Kabanata 47
Huwag mong hayaan na agawin ng kahit sino ang mga pangarap mo sa'yo kasi 'yun lang ang meron ka para matupad.
----------------------------------------------------------------
"Sana lumiwanag ka, mahal kong Eymi. Sana sumikat ka nang todo sa mundong 'to.
Baka wala ako rito para damayan ka sa mga luha mo.
Hawak hawak ka nang mahigpit sa mga braso ko, nakikinig sa tibok ng puso mo habang buhat-buhat kita sa mga braso ko noong mga araw na puno ng pagmamahalan, noong ikaw ang prinsesa ko.
Walang kaide-ideya ka kung gaano ko gustong makita ka. Kung gaano ko gustong tignan ang mga mata mo at makita ang repleksyon ng sarili ko.
Kung gaano ko gustong tawagin kang anak ko; ang aking Eymi. Kung gaano ko gustong makita kang naglalakad sa pasilyo. Pero alam ko hindi ko kaya. Malapit na ang oras ko at may mga bagay na gusto kong gawin para sa'yo pero may sariling plano ang oras. Lumalayo na ito sa mga kamay ko, sa kaluluwa ko.
Eymi, mahal kong anak, gusto kong pakinggan mo ako sa huling pagkakataon.
Ikaw ang pinakamatapang na babae na kilala ko, palagi kang ganyan. Huwag mong hayaan na may sumupil sa'yo.
Ikaw ang panalo para sa akin. Huwag mong hayaan na maimpluwensyahan ng iba ang buhay mo. At pumili ka ng mga taong pagkakatiwalaan mo.
Kasi alam kong may naghihintay sa'yo para tignan ang mga mata mo at paulit-ulit na mainlove sa'yo."
"Ngayon dapat mong maintindihan na palagi ka nang panalo. Ang mga demonyo mo lang sa loob mo ang hindi ka pinaniniwalaan sa sarili mo."
Ano bang pinagsasabi niya? Anong ginagawa ko rito? Walang kwenta ang mundong 'to. Walang kwenta ang kahit ano rito. O baka naman pwede, o kaya naman kailangan kong umakyat sa hagdan papunta sa mga ulap, o kaya naman kailangan kong maniwala sa sarili ko. Pero alam kong nasaktan ko ng sobra si Tatay.
Nag-iisip ako ng mali para sa kanya at nagdurusa siya para sa akin.
"Mali ko 'yun."
Nakikita ko siyang nakatayo roon sa lahat ng paghihirap niya. Naghihintay na buhatin ulit si munting Eymi sa kanyang mga braso. Ang paraan ng kanyang mga asul na mata na katulad ng sa akin, tumutugma sa polo shirt. Alam mo ba? Palaging naging paboritong kulay ng tatay ko at akin din ang asul.
Kakaiba ang kulay na 'yon. Hindi 'yun normal na kulay. Ang masiglang pagkakaiba-iba ng mga kulay ay parang mga kulay ng pag-ibig. At baka kailangan ko lang hanapin ulit 'yon?
"Nanalo ka sa kompetisyon. Ikaw ang nanalo."
Sino ang nagmamalasakit? Tungkol sa kompetisyon? Sino ba ang may pakialam sa kahit ano? May halaga ba 'yun? May halaga ba ang kahit ano ngayon?
Ang tanging naaalala ko ngayon sa sandaling ito ay isang tula ng tatay ko noong sinabi niya ang mga salitang 'yun noong ibinulong niya ang mga masayang salitang 'yun sa aking tainga, na hinahanap ako sa habambuhay sa sining ng tula.
Nakakita ako ng isang babae,
Nagniningning sa gabi,
Kung walang nakakita,
Kung walang kaluluwang bumubulong,
Mga milyun-milyon lamang ang kanyang mga pangarap sa kanyang tumatagos na mga mata.
Nakakita ako ng isang babae,
Namumulaklak sa gabi,
Kung walang matang nanonood,
Kung walang sigaw na maririnig,
Mga libu-libo lamang ang kanyang mga bituin na nagniningning sa gabi.
Umiyak na ang mga luha sa aking mga mata. Ang kanyang pag-ibig ay isang bagay na hindi ko kailanman malilimutan at ang ina na meron ako. Hindi ko siya kailanman mapapatawad.
"Eymi, makinig ka. Si Veronica, nandaya.
Hindi siya nanalo! Alam niya na hindi siya kailanman mananalo kaya nandaya siya. Pinalitan niya ang mga sagutang papel. Ginawa niya ang lahat ng kaya niyang gawin para manalo.
Para makuha ang oportunidad na makapunta sa Howard University."
Nararamdaman ko ang kanyang paghinga na tumatama sa aking kaliwang pisngi. Nararamdaman ko ang kanyang ritmo ng tibok ng puso sa aking mga tainga. Nararamdaman ko na siya ay hyperventilating. Nararamdaman ko ang lahat.
Nararamdaman ko na parang nagliliyab ang kanyang katawan, parang droga na napakalapit sa akin. Nararamdaman ko na may higit pa sa kwentong ito. Na may kailangang pakinggan. Kailangang husgahan. Kailangang pag-isipan.
Pero paano? Paano ako makakapaglabas ng mga salita mula sa aking bibig? Paano ko babaguhin ang lahat sa wala? Paano ko mapipigilan ang sarili ko sa pag-iyak nang paulit-ulit? At higit sa lahat paano ko siya mapagkakatiwalaan?
Paano ko siya muling mapagkakatiwalaan?
Nasa harapan mo na ang lahat, tanungin mo lang siya! Tanungin mo siya nang diretso. Tapos walang pagsisisi, walang cross-questions, walang karunungan, walang pananampalataya, gawin mo lang ang putanginang bagay na ito at tanungin mo siya. Kasi maniwala ka sa akin mahal, 'yun lang ang pwede mong gawin para putulan ng ulo ang sakit na 'to.
Pawis na pawis ako, nanlalambot ang katawan ko. Nilalamig ako at sa malinaw na sandaling ito, lahat ay mukhang kakaiba pero kamangha-mangha rin sa parehong oras. Nandito siya mismo sa harap ng aking mga mata, sinusubukang aliwin ako sa kanyang maprotektahang mga braso. Ginagawa niya ang lahat, ang hiling ng aking tatay na gawin niya para sa akin.
Hinahaplos niya ang buhok ko gamit ang kanyang malambot na mga daliri. Pinupunasan niya ang mga luha ko gamit ang kanyang hinlalaki. Pinagkadikit niya ako sa kanyang dibdib at kanyang mga braso. At alam kong hindi ako makakaalis kahit saan mula rito. At alam kong ito ang pinakaligtas na lugar sa mundong ito.
Pero bakit niya ginawa 'yun? Pero bakit hindi niya sinabi sa kahit sino? Bakit hindi niya sinabi ang tamang bagay sa tamang oras?
"Bakit mo ginawa 'yun?"
Simple lang na tanong na itatanong. Ang mga salita ko ay natigil sa aking lalamunan na parang kulungan ng mga bato pagkatapos noon.
Ngayon, nagbago na ang hangin, nagbago na ang mga bagay-bagay at nagbago na ang mga parameter.
Baka ngayon iniisip niya na hindi ko siya pinagkakatiwalaan. Baka iniisip niya na huhusgahan ko siya. Baka iniisip niya na may nagawa siyang mali.
Kasi gaano ba kalaki ang mali nito? Para makita ang isang taong nagnanakaw ng iyong pagkakakilanlan sa iyong harapan. Siguro iniisip mo kung gaano ako mali? Na iniisip pa rin ang panalo at pagkatalo? Pero hindi ba totoo na sa huli, walang magtatanong? Tanging ang nanalo at natalo ang namumukod-tangi sa karamihan.
Maniniwala ka sa akin. Wala akong pakialam sa kahit ano. Wala man lang akong pakialam sa karunungan ng mga bituin sa oras na ito. Kaya, narinig mo ako, wala akong pakialam sa kahit na ano sa sandaling ito. Wala akong pakialam sa panalo at talo sa sandaling ito.
Kasi alam ko. Ako na palaging nanalo sa mga mata ng aking ama. At 'yun lang ang pinakamahalaga sa akin.
"Ako..." Nagsimulang lumabas ang mga salita sa kanyang bibig na parang ang huling dahon o taglagas ay nahati lang mula sa kanyang puno.
"Shhhhh."
Pinatahimik ko siya. Inilagay ko ang aking daliri sa kanyang malambot na mga labi. Nanginginig ang mga labi na 'yon sa kulog. Ang mga labi na 'yon ang nagpabaliw sa akin. Ang mga labi na 'yon ay mukhang masining sa gabi at nag-iisa sa liwanag.
"Wala akong pakialam sa kahit ano. Kasi kahit paano, alam ko na kahit anong ginawa mo. Ginawa mo 'yun sa isang dahilan. At sa unang pagkakataon, gusto kitang lubos na pagkatiwalaan sa bagay na 'yun."
Natigil ang hangin sa pagitan namin. Ang kanyang paghinga ay naging galit na parang akin, napakalapit namin pero napakalayo. Pasulong at paatras ang dibdib namin mula sa apoy sa loob namin o baka isa lang itong bagay ng pagkabalisa? Siguro mahirap talagang sabihin kung ano ang tumatakbo sa aming isipan. Siguro mahirap na magkaroon ng intelektwal na pag-uusap sa isa't isa. Kasi 'yun ang tendensiya ng tao, hindi ba? Huwag kailanman sabihin kung ano ang nararamdaman mo sa unang lugar.
Hinawakan niya nang malumanay ang aking baba nang sinusubukan kong iwasan ang pagtitig sa kanya. Hindi ko alam kung bakit? Pero hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya ngayon! Parang kung titingnan ko sila, mawawala ako at pagkatapos ay mahuhulog ako nang husto sa kanya sa kabila ng pagtanggi ko, tatanggapin ko ito sa harap niya.
Gayunpaman, determinado siyang gawin 'yun. Pinatingin niya ako sa kanyang mga mata. Pinawala niya ako sa kanya. Pinaniwala niya talaga ako sa kanya sa pamamagitan ng mga emosyon ng kanyang mga mata na hindi masabi sa mga salita. At minsan, mas mahusay magsalita ang katahimikan kaysa sa mga boses.
At sa isang iglap, nasa pagitan ako ng dingding at niya. Walang espasyo na natitira sa pagitan namin. Hindi man lang makakapasok ang isang langaw para makagambala sa amin sa sandaling ito. Pareho kaming hirap huminga. Ang kanyang minty breath ay humahalo sa aking tuyo. Parang naging iisang kaluluwa kami sa parehong katawan.
"Ikaw ang pinakamagandang babae sa buhay ko." Bulong niya ng mahinay sa aking tainga habang itinutupi niya ang isang buhok sa likod ng aking tainga.
Mahihimatay ako!
Sabihin mo ang isang katangahang bagay!
"Ako... Ako..." Inilagay niya ang kanyang mga daliri sa aking mga labi at pinatahimik niya ako.
"Ikaw ang pinakamatalinong babae sa buhay ko. Ang isa na nanalo. At alam kong ikaw ang nanalo pero hindi mo pa rin nakuha ang titulo, pero naniniwala ako sa'yo, Eymi, na makakakuha ka ng lugar sa Howard university kung gusto mo. Hindi mo kailangang manalo ng kompetisyon para patunayan sa iyong sarili at sa ibang tao na kaya mong gawin 'yun. May ambisyon ka. Nakita ko ang mga pangarap sa iyong mga mata. At diyos ko ang mga mata mo! Ang mga putanginang mata na 'to ang gustong halikan kita tuwing nakikita kita. Alam mo hindi mo kailangang magsalita sa akin dahil mas marami pang sinasabi ang iyong mga mata kaysa sa'yo. Sila ang iyong kaluluwa, ang iyong talaarawan, at ako ang iyong mambabasa. Gusto kong maging iyong mambabasa."
At doon, sinakop niya ako sa isang labanan ng pag-iibigan. Kung saan naghahalikan kami. Nilamon niya ang aking mga labi habang sinisiyasat ang aking bibig. Nasa labanan ang aming mga dila sa isa't isa. Walang gustong matalo sa labanang ito.
At pagkatapos nang sinipsip niya ang aking ibabang labi na nagpapahina sa aking mga binti, nang mapagtanto ko na hindi ako mananalo sa kanya.
Noong naging napakahirap para sa amin na huminga. Napagtanto namin na ito ang perpektong oras para maghiwalay sa isa't isa kung hindi ay mamamatay kami dahil sa kakulangan ng hangin na hindi nakarating sa aming mga baga.
Nagtama ang kanyang noo sa akin. Parang ako lang ang nag-iisang mahahalagang bagay na meron siya sa kanyang buhay.
Natutunaw ang puso namin,
Nagkandahawak ang paghinga namin,
Nagniningning ang aming mga mata,
Nagkakakabit ang aming mga daliri,
At walang sinuman sa pagitan namin.
Perpekto lang! Kahit na, hindi ako fan ng pagiging perpekto. Pero dito sa sandaling ito, ang lahat ay pakiramdam na kumpleto, perpekto.
"Ang dahilan kung bakit hindi ko sinabi sa lahat ang tungkol sa panloloko ni Veronica ay alam ko na kung gagawin ko 'yun magpapakamatay siya kahit paano o baka agawin ng kanyang mga magulang ang kanyang mga pangarap mula sa kanya. Palagi siyang kinakabahan noong nalaman niya na ikaw ang kanyang karibal sa laro. Alam na alam niya na hindi siya makakalaban sa'yo. Pero nagpepeke siya ng lahat ng iba pa katulad ng palagi niyang ginagawa.
Alalahanin mo ang ikalawang round na kung saan kailangan naming ipakita ang aming talento? Pinili niya ang pagsasayaw doon. At sa tingin ko palagi niyang gustong gawin 'yun. Palagi niyang gustong maging isang mananayaw. Pero hindi gusto ng kanyang mga magulang 'yun. Kinamumuhian nila 'yun. Gusto nilang mag-aral siya sa Howard University sa pamamagitan ng pagwawagi sa pinakakilalang kompetisyon ng Cross River High School. At binabalaan siya ng kanyang mga magulang na kung hindi siya mananalo ay ipadadala siya sa pinakamalayong sulok ng mundo kung saan hindi niya kailanman magagawa ang hinahangad ng kanyang puso.
At alam ko na mali ang ginawa ko sa'yo sa hindi pagpapaalam sa'yo na nang napagtanto ko na ang panloloko niya noong inihayag ang mga resulta. Pero alam kong may pananampalataya ako sa'yo at hindi mo kailangan ng pagiging perpekto ng kompetisyon para makuha ang lugar sa Howard University. Sobrang talento mo kaya alam kong makukuha mo ang iyong liham kung gusto mong mag-apply sa unibersidad pero hindi siya. At madudurog siya ng bagay na 'yun."
'Yun ang dahilan kung bakit hindi siya nakipagtitigan sa akin tuwing nakikita ko siya. Kaya nang idineklara ang mga resulta, nagulat si Kole at nawala si Veronica. Pero hindi ko naintindihan ang isang bagay. Kailan nalaman ni Kole ang katotohanan tungkol sa kanyang panloloko?
"Kailan at paano mo nalaman na nandaya siya?"
Lumabas ang tanong na ito sa aking bibig bago pa man ako makapag-isip ng kahit ano.
"Nang nakita ko ang kanyang mukha nang tinawag siya ni G. Bennett sa entablado. Nakita ko ang kanyang kahihiyan sa kanyang mga mata. At doon ko napagtanto na may mali sa buong kwento. Sinundan ko siya pagkatapos niyang matanggap ang titulo at pinakumpisal ko sa lahat sa pagsasabi na alam ko kung ano ang ginawa niya at na kung hindi niya sasabihin sa akin ang lahat, kung bakit niya ginawa ang ginawa niya. pagkatapos ay ididial ko ang 911. Medyo tanga ako alam ko, pero gumana sa kanya ang bagay na 'yun at boom nalaman ko ang buong kwento."
At patuloy siyang nagrereklamo at nagrereklamo. Pero ayaw ko nang makinig ngayon, nakapagpasya na ako.
Siguro tayong lahat ay nawasak sa kahit paanong paraan ng mga pangarap ng ating mga magulang. At alam mo kung ano? Wala akong pakialam sa kahit ano ngayon. Mataas na ang oras para tuwirin ang lahat sa aking isipan.
"Shhhhhhh..." Pinatahimik ko siya sa pamamagitan ng paglalagay ng aking daliri sa kanyang malumanay na mga labi.
"G. Kole Maxwell. Alam mo kung ano? Wala akong pakialam sa kahit ano. Wala akong pakialam sa kompetisyon! Wala akong pakialam sa drama! Wala akong pakialam sa aking ina. Wala akong pakialam sa kahit ano dahil alam kong mapagkakatiwalaan kita sa lahat."
At sa ganap na pagtatapat ng puso ko, muli kaming naligaw sa yakap ng isa't isa.
--------------
Kasi sa tingin ko 'yun ang nararapat na gawin. Kaya ano sa tingin mo?