Pito
KAT
Alam kong nakita niya 'yon, 'yung mga marka na nagawa ng daliri ko sa kumot bago ko 'yon itinapon. Ako mismo, hindi ko ma-gets kung ano nangyari.
"Kat," halatang nag-aalala si Leib sa boses niya. "Anong panaginip 'yung sinasabi mo?"
Busy ako sa pag-iisip kung paano ko nasunog 'yung kumot kaya hindi ako nakasagot sa tanong ni Leib. Nakatingin lang ako sa mga palad ko, tinatanong sila kung anong nangyayari. 'Yung sunod-sunod na ideya sa utak ko, pakiramdam ko nasa ibang lugar ako—walang laman—at wala nang sense lahat.
"Para kang gustong tumakas," nawala 'yung pag-aalala sa boses niya at napalitan ng galit. "Anong nakita mo sa kusina? Sabihin mo sa'kin kung anong nangyari talaga, Kat." Naging seryoso 'yung mukha niya. "Hindi pa tumitigil sa pag-iyak si Mama simula nung dinala ka namin dito."
Naiisip ko 'yung luha ni Mama at nasasaktan ako na ako 'yung dahilan kung bakit siya nagkakaganun.
Pinunasan ko 'yung luha ko gamit 'yung likod ng kamay ko, natatakot na baka masunog ako kung gagamitin ko 'yung palad ko. "Tinuturukan niya ako ng kung ano, sabi niya masakit daw."
"Sino siya?" Kinuha ni Leib 'yung kamay ko.
Agad ko 'yung binawi at itinabi sa may binti ko. Baka mapahamak ko siya.
"Hindi ko alam. Iba-iba 'yung lumalabas pero lahat sila may lab coat at mask."'Yung mga puti, nag-uumpisa na naman magpakita. Sinubukan kong mag-focus sa sinasabi ni Leib pero parang nagmo-mouth lang siya. Hindi ako makarinig ng kahit anong tunog galing sa kanya dahil sa mga bulong na lumulunod sa lahat.
"Kat," boses niya. Parang ang layo.
"Please, tuloy mo lang ang pag-uusap." Kumapit ako sa boses ni Leib.
Kahit 'yung nakasimangot niyang mukha, nag-uumpisa nang lumabo. "Sige." Huminto siya. O 'di kaya 'yung pagiging lutang ko ang nakakuha na sa realidad?
Tuloy mo lang ang pag-uusap, Leib. Please.
Lumalakas na 'yung mga hindi maintindihang bulong.
"'Yung panaginip, ano 'yung gusto mong sabihin tungkol do'n?"
Oo, 'yung panaginip.
"Nananaginip ako do'n ng maraming beses—sobra pa sa naaalala ko. Laging nag-uumpisa sa ako na parang nando'n ako, pero hindi—parang multo, siguro." Lumilinaw na 'yung kwarto. Naglalaho 'yung mga puting kidlat. "Hindi ko alam kung sino ako o ano ako, pero alam ko 'yung lahat ng iba.
"Nasa isang lugar ako na maliwanag at malinis, sobrang linis. May mga scientist na may ginagawa sa isang bacteria. Tapos may bata—isang baby—nasa tanke siya na puno ng tubig."
Huminga ako ng malalim habang naalala 'yung matatalim niyang mga mata. "Lumapit ako sa kanya, nagtataka ako kung paano siya nando'n. 'Yung sumunod, nagmulat siya ng mata at nalalaglag ako.
"Sabi niya ako siya at iisa lang kami–"
Huminto ako sa pagsasalita nung nakita ko 'yung isang lalaki na may puting coat at surgical mask na pumasok, at tumayo 'yung balahibo ko sa batok.
Doktor lang siya, kumalma ka.
Lumapit siya at binati si Leib ng tango, akala ko sasabog 'yung puso ko nung tumigil siya sa tabi ng kama ko. Tinitigan niya ako ng masama at nagsulat sa folder na hawak niya.
"Maayos ka na, Binibining Swenson," napangiwi ako sa boses niya na parang sa ilong galing. "Papatingnan kita ulit sa isang nurse mamaya." Sinara niya 'yung folder niya at lumabas ng kwarto na walang sinabi.
Pamilyar. 'Yung boses na 'yon.
"Little, T."
Nag-iba 'yung pakiramdam ko at para akong nalalaglag, umiikot papunta sa limot.
Sunod-sunod 'yung paghinga ko habang nag-realize ako kasabay ng pag-click ng bagong sarang pinto.
"Siya," huminga ako ng mahina at nagsimulang mag-panic. "Siya," Tapusin mo 'yung sasabihin mo!
"Kat, anong problema?" Hinawakan ako ni Leib sa balikat, niyugyog niya ako at sigurado akong malapit na akong mawalan ng malay.
Umiyak ako habang pinilit kong magsalita. 'Yung paghinga ko ay hindi mapakali at lalo lang lumala, niyakap ako ng mahigpit ng kapatid ko, bumubulong ng 'ayos lang, kumalma ka, nandito ako' paulit-ulit.
Umiyak ako. Umiyak ako at gusto kong sampalin 'yung sarili ko dahil hindi ako makapagsalita ng maayos.
"Isa siya sa kanila." Nasabi ko ng walang hininga.
Nanigas si Leib at agad akong pinalaya mula sa yakap niya. Hindi na lumingon, binuksan niya 'yung pinto at tumakbo palabas ng kwarto.
Niyakap ko 'yung tuhod ko. Paano kung bumalik sila at mag-isa ako? Wala akong mapag-tatanungan ng tulong.
'Yung panic naging paranoia. Sinubukan kong mag-isip ng ibang bagay para kumalma pero lagi akong nag-e-end up sa pag-iisip ng tunog ng mga bubble na pumutok at mga hindi maintindihang bulong.
Parang ilang oras na 'yung lumipas at hindi pa bumabalik 'yung kapatid ko at mga magulang ko. Baka may masamang nangyari sa kanila?
Nagulat ako nung pumasok si Leib.
Hingal na hingal siya, pawis na pawis 'yung noo niya at nanginginig 'yung kamay niya nung hinimas niya 'yon sa mukha niya.
"Nawala ko siya." Sabi niya sa'kin, "Putangina, malapit na ako!" Naramdaman ko 'yung frustration niya habang naglalakad siya pabalik-balik sa kwarto ng ospital. "Paano mo nalaman kung sino siya? Naaalala mo lahat?"
Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya, tumatakbo pa rin 'yung paranoia sa mga ugat ko. "Nakita mo ba sila Mama at Papa?" Tanong ko na nanginginig.
"Hindi, nakatutok ako sa paghuli do'n sa lalaki." Umupo si Leib ng matigas sa upuan sa tabi ng kama ko. 'Yung mata niyang berde, tumitig sa'kin ng malalim na parang nakikita niya 'yung kaluluwa ko. "Sabihin mo sa'kin."
Dalawang salita. Dalawang salita lang pero pakiramdam ko kailangan kong magdala ng mas mabigat na bagay na hindi ko alam kung paano sisimulan—kung saan sisimulan.
Inabot ng ilang minuto bago ako nagsalita at naghintay si Leib. "Naaalala ko 'yung oras na kinuha ako, nakita ko sila na may itim na ski mask bago nila tinakpan 'yung mata ko at kinuryente ako. Naaalala ko na nagising ako sa isang kwarto, sobrang liwanag at hindi ako makagalaw o makapagsalita pero nakakita ako ng mga tao, gumagalaw lalaki sila o nakatingin sa'kin."
Umiwas ako sa tingin ng kapatid ko, "Hindi ko alam kung nakahiga ako o nakatayo. Wala akong naramdaman, parang nando'n ako pero sa parehong oras ay hindi. Laging nakakarinig ako ng mga bubble na pumutok, parang may kumukulo, pero hindi ko ma-relate sa kahit anong fragment na naaalala ko." Hinanap ko sa isip ko 'yung kahit ano pa pero ang nakuha ko lang ay pagtunog sa tenga at sakit ng ulo pero pakiramdam ko may iba pa na kaya kong maalala, humihinto lang ako dahil pinipigilan ako ng utak ko.
Bakit? Hindi ko ba kaya kung maaalala ko sila? Mababaliw ba ako? Hindi ko na ba titingnan ang mga bagay sa parehong paraan kapag alam ko na?
Katahimikan ulit ang bumalot sa amin.
"'Yung lalaki, paano mo nalaman na isa siya sa kanila?" Lumipat 'yung mata ko kay Leib.
"Narinig ko 'yung boses niya dati, sa kusina, nando'n siya." Sobrang layo ng boses ko.
"Sinuri ko, Kat, walang tao bukod kay Mama at ikaw sa kusina."
Hinawakan ko 'yung ulo ko, kung kaya ko lang sana 'yung pisilin na parang espongha at lahat ng nawawalang piraso ng mga alaala ko ay lalabas, mas maganda sana. Mas maganda pa kaysa laruin 'yung tangang laro na 'hanapin ang nawawalang piraso' kasama ang kapatid ko.
"Minsan hindi ko alam kung ano ang totoo at hindi na, isang sandali ay nakikipag-usap ako at sa susunod ay nawawala ako ng ilang oras." Tumulo 'yung luha at barado ulit 'yung ilong ko. "Siguro," utal ko. "Siguro hindi naman talaga ako kinidnap—siguro may problema lang ako sa pag-iisip at gawa-gawa ko lang 'tong mga 'to—sa tingin ko nababaliw na ako kung hindi pa." Nanlaki 'yung mata ko at tumulo 'yung luha.
Inabot ng kapatid ko at pinunasan 'yung maalat na likido sa mukha ko. "Pwede ring valid na paliwanag 'yon," Sumimangot ako at siya pa may lakas ng loob na ngumiti. "Pero maipapaliwanag ba niyan kung paano mo nasunog 'yung kumot?"
"Hindi."
"Maipapaliwanag ba niyan kung paano mo nahawakan 'yung mainit na kaldero nang hindi nasusunog?" Nagawa ko 'yon?
"Hindi."
"Kailangan may ibang dahilan. At may ginawa 'yung mga taong 'yon." Sa'yo, tinapos ko 'yung pangungusap niya.