Kabanata 8: Lason
Nakaupo si Xavier sa study room niya, iniisip si Vale at 'yung pagkikita nila anim na buwan na ang nakalipas.
***
FLASHBACK
Nagpunta si Xavier sa beach nung hapon.
Ang dahilan kung bakit siya nagpunta sa beach this time ay para magtago sa lola niya. Ang kanyang matchmaker.
Naglalakad siya sa beach nang may nakita siyang tao na nakahandusay sa buhangin.
Lumapit siya dun sa tao at nagulat siya nang nakita niya ang isang pamilyar na mukha at katawan.
Parang nakita na niya 'tong taong 'to dati, pero hindi siya sigurado.
Pumutla ang mukha ng babae, at naging bughaw ang labi niya. Pati balat niya lumamig.
Ang mas nagpagulat sa kanya ay ang tuyong dugo sa likod niya. May mahabang hiwa sa kaliwang balikat niya.
"Hoy! Gising!" Hinaplos niya ng marahan ang pisngi nito, sinusubukang gisingin siya.
Pero, walang response.
Kakaunti lang ang nakatira sa mga villa malapit sa beach. Karamihan sa mga villa ay pribadong pag-aari at pagmamay-ari ng isang kilalang tao.
Malayo ang ospital sa beach.
Kaya, nagdesisyon siyang dalhin siya sa kanyang villa.
Pagkatapos niyang ilagay ang babae sa kanyang kama, agad siyang tumawag ng kanyang pribadong doktor para pumunta sa kanyang villa.
Ilang minuto bago dumating ang doktor, nagising si Vale.
Na-realize ni Xavier na sobrang lamig ng balat niya at nagdesisyon siyang takpan siya ng makapal na kumot para uminit siya.
Pero, pinagpawisan si Vale nang sobra at nakaramdam siya ng init.
Gumising siya dahil hindi siya komportable.
May nakita siyang itim na guwantes sa harap niya nang iminulat niya ang kanyang mga mata.
"Tubig..." mahinang tanong niya.
Kinuha ni Xavier ang baso ng tubig sa nightstand at umupo sa tabi ng kama. Tinulungan niya siyang umupo bago binigyan siya ng baso ng tubig.
Manginginig ang kanyang kamay nang abutin niya ang baso ng tubig. Hinawakan ni Xavier ang kamay niya gamit ang kamay niya para pigilan ang nanginginig niyang kamay na hindi matapon ang tubig sa kanyang damit.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Xavier at inilayo ang walang laman na baso nang matapos na siyang uminom.
Nang marinig niya ang pamilyar na boses, napatingala siya na may gulat sa mukha niya.
"Xa...Xavier?"
Huli na ang lahat nang sinabi niya 'yon.
Tumingin si Xavier sa babae na nakasandal sa kanyang yakap.
Kahit gising na siya, hindi nagbago ang maputla niyang itsura.
Ngayon, ang balat sa ilalim ng kanyang mata ay bahagyang nagiging itim.
"Kilala mo ako?" tanong niya pabalik.
Tumingin siya sa kanya gamit ang kanyang matatalas na mata.
Hindi lahat alam ang kanyang eksistensya. Kahit CEO siya at leader din ng gang, hindi siya kilala ng karamihan.
"Hindi mo ako nakilala?" tanong ni Vale na may pilit na ngiti sa mukha niya.
Tumahimik si Xavier. Humigit-kumulang nahulaan na niya kung sino siya, pero may pagdududa pa rin sa puso niya.
"Miss T?"
Tinaasan ni Vale ang kilay niya. Hindi niya inaasahan na mahuhulaan niya.
"Mmn...Vale na lang itawag mo sa akin."
Sinulyapan siya ni Xavier na may pagtataka sa mukha niya.
"Bakit ka nandito? Anong nangyari?" tanong ni Xavier.
Nang marinig ni Vale ang tanong na 'to, tumigas ang katawan niya bago niya iniyuko ang kanyang ulo.
"Hindi mo kailangang sabihin kung ayaw mo," sabi ni Xavier nang nakita niya ang sakit at lungkot sa kanyang mga mata.
Agad niyang naintindihan na personal 'yon.
Pero, paano naman ang sugat sa kanyang likod?
"Salamat." Pasasalamat ni Vale.
Luminga siya sa paligid.
"Ito ba ang bahay mo?" tanong niya.
"Ito ang villa ko. Nakita kita sa beach at dinala kita rito." Sabi ni Xavier.
"Salamat."
Ngumisi si Xavier, "Ilang beses mo pa ako pasasalamatan?"
Tumingin sa kanya si Vale.
Narealize niya na nakasandal pa rin siya sa katawan ni Xavier.
Nagbago ang tingin niya, nakaramdam ng pagka-awkward.
Inalis niya ang kumot na nakatakip pa rin sa kanya at sinusubukang bumaba mula sa kama.
Pero, narealize niya na mahina talaga ang katawan niya. Nakasandal lang siya kay Xavier nang sinubukan niyang bumangon.
Pero, sa sandaling tumayo siya, nanlamig ang kanyang katawan, at nahilo siya.
"Vale!"
Nang mahimasmasan siya, nakatingin sa kanya si Xavier na may pag-aalala sa kanyang mga mata.
Tumingin siya sa sahig at nakakita ng tumalsik na dugo—isang mainit na likidong dumaloy sa ilalim ng kanyang labi.
Pinunasan niya ito nang hindi namamalayan at natigilan nang nakita niya ang dugo sa kanyang mga palad.
Sumimangot si Xavier.
Tinulak niya siyang umupo ulit sa kama at hinawakan ang mga daliri niya.
Naging itim ang mga kuko niya.
Kinabahan si Vale.
Anong nangyayari? Okay naman siya nang umalis siya sa mansyon ni Keith.
"Anong nangyari talaga sa 'yo?" Hindi napigilang tanong ni Xavier.
Kasabay nito, may kumatok sa pinto.
"Sir, nandito na po ang pribadong doktor."
Ang nagsalita ay isa sa mga katulong na nagtatrabaho sa kanyang villa.
"Papasukin mo," utos niya.
Binuksan ang pinto ng kanyang silid, at pumasok ang isang lalaki, hingal na hingal. May bitbit siyang medical kit sa kanyang kaliwang kamay.
Tumingin siya kay Xavier na may bahagyang hindi kasiyahan sa kanyang mga mata. Sino ang makakaalam ng hinanakit sa kanyang puso?
Kanina lang, tinawagan siya ni Xavier at sinabing kailangan siyang sumipot sa loob ng 5 minuto sa Private Blue Villa.
5 minuto!
Nagbibihis siya para sa kanyang mga date nang natanggap niya ang tawag ni Xavier. Bukod pa roon, ang address na ipinadala niya sa kanya ay malayo sa kanyang bahay, at aabutin siya ng kalahating oras para makarating doon sakay ng kotse.
Nagnguso siya, lumakad siya papasok sa silid at agad na naging doktor.
Tumingin siya sa babae sa kama at tinaasan ng kaunti ang kilay niya.
Nag-aalala ba ang amo niya sa babaeng 'to?
Nabaliktad na ba ang mundo ngayon?
Nag-isip siya habang tinitingnan si Vale.
"Kamusta siya?" Nagmamadaling tanong ni Xavier.
Nagreklamo si Nicholas sa kanyang puso bago niya sinagot, "Nilason siya, at bukod pa roon, may lagnat siya. Maaari ko siyang bigyan ng reseta para sa lagnat. Pero..." tumigil siya, sumimangot habang tinitingnan niya ang nagdidilim na mga mata at kuko niya.
"Ano 'yon?" Kinakabahang tanong ni Vale.
Napabuntong hininga si Nicholas, "Hindi ko pa nakita ang ganitong uri ng lason noon. Nalason ka na ng ilang oras. Kahit subukan nating linisin ang dugo mo, may matitira pa rin sa loob mo at maaaring mag-trigger ng mapanganib na sakit."
"May iba pa ba?" tanong ni Xavier.
"Well, kung hindi mo mahanap ang panlunas sa loob ng 6 na oras pagkatapos mong kainin ang lason, maaaring maging...kritikal ang sitwasyon,"
Binilang ni Vale sa kanyang ulo, nakainom na siya ng lason sa loob ng 4 na oras.
Tumibok ang kanyang puso habang nagsimula ang kanyang pagkasindak.
Hindi! Hindi siya maaaring mamatay! Hindi pa! Kailangan niyang ipaghiganti sina Keith at Sherry!