Kabanata 57 Vid.Cal
“Kumusta si Franco?” tanong ko habang sinusubukang ayusin ni Adam ang web cam.
Ngumiti si Fey at sinabing, “Okay naman siya. Bumalik na sa normal yung tibok ng puso niya. Sabi ng doktor, posibleng magising siya within this week. Pero wag masyadong umasa.”
Inayos ni Adam at umupo sa tabi ko. Tinanong niya, “Bakit?”
“Lasing yung doktor.”
ANO RAW?
“Bakit naman siya nagpakalasing?!” hingal ni Adam.
Nakasimangot ako at sinabi, “Tatawag ako ng 911.”
“Hindi!” Lumaki ang mga mata niya, “Ibig kong sabihin, nasa club kami, kaya siya lasing!” paliwanag niya.
Bakit naman nasa club yung tangang doktor na yun?
Teka muna... “‘KAMI’?”
Lumaki ang mga mata niya, at dahil sa kanyang hd camera, nakikita naming namumula siya. “Ah nag-enjoy kami kagabi.”
“Hindi ko alam na gusto mo pala ng matatanda, Fey.” Kinindatan ko siya nang nang-aasar.
“Hindi naman siya ganun katanda. 30 palang siya.”
Lumaki ang mga mata ko, “Parang doble na ng edad mo yun ah!”
“27 na ako.”
Lalong lumaki ang mga mata ko, “27 ka na?!”
Putcha! Mas matanda siya sa akin!
Nakasimangot si Adam at nagtanong, “Kung naglalandi ka sa kanya, sino ang nag-aalaga sa kanya?”
“Nandun si Nanay sa kwarto, kasama yung ibang espesyal na ahente; wag kayong mag-alala.” Ngumiti siya bago umubo, “At hindi ako nakikipaglandian sa kanya. Tigilan mo nga yan.”
Kumabog yung kilay ko at kinindatan ko siya, “U-huh.”
Nakasimangot siya bago umayos ng upo. “Kayo naman? Kumusta diyan?”
“Well, yung bahay na may multo mukhang napakaganda dahil sa akin.” Pagmamalaki ko nang mayabang.
Umungol si Adam, “Dahil sa atin Em, sa atin.”
Umikot ang mga mata ko at pinagsawalang bahala siya, “Oo nga, whatever. Dahil sa atin.”
“Talaga?” tanong niya, “Nakita ko na yung bahay noon, at sabihin na lang natin na natulog ako sa isang random na hotel.”
Tumatawa, tumango ako. “Alam ko yung feeling! Maniwala ka sa akin.”
“So nilinis niyo na yung bahay, yun lang?” tanong ni Fey, “Paano yung kaligtasan niyo? Okay lang ba kayo?”
“Oo.” Tumango ako.
Umubo si Adam, “Nakilala namin yung best friend ni Emily aka Andy Taw.”
Tumango siya.
“At tsaka um, technically nag um, nag lunch kami kasama niya at um-”
“Teka, SA OHIO?!” Hingal niya nang malakas. “Gusto mong tawagan ko yung ahensya at-”
“Okay lang.” Sabi ni Adam, “May rason naman siya kung bakit siya nandito.”
“Kung yan ang sabi mo.” Tumango siya kalaunan, “So, tungkol sa lunch kasama siya?”
“Tinanong niya kung bakit kami nandito.” Bulong ko.
“At?”
“Sinabi ko na nandito siya para makilala yung parents ko.” dagdag ni Adam.
“Hmm? Hindi ba kahina-hinala yun?” Iniunat ni Fey yung mga braso niya. “Ibig kong sabihin, hindi ka niya kilala at hindi mo siya kilala, at siya yung best friend niya-”
“Sinabi niyang engaged kami.” Nasabi ko nang gigil ang mga ngipin.
Sa una, akala ko mabagal ang internet connection, o may mali sa site dahil literal na nagyelo siya, pero kalaunan ay nagsimulang tumawa siya nang malakas. “Ano?!” Hingal niya.
Nagpout ako at ipinagkrus yung mga kamay ko sa dibdib ko. “Bobo siya.”
“Sa lahat ng dahilan na pwede mong i-rason, bakit kayo, ‘engaged’ ?!” Patuloy siya sa pagtawa.
Nagpout si Adam, “Na-pressure ako!”
Nagmura ako, “Na-pressure kami. Pero hindi mo narinig na nakikipag-rason ako sa kalokohan na yun, diba?”
Tumingin sa akin si Adam, “Sa oras na yun, wala kang matinong dahilan, diba?”
Natawa rin ako kalaunan. “Touché, kaibigan ko, touché.”