Kabanata 16
Sinundan ni Julian si Nancy papuntang kusina kung saan nakalagay ang laptop niya sa mesa nung gabing 'yon. Umupo siya sa harap nito at nag-pull ng upuan sa tabi niya, inimbita si Julian na umupo. Pumayag siya at ni-click ni Nancy ang mouse. May lumabas na page sa internet. Mayroong ilang diagrams, pero ang nakakuha ng atensyon ni Julian ay ang simbolo. 'Yung sobrang sama na obra na nakilala niya. Pero, walang numerong kasama.
"Julian, lahat ng naranasan mo recently ay konektado sa isang lugar," sabi ni Nancy, inayos niya ang kanyang salamin gamit ang hintuturo niya.
tinuro niya ang isang article sa ilalim ng diagram ng simbolo.
"Ayon sa article na 'to, ang simbolong 'to ay ang alchemic symbol ng kamatayan. Lahat ng 'to nagsimula pitong daang taon na ang nakalipas sa Valencia, Spain. Isang madilim at makapangyarihang pari na ang pangalan ay Malorca ay nagsagawa ng ritwal kung saan pitong daang lalaki ang papatayin at isasakripisyo para buksan ang isang uri ng gateway para sa demonyong si Meriah." sabi ni Nancy, huminto para mag-scroll pababa ng kaunti.
"Hindi natuwa si Meriah dahil ayaw niya na lalaki ang nauna, ibig sabihin siya ang dominanteng specie," patuloy ni Nancy. "Kung nagtagumpay si Malorca na buksan ang gateway, pupunta si Meriah sa mundo at wawakasan ang lahat ng lalaki, matitira lang ang mga babae."
"Pero hindi siya nagtagumpay," sabi ni Julian, ang boses niya puno ng pagkadismaya.
"Mukhang ganun nga," tumawa si Nancy ng mahina. "At dahil 'yon sa isang tao. Isang Thalatian."
"Thalatian?" Pinanliitan ni Julian ang mata niya sa screen.
"Oo," tumango si Nancy. "Isang makapangyarihang mandirigma. May marka siya ng kuko ng agila sa kanyang ibabang baywang. Inaresto at pinagsama-sama ng high priestess ang mga lalaki sa isang plain field. Noong papatayin na niya sila, nakialam ang thalatian at pinatay siya gamit ang isang napakalakas at kakaibang espada. Pilak ito at ang hawakan ay gawa sa mga kuko ng agila."
Biglang nanlaki ang mga mata ni Julian nang naalala niya ang family heirloom niya sa kanyang lumang bahay. Ang espada na pinagbawal sa kanya ng kanyang Ama na paglaruan.
"Pagkatapos patayin si Malorca," patuloy ni Nancy. "Sinunog ng Thalatian ang kanyang bangkay at ang pitong daang lalaki ay pinalaya. Nagalit ang demonyong babae. Bilang parusa sa kanyang pagkabigo, si Malorca ay pinilit ng demonyong babae na mag-reincarnate tuwing isang siglo para pumatay ng pitong lalaki hanggang sa mabuo ang pitong daan. Ang pitong lalaki ay binubuo ng anim na makasalanan at isang inapo ng thalatian. Ang Thalatian naman, paranoid at nag-a-anticipate ng anumang mga susunod na pangyayari na katulad ng kanyang kinaharap, ay itinago ang kanyang espada sa loob ng kanyang sambahayan, binabalaan sila na huwag itong ilabas sa kanilang tahanan. Ang espada ay ipinasa mula sa henerasyon hanggang sa kasalukuyan."
"Nancy," sabi ni Julian, tumayo siya bigla. TInaas niya ang kanyang damit. May maliit na birthmark sa kanyang dibdib. Hugis kuko.
"Mayroon akong pilak na espada sa bahay. Sa bahay ng pamilya ko," sabi ni Julian.
Titig na titig sa kanya si Nancy na walang sinasabi. Umiling siya habang nagkakaron ng saysay ang lahat.
"Hindi pa tapos ang kwento," ibinaling niya ang atensyon niya sa screen. "Mula noong namatay siya, nag-reincarnate si Malorca tuwing isang siglo at pinatay ang pitong lalaki kasama ang mga inapo ng thalatian. Bago patayin ang bawat lalaki, naglalagay siya ng simbolo ng kamatayan sa kanilang katawan bilang isang target. Ang mga taong nakakakita lang nito ay ang kanyang-"
"At ang mga inapo ng Thalatian," tinapos ni Julian, nakatingin siya sa sahig sa harap niya. Nagkakaroon na ng saysay ang lahat.
Huminto si Nancy para tignan siya. Nag-alala ang mukha niya habang pinapanood ang kamay niya na nanginginig na walang tigil. Bumaling ulit siya sa laptop at nagpatuloy sa pagbabasa.
"Walang nakakaalam kung ano ang hitsura ni Malorca. Pero ang huling Thalatian na napatay isang siglo na ang nakalipas ay may malapit na paglalarawan. Bago ang kanyang huling hininga, inilarawan niya siya bilang isang babae na ang buhok ay kulay pula ng iskarlata, ang mga mata ay asul ng karagatan at maputing balat na may marka ng lilang ahas."
Halos mawalan ng balanse si Julian sa pakinig ng huling pahayag. Tumriple ang tibok ng puso niya habang naalala niya ang isang babae na akma sa paglalarawan.
"Loretta," bumulong siya.
"Ano?" Humarap siya kay Nancy.
"Ang parapsychologist," Hinarap niya siya. "Si Dr. Loretta Torres ay si Malorca."
Biglang tumayo si Nancy sa gulat.
"Seryoso ka?" tanong niya.
Tumango si Julian. Naalala niya ang gabing 'yon pagkatapos ng date. Noong inakit siya ng parapsychologist. Naalala niya ang tattoo ng ahas sa kanyang katawan noong hinila niya ang kanyang damit. Pakitang tao lang ang lahat. Hindi talaga niya siya gustong tulungan. Lahat ng 'yon ay isang panloloko lang.
Naglabas ng sigaw ng galit si Julian, sumisigaw ng mga kabastusan. Sinuntok niya ang pader, nagulat si Nancy. Nakabawi siya agad sa kanyang gulat at lumapit sa kanya, inilagay ang kamay niya sa kanyang balikat habang sinandal niya ang kanyang ulo sa pader.
"Kasinungalingan lang ang lahat," ngumisi siya, ang boses niya nanginginig sa galit. "Alam niya kung ano ako. Alam niya na ako ay isang Thalatian. Ang lahat ng payo na ibinigay niya ay para lang ma-distract ako habang pinapatay niya ang unang anim na lalaki. Pagkatapos ay pupuntahan niya ako."
"Julian," sabi ni Nancy. "Ilang lalaki na ang napatay?"
"Lima," sagot niya. "Sam, G. Wyatt, ang lalaking nagnakaw sa akin, ang pari na dinala ni Randal sa bahay ko at, pinakabago, ang Alkalde."
"Kung ganoon hindi pa siya nananalo," sabi ni Nancy, marahan niyang hinimas ang balikat niya. Inilagay niya ang kanyang kamay sa kabilang balikat niya at pinihit siya para humarap sa kanya.
"May pag-asa pa," patuloy niya. "May oras pa tayo para maghanap ng paraan para matalo siya. Ikaw ang susi sa kanyang pagkawasak at matatalo mo siya. Alam kong kaya mo."
"Nancy," sabi ni Julian ng mahina.
'Yon lang ang mga salitang lumabas sa kanyang labi. Lumambot ang titig niya habang hinahaplos niya ang kanyang mukha. Inilagay ni Nancy ang kanyang kamay sa kanya at tinitigan siya. Nagbago ang tensyon na atmosphere habang ang kanyang asul na mata ay nakatagpo ng kanyang berdeng mata. Parang inorkestra, yumuko sila at pinagsama ang kanilang mga labi.
Niyakap ni Julian ang baywang niya, mas hinila siya palapit sa kanya. Sa unang pagkakataon sa loob ng ilang araw, tama ang pakiramdam. Nakaramdam siya na nasa bahay siya habang ine-enjoy niya ang kanyang init. Ipinulupot ni Nancy ang kanyang mga kamay sa kanyang leeg. Kinailangan niyang siguraduhin na hindi siya nananaginip. Ang tanging taong may nararamdaman siya ay hinalikan siya sa sandaling ito. Sa kaloob-looban ay natawa siya sa pag-iisip na tawagin itong isang fairytale. Isang fairytale ng dalawang magkaibigan noong bata pa lumaki at nagka-inlove. Ano ang posibilidad?
Di-nagtagal ay naghiwalay sila sa isa't isa, hingal na hingal. Tinanggal ni Nancy ang kanyang salamin. Lumaki ang mga mata niya habang hinawakan niya sa kamay si Julian at dinala siya sa kanyang kwarto. Alam ni Julian kung ano ang ibig sabihin ng ganoong hitsura. Isa lang ang nasa isip niya. At magiging tanga siya kung tututol.