Kabanata 7
Lahat ng kalokohan, nag-aabang sa'yo kahit saan.
-----------------------------------------------------------
Hinintay ko 'yung sagot niya pero biglang nagkagulo. Bumukas 'yung pinto at agad-agad, 'yung mga babae, nakatingin sa'kin na parang nandidiri. Well, hindi ko naman ma-de-deny na mukha akong clown na may pintura sa mukha pero 'yung hindi ko maintindihan, nakatingin sila kay Kole na nakabuka 'yung bibig. Parang tinitignan nila siya ng may pagnanasa! Eww! Nakakadiri.
Pa'no mo masasabing nakakadiri na tumingin ka lang sa kanya kahit minsan?
'Yung bobo kong inner voice, hindi mapigilan sarili niya. Well, hindi naman masama na tumingin sa kanya. Kaya, inilipat ko 'yung ulo ko papunta sa direksyon ni playjerk at naka-hubad siya pero kung pa'no at kailan niya tinanggal 'yung damit niya, hindi ko alam. 'Yung perpektong katawan niya, nagbigay-luwalhati sa kanya at 'yung mga kulay ng pintura, kumalat sa buong katawan niya na mas lalo siyang pinaganda. Oo, sexy siya pero isa rin siyang jerk.
Nagmadali 'yung lahat ng babae papunta kay Kole at nag-umpisa silang maglandi sa kanya. Mukhang na-stuck siya sa kanila. 'Yung mukha niyang gago, nagkaroon ng malaking ngiti at nakatingin siya sa direksyon ko pero para saan?
Baka gusto niyang sabihin na mahal siya ng lahat ng babae.
HA HA!! Pero hindi ako, sinigurado ko sa sarili ko.
Isa kang tanga! tanungin mo na lang siya kung anong nangyari kahapon!
Pero busy siya at 'yung tinatawag niyang mga tagahanga. Sa tingin ko, kailangan ko nang kalimutan 'yun kundi pagtatawanan niya lang ako. Ughhh bakit ba ang komplikado ng lahat ng bagay para sa'kin? Dapat umalis na ako bago pa may mangyari. Pagharap ko papunta sa pinto, narinig ko
"Party bukas sa bahay ni Dylan, imbitado kayong lahat," sabi ni Kole.
"Lahat? Ibig sabihin imbitado rin siya?" Isa sa kanila, nang-insulto habang tinutukoy ako.
"Hindi! Hindi siya pwede! Mag-aaral siya buong araw at gabi bukas." Bumulong siya habang nakatingin sa direksyon ko.
Sigurado ako na hindi niya man lang kilala 'yung mga babae pero iniimbita niya pa rin sila o baka 'yung buong school, maliban sa'kin.
Ok alam kong nerd ako pero tao rin ako at nasasaktan ako. Wala siyang karapatan na magdesisyon kung ano 'yung gagawin ko. Well playjerk, sasabihin ko sa'yo pupunta rin ako sa party na 'yun at hindi mo malalaman.
Hindi ko alam kung bakit pero kapag may nagsasabi na hindi ko kaya 'yung isang bagay o sumasagot para sa'kin, bigla akong nakakaramdam ng pagiging may gusto na patunayan 'yung taong 'yun na mali!!! Tapos pumunta ako sa banyo para malinis 'yung sarili ko.
Sa natitirang araw, tinapos ko 'yung lahat ng notes ko at inattendan 'yung lahat ng klase.
Gawa ako ng mental list kung ano 'yung kailangan kong gawin:
(1) Makapasok sa party na hindi nire-reveal 'yung pagkatao ko
(2) Alamin kung ano 'yung tinatago ni Vess
(3) 'Yung sikreto ni Dylan
Ngayon, ang naririnig ko lang ay tungkol sa party. Mukhang napakalaking bash kasi kahit saan ako pumunta, lahat, pinag-uusapan 'yun.
Nung natapos na 'yung huling klase, kinolekta ko 'yung lahat ng gamit ko at pumunta sa parking area kung saan naghihintay sa'kin si Vess. Nung nakarating ako doon, nakita ko siya at si Dylan na nag-uusap tungkol sa isang bagay at tumatawa.
Magkalapit sila sa isa't isa. Sana magkaibigan lang sila kundi kailangan ko siyang bigyan ng babala tungkol sa sikreto ni Dylan. Nakita ako ni Dylan bago si Vess at lumipat siya sa gilid ng kotse para direkta akong matignan habang nakatalikod sa'kin si Vess. 'Yung mga mata niya, nagbabanta sa'kin at 'yung titig niya, mas lalong tumindi. Naintindihan ko kung ano 'yung gusto niyang sabihin kaya tumango lang ako bilang paniniguro.
Kailangan kong alamin kung ano 'yung problema niya. Pagtingin ko sa kaliwa ko, nakita ko si Kole na kinakain 'yung mukha ng isang blonde. Pareho silang walanghiya na nag-e-engage sa isang marubdob na halikan sa parking area.
Anong kahihiyan! Hindi ba nila mapigilan 'yung sarili nila?
At tapos, nagsimula na silang mag-grind sa isa't isa. Ughhh hindi ko kayang makita 'to
"Yuk!" sabi ko sa inis. Sa tingin ko, nasabi ko 'yun ng malakas kasi napatingin sa'kin si Kole.
Shit, takbo!
Pero hindi ko kaya, na-freeze ako sa kinatatayuan ko. Nung narealize niya na 'yung boses, galing sa'kin, ngumisi siya. Lumaki 'yung ngisi niya bawat segundo at may sinabi siya sa tenga ng blonde. Ngayon, lahat ng tao sa parking area, nakatingin sa'kin at tumatawa nang malakas!
Pwede pa ba akong maging mas tanga pa?
Pinagtatawanan ko lang 'yung sarili ko ughh.
"Nagseselos siya, hindi pa siya nakatikim ng unang halik."
"Tignan mo 'yung damit niya! Syempre, wala siyang boyfriend."
Lahat ng boses at bulong, nagiging shit! Seryoso, kinamumuhian ko 'yung sarili ko sa pagiging prangka pero mas higit pa doon, kinamumuhian ko si Kole.
Dumating si Vess sa tabi ko at dinala ako papunta sa kotse niya. Nakaupo kaming pareho at kinabit 'yung seat belts namin nung sumigaw siya, "Magbabayad siya para dito, seryoso, Eymi."
"Gusto kong pumunta sa party ni Dylan nang hindi nire-reveal 'yung pagkatao ko." nang-insulto ako.
"Syempre naman! Pupunta ka, honey at mag-eenjoy tayo ng sobra at magbabayad 'yung jerk na 'yun para dito!"
"Oo, siya at Vess gusto kong sabihin sa'yo 'yung tungkol kay Dylan."
"Oh, halos nakalimutan ko nang sabihin sa'yo, nabili ko na 'yung mga damit natin."
"Pero!"
"Wala nang pero! Maganda at gaganda ka sa suot mo n'yan. Bukod pa doon, inaabangan kong makita ka sa damit na 'yun." sabi niya nang excited.
"Okay!" nagbuntong-hininga ako kasi wala ako sa mood na makipag-argumento at bukod pa doon, wala rin akong damit.
****
Nakadating ako sa bahay ko. Nung papasok na ako sa pinto, nakarinig ako ng mga boses. Una, narinig ko 'yung boses ni Nanay pero hindi ko nakilala 'yung ibang boses. Hindi ko maintindihan. Hindi naman kami nagkakaroon ng bisita. Parang boses ng lalaki, malalim na sexy na boses.
Nanginig 'yung buong katawan ko.
'Babalik na ba 'yung Tatay ko?' o 'Nakapag-move on na ba 'yung Nanay ko?' o 'Inimbita niya ba 'yung katrabaho niya?'
Ang daming iniisip na tumatakbo sa isip ko at ayokong harapin 'yung taong 'yun kaya dumiretso ako sa backyard ng bahay ko para mag-sneak in na parang magnanakaw sa sarili kong bahay. Hindi ko akalaing gagawin ko 'yun pero ang buhay, tungkol sa paggawa ng mga hindi inaasahan.
Pumasok ako nang kalmado na hindi gumagawa ng ingay at kumuha ng baby steps papunta sa hagdanan. Nakarating ako sa kwarto ko sa halos sampung minuto at dumiretso sa banyo para maligo para marefresh 'yung sarili ko at malinisan 'yung isip ko.
Ayokong pumunta kahit saan kasi pagod na ako kaya nagdesisyon akong suotin 'yung paborito kong strawberry printed na pajama at isang T-shirt na may rabbit na nakalagay.
Ito 'yung pinaka-komportableng damit sa planetang 'to tapos gumawa ako ng high ponytail at dumiretso sa kama ko kung saan naghihintay sa'kin si Jojo. Nakayakap ako sa kanya at nakatulog.
Gising ako sa nag-uugong kong tiyan. 'Uh,' halos nakalimutan ko na gutom pala ako noon.
Seryoso? Pa'no mo makakalimutan na gutom ka?
'Dahil 'yun kay Kole na 'yun.' sagot ko sa inner voice ko.
Uh, ulit na naman si Kole! Bakit lagi mo siyang iniisip? Kumain ka na kasi!
Pinagtatawanan ako ng inner voice ko.
Oo, gusto ko nang kumain, mamamatay na ako sa gutom pero hindi ako pwedeng bumaba. Pa'no kung nandun pa 'yung taong 'yun? Tinignan ko 'yung oras at alas kuwatro y medya pa lang na ibig sabihin natulog lang ako ng isang oras at hindi kayang labanan ng tiyan ko 'yung gutom. Kailangan kong alamin kung nandun pa 'yung misteryosong lalaki.
Oh my god! pa'no kung sinaktan niya 'yung Nanay ko o pa'no kung mamamatay ako sa gutom sa kwarto na 'to o mas masahol pa doon kung kailangan kong tumira dito buong buhay ko?
HINDI! HINDI! HINDI! hindi pwedeng mangyari 'yun, tigilan mo na 'yung pag-iisip.
Oo, hindi ko na dapat isipin pero buong buhay ako nakatira dito at kadalasan kapag may dumating na walang pasabi, natural lang na ganito 'yung magiging reaksyon.
Oh shut up ka na nga, pwede? At tumigil ka na sa pagiging drama queen!
So anong dapat kong gawin?
Para malaman mo, kailangan mo lang bumaba doon, tanga.
Oo, pupunta ako kahit alam ko na duwag ako.
Dumiretso ako pababa na hindi gumagawa ng kahit anong ingay. Nung pumasok ako sa sala, walang tao pero may mga boses pa rin na nanggagaling sa kusina at nagtatawanan sila tungkol sa isang paksa.
Pwede na akong mag-relax ngayon na hindi naman nasa panganib 'yung Nanay ko at hindi ko na kailangang harapin 'yung misteryosong lalaki, pwede na akong tumakas sa bahay nang hindi gumagawa ng ingay at para sa walang laman kong tiyan, bibili ako ng pagkain oo, magandang ideya 'yun.
Pwede mo akong ipagmalaki na ngayon gagawa ako ng matapang na gawain Haha! (Note 'yung sarcasm).
Nung akmang aabot na ako sa pinto "Eymi Parker!! Saan ka ba nagpunta ng dalawang oras? At saan ka pupunta ngayon?"
'Shit' bulong ko sa ilalim ng aking hininga.
"Nay, kanina lang...
"Ano?"
"Kakalabas ko lang sa bladder ko na napuno kasi uminom ako ng maraming tubig sa school." Seryoso sobrang bobo at lampa nito. Sinampal ko 'yung sarili ko sa isip.
"Hindi ka talaga marunong magsinungaling, alam mo 'yan?" Sabi niya na may kasiyahan sa mukha niya at nagbuntong-hininga ako sa inis.
Eksakto sa sandaling 'yun, narinig ko 'yung parehong sexy na tawa na narinig ko na dati.
'Hindi siya 'yun.' siniguro ko sa sarili ko.
Oo, hindi siya pwedeng nandito, 'di ba? Pinapangarap ko lang 'yun. Hindi pwedeng mangyari, walang paraan na pwede siyang pumunta dito!
Hindi, hindi pwede. Hindi niya man lang alam kung saan ako nakatira.
"PARKER! Masayang makita ka ulit." At sa tingin ko nababaliw na ako nung lumitaw siya sa harapan ko.