Kabanata 20: Walang Puso
“Bakit ka ba ganyan kawalang puso?” namumula na ang mga mata niya.
“’Nay, huwag! Hindi worth it…” Hinila ni Keith ang braso ni Samantha.
Binalewala ni Samantha ang kamay ni Keith, “Hindi! Kailangan kong ayusin ‘to ngayon! Ang dami mo nang sinakripisyo para sa kanya, pero anong ginawa niya?!”
“Kinidnap niya ang mga kaibigan mo! Kinidnap niya ang mga anak ko! Gusto ka niyang pahirapan! Paano mo siya hinayaang gawin ‘yun?!” Tumulo ang mga luha sa pisngi niya.
Napanguso si Vale.
Walang mali sa ginawa niya.
Sumunod lang siya sa prinsipyo niya na ‘mata sa mata’. Anong masama doon?
Pwede siyang saktan ni Keith, pero siya hindi pwede?
Kakatawa!
Ngumisi siya, “Tita, paano naging kasalanan ko ‘to? Si Keith ang unang nanakit sa akin. Hindi ko gagawin ‘to kung hindi niya ako ininsulto at pinalayas sa bahay niya. Sabi pa niya gusto niyang pakasalan si Sherry.”
“Tumahimik ka! Naghahanap ka lang ng dahilan! Sinabi niya ‘yan, tapos maniniwala ka? Pinagkatiwalaan ka niya pero pinagkatiwalaan mo ba siya? Hindi!”
Nanigas si Vale nang tinamaan siya ng mga sinabi niya.
“’Nay, buntis siya. Hindi maganda kung gagawin mo ‘to ngayon. Halika na. Pwede mo siyang kausapin mamaya.” Sinubukan ni Keith na kumbinsihin ang nanay niya na umalis.
“Hanggang ngayon, nagmamalasakit ka pa rin sa kanya? Itong walang utang na loob, sinungaling, dalawa ang mukha na babae? Hindi siya karapat-dapat sa pagmamahal mo!”
Umiling si Vale at lumingon para bumalik sa loob ng bahay nang magsalita si Samantha, “Bakit mo kinuha ang parusa para sa kanya? Bakit mo ipinagpalit ang buhay mo para sa kanya? Tiniis mo ‘yun ng 6 na buwan! Bakit gusto ka nang kunin ni God bago ako? Paano ako mabubuhay kung mawawala ka rin?”
Parang pinunit ang puso ni Keith.
“’Nay, tigilan mo na ang pag-iyak. Hindi ako makakaalis nang payapa kung patuloy kang iiyak nang ganito.” Nabali ang boses niya habang niyakap niya ito nang patagilid.
Naglakad sila papunta sa naghihintay na kotse.
Pinanood ni Vale ang mag-ina na lumakad papalayo. Malulungkot ang mga makakakita sa kanila.
Hindi maipaliwanag na sakit ang tumusok sa puso niya, at hindi napigilang manginig ng katawan niya sa ginunita ang mga sinabi nila.
Kinuha ni Keith ang parusa para sa kanya.
Ipinagpalit niya ang buhay niya para sa kanya.
Tiniis niya ng 6 na buwan.
Anong ibig sabihin nila?
May isang hikbi na umalingawngaw, at natagalan pa bago niya narealize na galing ‘yun sa kanya.
Nanlabo ang mga mata niya, at walang tigil na tumulo ang maiinit na luha sa pisngi niya.
Nanginginig siyang pumasok sa loob at mahirap na umupo sa kanyang sofa habang umiiyak nang umiiyak.
Biglang sipa sa kanyang tiyan ang naging dahilan ng kanyang pagdaing sa sakit.
Para bang alam ng sanggol ang ginawa niya at hindi natuwa rito.
Pero, hindi niya inasahan na sisipa ulit ang sanggol.
Hinawakan niya ang unan sa tabi niya habang hawak-hawak ang kanyang masakit na tiyan.
God, ang sakit!
Tumulo ang pawis sa kanyang noo habang pumipikit siya at sinusubukang tiisin ang sakit.
“Vale? Hoy…hoy…ayos ka lang ba?”
“Masakit ang tiyan ko…” Minulat niya ang kanyang mga mata at nagulat nang makita niya ito.
“…Keith? Ano–”
Nang walang sinasabi, binuhat ni Keith si Vale na parang bagong kasal at lumabas ng pinto nang malalaki ang hakbang at patungo sa kotse na naghihintay sa labas ng bahay niya.
“Sa ospital. Bilisan mo!”
“Opo, Sir!” Agad na binuksan ng driver ang pinto ng passenger seat bago siya lumakad patungo sa driver's seat.
Hinawakan ni Vale ang braso ni Keith habang nagdaing siya sa sakit paminsan-minsan.
“Hawak lang.” Pinunasan ni Keith ang pawis sa maputlang mukha ni Vale.
Sa totoo lang, bumalik siya sa bahay nito para sabihin sa kanya na huwag pansinin ang mga sinabi ng kanyang nanay.
Sino ang mag-aakala na makikita niya ito sa ganitong kalagayan?
Kung hindi siya bumalik…
Agad na tinanggal ni Keith ang isiping iyon.
Ang mahalaga ngayon ay ang kanyang kasalukuyang kalagayan.
Nagulat ang puso ni Vale nang makita niya ang pag-aalala sa mukha ng lalaki, “Keith…sabihin mo sa akin…ang sinabi ng nanay mo–”
“Shh… pag-usapan natin mamaya…”
“Nandito na tayo.” Ipinark ng driver ang kotse sa pasukan ng ospital.
Naisnabihan na ni Keith ang ospital ng kanyang pagdating papunta rito. Isang grupo ng mga tao na nakasuot ng puti ang naghihintay na sa kanya sa pasukan ng ospital.
Sinulyapan niya ang wheelchair na inihanda nila bago pumasok sa loob ng ospital, binalewala ang naguguluhang tingin sa mukha ng mga doktor.
Gayunpaman, walang nangahas na magreklamo dahil si Keith o Kyle Johnson ang may-ari ng ospital.
Hinabol nila ang CEO nang nagmamadali.
****
Ilang minuto pagkatapos na suriin ng doktor si Vale, tumayo si Keith mula sa kanyang kinauupuan at lumapit sa hospital bed.
“Kumusta sila?” Tinignan niya nang masama ang team head, Dr. Huna.
Napalunok si Dr. Huna bago sumagot, “Sobrang stressed siya, at malaki ang epekto nito sa sanggol. Kailangan niya ng maraming pahinga at dapat kumain ng masustansyang pagkain.”
Napanguso si Dr. Huna habang nakatingin kay Vale, “8 months ka nang buntis ngayon. Huwag mong sabihin na nagbubuhat ka pa rin ng mabibigat na bagay at gumagala na parang hindi buntis?”
Nang marinig ang sermon ni Dr. Huna, napanguso si Vale pero napilitang yumuko nang maramdaman niya ang mga masamang tingin mula sa kabilang gilid ng kama.
Bumuntong-hininga si Dr. Huna at lumingon kay Keith, “Mr. Johnson, paki-alagaan po ang asawa niyo at ang anak niyo. Tsaka, paki-sabi sa anak niyo na huwag masyadong sipain ang tiyan ng asawa niyo. May ilang linggo pa bago siya isilang. Sabihan mo siyang magpasensya.”
Binigyan ni Keith si Dr. Huna ng blangkong tingin.
Ang tanging naproseso lang sa kanyang utak ay ang mga salitang ‘alagaan ang asawa mo’ at ‘sipa ng sanggol sa tiyan’.
Naghanda si Dr. Huna na lisanin ang kwarto kasama ang kanyang mga tauhan bago siya lumingon, “Oh at paki-alagaan ang emosyon niyo. Sa puntong ito, mararamdaman ng sanggol ang emosyon ng kanilang magulang. Kaya…sa tingin ko alam niyo na ang gagawin.”
Isinara nila ang pinto sa likod nila, iniwan ang dalawang tao sa kwarto.
“Nasaan si Xavier?”
Natigilan si Vale nang marinig niya ang tanong niya.
Pagkatapos ng lahat, hindi ba dapat tinanong niya muna kung kumusta siya?
Kinutya ni Vale ang sarili niya sa isipan.
Bakit naman niya gagawin ‘yun?
Sa hindi pagtugon sa kanya, kinuha ni Keith ang kanyang telepono at iniabot ito kay Vale, “Tawagan mo siya. Babalik ako mamaya.”
Umalis siya ng kwarto.
Tinitigan ni Vale ang telepono sa kanyang kamay na tulala.
Bakit niya sinabi na tawagan si Xavier?
Akala ba niya talagang may relasyon sila ni Xavier?
Tumulo ulit ang mga luha sa pisngi niya.
Wala na ba siyang nararamdaman para sa kanya?