya. Hindi ko po kayo bibiguin, promise. Salamat ulit!" Magalang kong sabi at tumalikod para lumabas ng cafe. Sobrang saya ko that time. Matagal na rin nang may magandang nangyari. Syempre, maganda 'yung pagpasok sa kolehiyo!
Ngayon, ang kailangan ko na lang gawin ay kumbinsihin si Tiya Helena na payagan akong magtrabaho ro'n. Nagdududa ako na papayag siya, eh. Ayaw niya akong makitang tumatayo sa sarili kong mga paa at gustong-gusto niya akong pababain sa tuwing kaya niya.
Nang makarating ako sa bahay, palubog na 'yung araw. Gumagabi na. Nakaramdam ako ng konting panic. Late na ako tapos kung nasa bahay si Juan, masisiyahan siya sa isang magandang 'sessyon na pagbuhos ng sama ng loob kay Sya', na hindi ko talaga gusto. Napatingin ako sa pasukan ng iskinita na pwede akong makauwi nang mas mabilis kaysa sa oras na gugugulin ko sa kalsada. Kahit na hindi ko pa nagagamit 'yon dati. Kasi natatakot ako lagi. Madilim at tahimik kahit na tanghali. Hindi rin dapat kalimutan, sobrang creepy.
Mabuti kung dadaan ako rito ngayon. Pero madilim do'n! Paano kung may mangyari? Hindi, Sya! Walang mas lalala pa sa galit ni Juan. Kaya, daanan mo na lang 'yung daan na 'to ngayon. Oo, ngayon lang.
Nakipag-debate ako sa sarili ko pero pagkatapos, nagdadalawang-isip na humakbang ako papasok sa madilim na iskinita. Natatakot na ako at nagsisisi na ako na pumasok. Pero ngayon kailangan kong tumupad sa desisyon ko. Dinagdagan ko 'yung lakad ko para makalabas ako nang mas mabilis at sa bawat hakbang, bumibilis din 'yung tibok ng puso ko. Parang may masamang mangyayari.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-alis nang biglang, sa wala, may lalaking lumitaw sa harap ko. Napahinga ako nang malakas at umatras ng ilang hakbang dahil sa gulat. Lumubog na talaga 'yung araw at madilim na talaga ngayon. Nakatayo siya do'n at hinarangan 'yung daan ko, medyo malawak 'yung katawan niya.
Sino siya? At bakit siya papalapit sa akin na may nakakatakot na ngiti?
Gusto kong tumakbo. Sumigaw. Pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Parang na-semento ako sa lupa. Naglakad 'yung lalaki papalapit sa akin na may nakakatakot na ngiti pa rin sa mukha niya at 'yung mga mata niya kakaiba, kumikinang. Sumugod siya sa akin at hinawakan ako sa braso. Sumigaw ako at sinubukang alisin 'yung braso ko sa pagkakahawak niya pero mahigpit 'yung pagkakahawak niya, parang bakal, na nag-uumpisa nang manhid 'yung braso ko.
Ano'ng gagawin niya sa akin? Na-isip ko, at nagmamadaling sinusubukang umalis. Nakita ko 'yung mga mata niya at naramdaman kong nanghihina 'yung panlaban ko. 'Yung mga mata na 'yon 'yung pinaka nakakatakot na nakita ko.
Sobrang lamig. Walang buhay. Patay na.
Biglang, may hangin na dumampi sa akin at pagkatapos, lumipad 'yung lalaki sa ere at tumama sa basurahan, at bumagsak kasama 'yon. May ibang lalaki naman na nakatayo sa harap ko. Saan galing 'yon?
Nakatalikod siya sa akin habang nakatayo at nakatingin do'n sa lalaking katatapos niyang tumbahin. 'Yung lalaki sa lupa ngayon umiiyak at sobrang takot niya. Tumalon siya at tumakbo palabas nang sobrang bilis.
Sobrang bilis ng lahat, hindi ko maintindihan kung ano'ng nangyari. Ang tanging paraan para malaman kong nangyari talaga ay 'yung pagtingin sa basurahan na nakahiga sa lupa. Bago ko nalaman, tumutulo na 'yung luha ko at may hikbi na lumabas sa labi ko. 'Yung lalaki, ang tagapagligtas ko, lumingon at si Kane pala.
'Yung Kane sa school.
'Yung mukha niya napilipit sa pinaka nakakatakot na itsura na pwede mong makita sa kanya. Pero pagkakita niya sa akin, lumambot 'yung mga mata niya at niyakap niya ako. Ang sabihin kong natakot ako ay kulang pa. Sobrang takot ako at umiiyak ngayon nang todo sa dibdib ni Kane Wilson. Nakahawak sa t-shirt niya na para bang nakasalalay do'n 'yung buhay ko.
'Yung init at seguridad na ibinigay ng mga braso ni Kane ay nag-udyok lang sa akin na umiyak nang mas marami at maya-maya lang, umiiyak na ako tungkol sa lahat. Dahil sa pag-iwan sa akin ng mga magulang ko, dahil sa ugali ng tiyahin ko, dahil sa kamalasan ko, dahil sa kalungkutan ko, dahil sa lahat. Parang lahat ng kalungkutan at pighati na nasa loob ko umabot sa limitasyon nito at bigla na lang akong sumabog. Nawalan ako ng kontrol sa mga mata ko.
Pagkatapos ng ilang sandali nang tumigil 'yung pag-iyak ko, na parang isang taon, lumayo sa akin si Kane at tinignan ako. Kitang-kita 'yung pag-aalala sa mukha niya. Kakaiba kasi bago sa akin na makaramdam ng ligtas sa presensya ng isang estranghero.
"Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba niya sa 'yo?" Tanong niya, tumutulo 'yung pag-aalala sa boses niya, na nagiging parang luto 'yung puso ko. Inilibot niya 'yung mga mata niya sa katawan ko para tingnan kung may mga posibleng sugat.
Wala pang nagtanong kung okay ako. Hindi ko mapigilang mag-isip nang gan'on habang pinapanood ko siyang sinusuri 'yung braso ko dahil sa pag-aalala.
Umiling ako at huminga nang malalim, at nanginginig. "Oo! A-ayos lang ako. Uh- salamat." Nauutal ako, nakatingin sa mga paa ko. Gusto ko siyang tanungin kung ano'ng ginagawa niya rito pero agad akong nagdesisyon na huwag na. Kung hindi dahil sa kanya, sino 'yung nakakaalam kung ano'ng nangyari sa akin. Siguro hindi na ako mabubuhay.
Mamatay na sana ako.
"Oh shit!" Bulong ko sa sarili ko, naalala ko na kailangan ko nang umuwi agad o kaya bubugbugin ako ni Juan. Dalawang bugbog sa isang araw para kay Sya. Nice. Tinignan niya ako nang may pag-aalala habang itinaas niya 'yung ulo ko gamit 'yung kamay niya sa pisngi ko. Kinilig 'yung puso ko at nag-umpisa nang may paru-paro sa tiyan ko. Sobrang init ng hawak niya, sobrang nakuryente. Nagpadala 'yon ng mga shockwaves pababa sa mukha ko, hanggang sa mga daliri ng paa ko. Namula 'yung pisngi ko, nagbigay sa kanila ng rosas na kulay pink.
"Okay lang ba lahat?" Tanong niya, nakatingin pa rin sa akin na may gan'ong pag-aalalang hindi ko na kinasanayan. Nanghihina 'yung tuhod ko sa tuwing tinitingnan ko 'yung gwapo niyang mukha.
"O-oo! Gusto ko lang umuwi. Salamat ulit sa araw na 'to." Bulong ko nang buong lakas na kaya ko at pagkatapos, nagsimula na akong maglakad. Pero pagkatapos kong makalabas, nalaman ko na sumusunod siya sa akin. Lumingon ako at tinignan siya nang naguguluhan.
"Ano?" Tanong ko, naguguluhan habang nakatingin sa gwapo niyang mukha, sa perpektong mata niya, sa magaganda niyang labi-
Huwag kang manyak!
"Ihahatid na kita," sabi niya na may pagwawalang bahala, hindi man lang alam kung paano 'yung mga salita niya ay kumiliti lang sa puso ko nang pang-ilan nang pagkakataon ngayong gabi.
Tumango lang ako at naglakad ulit. Naglakad siya sa tabi ko nang tahimik. Nang makita 'yung bahay ng tiyahin, huminto ako at lumingon sa kanya. "Nandito na tayo. Salamat ulit sa araw na 'to," sinabi ko nang tapat, nagpapasalamat sa kanya.
"Walang problema. Kahit kailan," sabi niya na nakapagkibit-balikat.
At pagkatapos ngumiti siya. Parang totoong ngiti. 'Yung ngiti niya nagpa-standout 'yung mga katangian niya! At mas maganda 'yon kumpara sa malungkot na Kane na nakita ng lahat sa school kaninang umaga.
'Yung ngiting 'yon ay milyong dolyar na ngiti.
Nahihiya na naman ako pero hindi ko mapigilan 'yung sarili ko na masuklian siya ng ngiti na 'yon at nag-wave ako sa kanya paalam bago naglakad papunta sa pinto. Nang buksan ko 'yon, lumingon ako para tingnan kung umalis na siya. Pero nand'on pa rin siya, pinapanood akong pumasok muna. Napakakonsiderasyon niya!
Nang isinara ko 'yung pinto sa likod ko, huminga ako nang malalim habang namumula pa rin 'yung pisngi ko nang matingkad na kulay pink. Naglakad ako nang dahan-dahan sa sala, para makapasok ako nang diretso sa kwarto ko, hindi napapansin. Nang hindi ko narinig si Tiya Helena o si Juan na pumasok na sumisigaw, naisip ko na wala sila sa bahay o hindi nila ako narinig na pumasok.
'Yon 'yung akala ko pero habang paakyat na ako sa hagdan, narinig ko 'yung mahinang boses na nagmumula sa sala. Hindi normal sa kanila na mag-usap nang gan'ong kahina. Kadalasan, sobrang lakas nila mag-usap kahit 'yung mga kapitbahay naririnig sila. Tinawag pa nga nila 'yung pulis minsan dahil sa akala nilang nagpapatayan sila pero si Juan lang sumisigaw sa Tiya dahil sa pagkain.
Naging mausisa ako at tahimik akong gumapang papunta sa pinto ng sala kung saan nagbubulungan silang dalawa na parang daga. Nang malapit na ako, narinig ko 'yung Tiya Helena at Juan na nag-uusap.
"Nakakabwisit na talaga siya!" Singhal ni Juan na nakangisi ang ngipin. Galit na galit 'yung boses niya, tulad ng dati. Kami kaya 'yung pinag-uusapan nila?
"Hindi ko na siya kayang tiisin. Sa tuwing tinitingnan ko siya, parang nang-iinis siya sa atin na hindi natin makuha 'yung sa kanya," sigaw ulit ni Juan, mas galit pa 'yung tono niya ngayon.
Ano'ng ibig niyang sabihin? Ano'ng meron ako?
"Relax ka lang, anak. Hindi naman sa hindi natin magagawa 'yung kahit ano tungkol sa hayop na 'yon. Gosh, kahit 'yung pangalan niya nakakainis. Sya," naging mapanghamak 'yung tono niya.
So ako 'yung pinag-uusapan nila.
Halos napairap na ako. Hindi naman ako kapaki-pakinabang sa kanila. Tapos bakit 'yung pagdurugo ng galit ngayon?
'Pero 'wag kang mag-alala," patuloy niya. "Hindi mo na siya kailangang makita pang naglalakad nang matagal. Ipadadala na lang natin siya kung saan natin ipinadala 'yung mga magulang niya," 'yung mga salita niya tumusok sa puso ko. Parang diretso na pumunta do'n, dinurog ito sa mga piraso.
Pumatay sila sa mga magulang ko? Sila-sila 'yung pinatay sila? Tapos akala ko namatay sila dahil sa aksidente! Ibig sabihin ba nito pinakialaman nila 'yung kotse? Sinira nila 'yung preno?
Nag-umpisa nang tumulo 'yung luha ko habang mas lumalalim 'yung mga salita. Sobrang sakit ng puso ko na parang may sumaksak sa akin nang libu-libong beses.
"Paano kung umalis siya? Alam mo na hindi natin siya pwedeng panatilihin dito magpakailanman. Adult na siya ngayon," tanong ni Juan.
Narinig ko 'yung masamang tawa, na halos katulad ng sa isang masamang mangkukulam. Si Helena 'yung tumatawa. Hindi siya karapat-dapat na tawaging tiyahin, 'yung pangit na hayop na 'yon.
"'Wag kang mag-alala mahal. Kahit subukan niyang tumakas, papatayin na lang natin siya," sinabi niya na parang wala lang na sirain ang buhay ng isang tao, pinapatay 'yung mga magulang nila para sa property o kaya patayin sila. Nag-ipon 'yung puso ko sa pagiging brutal niya. Hindi ako makapaniwala na bababa siya nang gan'on! Akala ko lang masama at malupit 'yung mga taong 'to pero mga mamamatay tao rin pala!
Tahimik akong naglakad papunta sa kwarto ko na hindi ko ginustong ipaalam na dumating ako at narinig ko 'yung kanilang masamang pagpaplano. Totoo lang, natakot ako sa gagawin nila sa akin kung malalaman nilang narinig ko 'yung lahat.
Alam ko, medyo duwag ako. Pero wala akong ideya kung ano o paano gagawin 'yon. Wala akong kahit anong ebidensya maliban sa narinig ko at alam ko kung may konting ideya lang sila, pipipiin na nila ako agad.
Hindi ko man lang masabi kay Hanna ang tungkol dito. Sobrang dali sa kanila na patayin 'yung mga magulang ko, 'yung sarili nilang dugo, isipin mo na lang kung ano'ng gagawin nila sa isang hindi nila kamag-anak! Mas masahol pa, 'yung taong 'yon ay 'yung taong mahal at pinapahalagahan ko nang sobra. Kilala ko si Hanna. Susubukan niyang gumawa ng kahit ano agad at kung may nakita si Juan, hihilingin niya sa mga kaibigan niyang pulis na itapon siya agad. Alam ko na may koneksyon siya sa mga pulis dahil nakita ko 'yung mga kaibigan niya na ilegal na tumutulong sa kanya sa negosyo.
Kinaumagahan umiyak ako hanggang sa makatulog. Lahat ng pag-asa na makaalis sa kanila ay nawala nang parang usok. 'Yung mga imahinasyon kong palasyo ay bumagsak sa lupa at nawala nang sobrang sakit. Mas gusto ko pang patayin na lang nila ako. Kasi kung mananatili akong buhay, magpapahirap ako at kung susubukan kong tumakas, diretso akong mamamatay. Wala akong magawa, hindi ko man lang mapatunayan na pinatay 'yung nanay at tatay ko. Kahit alin, kamatayan lang 'yung pagtakas.
Ngayon wala na akong pag-asa sa hinaharap. Dahil alam ko sa huli, papatayin nila ako.
At walang magliligtas sa akin.
*~*~*~*~*~*~*