Kabanata 11
Hindi mo man lang naramdaman, pero puso mo, dama lahat.
----------------------------------------------------------
Katotohanan: Hinalikan ako ng gwapong lalaki.
Kuryosong katotohanan: Hindi ko man lang siya kilala.
Kakaibang katotohanan: Nagustuhan ko.
Nung naglapat yung labi niya sa labi ko, parang nakalimutan ko lahat. Ang lambot ng labi niya at may kakaibang kiliti na dumaloy mula doon papunta sa talampakan ko.
Dahan-dahan, kinagat niya yung ibabang labi ko kaya parang nagwala yung tiyan ko.
Oh my god, anong gagawin ko? Hinihalikan niya ako at hindi ko man lang siya kilala. Ito yung una kong halik at nag-eenjoy ako? Ano bang problema sa akin?
Itulak mo na siya. Kaya mo ba?
Oo, kailangan ko siyang itulak, ito lang ang pwede kong gawin. Ginawa kong itulak siya yung mga kamay ko pero ayaw gumalaw. Napunta yung mga kamay ko sa leeg niya at yung nangyari pagkatapos, hindi ka maniniwala kasi ako rin, hindi rin makapaniwala.
Hinalikan ko siya pabalik!
Oo. Hinalikan ko siya pabalik.
Nakakahiya. Bakit? Kasi hindi ko man lang siya kilala tapos hinalikan ko siya pabalik.
Parehas kaming abala sa paghahalikan nang may umubo at tinapik yung balikat ng lalaking hinalikan ko, kahit na siya yung unang humalik sa akin.
Nagpaalam siya at nakipag-usap sa taong umistorbo sa amin.
Inantay ko siyang bumalik sa akin. Nakikita ko sila mula rito kung saan sila nag-uusap pero inantay ko siyang lumapit.
Aalis ka na ba?
Aalis na ba ako? Sa tingin ko kailangan ko siyang puntahan bago ko pa siya hindi makilala sa dami ng tao kasi katulad ko, nakamaskara rin siya—katulad ng lahat. Gusto kong hubarin niya yung maskara niya. Para makita ko siya.
Nakikipaglaban sa sarili ko, pumunta ako sa direksyon nila pero nag-uusap sila?
Sining ng palitan ng salita.
Alam ko na yun, maraming salamat sa boses ko sa loob-loob ko sa pagliliwanag sa akin.
Ok, seryosong pag-uusap sila. Anong gagawin ko? Makikinig ba ako sa usapan nila o babalik na lang ako?
Lito na talaga ako ngayon kasi labag sa etiketa na makinig sa usapan ng ibang tao, bumuntong-hininga ako habang iniisip ko sa sarili ko.
Oh, pakialam ko sa mga etiketa. Makinig ka na lang minsan, pwede?
Oo. Iisipin ko na lang sila mamaya. Pumunta ako sa haligi na pinakamalapit sa kanila nang hindi gumagawa ng ingay at nagtago sa gilid nito.
"Nandito na sila." Sabi nung umistorbo sa amin.
"Bakit?" Tanong niya ng galit habang sinusuntok yung dingding.
At sabihin ko sa'yo, nagulat ako sa isang magandang sandali dahil sa takot.
"Hindi ko alam." Bulong nung lalaki.
"Tara na nga." Nagsimula siyang maglakad sa kabilang direksyon.
"Kole, ok ka lang ba?"
Teka! Ano? Narinig ko ba ng tama o isip-isip ko lang?
"Kole, teka, susunod ako sa'yo." At parehas silang nawala sa dami ng tao.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Oo.
Narinig ko ng tama.
Sigurado.
Paano naman mangyayaring si Kole yung kasayaw ko at higit sa lahat, yung humalik sa akin.
yung first kiss ko sa kanya? Bakit? Diyos ko, bakit?
Bakit mo ginagawa ito sa akin, higit sa lahat, bakit kay Kole nangyari? Bakit niya ako hinalikan? At hindi lang basta hinalikan, pinagustuhan niya pa at kahit paano, napahawak ako sa kanya.
Isa pa bang kalokohan ni Kole ito? Papatayin ko siya pero naisip ko baka hindi niya man lang alam dahil sa maskara niyang yun.
Pero bakit niya sinabi na nakita niya ako sa panaginip niya?
Oh, paano ka maniniwala doon? Baka paraan niya lang yun ng pagla-flirt.
Oo. Siguro! Pero hindi ako pwedeng tumayo lang dito na parang walang nangyari. Kailangan kong mapag-isa para mag-isip, para pakalmahin ang sarili ko kung hindi, hindi ko alam kung anong mangyayari. Hindi ako nagtitiwala sa sarili ko, may problema ako sa galit. Kaya, kailangan kong mapag-isa sandali. Bumuntong-hininga ako at nagpunta sa banyo. Ito lang yung lugar sa tingin ko sa ngayon. Pagdating ko doon, naglaan ako ng oras para isipin kung anong nangyari sa huling ilang oras. Wala akong ideya kung bakit nangyayari lahat ng ito. Nagkataon lang ba o sinasadya?
Pagkatapos kong maglaan ng oras sa banyo. Nagdesisyon ako na kailangan kong lumabas doon sa pinakamabilis na paraan na kaya ko.
Nagtakda ng determinasyon sa isipan ko, lumabas ako sa banyo at nagsimulang maglakad papuntang pintuan ng labasan nang hindi napapansin ang kahit ano at saka may nakita ako.
Si Kole, humahalik sa ibang babae sa gitna ng dance floor kung saan pinapanood sila ng lahat. Paano niya nagawa yun? Pagkatapos akong halikan, hinalikan niya ang ibang babae. Tumulo ang luha sa mga mata ko at nagsimula akong umiyak. Alam kong parang tanga, kaya ako umiiyak dahil dito! Pakialam ko. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak tungkol dito. Buhay niya yun, pwede siyang humalik kanino man at gawin ang kahit anong gusto niya sa buhay niya.
Hindi ko alam kung bakit at kailan pero parang sasabog ang puso ko.
Anong nangyayari sa akin? Oh my god, hindi ko naisip na may ganito akong nararamdaman ngayon! Bakit ako umiiyak? Bakit ako nagkakaganito na para bang nakipag-break ako? Bakit may nangyayari sa puso ko, bakit hindi ako makahinga, bakit wala akong magawa tungkol dito?
Bakit? Anong problema sa akin? Bakit ako umiiyak dahil sa kanya? Halik lang naman yun, pero bakit?
Kasi may nararamdaman ka para sa kanya at nagseselos ka, ganun lang kasimple.
Seryoso, totoo ba yun? May nararamdaman ako para sa kanya? Tapos, paano kung meron?
Wala siyang interes sa akin alam ko yun at wala rin siyang interes sa babaeng hinalikan niya kanina na nagkataon na ako yun. Oo, kaya niya ginagawa ito. Humahalik siya sa ibang babae nang hindi iniisip na nakatitig ang lahat sa kanila, parang agila na nakatitig sa pagkain nila.
***
Napunta ako sa seksyon kung saan nagseserve ng mga inumin.
"Bigyan mo ako ng totoong inumin." Narinig ko ang boses ko.
Nung natanggap ko na yung inumin, ininom ko lahat ng laman nito.
Ano ang aasahan mong gagawin ko pagkatapos uminom ng totoong inumin na hindi ko man lang alam kung ano yun?
Sasayaw na parang baliw? Kaya ko naman gawin yun kahit hindi umiinom.
Tapos, makikipag-make out sa isang estranghero? Sa tingin ko hindi mangyayari yun sa akin.
At huli pero hindi bababa sa lahat. Magsusuka? Sa gitna ng g*gong gala na ito, hindi ko gagawin yung g*gong bagay na yun, maraming salamat.
Lumipat ako at lumabas ako sa lugar na ito sa pinakamabilis na paraan na kaya ko at nagsimulang umiyak nang umiyak. Oo, parang walang kwenta pero anong magagawa ko? Hindi ko kontrolado yung luha ko.
Nalulungkot ako, sobrang lungkot at nakakainis.
Kinuha ko yung cellphone ko at dinayal yung numero ni Nanay. Sumagot siya sa ikatlong ring.
"Hello, Eymi! Bakit gising ka pa ng ganitong oras?"
"Nay," bulong ko.
"Umiiyak ka ba?" Alalang nagmumula sa boses niya.
"Hindi."
"Kung ganun, bakit ganyan ang tunog mo? At nasa labas ka ba ng bahay?"
"Oo."
"Ano? Lasing ka ba?"
"Oo. Hindi. Hindi ko alam." Bulong ko.
"Eymi Parker, kakausapin kita tungkol dito mamaya. Ngayon sabihin mo sa akin kung saan ka para makapagpadala ako ng taxi sa'yo. Naiintindihan mo?" Pakiusap niya.
"Oo."
Binigay ko sa kanya yung address ko sa inaantok kong boses, ako lang ang nakakaalam kung paano ko nagawang ibigay yun sa kanya nang hindi nawawalan ng malay. Dumating yung taxi wala pang dalawampung minuto. Sumakay ako doon at nakatulog pero may pakiramdam ako na may nakalimutan ako.
Okay lang, iisipin ko na lang yun mamaya, lahat ay malabo na sa akin. Ginising ako ng driver ng taxi sa pamamagitan ng literal na pagsigaw sa aking tainga nang makarating ako sa bahay.
Pagkatapos ng halos dalawampung beses na pagsubok, sa wakas ay nabuksan na yung pinto ng bahay ko.
Bumuntong-hininga ako.
Hindi na ako makalakad pa, buong katawan ko ay hilo, hindi man lang ako makatayo sa sarili ko. Isang bagay yung maganda, nandito na ako sa bahay ko.
Tapos, naglaho lahat
Malabo