Kabanata 22: Huwag Gumalaw!
Nagising si Vale na nauuhaw. Umupo siya mula sa kama at inabot ang tubig sa may bedside table.
Pagtingin sa saradong bintana, napansin niya na madilim na sa labas.
Nagulat siya nang makita niya ang isang pigura na nakahiga sa sofa.
Pinahid niya ang kanyang mata, nagkurap siya ng ilang beses para siguraduhin na hindi siya nananaginip.
Kahit ilang beses pa siyang kumurap, nakahiga pa rin ang pigura doon.
Tumayo siya at nagulat nang makitang may malambot na tsinelas sa sahig. Napansin din niya kung paano natakpan ng medyas ang kanyang mapuputing paa.
Ngumiti siya, at isinuot niya ang tsinelas bago siya umalalay patungo sa kanya.
Umupo siya sa tapat na couch habang tinititigan ang kanyang mukha.
Pero, hindi siya nagawang tumitig ng matagal. Nag-ingay ang kanyang tiyan sa gutom at nagdulot kay Keith na gumising mula sa kanyang pagtulog.
"Uh-Gising ka na?" umupo siya at naghikab.
"Mn."
Nakita ni Keith na nakangiti siya at hindi mapigilang sumimangot.
"Bakit ka nakangiti? May nakakatawa ba sa mukha ko?" hinawakan niya ang kanyang mukha.
"Nagdesisyon ka na alagaan ako." nangliliwanag ang kanyang mga mata sa tuwa.
"Ano? Magwawala ka kung ayaw ko?" Tinaasan siya ng kilay ni Keith.
Kinuha niya ang kanyang telepono sa mesa at nagpadala ng mensahe sa kanyang kasalukuyang katulong, si Aldo, para mag-order ng pagkain.
Nagpout si Vale, "Isa akong buntis. Talagang magwawala ako kung gusto ko."
Sumandal si Keith sa sofa habang tinitignan siya, "Hindi mo ba ako kinasusuklaman? Bakit gusto mong alagaan kita bigla?"
Nanigas si Vale, "Ako..."
"Actually, curious ako. Isa ba ito sa mga plano mong paghihiganti? Gusto mong lumapit sa akin para kumpirmahin kung mahal pa rin kita, hindi ba? Pagkatapos, iiwanan mo ako at dudurugin ang puso ko, o plano mo akong patayin?"
Saradong-sarado ang bibig ni Vale. Gusto niyang magpaliwanag, pero nakatali ang kanyang dila.
Ngumisi si Keith nang makita niya ang nagkakasalungat na ekspresyon sa kanyang mukha.
"Nagtataka ako kung paano mo ako papatayin, eh. Marami kang oportunidad na gawin iyon noon. Bakit hindi mo ginawa? Pinagsisihan mo ba na hindi mo ako pinatay noong may sakit ako?"
"Ang pag-atake mo sa Black Rose at Black River gang ay napakatalino. Winasak mo ang kanilang pabrika at pinatay ang daan-daang miyembro nila. Pero bakit napakahirap mong patayin ako?"
Hinawakan ni Vale nang mahigpit ang kanyang gown habang nanginginig.
"Siguro, nag-aalangan ka dahil sa sanggol, 'di ba? O natatakot kang hindi magustuhan ni Xavier kung malalaman niyang pinatay mo ang una mong minahal. Ayos lang. Kung ayaw mo na galing sa akin ang sanggol, ipalaglag mo na lang, at maghihiwalay tayo ng landas."
"Hayop!" Kinuha ni Vale ang tambak ng fashion books sa mesa at ibinato sa kanya.
Mabilis na nakaiwas si Keith sa mga librong lumilipad sa kanya habang tumayo siya.
Pumula ang kanyang mukha, at kumulo ang kanyang dugo.
"Hayop ka!" Nainis na hindi niya siya natamaan, tumayo si Vale bago niya kinuha ang plorera ng bulaklak sa mesa at ibinato sa kanya.
Nanlaki ang mata ni Keith bago siya umilag sa gilid at pinanood ang pagbagsak ng plorera sa sahig na may malakas na kalabog.
Nainis si Vale at kinuha ang unan sa tabi niya at ibinato sa kanya.
Lumapit siya kay Keith at ginamit ang unan para paulit-ulit siyang hampasin.
"Hayop ka! Paano mo nagawang sabihin ang ganun sa akin! Galit ako sa 'yo! Galit na galit ako! Ugh-" Huminto si Vale sa kanyang pag-atake nang may naramdaman siyang sakit sa kanyang tiyan, sinundan ng isang basa na tumutulo sa kanyang mga binti.
Natigilan si Keith nang itaas ni Vale ang kanyang gown. Dugo ang tumutulo sa kanyang mga binti!
Agad na binuhat ni Keith si Vale sa kama at pinahiga siya bago niya pinindot ang emergency button.
Malaki ang mga mata ni Vale sa gulat at takot, tumulo ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi habang hinahawakan niya ang kanyang tiyan na may pag-aalala.
"Hindi...hindi...ang baby ko...hindi..."
Ang mukha ni Keith ay kasing-puti ng papel.
Pumasok si Dr. Huna at ang kanyang grupo at agad na ginawa ang kanilang trabaho.
Nakatayo si Keith na tulala habang pinapanood silang nagtatrabaho. Nakaugat siya sa kinatatayuan niya, pero masasabi mong down na down at guilty siya base sa kanyang mukha.
Ang kanyang puso ay parang sasabog mula sa kanyang dibdib dahil sa anxiety na nararamdaman niya.
Kung titingin kang mabuti, makikita mo kung paano nanginginig ang kanyang daliri paminsan-minsan.
***
Lumingon si Dr. Huna para harapin ang kanilang natigilang CEO at sumimangot. Mukha siyang naging bato ni Medusa.
Nakatingin siya sa sahig, at hindi gumalaw ang kanyang katawan nang matagal.
"...Mr. Johnson!"
Gumalaw sa wakas si Keith ang kanyang tingin patungo kay Dr. Huna nang sumigaw siya.
"Huh-oo?"
Tiningnan ni Dr. Huna ang natakot na lalaki, na nakaramdam ng pagkamangha.
Nakita na niya ang maraming lalaki na nagpa-panic tungkol sa kanilang asawa, pero wala pang natigilan na tulad niya.
"Nakaramdam ng shock ang iyong asawa kaya nagkaroon ng pagdurugo. Huwag kang mag-alala. Hindi naman naapektuhan ang sanggol. Mag-ingat ka lang sa susunod."
Tumango si Keith, "Salamat."
"Trabaho namin iyon." Ngumiti si Dr. Huna bago umalis.
Umiling siya nang makita niya ang gulo sa loob ng kwarto.
"Masaya ka na? Muntik ko nang mawala ang baby ko ngayon dahil sa'yo..." pinunasan ni Vale ang kanyang mga luha.
"Huwag kang magsinungaling sa akin. Magpapasalamat ka kung papatayin ko ang sarili kong anak, hindi ba? Hindi mo na kailangang dumihan pa ang iyong mga kamay sa paraang iyon."
Binuksan ni Keith ang aparador at naghanap ng pantulog bago siya lumakad patungo kay Vale.
Sumimangot si Vale nang makita niya siyang lumalapit sa kanya na may pantulog.
"Anong ginagawa mo?" agad siyang nag-ingat.
Sinamaan siya ng tingin ni Keith bago niya siya tinulungan at hinila ang kanyang gown.
Hininto ni Vale ang kanyang mga kilos at sinubukang lumayo sa kanya.
"Huwag kang gagalaw!"