Kabanata 55 Usap.Usap.Usap
Dalawang malalakas na braso ang yumakap sa 'kin, kaya naman napasimangot ako at sinamaan ng tingin si Reed. "Bitawan mo 'ko!"
"Hindi." Hinigpitan niya ang yakap sa 'kin, "Kailanman."
"Wha-? Pre!" Ginawa ko ang lahat para matanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya, pero hindi gumagana.
Gumagamit siguro siya ng steroids.
"Pre! Please!" Huminto ako sa pakikipagpumiglas, "Alam mo na mayroon tayo - hindi, kailangan nating malaman ang dahilan kung bakit siya nandito... kailangan nating..."
Pinilipit niya ang labi niya, dahan-dahang tumango at hinawakan na lang ang pulso ko.
Mas okay 'yon.
"Tara na." Bulong ko habang naglalakad kami pabalik sa lugar kung nasaan si Andy.
Gumisi ang buhok-blond na punyetang 'yon nang makita niya kami.
Nang malapit na kami sa kanya, hinila niya ako palabas sa pagkakahawak ni Reed at sinimulang yakapin ako nang mahigpit.
Nabulunan ako kaya hinampas ko ang likod niya, "Hing- hindi ako maka-hinga... gago ka!"
Tumatawa, tumigil siya sa pagpiga ng hangin palabas sa 'kin at bumulong, "Miss na miss kita, Emmy!"
Bumuntong hininga ako, niyakap ko siya pabalik at ngumiti, "Miss din kita, Andy."
Hindi ako magsisinungaling at sasabihing mukha siyang ewan, kasi hindi naman. Isa talaga siyang obra maestra, sa kanyang buhok na kulot at blond, mga mata na kulay asul ng langit at six packs, ang hot niya!
Sayang lang bakla siya...
Lumayo ako sa kanya, itinuro ko si Reed. "Si Reed 'yan, isang... isang tao." Humarap ako kay Reed, tinapik ko ang balikat ni Andy. "At ito si Andy, ang bffae ko; best friend forever and ever."
Sumimangot si Reed sa kanya habang ngumingisi si Andy.
Oo, gusto siya ni Andy.
Si Andy na palamuri at magiliw, inilagay niya ang kanyang kamay sa harap para makipagkamay at sinabi, "Andy Taw, nice to meet you."
Si Reed, nakatingin pa rin sa kanya, nakipagkamay sa kanya at sinabi, "Reed. Reed lang.
Iniisp ko, hindi ko talaga alam kung ano ang apelyido ni Reed.
Pero, isa siyang ahente kaya...
"Uh Andy..." Humarap ako sa kanya, "Pwede ba tayong mag-usap?"
"Hindi ba tayo nag-uusap ngayon?" Umungol siya nang sarkastiko.
"Hindi, ang ibig kong sabihin magkaroon tayo ng pribadong usapan, gago ka." Sinamaan ko siya ng tingin. "Huwag mo akong sagutin; galit pa rin ako sa 'yo dahil iniwan mo ako."
Nakangiting nahihiya, tumango siya. "Sige, Bayaran muna natin 'to." Itinuro niya ang aming mga cart.
Tumango, naglakad kami patungo sa cashier.
--------------------->>>>
"Gusto ko lang malaman, bakit ka nandito?" Tanong ko kay Andy habang umiinom.
Lumapit si Reed sa 'kin at hinawakan ang kamay ko sa ilalim ng mesa.
Anong problema niya?
Sinubukan kong ilayo ang kamay ko, sinusubukang itago sa blond sa harap ko, pero may ibang iniisip si Reed at hindi niya ako bibitawan.
Hay naku.
"Namatay si Tita Jones." Bulong niya.
Tita Jones?
Sino ba 'yun- kahit sino man siya, kailangan talagang importante. Ayaw ni Andy sa mga eroplano. O sa matataas na lugar.
"Ay naku..." Bulong ko pabalik. Pinilit kong ilabas ang kamay ko sa pagkakahawak ni Reed, hinawakan ko ang kay Andy at sinabi, "Anong pakiramdam mo?"
Ngumiti siya ng kaunti, "Okay lang ako. Ibig kong sabihin, hindi ko talaga nakita ang babae noong nabubuhay pa siya; nandito lang ako dahil dati siyang best friend ng nanay ko noong high school pa sila."
Ay.
Agad na lumapit si Reed at inilagay ang kamay niya sa hita ko.
"Kumusta ka naman? Bakit ka nandito sa Denovan?" Tapos lumapit siya, "Bakit ka niya kasama?"
Ubo nang malakas si Reed at sinamaan ng tingin si Andy, "Naririnig kita." Ibig kong sabihin, nasa tabi ko lang naman siya.
Kinindatan siya ni Andy at naghintay na sumagot ako.
"Ako ay uh..." Natigil ako. Ibig kong sabihin, pakiramdam ko ay hindi gusto ni Reed na sabihin ko sa kahit kanino ang tunay na dahilan kung bakit ako nandito.
Kaya binuksan ko ang bibig ko para sumagot nang sumingit si Reed habang kinukuha ang kamay ko mula kay Andy at hinawakan ito sa kanya.
"Siya ang fiancé ko; nandito siya para makilala ang mga magulang ko."
Teka, ano?!