Kabanata 17 Sinungaling, sinungaling, pantalon sa… tubig?
“Sabi ko na nga ba magdadala ka ng mask… O kahit anong pwedeng magtakip sa mukha ko.” Binigyan ko si Langston ng mukhang puppy, “Ito na ang pinaka nakakahiyang bagay na ginawa ko sa buong buhay ko!”
Hiss sakin ni Langston, “Hindi naman ikaw yung naka-chicken suit dito. Tsaka,” Ubo niya, “Sabi ni Patrick may promotion ako pagkatapos nito.”
“Talaga? Sige, ang pagpapakita sa labas ng Big Apple na naka-chicken suit worth ang promotion? Niloloko mo ba ako?” Ibig kong sabihin, lumipad tayo galing sa bahay natin, Denovan, papunta sa madaming tao at maingay na siyudad na ito. New York.
Nagkibit balikat lang siya.
Sinamaan ko siya ng tingin. “Anong promotion ba yun?” Tanong ko sa kanya habang hinahaplos ko ng dahan-dahan ang mga pakpak niya.
Tumingin siya sakin na nahihiya, “Well…”
----3 days later---
“So, anong pakiramdam ng pagiging mensahero?” Tanong ko kay Langston na may nakakalokong ngiti, na sa paraan palang na iyon nakakainis na siya.
Oo, ang biyahe papuntang New York ilang araw na ang nakalipas ay para sa promotion na maging mensahero. Ako mismo walang ideya kung anong kinalaman ng mga pakpak ng manok sa mga sulat, pero bahala na.
Bukod pa doon, magandang promotion yun kasi hindi na siya naka-chicken suit. Itong nakakadiring kulay rosas na polo shirt na may logo ng manok sa kanan, at matingkad na dilaw na pantalon. Bahala na.
“Hindi ako mensahero ng kahit sino, isa akong delivery boy.” Sabi niya sakin, kinokopya si Shrek, habang nagja-juggle ng bag na puno ng sobre sa kanyang mga braso.
“Alam mo,” sabi ko, “Kung mahuhulog mo yan, liliparan ng papel kahit saan - ibig kong sabihin kahit saan.”
Umikot ang mga mata niya, “Puh-lease, madali lang gawin 'to.”
Itinaas ko lang ang kilay ko at tahimik na naglakad.
Tahimik man ako ngayon, pero sa kaibuturan ko, hinihintay ko lang na madulas yung bag.
Maniniwala ka man o hindi, sina Langston at ako ay matalik nang magkaibigan sa loob ng ilang linggo. Pagkatapos ng ‘heart-to-heart’ talk namin sa tuktok ng bundok, nakakagulat na, naintindihan ko siya.
Pero ang pinaka nakakagulat na balita ay, hindi naman siya ganun kasama, talaga.
Cute nga siya! Lalo na yung surpresa na binigay niya sakin nung araw ng mga puso, ibig kong sabihin, paano makakagawa ng ganun na sweet ang isang bad boy sa isang babae? O mas mabuti pa, sa kahit sino!?
“Hoy Langston,” tawag ko. “Saan ba tayo pupunta?”
Nagkibit balikat siya, “Sa may daan.”
Sinamaan ko siya ng tingin, “Langston…”
Tumango siya sa isang bahay na matatagpuan sa may daan, “Walang biro, sa may daan lang talaga - Shit!”
Humarap ako sa kanya at nagsimulang umubo para matakpan ang aking pagtawa. Nadulas si Langston sa tumpok ng kanyang sinabi: Shit.
Poop.
Crap.
Ang bagay na lumalabas sa butas ng pwet ng isang tao.
Ang kayumanggi itim-itim na mabahong bagay.
Teknikal, noong nadulas siya, lumipad sa hangin ang mga sobre sa paligid niya, katulad ng mga nasa pelikula kung saan may nagtatapos. Pero imbes na mga sumbrero, mga kayumanggi at puting sobre sila.
Ah, “Sabi ko na sayo.”
Umungot siya. “Puwede mo ba akong tulungan tumayo?”
Ngumisi ako, “Nagsabi ba ng ‘please’ ang bad boy?”
“CHLOE!”
Tumawa ako, “Sige, sige!” Yumuko ako sa aking mga tuhod at tinulungan ko siyang tumayo, siguradong hindi ako malapit sa mabahong poop.
“Oh fuck,” Umungol siya, nakatingin sa mga sobre na walang pag-asa. Paglalakad sa tabi niya, kinurot ko ang tiyan niya at binigyan ko siya ng tingin.
Sinamaan niya ako ng tingin, pero noong napansin niya na kailangan niya talaga ng tulong ko, bumuntong hininga siya na may sakit bago binigyan ako ng puppy look face, “Tulungan mo ako.”
Ngumisi ako bago siya tinulungan kunin ang mga sobre.
“Hun! Oh honey!”
Napalingon ang aming mga ulo sa kanan at nakita ang isang matandang babae. Kinakausap ba niya kami?
“Ang lalaki na may kakaibang fashion sense at ang kanyang girlfriend!”
Oo, kami yun.
Pilit na ngiti, naglakad kami papunta sa bahay niya, iniwan ang isang tumpok ng gulo sa likuran namin.
“Ikaw ba ay isang kartero, mahal?” Tanong niya sa kanyang mahinang boses, “Bueno, isang kartero na naka-chicken suit?”
Pinigilan ni Langston ang kanyang mga labi bago binigyan ng tango ang matandang babae.
“Kailangan mo ba ng tulong sa pagkuha ng mga bagay na iyon?”
Tumango muli si Langston, pero sinabi ko kaagad, “Pero hindi mo kami matutulungan.” Mukha siyang marupok.
Ngumisi siya, “Oh, huwag kang sigurado mahal ko.” Tumawa siya, “May mga apo ako na bibisita mamaya, pero nasa elementarya pa sila.”
“Mahusay yun!” Sabi ni Langston na may dalisay na pananabik sa kanyang boses.
“Oh, pero may pabor ako.”
Bumagsak ang kanyang ngiti, “Dapat nakita ko na yan,” Bulong niya ng tahimik, habang tinakpan ko ang kanyang mga bulong ng, “Ano yun?”
Ngumiti ang matandang lola nang mainit sa akin, “Well, may espesyal na mensahe akong ipadadala sa aking kaibigan.”
Itinaas ni Langston ang kilay, “Hindi ka na ba matanda para magkaroon ng mga kaibigan?”
Nanlaki ang aking mga mata at agad na tinapakan ang kanyang paa, “Huwag kang bastos.” Bulong ko ng tahimik bago tumingin sa lola at ngumiti ng mainit sa kanya, “Bakit hindi na lang gawin ng mga apo mo?”
Sumimangot siya, “Sabi ko nga nasa elementarya pa sila, diba?”
Wow, temper!!
Patuloy akong ngumiti, “Syempre, pero… Nasaan ba lugar na ito?”
Agad siyang ngumiti na nahihiya, “Merlamich Villa.”
Merlamich Villa?
“Saan naman yun?” Tanong ni Langston ng walang paligoy-ligoy.
Syempre, gusto kong malaman ang sagot, kaya hindi na ako nag-abala sa kanyang mga ugali.
“Malapit lang talaga. Nasa silangang bahagi lang sa labas ng bayan.”
Halos lumuwa ang aking mga mata, “Malapit pa tawag mo dun!?”
Ngumiti siya, “Malapit sa Walmart sa labas at silangang bahagi ng bayan!”
Siyempre.
Binigyan ko siya ng tango para kilalanin ang aming pakikitungo.
Sinabi ni Langston, “Pakisigurado lang na lahat ng mula doon,” Itinuro niya ang kanyang hinlalaki sa daan, “Kukunin at ilalagay dito.” Itinaas niya ang bag.
“Sigurado!” Ngumisi siya, bago kumuha ng isang bagay sa likod ng pinto at binigyan niya ng kahon. Pagkatapos, iniabot niya ito kay Langston.
“Whoa,” Medyo napagod ang kanyang boses noong kinuha niya ito, “Sigurado, mabigat ito. Anong laman nito? Mga bato?”
Ang matandang babae ay tumawa lang at hindi pinansin ang kanyang tanong, “Siguraduhin na ang kahon na iyon ay nasa kamay ng aking kaibigan bago bukas.” Pagkatapos, isinara niya ang pinto, iniwan kami ni Langston na nag-iisa na may kahon.
“Tara na. Mas mabuting magsimula na tayong maglakad. Nasira ang aking bisikleta, at halata naman na nasa bahay ang aking kotse.” Sabi ni Langston bago umalis.
Sandali...
Lakad?
“Lakad? Ano? Bumalik na lang tayo sa bahay at-”
“Hindi pwede, wala na tayong maraming oras,” Sabi niya, “5 na ng hapon, tsaka na, ang lakad papunta sa bus stop ay ilang minuto na lang.”
Fine.
~-~
“Langston! Nasaan na tayo!? Naglalakad na tayo ng ilang oras!”
Tumingin siya sakin na nahihiya, “Well, lumalabas na walang bus stop.”
“Ano?”
Kinagat niya ang kanyang labi, “Pero may alam akong shortcut.”
“Pero nagsinungaling ka!”
“Hindi ako nagsinungaling sa kahit ano!”
“Talaga? Dapat sinabi mo sakin na walang bus stop!”
Tumingin siya sakin at bumuntong hininga, “Tama ka… Sorry na. Alam ko mali yung ginawa ko, pero pwede ba na wag na tayong mag-away?”
Itinaas ko ang kilay ko bago bumuntong hininga, “Nasaan ang shortcut na ito?”
Ngumisi siya, “Dito mismo.”
Napahinga ako nang makatapak ako sa isang basa na bagay, na nangangahulugan na natatakpan nito ang aking mga binti. Tumingin ako kay Langston at nagulat ako nang nakita kong basa na siya.
Paano nangyari ito?
“Uh, Langston… Mayroon ka bang sobrang damit o kung ano?”
Tumingin siya nang palipat-lipat sa paligid bago ilagay ang kahon sa lupa nang ligtas at kunin ang kanyang bag.
“Meron ako nito,”
At hulaan kung ano ito.
Ito ang kanyang CHICKEN SUIT