Kabanata 10 Nakakahiya
“Oh, anak, may nakarating sa akin na parang kayo na raw ni Chloe diyan.” Ngumiti si Tiyo Tan kay Reed, tapos tumingin sa amin na parang 'alam ko' ang itsura.
Si Patrick ba yung 'little birdy' na 'yon?
“Sinabi lang sa 'yo 'yan ni Patrick, na, by the way, pinakamasamang kasinungalingan, kanina,” sabi ni Reed, tapos nag-cross arms, este, pakpak niya.
“Tumigil ka nga sa pagiging bastos, anak,” saway ni Tiyo Tan, “Bukod pa ro’n, ikaw pa may ganang magsalita.” Ngumisi siya habang tinuturo ang chicken suit ni Reed.
Sinamaan siya ng tingin ni Reed.
Kaya natawa ako nang malakas,
Sinamaan ako ng tingin ni Reed.
Kaya natawa nang malakas si Tiyo Tan.
Sigh. Like father like son.
Kung cartoon character si Reed, literal na puputok ulo niya.
Kumuha siya ng kung ano sa chicken pockets niya, oo may nakatagong bulsa yung suit.
Tapos biglang, may naramdaman akong nag-vibrate sa bulsa ng jeans ko. Kinuha ko phone ko, tapos sumimangot ako nung nakita ko text galing sa demonyo mismo,
“CconviNCceee mnhy daaasd tob lkjrseasve.”
Sa tingin ko, ang ibig sabihin n'on, 'Convince my dad to leave.'
Wow, ang galing niya mag-type ng messages nang hindi tumitingin nang maayos. SARCASM.
Ngumiti ako, tapos sinabi nang malakas, “Pa'no kung ayaw ko?”
Ngumisi siya habang naguguluhan si Tiyo Tan, “Pa'no kung ayaw mo?” tanong ni Tiyo Tan.
Vibrate.
CFRRAXZZXDFYYHGDAATTER.
Crazy Hater.
Fine.
“Hoy. May bago raw na Frog set sa department store!?”
Nasabi ko ba 'yon?
“Ano?” tanong ni Tiyo Tan,
Kasi, adik si Tiyo Tan sa mga palaka, patay man o buhay. Kaya hindi na nakakagulat kung tatakbo siya do’n para makita 'yon, gaya ngayon.
Hindi pa ako nakakapagsalita, tumakbo na siya papunta sa escalator, pababa.
“Bakit nag-negosyo 'yung tatay mo ng,” umubo ako habang tinuturo yung suit niya. “Mga manok, eh halatang adik siya sa mga palaka?”
Nagkibit-balikat siya.
◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇
“Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na kayo na pala niya,” tinuro niya si Reed, “Officially!?”
Binuka ko bibig ko para sumagot, pero tumigil ako nang mapansin ko yung sinabi niya, “Officially?”
Ngumiti si Archie, “Yes, officially. Of-fi-cial-ly. Officially.”
Tumingin ako sa kanya nang may pagka-offensive, “Alam ko 'yung salitang ‘officially’ Archie,”
“So?”
“Bakit officially?”
“Ooohh…” Natigil siya, “Well bago niyo pa man nilagyan ng label 'yung relasyon niyo, parang mag-jowa na kayo kumilos. Right Hunny buns?” Kinilig si Archie, habang nakatingin kay Ivan.
Ew.
Ngumisi si Ivan, “May sinabi rin sa wakas, 'no?”
Nakita kong binigyan ni Langston ng tingin si Ivan pero nagkibit-balikat na lang ako.
“Hindi 'yon totoo! Absolutely, positively, affirmatively, hate ko siya!”
Tumigil si Archie sa pagkikilig sa kanya tapos tumingin sa akin na nakataas ang kilay habang naka-air quotes, “Then bakit kayo magkasama? Kung ‘absolutely, positively, affirmatively, hate mo siya’?”
Tumingin ako sa gilid ko, well, sinamaan ko ng tingin.
Binigyan ko si Reed ng ‘help me’ look, habang ngumisi lang siya at binigyan ako ng ‘you’re on your own’ look.
Butt head.
Nasabi ko na ba sa inyo na Ass siya?
Isang jerky ass?
Ay oo nga pala, Reed nga pala tawag ko sa kanya.
“Kasi secretly mahal ko siya.” Sabi ko sa pagitan ng ngipin ko, na naging dahilan para ngumisi si Reed at umakbay sa bewang ko, “Well, hindi ko naman hahayaan na, “ Tiningnan niya ako habang kinukurot ilong ko, “hunny buns ko, ma-late, right?” Tapos tumingin siya kay Ivan, “Kita tayo mamaya dude.”
Tapos naglakad na siya, pero nagmatigas ako, pero dahil malakas siya, literal na hinila niya ako. Naging dahilan para magbigay sa amin ng ‘aww’ look yung mga tao sa paligid o kaya naman inis na itsura.
Bakit walang tumulong sa akin na nakikipaglaban ako? Kasi daw nag-c-cuddle kami.
Awkward…
~-~
“Anong kalokohan 'yan Reed!?” Bulong ko habang kinukurot yung, sa kasamaang palad, payat, may laman, malalakas niyang biceps.
Guess totoo yung isang tsismis.
Umikot mata ni Reed at hindi tinangkang itaboy ang mga daliri ko, “Pupunta tayo sa Underground.”
Underground? – Tumingin ako sa paligid tapos sumimangot ako nung mapansin ko na walang masyadong tao sa park, na kakaiba kasi laging puno yung park sa neighborhood namin.
Ay oo nga pala, hinila niya ako papunta dito. Pagkatapos ng klase kanina, nagdesisyon siya na sabihin na ‘I'll show you something’ nang wala sa oras bago ako hilahin sa kanyang black lamborghini.
Kung hindi lamborghini 'yon, tatawag na ako ng pulis ngayon.
“Anong kalokohan 'to? Nasa gitna tayo ng wala, walang tao na naglalakad sa paligid, o aso na may tali! Parang sementeryo!”
“Kasi naman talaga.” Ngumisi si Reed, tapos kinunot niya ilong niya, na ginagawa niya palagi kapag nag-iisip siya nang malalim. – I find it adorable; I mean, the bad boy wrinkles his nose every time he thinks very deep.
Wew.
Wait, inamin ko ba na adorable siya?
Ew.
“Well,” Patuloy niya, “Hindi naman talaga, mas yung nasa ilalim ng park, 'yung sementeryo.”
“Pa’no nangyari 'yon?” Tanong ko na curious, tumitingin sa baba kung saan ako pupunta, baka makatapak ako ng tae,
Ngumisi siya, “Makikita mo,”
~-~
“Hindi ako makapaniwala na may daanan pala sa likod ng comfort room ng guard! Nakakakilabot, at kadiri.” Lumipad mga braso ko habang tinitingnan si Reed na parang baliw, na baliw naman talaga siya.
Walang emosyon yung mukha ni Reed, wala, zip-po.
“Oh my goodness, nasa loob kami ng elevator. Isang elevator!” Sigaw ko, tinitingnan yung paligid ng elevator na parang gawa ito sa mga ipis; bukod pa ro’n, nakakakilabot talaga! Kumikislap mga ilaw gaya ng sa horror movies, mga dingding ay napuno ng kung ano-anong sulat at hindi kilalang berdeng putik. Dagdag pa ro’n, may mga patak ng dugo sa sahig.
Nanlaki mata ko, tapos tiningnan ko si Reed na parang nag-aakusa. “Pinaplano mo na ba ako patayin!? Please, huwag mo ako pahirapan!”
At nag-ding yung elevator door.