Kabanata 16
“Uy… lahat ba sa mesa, nasa swimming team?” tanong ko kay Kate habang papunta kami sa library nung lunch. Hinawakan niya ako bigla nung katatapos ko pa lang kainin yung huling piraso ng chips, nag-aalala pa siya na mamamatay siya kapag hindi niya naipasa yung mga pinapagawa sa kanya.
“Well, karamihan sa kanila,” sagot niya na parang ewan. Akala ko may sasabihin pa siya pero wala, kahit nung nakapasok na kami sa library.
“Sino-” Bigla akong tumigil para saluhin yung libro na muntik na tumama sakin. “Sino yung hindi kasali sa team?” Binalik ko yung libro sa pinagkainan niya.
“Si Alex,” panimula niyang i-list off habang tinitingnan yung mga cover ng libro, “Si Cameron at Michael, naglalaro ng basketball.”
“Paano naman si Owen?”
“Anong meron sa kanya?” Sinulyapan niya ako.
“Nasa swimming team ba siya?” Sa puntong to, bumalik na naman siya sa pagtingin sa mga libro.
“Dati, pero hindi na.” Naglakad pa siya, nakatingin pa rin sa mga cover ng libro. Bigla akong nacurious kung bakit hindi na siya kasali sa team kasi nakita ko naman siya lumangoy. Ang galing niya pa nga.
“Aha! Eto na hinahanap ko.” Narinig ko si Kate na sumigaw mga isang metro o dalawa mula sa kinatatayuan ko.
“So, nahanap mo na yung hinahanap mo?”
“Oo eh.” Ngumiti siya sakin hawak yung libro sa kaliwang kamay niya na para bang napaka-precious na medalya. “Tara na,” sabi niya.
Pagkalabas ng library, nagpunta kami ni Kate sa Biology para magsimula na siya sa mga pinapagawa sa kanya.
“Kailangan mo ba ng tulong?”
“Hindi na… o, at least, sinisikap ko.” Bulong niya habang nagsusulat sa papel niya. Nilabas ko yung papel ko at sinimulan basahin kung may mali. “Ooh! May naalala ako.” Biglang humarap sakin yung upuan niya.
“Oo? Ano yun?” Tanong ko sa kanya, nakakunot yung kilay ko.
“Ikakasal yung tita ko this weekend tapos hindi ako bet yung karamihan sa mga kamag-anak ko, so pwede ka bang pumunta?” Pagmamakaawa niya, nakabuka ng konti yung labi niya. “May extra dress ako na bagay na bagay sayo tapos tutulungan kita sa kahit anong gusto mo,” dagdag niya.
“Hindi ko alam eh…” Minsan, takot ako sa maraming tao – o baka sosyal lang ako.
“Please, pag-isipan mo.” Sabi niya, tapos binigyan niya ako ng malungkot na tingin.
“Oo na.” Sinubukan ko siyang ngitian pero bigo ako, mukha tuloy akong nakasimangot. Sayang ang pagsubok.
**********
Tapos na ang klase at pinipilit ako ni Kate na samahan siya buong araw. Maganda naman yung idea pero, yung kami magsasama sa bahay ko, parang imposible, dahil sa sitwasyon ko ngayon. Kaya nag-imbento ako ng dahilan, na sana paniwalaan niya, na kung bakit dapat sa kanya kami tumambay. Natuwa naman ako na gumana pero naguguilty ako na hindi ko sinabi yung totoo. Nagdesisyon ako na isasantabi ko muna yung pagsasabi sa kanya ng sitwasyon ko sa pagtira.
Huminto kami sa driveway ni Kate at naglakad papunta sa pintuan.
“Gusto mo manood ng sine?” Tanong niya pagka-upo ko sa kama niya.
“Oo.” Sagot ko, gumalaw ako para masandal yung ulo ko sa headboard.
Lumipat siya para kunin yung laptop at charger niya sa lamesa at nilagay sa kama.
“Ihanda mo yung laptop habang kukuha ako ng snacks.” Alok niya, lumabas siya ng kwarto pero bumalik din agad habang naghahanap ako ng magandang pelikula. “Gusto mo ba Lays, Simba, o Doritos?” Tanong niya, nakasiksik sa may pintuan.
“Simba.” Sagot ko.
“Anong flavor?”
“Kahit ano.”
“Sige.” Nagmadali siya at narinig ko yung pag-apak niya pababa sa hagdan.
Magsisimula na sana ulit ako sa ginagawa ko, nang bumukas yung pinto.
“Uy Kate, a-” Biglang tumigil si Abel sa kalagitnaan.
“Lyra?” Tanong niya, nagulat siya.
“Uy Abel.” Kumaway ako ng konti at ngumiti.
“Uy.” Ngumiti siya, lumitaw yung mga dimple niya.
“Nasaan si Kate?”
“Andito ako. Ilang beses ko bang sinabi sayo na huwag ka papasok sa kwarto ko nang walang permiso?”
“Nakalimutan ko na.” Umikot yung mata niya bago siya nagmukhang seryoso. “Pwede ba kitang makausap?”
Tumingin siya sakin na para bang humihingi ng permiso at nginitian ko siya bilang oo. Ginawa niya yung kamay niya na mag-follow si Abel at agad silang lumabas.
Bumalik si Kate na may hawak na iba’t-ibang snacks, katatapos ko lang pumili ng random movie.
“Akala ko gusto mo ng higit pa sa chips kaya nagdala ako ng ibang snacks na mapagpipilian mo,” sabi niya, tapos nilagay niya yung mga pakete sa sky blue na kumot niya.
Nanood kami ng ilang pelikula bago ko na-realize na mag-aalala na siguro si Nanay ni Dustin kung bakit hindi pa ako nakakabalik. Pagkatapos ng ikatlong pelikula, sinabi ko kay Kate na kailangan ko nang umuwi at nag-offer siya na ihatid ako, na tinanggap ko.
Hinatid ako ni Kate sa kung saan niya akala nakatira ako, kaya naglakad ako papunta sa pinto at nagkunwari na binubuksan yung pinto. Tumigil ako sa ginagawa ko nang narinig ko siyang umalis, tapos nagpunta ako sa bahay na tinitirhan ko ngayon.
Pagkapasok ko, naligo ako bago ako dumiretso sa pool para magbasa ng libro na kabibili ko lang. Masyado akong distracted sa hawak kong libro kaya hindi ko nakita na may tao sa pool hanggang sa narinig ko yung tunog ng pag-splash.
Tumingin ako sa libro at nakita ko si Owen na lumalabas ng pool. Yung liwanag na nanggagaling sa pool, naglalaro sa mukha niya, nililinaw yung mataas na cheek bones niya at yung perpektong pagkaka-hugis ng mukha niya. Nilagay niya yung kamay niya sa gilid ng pool, nakaharap pababa yung palad, at lumabas siya.
Nag-flex yung mga muscle niya sa bawat galaw niya at hindi ko inakala na yung pag-iwas ng mata ko ay magiging mahirap na gawain.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatingin sa kanya bago nagtagpo yung mga mata niya. Kinuha ko yung libro na nakalagay sa mesa at tumalikod ako para bumalik sa loob.
“Ano? Tapos ka nang tumingin?” Narinig kong sigaw niya mula sa likod, at tumayo ako ng matagal bago ako lumingon.
“Hindi ako nakatingin.” Nagsinungaling ako, nanginginig yung boses ko.
“Oh, hindi. Of course not,” inangat niya yung kamay niya, sa unibersal na deklarasyon ng pagsuko, “Gusto ko lang mang-imbento.”
Nasaktan na ako, kaya hindi ko na kailangan ng anumang dahilan para lalo akong magmukhang miserable. Tumingin ako kay Owen pero hindi ko kayang panatilihin yung eye contact sa kanya dahil sa mayabang na ngiti sa mukha niya, kaya tumingin ako sa bahagyang ibaba ng mga mata niya.
Magsasalita na sana ako, pero naglakad siya, lumapit sakin. Yung mga hakbang niya ay sinasadya, parang isang mandaragit na nakatingin sa biktima niya mula sa malayo at kinakalkula yung perpektong paraan para isagawa ito.
Lumapit siya sakin na nag-iwan lang ng ilang pulgada na pagitan sa amin at kinabahan ako. Hindi pa kami nagkalapit ng ganito, at walang katapusan yung mga posibilidad ng gagawin niya, at nakakalungkot, walang kahanga-hanga.