Kabanata 61 Ang Address
“Apat na buwan na akong nagpapalago ng nakakainis na balbas na ‘to-”
“EMILY!” Natanggal ‘yung earphone ko sa tenga ko. Sa mismong wire.
Ay, naku, hindi pwede ‘to!
Pinause ko ‘yung video ni Pewdiepie at umupo. “ANO?!”
Nakasimangot si Adam at tinuro ‘yung pinto ko, “Sabi ko sa’yo, huwag mong isara ‘yang pinto na ‘yan!”
“Hindi ko nga sinara!”
“Talaga?” Tanong niya nang may sarkasmo.
“Uh, oo nga, hindi naman nakasara eh!”
At totoo, hindi talaga. Nakasara lang nang kaunti ‘yung pinto pero bukas pa rin!
“Eh bakit hindi mo ako narinig?!”
“Nanood ako kay Pewdiepie!”
Tumingin siya sa screen ng laptop ko, bago nag-roll eyes. “Bading ‘yan, pramis.”
Nakasimangot ako, “May Marzia naman siya; ikaw ‘yung bading.”
“Naka-bra siya sa isa sa mga video niya.” Kitang-kita sa mukha niya ‘yung iritasyon.
Bakit ba may mga troll sa mundong ‘to?
“Nanood ka sa kanya?” Tanong ko.
“Hindi. Nag-react ‘yung Teen React sa isa sa mga vid niya, napilitan lang talaga ako.”
Napilitang manood kay Pewds?!
“Hindi mo naman kailangang sabihin ‘yan, alam mo? Ang dami niyang subscribers at saka, kahit wala ‘yung mga subscriber na ‘yun, astig pa rin siya.”
Nanlaki ‘yung mata niya at may kung anong sumilaw sa mga mata niya, “‘Yung mga nanonood lang naman sa kanya eh ‘yung mga may sira-sirang buhay at may mga problema sa buhay nila.”
Tinaasan ko siya ng kilay, “Katulad ko?”
“Katulad mo.”
Hayop.
Tumingin ako sa pinto sa likod niya para pigilan ‘yung pagpatak ng luha ko.
Nag-realize siya; at ‘yung realization na ‘yun ay ang unan ko.
Nanlaki ‘yung mata niya, “Teka, sinasabi ko lang naman ‘yung totoo, okay?”
Hindi ko na siya pinansin at kinuha ko na ‘yung laptop ko.
“Teka, pumunta ako dito para sabihin na handa na ‘yung almusal.”
Kinuyom ko ‘yung labi ko, isinara ko ‘yung laptop ko at tumayo. Habang naglalakad papunta sa kanya, nabangga ko ‘yung balikat niya at lumabas ako ng kwarto.
pagbaba ko ng hagdan, nakita ko si Fey at Felipe na nakaupo sa mesa. Nakahain na ‘yung almusal at may dalawang bakanteng upuan na may pagkain; para sa amin ni Adam.
Nagwave ako sa kanilang dalawa, “Magandang umaga!”
Tumango si Felipe habang nakangiti si Fey, “Hindi ko alam na maaga kang gumising, Em.”
“Nag-upload si Pewdiepie ng vid. Magiging mabait ako ngayon.”
Narinig ko ‘yung paghamak sa likod ko, “Good luck.”
Kinuyom ko ‘yung kamao ko, nanahimik ako at umupo sa upuan sa tapat nila.
“Oooh, tumahimik na ba ‘yung Ms. I-will-bicker-no-matter-what?” Nagpatuloy siya sa pangaasar niya habang nanatili ako sa lugar ko.
Walang magdadown sa akin. Nag-umpisa akong kumanta sa isip ko para subukan at harangan ‘yung boses niya.
“Iniisip ko kung anong nangyari sa kanya, Fey, bigla na lang nagpakabait.” Kinindatan ako ni Adam habang kinuyom ko ‘yung labi ko.
“Huh?” Tanong ni Fey, “Wala naman akong sinasabi.”
“OHHHHH!” Tumawa si Adam nang peke, “Sinasabi mo na HINDI niya kayang tumahimik? Tingnan mo siya ngayon!”
Totoo naman na hindi siya kausap ni Fey, sa katunayan, siya lang ‘yung nagsasalita o kahit gumagawa man lang ng ingay ngayon.
Huwag, Em, pinapainit ka niya.
Humarap si Adam kay Felipe, “Alam mo kung ano ‘yung problema sa mga taong katulad niya? Ginagamit nila ‘yung silent treatment para magmakaawa ‘yung isang tao na patawarin sila!” Nag-umpisa siyang tumawa, “Hindi mangyayari ‘yung ganyang kalokohan!”
Bahala na nga.
“So,” Umuubo na si Fey nang awkward, “‘Yung-”
“Ano ba gusto mong sabihin ko, sorry?!” Tanong ni Adam sa akin nang walang modo. “Sabi ko sa’yo, HINDI ‘YAN MANGYAYARI.”
Hindi pa rin siya kinakausap, hinarap ko si Fey. “So? Ano ‘yung pag-uusapan natin?” Nag-umpisa akong kumain ng bacon.
“Nakita na namin ‘yung kinaroroonan ng mga magulang mo.”
“Ano?!” Napahinga ako nang malakas, “Oh my gosh!” Naramdaman ko ‘yung mga luhang nag-uumapaw sa talukap ng mata ko. Nahanap na nila! “Ano ‘yung address nila?!”
“Hindi namin pwedeng sabihin nang malakas…” Bulong ni Felipe nang mahina.
“Ano?” Tinaasan ko siya ng kilay. Tumayo ako, nagmadali ako paakyat sa kwarto ko at kumuha ng papel.
Shit, nasaan ‘yung ballpen ko?
Pumunta ako sa drawer ko at hinanap ko ‘yung ballpen.
Hinanap ko ‘yun sa bag ko.
‘Yung cabinet ng underwear ko.
‘Yung banyo ko.
‘Yung closet ko.
Ah!
Bumalik ako sa kama ko at yumuko, “Nakuha ka din.” Kinuha ko ‘yung ballpen na nakahiga sa sahig.
Nagmadali akong bumalik pababa sa mesa, binagsak ko ‘yung ballpen at papel sa harap ni Fey. “Isulat mo; gamitin mo ‘yung mga code.”
Tumango siya, nilabas niya ‘yung phone niya, at nag-umpisa nang magsulat.
Hindi ko alam na ‘yung bobong code na ‘yun ay makakatulong sa kahit sino o kahit ano… Binabawi ko na ‘yun ngayon.
“Eto.”
Lumunok ako, kinuha ko ‘yung sarili kong phone at tinitigan ko ‘yung mga numero sa harap ko.
Ito na ‘yun. ‘Yung katotohanan.
Nag-umpisa akong mag-type ng mga numero. Wala pang isang minuto, nasolve ko na ‘yun.
At hindi ako makapaniwala na nandoon sila.