Kabanata 21: Maaari ba Akong Humingi Nito?
“Tinawagan mo na ba siya?” Isinara ni Keith yung pinto sa likod niya.
Lumingon si Vale nang marinig niya siyang pumasok. Lumayo siya sa bintana at paika-ika na bumalik sa kama at umupo.
“Hindi.” Pinanood niya si Keith na ilapag yung takeout sa coffee table at umupo sa sofa sa gitna ng kwarto.
Kahit alam niya na maraming ari-arian si Keith sa loob ng siyudad, nagulat pa rin siya nang dinala siya nito sa malaking VVIP room.
Nangunot ang noo ni Keith, “Bakit? Boyfriend mo siya, 'di ba?”
Nabulunan si Vale sa laway niya.
Kailan pa naging boyfriend niya si Xavier, yung iceman na laging nakagloves?
Hindi niya mapigilang mapahagikhik nang maisip niya kung anong reaksyon ni Xavier kung narinig niya yung sinabi ni Keith.
Pinanood ni Keith na tumawa si Vale na parang naguguluhan.
May sinabi ba siyang nakakatawa?
Nagmumura, binuksan niya yung mga takeout boxes isa-isa bago siya sumimsim.
Hindi pa siya kumakain mula kaninang umaga dahil hinila siya ng nanay niya para makilala si Vale nang malaman nito yung tungkol sa mga kinidnap.
Umakyat yung aroma mula sa mga pagkain kaya napalunok siya nang paulit-ulit habang pinapanood niya si Keith na ngumunguya ng pizza.
'Di niya namalayan, lumapit siya sa kanya at umupo sa couch sa tapat niya na ang mga mata ay nakatutok sa mga pagkain sa mesa.
Chocolate cookies, strawberries, Cheese waffle, milk tea...
“P-pwede... pwede ba akong kumuha nito?” Tumingin siya sa kanya na may pag-asa.
Tumigil si Keith sa pagnguya ng pizza niya at itinaas yung ulo niya nang marinig niya yung boses niya.
Busy siya sa pagpapakabusog ng tiyan niya at hindi man lang niya tinanong kung kakain siya!
Hinampas niya sa isip niya yung noo niya.
Nakita niya kung paano niya tiningnan yung pagkain na parang gutom na lobo at hindi niya napigilang matawa.
“Sige...”
Hindi pa nakakasagot si Keith nang kinuha ni Vale yung cookies at ngumuya nito habang may hawak pa siyang dalawang cookies sa kamay niya.
“Wow...hinay-hinay...Walang kukuha ng pagkain mo.” Nagbabala si Keith nang makita niya kung gaano kabilis niyang ngumuya yung mga pagkain.
Pumula yung pisngi ni Vale, pero hindi siya tumigil sa pagsakmal ng waffle sa kamay niya.
10 minuto mamaya...
Lumabas si Vale sa banyo pagkatapos niyang maghugas ng kamay bago siya umupo at sumandal sa sofa na busog na busog.
Tumingin si Keith sa dalawang piraso ng pizza na iniwan ni Vale para sa kanya, na parang nagulat.
Narinig niya yung tungkol sa isang buntis na may cravings. Pero, yung mapanood ito ng live sa harap niya ay parang nanonood ng horror film.
Pinagtipid niya yung labi niya, ngumuya siya ng pizza, dahan-dahan, sinusubukan na lasahan yung sarap nito. Siguro, makakatulong yun para mabusog siya.
Napansin ito ni Vale at tumawa nang awkward, “Uh, sorry tungkol dun.”
“Hindi, okay lang.” Winagayway ni Keith yung kamay niya, pero kahit siya ramdam niya kung gaano kadismaya yung tono niya.
Nakaramdam ng konting guilty si Vale nang marinig niya yung mahinang tono.
“Pwede na ba akong ma-discharge ngayon?” Tanong ni Vale nang matapos siyang kumain ng natitirang dalawang pizza.
“Hindi. Mas okay kung manatili ka na lang sa ospital hanggang sa manganak ka. Makakapigil din ito sa pag-ulit ng nangyari ngayon. Tsaka, tawagan mo yung boyfriend mo at sabihin mo na ipack yung mga damit mo at alagaan ka dito.”
Tumayo si Keith at kinuha yung phone niya sa kama bago niya inabot kay Vale.
“Hindi.” Umiling si Vale.
“Bakit?” Nagalit si Keith.
“Hindi ko siya boyfriend.”
Napakurap si Keith. Hindi niya boyfriend si Xavier?
“Kung ganun, tawagan mo yung pamilya mo.”
“Hindi.”
Lalong sumimangot si Keith, “Sige. Kukuha ako ng ilang nurses para alagaan ka mamaya.”
“Hindi.”
“Ano ba gusto mo?!” Nagalit si Keith.
“Alagaan mo ako.” Tumingin si Vale sa kanya nang sabihin niya ito.
Nakatingin lang si Keith dun, natigilan. Nanaginip ata siya. Bakit siya pa yung gusto niyang mag-alaga sa kanya?
“Busy ako.” Lumingon siya at naglakad papuntang pinto.
“Please...”
Huminto si Keith sa paglalakad niya at nagbuntong-hininga bago siya lumingon at tumingin sa babaeng namumula na yung mga mata.
Walang sabi-sabi, binuksan niya yung pinto at umalis sa kwarto.
Nanginginig yung labi ni Vale bago siya humagulgol. Sumabog yung emosyon niya mula nang marinig niya yung pag-uusap niya ng nanay niya.
Nacurious siya at natatakot.
Nacurious siya kung anong nangyari sa kanya sa loob ng anim na buwan.
Pero, at the same time, natatakot siya na yung malalaman niya ay ikakasama ng loob niya.
Natatakot siya na nagkamali siya sa kanya. Na mali yung paghusga niya sa kanya. Na siya... ang nakasakit sa kanya.
Tapos, paano yung lahat ng pinaghirapan niya?
Pinunasan niya yung mga luha niya, bumalik siya para humiga sa kama at agad siyang nakatulog.
***
Inilagay ni Keith yung pink na maleta sa harap ng aparador bago siya naglakad papuntang kama kung saan natutulog si Vale.
Tinabunan niya siya ng kumot at nakita niya yung puting paa niya.
Nagbuntong-hininga, binuksan niya yung maleta at hinanap yung mga medyas niya.
Inilagay niya yung medyas sa paa niya bago niya tinabunan ulit ng kumot.
Pagkatapos nun, inilagay niya yung mga gamit niya sa aparador.
Tumingin siya sa dingding na maganda yung dekorasyon na may naka-frame na painting at bulaklak.
Tumawag siya ng kung sinuman para bumili ng mga potted flowers at isang pares ng comfy shoes at sinabi niya na ipadala sa VVIP room.
Ilang minuto pa, tumunog yung phone niya sa sandaling umupo siya sa bedside chair.
Agad niya itong kinuha at sumulyap kay Vale at sinigurado niya na hindi siya magugulo ng tunog.
Lumipat siya sa sulok ng kwarto at inilagay yung phone sa tabi ng tenga niya.
“Nasaan ka?” Nag-aalalang boses ni Samantha ang tumagos sa tenga niya.
“Nasa ospital ako,” Sinagot ni Keith nang tapat.
Tumahimik si Samantha saglit, “Okay lang ba siya? Nasobrahan ba ako? Oo nga 'di ba? Galit ako at-”
“Mom! Okay lang siya.”
“Malaking ginhawa! Tapos, ikaw na ba yung mag-aalaga sa kanya?”
“Siguro.”
“Kumusta yung surgeon? Pumayag ba siya?”
“Hindi ko pa natatanggap yung sagot niya.”
“Okay ka lang ba? Paano kung ako na lang yung pumunta dun kapalit mo?”
Nagtaasan yung tenga ni Keith, “Wala nang kailangan. Kaya ko na yung mga bagay dito.”