Kabanata 16: Walang Kwenta!
“Ay-Yana…Anong sinasabi mo? Paano mo mapapangasawa si Tito Sad? Ang tanda-tanda na niya para sa’yo.” nagulat na tanong ni Vale.
Pati ang pisngi nina Lisa at James nag-blush nang sabihin ng kanilang anak na gusto niyang pakasalan si Keith.
Ito…nag-propose ba si Yana kay Keith?
Paano nangyari ‘to?
Pero, si Keith, nakatingin lang sa batang babae sa kanyang bisig na may halong saya.
“Kung ganon, kailangan mong lumaki agad. Kung hindi, may kukuha sa’kin sa’yo.”
Tumango si Yana habang seryosong nakikinig sa sinabi ni Keith.
“Mn! Tito, huwag kang mag-alala. Hindi ko hahayaan na may kumuha sa’yo sa’kin.”
Natulala si Vale.
“Yana, paano mo nasabi ‘yan? Ang Tito Sad mo ang syota ng Vava mo.” Sinubukan ni Lisa na rasonan ang anak niya.
Alam niya na ang iniisip ng kanyang anak ay nakakatakot. Pero, hindi niya inasahan na ganito katindi ang mga iniisip nito!
‘My God! Ikaw ba talaga ang anak ko?’ sigaw ni Lisa sa kanyang puso.
Hindi kailanman uurong si Yana kapag nakapagdesisyon na siya.
“Eh? Kanina sinabi ni Vava na matanda na si Tito Sad para sa’kin. Vava, ikaw ba ang syota ni Tito Sad?” tanong ni Yana kay Vale na nakakunot ang noo.
“Ako…” Natulala si Vale.
Si Keith, naghihintay talaga na may sabihin siya. Pero, nang nakita niya itong nag-iisip, ngumiti lang siya sa sarili na may halong pagkamuhi.
“Tingnan mo? Hindi umaamin si Vava na siya ang syota ni Tito Sad. Kanina, sinabi rin niya na matanda na si Tito Sad para sa’kin. Pero, kung titingnan, bata pa naman si Tito Sad at guwapo pa. Kaya, qualified ako na pakasalan siya.”
Naguluhan si Vale.
Ang genius na ‘to!
‘Bata ka pa. Hindi mo alam kung gaano kasama ang Tito Sad mo!’ bumuntong hininga si Vale sa kanyang puso.
“Yep! Ang Yana ko lang ang qualified na pakasalan ako.” Napatuwa si Keith sa sinabi ng batang babae.
“Kung ganon, Tito Sad, pwede na ba tayong magpakasal ngayon?” nangungusap ang mata ni Yana na may paghanga.
Agad na tumayo si James at tumakbo kay Keith bago binuhat si Yana papalayo. Halos inatake sa puso nang marinig niya ang walang kwentang pinagsasabi ng kanyang anak at ni Keith.
Tinignan niya si Keith mula ulo hanggang paa, “Mr. Grey, please lumayo ka sa anak ko. Bata pa siya at hindi pa nakakaunawa ng mga bagay. Kung gusto mong magpakasal, humanap ka ng tamang babae.”
“Vale, tapos na ang hapunan. Uuwi na kami. Ingatan mo ang sarili mo at ang sanggol.”
Pagkatapos noon, tumalikod siya na may madilim na mukha na may bitbit na Georgiana na nahihirapan.
‘Hayup ka! Paano mo nagawang agawin ang anak ko!’ paulit-ulit niyang sumumpa sa kanyang puso.
Sumunod sina Lisa, George at Salvatore.
Binigyan pa nga ni Salvatore si Keith ng masamang tingin habang dumadaan siya.
‘Hayup na bata! Paano mo nagawang akitin ang inosenteng pamangkin ko?’
Naramdaman ang awkward na atmosphere sa kwarto, tahimik na tumakas si Jenny papunta sa kanyang kwarto sa itaas.
Pumula ang mukha ni Keith sa mga tinging pinukol sa kanya.
‘Paano ako nagkasala? Biro lang ‘to! Biro lang!’ sigaw niya sa isipan.
Umubo siya, tumayo, “Well, nakapag-hapunan na ako. Uuwi na rin ako. Jenny!”
Si Jenny, na nagtatago sa hagdanan, nagulat, “Andito ako!”
“Tara na!” sabi ni Keith habang naglalakad papunta sa pintuan.
“Teka!” Agad na tumakbo si Jenny sa kanyang kwarto, isiniksik lahat ng kanyang gamit sa kanyang bag.
“Vale, mag-ingat ka. Uuwi na ako ngayon!” sabi ni Jenny habang tumatakbo palabas ng pintuan.
Isang taxi ang naghihintay na sa kanila sa gilid ng kalsada.
Pagkatapos ibigay ang address sa driver ng taxi, tumingin si Jenny sa lalaking katabi niya.
“Boss, susuko ka na ba?”
Hindi siya sinagot ni Keith at nakatingin lang sa labas ng bintana habang dumaraan ang kotse.
Pinilas ni Jenny ang kanyang labi nang wala siyang natanggap na sagot mula kay Keith.
Si Keith, na wala pa ring ideya kung anong nangyari sa base kamakailan, hindi napansin ang madilim na ulap na nagbabanta sa kalangitan.
Nang makarating sila sa mansyon ni Keith, walang nagbabantay sa gate.
Naramdaman ang kakaibang paligid, sinenyasan ni Keith si Jenny na tumahimik habang papalapit sila sa pintuan, na bahagyang bukas.
“Dito ka lang.” Pinigilan ni Keith si Jenny na pumasok.
Tumayo si Jenny sa pintuan, nag-iisip bago siya tuluyang tumango.
“Kung hindi ako lumabas sa loob ng 10 minuto, kailangan mong umalis. Naiintindihan mo?”
Tumango si Jenny habang nanginginig.
“Tsaka, kung may naramdaman kang mali, kailangan mong tumakbo palayo sa lalong madaling panahon.”
Tumango si Jenny ng masunurin habang hawak niya ang kanyang bag.
Dahan-dahang tinulak ni Keith ang pintuan bago siya pumasok at sinara ang pintuan sa kanyang likuran.
5 minuto.
Sumulyap si Jenny sa oras sa kanyang relo na kinakabahan.
Hindi pa lumalabas si Keith.
8 minuto.
Kinagat ang kanyang labi, akmang itutulak na ni Jenny ang pintuan nang marinig niya ang tunog ng paghagupit na sinundan ng ungol.
‘Papasok ba ako? Paano kung nasaktan si Keith? Paano ko siya iiwan mag-isa?’
Pero, nang marinig niya ang maraming yabag na tumatakbo papunta sa pintuan, nagdesisyon siyang umalis sa lalong madaling panahon.
Tumakbo siya sa abot ng kanyang makakaya papunta sa kalapit na parke bago pumara ng taxi at umuwi.
Kinuha ang kanyang telepono, nanginginig ang kanyang kamay habang dinayal ang numero ni Dylan.
Pero, gaano man kadalas niya idinayal ang kanyang numero, hindi siya sumasagot, at ang linya ay patuloy na nagsasabi na hindi siya available.
Dumaloy ang takot sa kanyang mga ugat habang iniisip niya ang pinakamasamang senaryo.
Hindi! Hindi siya maaaring patay!
“Sir, sa Frost House, please.”
Si Vale lang ang makakatulong sa kanila ngayon. Kung tutuusin, may isa pa siyang grupo.
Samantala, sa mansyon ni Keith...
“Walang kwenta!”
ZAP!
“Ugh!” Ungol ni Keith nang tumama ang latigo sa kanyang likod muli.
Ang ibang miyembro ay nakayuko habang nakatayo sa gilid. Walang nangahas na tumingin sa madugong eksena sa harap nila.
Pinisil ni Keith ang kanyang kamay sa isang kamao habang inihahanda ang kanyang sarili na tanggapin ang susunod na 50 latigo.
Nararamdaman na niya ang bahagyang pag-ring sa kanyang ulo.
Umaasa lang siya na umalis na si Jenny sa lugar sa lalong madaling panahon.
Sino ang mag-aakala na ang kanyang ama ay naghihintay sa kanya sa loob ng bahay?
Sino ang mag-aakala na ang kanyang ama ay nagsasaya habang nagpapahirap at pumapatay sa ilan sa mga tauhan?
Dahil lang wala siya?
Hindi.
Ito ay dahil lahat ng matataas na miyembro, sina Dylan, Caleb, Jake, Brett, Nancy at Lexy ay wala!
“Sabihin mo sa’kin! Saan sila nagtatago?!”
ZAP!
Nagngitngit ang ngipin ni Keith nang tumama ang latigo sa kanyang likod muli.
“Hindi ko alam!”
Paano niya malalaman kung saan sila pumunta?
Naniniwala siya na wala sa kanila ang susubok na traydorin ang grupo.
May nangyari siguro.
“Walang kwentang basura ka! Saan ka nang magkaroon ng nangyari sa grupo?!”
ZAP! ZAP!
“Hindi ko ipinasa sa’yo ang grupo para lang sirain mo!”
ZAP!
“Alam mo ba kung gaano karaming pagkalugi ang natamo natin?!”
ZAP! ZAP!
Dumilat ang dugo sa ilang miyembro na nakatayo malapit sa eksena. Nanginginig ang kanilang mga binti, pero walang nangahas na gumawa ng ingay. Wala man lang naglakas-loob na punasan ang dugo sa kanilang mukha.
Lahat ng hindi pa nakakakita ng ganitong karumaldumal ay agad na mahihimatay pagkatapos makita ito.
Ang hubad na likod ni Keith ay natatakpan ng pulang likido. Ang ilan sa kanyang balat ay natuklap.
Ang latigo ay isang custom made na latigo. Isang metal na tinik ang tumataklob sa latigo.
Itinaas ni Eric ang kanyang braso, handang pumalo muli nang marinig niya ang isang sigaw mula sa pintuan.
“Tumigil!!”