Kabanata 74 Sa Wakas
“So ano’ng ginagawa natin dito?” tanong ko kay Chloe, habang nakatingin sa nakakatakot na bahay sa harap ko.
“Kina-confirm lang natin… yung isang theory.” Bulong niya, habang mas nilalapit ang siko ni Reed.
“Sasabihin niyo bang may posibilidad na buhay pa ang lolo at lola ko?” tanong ni Adam, bago tumawa na parang baliw, “Dude, patay na sila!” Tapos natahimik siya, “Please, ‘wag kayong magbiro.”
Ngayon ko lang nakita si Adam na nagmumukhang vulnerable; sobrang vulnerable na para siyang nag-po-pout na nawawalang tuta.
Hinawakan ko yung kaliwang kamay niya na dahilan para mapatingin siya sakin. “Kailangan nating gawin ‘to, Adam. Kailangan talaga.”
Bumuntong hininga siya sa pagkatalo, pinisil niya ang kamay ko at tumango. “Tara na.”
Naglakad kami papunta sa bahay at kumatok.
Kailangan naming malaman kung tama ba yung nakita ko at nakita nila, na buhay pa sina Carlo at Linda. O mga guardian lang sila, parang cupid spirit na nagtatagpo ng mga couples.
Bumukas ang pinto—nung binuksan ni Reed yung doorknob.
“Parang walang tao.” Bulong ko, “Papasok pa ba tayo at–” Naputol ako nung may narinig akong ubo na galing sa loob ng bahay.
May tao sa loob.
“Lolo?” Nagulat si Adam bago tumakbo sa kaliwang sulok ng hallway.
“Adam!” Sinundan namin siya at pumasok.
Ang nakita namin sa harap namin ay nagpatigil sa amin.
Nakaratay si Carlo sa kanyang kama, habang hawak ni Adam ang kamay niya sa tabi niya.
“Carlo.” Kaming tatlo nina Chloe at Reed ang sabay na bumigkas.
“Lolo…” Bulong ni Adam, mga luha ay tumutulo sa kanyang mga mata. “Ano–? Bakit–? Ako… Pumunta ako dito dati, wala ka dito! Bakit hindi ka man lang nag-contact?”
“Sabi ni Linda mas magiging maayos ka sa pangangalaga nila.” Ngumiti si Carlo sa kanya at tinapik ang kanyang ulo, “At tama siya; mukhang maayos ka.”
“Hindi ko maintindihan… Pagkatapos ng lahat ng taon?” Humagulgol siya, “Akala ko namatay ka na at si lola sa sunog na ‘yon!”
“Halos.” Bulong ni Carlo, habang itinaas niya ang isa sa kanyang kamay na nagpakita ng paso na nakita ko sa ospital. “Pero nakatakas kami at–” Nagpatuloy siya sa pag-ubo, pero ang ikinagulat ko ay ang katotohanan na umuubo siya ng dugo.
“O-okay ka lang ba?” Nagulat si Adam tapos humarap kay Reed, “Tawagan mo ang 911, please.”
Sa wala pang isang segundo, nasa labas na si Reed hawak ang kanyang telepono at si Chloe nasa likuran niya.
“Adam, naniniwala ako na lahat ng ‘to ay may plano ang Diyos. Naniniwala ako na ang anumang nawala ay mapapalitan ng mas mabuti.” Bulong ni Carlo, “Nakikita ko na ang liwanag, Adam. Nakikita ko na ito matagal na.”
Carlo…
Mas humagulgol si Adam, mga luha ay tumutulo sa kanyang pisngi. “Lolo…”
Ngumiti ng malungkot si Carlo, “Kasi, nung namatay si Linda 5 years ago dahil sa kanyang sakit, gusto ko na rin siyang sundan agad. Pinapatay ako ng malaman na hindi ko na siya makakasama. Pero bago siya pumanaw, ang huling salita niya ay hanapin ka at ipaliwanag kung bakit namin ginawa ‘to; kung bakit kami nagtago sa’yo.” Umuubo pa siya, “Mahal kita Adam, mahal ka ni Linda ganoon din ang iyong mga magulang. At gusto namin ang pinakamabuti para sa’yo, kasamaang palad dalawang matatanda ay hindi kayang gawin ‘yon para sa’yo… May kontrata sa iyong mga magulang at D.A.C na kung may mangyari sa kanila, kukunin ka nila. Iniisip naming ibigay ka na lang sa kanila sa sarili naming kalooban, pero wala kaming chance na gawin ‘yon nung nagkasunog sa bahay. Nung nakatakas kami, nawalan ng malay si Linda at nagstay kami sa ospital ng matagal. Nung gumaling kami, sinabi niya na wag kang i-contact dahil alam niya na pupunta ka samin kahit ano pa mangyari.”
….. Ano?
“Pasensya na Adam, pasensya na kami.” Umuubo siya.
Mas humagulgol si Adam at sinabi, “Ayos lang, talaga ayos lang. Ngayon please, tipirin mo na yung hininga mo at maghintay ka sa ambulansya na–”
“Huwag.” Huminga siya, “Pumunta si Linda sa kabilang buhay sa bahay na ‘to, sa kwartong ‘to, sa kama na ‘to. At gusto kong pumunta doon sa paraan na ginawa niya.”
Hindi…
Umiling si Adam, tinatanggihan kung ano ang sinasabi ng kanyang lolo. “Huwag, huwag. Nakita kita ngayon lang matapos ng ilang taon. Huwag ka munang umalis, hindi pa, please.”
“Kailangan ko na Adam, nakikita ko na yung liwanag.”
“Araw lang ‘yon,” sabi ni Adam, “Huwag kang pumunta doon, huwag ka muna pumunta… please.”
Tumawa ng konti si Carlo. “Huwag ka nang umiyak Adam; pag-iyak sa harap ng babaeng mahal mo ay nagpapahina sa’yo.”
Umiling si Adam, “Actually, yung babaeng ‘yon din ang nagsabi na umiiyak ang mga tunay na lalaki.”
“She's a keeper.” Humarap si Carlo sa akin, “Hello Emily.”
“Hey…” Kumaway ako ng awkward.
Ngumiti si Carlo bago bumuntong hininga, “Huwag kang malungkot Adam, maging masaya ka para sa akin. Makakasama ko na sa wakas si Linda. Sa wakas.” Binuksan niya ang kanyang mata at ngumiti kay Adam, “Isipin mo yung pagkawala ko bilang isang magandang regalo. Naghintay rin ako na makita siya ng ilang taon, Adam. Torture yung wala siya. Sasamahan ko na siya ngayon, kaya please, maging masaya ka.”
Umiyak ako at sinubukang pigilan yung mga luha na patuloy na tumutulo. Romantic niya masyado.
“Ah, nararamdaman ko.” Bulong niya. “Mahal kita Adam.” Humarap siya sa akin, “Please alagaan mo ang apo ko at ang magiging anak mo.”
“Opo.” Tumango ako, umiiyak ng todo.
Tumawa siya, tumitingin pabalik kay Adam. “’Yon ay sigurado na sasabihin niyang oo para maging asawa mo Adam, you're welcome.”
Matandang lalaki na ‘yon.
“Alagaan mo rin yung mansyon, by the way.” Ngumiti siya, “Tira ka dun kasama ang magiging pamilya mo at magsaya.” Hinalikan niya ang kamay ni Adam at ngumiti, “Magsaya sa buhay, mahalin ang buhay.”
Carlo…
“Alam mo na mahal ka namin Adam, nasaan man kami. Ako, si Linda, ang mga magulang mo.” Bumuntong hininga siya, “Paalam.”
Nagkislap ang mga mata ni Carlo bago pumikit. Bago ko narinig na huminto ang kanyang paghinga, binigkas niya ang mga salitang ito. “My lovely Linda, makikita na ulit kita.”